Download App

Chapter 3: Chapter Two

12:30 pm

Nandito kami ngayon sa cafeteria. We made our own cafeteria for us to be comfortable. Ito ang kauna-unahang campus bago napatayo ang main campus na nasa baba. Too bad they didn't renovate the place dahil patapon nalang din naman daw kasi kami.

We're just a waste of money.

Tinitigan ko lang ang pagkaing nasa harap ko. Ewan ko ba ba't nawalan ako ng gana, siguro dahil kaharap ko si Karma.

Napilitan lang naman akong makisabay sa kanila sa pagkain dahil pilit akong hinihila ni Shiro at Aki. Palibhasa may gusto sila kay Karma. Nadamay pa ako.

"Nandito lang pala kayo." Agad kong iniangat ang tingin ko upang makita kung sino ang nagsalita. Si Sir Shunsuke pala at naka cling sa mga braso niya si Miss Rio.

May dala siyang isang napakalaking bag habang nakakapit pa rin si Miss Rio sa kanya. Sana naman tinulungan niya nalang magbitbit si Sir kesa magpaka clingy siya. Tsk not a good example to the students.

"Sir ano pong laman ng bag na yan?" Tanong ni Shiro na katabi ng katapid kong nagsimula namang mang-asar. Nakaturo ang daliri niya sa bag habang nagt-twinkle pa nga ang mga mata.

"Mga baril at kutsilyo. Nabigyan na namin ang iba niyong mga kaklase at kayo nalang ang hindi pa" sagot ni Sir Shunsuke pagkatapos niyang buksan ang bag. "Pero wag kayong mag-alala, gumagana lang yan kay Tatsumi. Hindi kayo mapapahamak diyan." Dagdag pa niya habang isa-isang nilalabas ang mga sandata.

"Bakit di nalang yung totoong baril at kutsilyo ang gamitin natin?" Tanong naman ni Aki habang kumakain.

Kita mo to, kadami-daming nasa bibig pero nagsasalita pa rin. A girl who has no manners. Isa sa rason kung bakit hindi pa siya nagkaka boyfriend hanggang ngayon.

"Aki my dear, bukod sa hindi yan i-epekto sa target niyo, ay para na rin sa kaligtasan niyo. Baka mamaya kayo pa ang magpatayan." This time si Miss Rio na ang nagsalita pero as usual naka cling pa rin siya kay Sir. Hay buhay.

"Saka may taglay yang mga chemicals na tanging gumagana lang sa mga superhuman creatures." Dagdag pa nito.

"Ah, okay!" Sagot naman ni Aki saka nagpatuloy sa pagsubo.

Nakita ko namang ngumiti si Miss Rio kaya nga lang, kabaligtaran nito ang reaksyon ni Sir Shunsuke-- o baka ganyan na talaga ang ekpresyon niya.

"Oh sige, balik na kayo sa classroom niyo. 'Wag niyong kalimutang sanayin ang mga sarili niyo sa pag gamit nito para maasinta niyo ng tama ang target niyo. Bye!"

Tumago naman kami at kumaway naman ang mga kasama ko sa table habang nakangiti.

**

1:30 pm

"S-Stand up!" Sigaw ni Nagisa habang nakatutok ang baril niya sa direksyon ng kakapasok pa lang na Sir Tatsumi.

Tumayo kami sa mga kinauupuan namin at ginaya ang ginawa ni Nagisa. Sabay sa pagkasa ng baril, at pagtutok nito kay Sir Tatsumi.

"3, 2, 1"

Kasabay ng huling bigkas ni Nagisa ang pagsunod-sunod na pagpapaputok namin sa direksyon ni Sir Tatsumi.

"Wow. Nice greeting ha. Good Afternoon Class!" Masigla niyang bati habang kumikilos ng napakabilis.

So it's true. Mukhang mahihirapan kami nito. Kaya naman pala hindi siya mapatay-patay ng mga pro assassins at talagang ang laking pera ang nakapatong sa ulo niya. Narinig ko kasi kanina, 10 billion pesos ang mapupunta sa mga taong makakapatay sa kanya. Sounds great.

Nakita kong kinuha niya ang attendance sheet habang patuloy pa ring kumikilos ng napakabilis. Wait, may plano ba siyang mag attendance habang ina assasinate siya?

What. The. Fuck.

"Aki Miyamoto" tawag ni Sir Tatsumi habang nakangisi.

"Hai!" Sagot naman ni Aki na focus pa rin sa pagbabaril kay Sir.

"Kaedo Shiro"

"Hai!"

"Akabane Erza"

"Hai!" Sagot ko habang inaasinta pa rin siya. Nagsisimula na akong mapagod. Ang hirap niyang hanapan ng blindspot.

"Stop!" Sigaw ni Nagisa ng matapos ng mag attendance si Sir Tatsumi. Hutangina nakakapagod mamaril.

Nakita kong hingal na hingal ang lahat habang si Sir ay nakatayo pa rin sa harap suot ang matatamis niyang ngiti.

"Ang dali niyo palang matuto. Well, I'm very happy na kasama ako sa pagtuturo sa inyo ng assassination. Pero isa lang ang gusto ko. Huwag niyong saktan ang isa't-isa at ang mga taong inosente. Maliwanag?" Sabi niya at agad naman kaming tumango.

Assassination? Pero para sa kabutihan? Weird.

"Okay, so let's start our class." Sumulat siya sa board at nang matapos siya ay nabasa namin ang mga katagang 'Mathematics'.

Now, I'm starting to have many reasons why I should hate this creature.

"Hindi naman ibig sabihin na papatayin niyo ako ay hindi na kayo mag-aaral. Pwede niyo kong patayin anytime, wag lang habang nag didiscuss tayo." Sabi niya pa kaya naman napatango-tango na lang din kami.

"Bago niyo ko maging target, magiging teacher niyo muna ako." Dagdag niya pa habang nakangiti pa rin.

Ang ngiti ni Sir Tatsumi, ngiting tunay. Kaya siguro hindi ko namalayang napangiti na rin ako.

"Nga pala, Erza!" Tawag niya kaya napatingin ang buong klase sa direksyon ko.

"Nani?" I asked.

"Please wear your uniform. Gusto kong makita kayong nakasuot ng mga unipormi niyo habang ina-assassinate ako. Ayos ba?" Napatango na lamang ako.

Hindi naman siguro masamang pagbigyan ang target namin diba? Isa pa, miss ko na ring magsuot ng uniform.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login