Download App

Chapter 13: Cross

Chapter 13: Cross 

Reed's Point of View 

Mabilis kong dinala si Miles sa ospital matapos siyang mabunggo ng sasakyan. Under May katawagan daw kasi ang driver at hindi kaagad nakita na may tao pala sa harapan niya. Napaka hayop talaga ng mga tao sa panahon ngayon.  

Kaya talagang dapat iniingatan mo 'yung sarili mo dahil maraming siraulo sa mundong 'to. 

Tulak tulak ko ang stretcher kasama ang ilan sa mga doctor. Tiningnan ko ang mukha ni Miles. Mayroon siyang sugat sa noo at ilan sa mga gasgas sa kanyang tuhod at siko.  

Ramdam ko pa rin 'yung sobrang kaba at takot sa puso ko. 

Matapos ko kasi siyang makitang nakahiga sa kalsada ay tila parang nablanko ang utak ko't hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang na-deja vu ako pero sa kakaibang sitwasyon? 

Palaging napapahamak 'yung taong napaka importante sa 'kin. Nahihirapan ako, para akong mababaliw kakaisip. 

"Miles. Please! Wake up!" Sabay hawak sa pisngi niya. 

May tumutulong dugo sa bandang noo niya. 'Yung sugat naman niya sa tagiliran ay mas lalong lumalala at nakikita ko ang basa nito sa kanyang damit. 

Nangunot nag noo ko sa sobrang galit. Nandoon na kasi ako pero hindi ko pa nagawang mailigtas si Miles sa pangalawang pagkakataon. Nakakaasar!

Tumigil ako sa pagtutulak ng stretcher noong pahintuin na ako ng mga doctor at nurse sa labas ng emergency room.  

Umupo ako sa waiting area habang nanatili lang ang pagkuyom ng kamao ko. Nagtakip ako sa mukha gamit ang dalawang kamay habang nakapatong ang siko sa may tuhod ko. Napahilamos din ako't huminga nang malalim.  

Bakit? Bakit? Bakit? Bakit?

"BAKIT?!" Galit na galit kong sigaw kasabay ang pagsuntok ko sa katabing upuan dahilan para makagawa ito ng ingay. Napatingin 'yung mga taong malapit sa akin ngunit tumungo lang ako para tingnan ang sahig. 

Is it really necessary to her life to put herself in danger? Bakit palaging siya 'yung napupunta sa mga sitwasyon tulad ng ganito? She doesn't deserve this.

"Sir, tinawagan ko na po ang magulang ng pasiyente at papunta na raw po sila rito ngayon" saad ng nurse sa akin. Tumango lang ako bilang pagsagot kaya umalis na rin ito pagkatapos. Buti nga hindi na niya napansin 'yung pag-iyak ko, eh? O baka nagpatay malisya lang.  

Tumayo ako at pumunta sa labas kung nasaan ngayon 'yung lalaking nakabangga kay Miles. Dahan-dahan akong naglalakad hanggang sa marating ko ang dapat na puntahan, kinakausap ng mga police ang lalaking iyon. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha nito.  

Naninilim ang paningin ko sa kanya. 

Ang totoo niyan ay balak pa sana niyang mag hit and run pero dahil sa mayroong police na nakakita ay nabigo ito. Bumaling ang ulo ng lalaking 'yon sa akin, at dahil sa nakikilala ko ang taong ito ay mabilis na nagsi-akyat ang dugo papunta sa ulo ko, at ramdam ko talaga na nilalamon ako ng galit ngayon. 

Hinarap ko siya sa akin matapos kong makalapit sa kanya, pagkatapos ay malakas ko siyang sinapak dahilan para matumba ito at mapahiga sa sahig. "T*ngina mo!"  Sinuntok ko pa ulit siya. Kumpara kanina ay mas malakas na itong ginawa ko. Dumudugo na ang ilong niya at nakikita ko na agad 'yung pasa  sa pisngi niya. 

Pinigilan na ako ng dalawang police dahil sa walang tigil na pananapak ko. "Sir, tama na po 'yan. Pwede rin namin kayong kasuhan sa ginagawa mo." Suway ng isang police sa akin dahilan para marahas kong inalis ang hawak nila sa braso ko. 

Dinuro duro ko si Christian. Oo, si Christian ang may kagagawan kaya nandito nanaman sa ospital si Miles.

Tinapunan ko siya nang masamang tingin. "Una 'yung bestfriend ko! Ngayon si Miles naman?! Magbabalak ka pang mag hit and run! Wala ka ng nagawang maganda, gag*!"  pag emphasize ko roon sa mura ko. 

Nginisihan lang niya ako kaya nakaramdam ako ng pagkapikon. 

Dumating na ang mga kaibigan ko pati ang magulang ni Harvey at Miles. Bumaba sila sa kotse at kaagad akong nilapitan. 

"Reed!" nag-aalalang tawag ni Mirriam sa akin. Nagulat naman si Kei pagkakita pa lang kay Christian, dahilan para ilagay ni Harvey si Kei sa likod niya. 

Huminga ako nang malalim. "Ito tandaan mo... Kapag may nangyaring hindi maganda kay Miles... Gagawin ko ang lahat para mabulok ka sa kulungan!" Babala ko at dinaanan ng tingin ang mga police bago umalis sa harapan nila. 

Dinala naman ng mga police si Christian sa loob ng Police car para ipunta sa prisinto. 

***  

TINANONG KO ANG isang kakalabas na nurse sa emergency room para kumustahin si Miles. Nasabi naman nito na chine-check pa raw nila ang katawan ni Miles kaya maghintay raw kami ng mga ilang minuto para sa resulta. Umupo na lang ulit ako sa waiting area at hinintay na lumabas ang doctor. 

Napasuklay si Tita Rachelle ng buhok sa sobrang stress. "Ewan ko ba. Pero parang natatakot na rin akong iwanan dito si Haley." Panimula ng ina ni Haley kaya napatingin ako sa kanya. Naluluha siya at medyo napapasinghot. Kagagaling lang din yata sa iyak dahil namumula ang ilong niya. 

"Palagi siyang napapahamak." Napapailing si Tita Rachelle habang sinasabi niya iyon kaya inakbayan siya ni Tito Joseph para medyo mahimasmasan siya. 

Ibinaba ni Tito Alexander ang tingin sa akin. "Ikaw ang huling kasama ni Haley, 'di ba?" Tanong niya na nagpatungo sa akin. I feel bad for doing nothing. It's my fault na nandito nanaman siya.  

Umupo sa tabi ko si TIto Alexander at ipinatong ang kamay sa ulo ko. "I'm not saying it's your fault, okay? In fact, it's my fault because naroon kayo sa residency pero hindi ko kayo nagagawang protektahan dahil sa busy ng trabaho." Bumuntong-hininga siya at bumaling ang tingin para tingnan ang mga kaibigan ko na nakaupo lang din sa harapan namin.  "Let's just pray for her safey." Dugtong niya kaya umiwas ako ng tingin. 

Dalawang oras pa noong lumabas ang doctor mula sa Emergency room. May mga mantsa siya ng dugo ni Haley kaya pinagpawisan ako. Tumayo kaagad si Tita Rachelle para tanungin ang doctor. "Kumusta po ang anak ko? Wala naman pong malalang nangyari sa kanya, 'di ba?" Sunod-sunod na tanong niya na medyo naluluha-luha pa. 

Inalis ng doctor ang mask niya at seryoso kaming tiningnan isa-isa. Roon pa lang ay bigla na akong kinabahan. Lumakas ang tibok ng puso ko. Ito rin 'yung reaksiyon ng doctor ng mga magulang ko noong ibabalita na niya 'yung masamang balita. 

Lumunok ako ng sarili laway at marahan na umiling-iling. Nabibingi ako at parang sumasakit ang ulo ko. 

No, huwag naman mangyari 'yung iniisip ko. 

Nabuga siya ng hininga at nginitian kami. "Don't worry, she is now in a stable condition, she's safe" Nabunutan ako ng tinik pagkarinig ko pa lang niyon. Babuhayan kami sa naging balita ng doctor kaya lumawak ang ngiti namin. 

"Pwede na po ba namin siyang madalaw doc?" sabik na tanong ni Jasper noong makaabante.

"For now, I am afraid not. You should wait for more than 3 hours because we have to give her some medical procedure for her deep wounded forehead." napahawak naman ako sa gilid ng noo ko. Ngayon pareho na kaming may peklat. "I will just let you know if it's okay to visit her" 

Tumango ang magulang ni Miles. "Thank you, Doc."  tumango lang din ang doctor bago umalis. Napaupo si tita Rachelle sa upuan at naiyak na. "Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung pati si Haley mawawala... Buti, buti ligtas siya." Paghagulgol niya. Umupo si Tito Joseph sa tabi niya para i-tap ang shoulders niya. 

"I'm glad." Labas sa ilong na sabi ni Tita Cory na animo'y nabunutan din ng tinik. Kanina pa kasi siya tahimik. 

Tiningnan ko ang emergency room. "Hihintayin nanaman kita ng ilang araw..." 

*** 

DALAWANG ARAW ang lumipas at hindi pa rin siya nagigising. Salitan ang pagbabantay namin kay Miles pero kadalasan ay ako ang nagbabantay para masiguro na walang gagalaw sa kanya o ano. At saka gusto ko rin kasi na ako ang unang makikita ng mga mata niya pagkagising. 

Tinitingnan ko ang natutulog na si Miles. Mahimbing ang tulog niya kaya napangiti naman ako.

"Ang bad mo talaga, ano? Palagi mo na lang akong pinaghihintay." Pakikipag-usap ko sa kanya kahit alam kong hindi naman din siya sasagot. May nagbukas ng pinto kaya napaharap ako roon pagkatayo ko mula sa pagkakaupo sa silya. 

Pumasok si Tita Rachelle at Tito Joseph. "Kami na muna ang magbabantay kay Haley, magpahinga ka na muna" sambit ni Tita Rachelle na may dala-dalang supot kaya naglabas ako ng hangin sa ilong at tinanguan ang magulang ni Miles. Kinuha ko ang mga gamit ko't naglakad palabas sa private room niya. 

Napahinto lang noong magsalita si Tito Joseph. "Thank you for always taking care of my daughter." Pagpapa-salamat niya sa akin kaya ngumiti ako't lumingon sa kanila. They're both smiling at me. 

"Thank you po for raising her." salita na nagpaluha kay Tita Rachelle. Umalis na lang ako sa kwartong iyon at bumaba gamit ang elevator. Sa ground floor na ako bumaba kung nasa'n ang parking. 

Hinanap ko ang kotse ko't sumakay pagkatapos. Imbes na magpahinga ako ay dumiretsyo ako sa dating tambayan ni Haley. Ang Green park. 

Pinaharurot ko na ang sasakyan at dumiretsyo roon. 'Di naman nagtagal ay nakarating din ako sa dapat na karoonan. 

Nag park lang ako't pumasok sa loob para pumunta sa place kung nasa'n ang children's play ground. Dito ako umupo sa bench kung nasaan malapit ang duyan.  

Natawa na lang din ako bigla nang maalala 'yung unang sapak ni Haley sa akin sa lugar na ito. Pero hindi ko lang alam kung naaalala pa niya iyon noong magkita muli kami sa supermarket kung saan naganap ang holdap-an-- Sa Linold's Supermarket. 

Nag crossed legs ako't inangat ang tingin. 'Di namamalayan na malapad na ang aking pagngiti. 

1st year highschool ako niyon noong makita ko s'ya rito. 

Flash Back:

Nagtatago ako sa likod ng puno at nakatingin lang kay Haley, hindi ko alam kung paano siya kakausapin at lalapitan dahil nahihiya ako, matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita at nag-uusap. 

Nandoon lang din siya sa swing at nagpapaduyan mag-isa. 

Huminto siya sa pagduyan niya't napatayo.

"Nakakainis!" Iritable niyang sigaw. Lukot na lukot nanaman 'yung mukha. Just like the old times. Matagal ko na siyang nakikita rito sa Green park. Sadyang hindi lang talaga ako makalapit sa kanya dahil kapag nakikita ko ang babaeng iyon ay palagi na lang siyang badtrip. Mahirap siyang i-approach dahil anytime, pwede siyang mamato ng kung ano ang makikita niya.  

Kumuha na muna ako ng lakas na loob. Matagal na 'kong nagtatago rito sa puno. Ayoko ng palampasin ito. 

Lumabas ako sa pinagtataguan ko't itinaas ang kamay ko para batiin siya. "H-hey" hindi niya ako tinignan pero alam kong narinig niya ako. "Uhm..."

Inangat niya ang tingin niya't binigyan ako ng malamig na tingin. Umabot iyon hanggang sa spinal cord ko. Tumaas din 'yung balahibo ko.

"Can you please stay away from me? Scumbag Phony" sabi niya habang nakataas ang kilay.  

Dahil sa sinabi niya ay napikon ako. Grabe! Ako na nga itong uma-approach sa kanya, gaganituhin pa niya ako?! "Wala ka pa ring pinagbago! Mas lalo ka lang lumala kaysa sa dati! Sinusungit sungitan mo ako akala mo naman ang ganda mo! Eh, ang pangit mo naman! PANGIT--"  

Tila para siyang si The Flash kung makapunta siya nang mabilis sa harapan ko. "What--" Binigyan niya ako ng uppercut kung saan talagang napatalsik ako sa ginawa niya. 

Napahiga ako sa lupa at sa ngayon ay kahit ramdam ko ang sakit sa panga ko ay nakatitig lang ako sa asul na kalangitan. Wow, clouds... 

"I don't know who you are nor I care. But stop saying ugly when you yourself couldn't even look at the mirror. You're disgusting." At inapakan niya ang junjun ko bago umalis. Halos mangiyak ako sa ginawa niya pero hinayaan niya ako't tuloy-tuloy lamang sa paglalakad niya. 

"Reed!" Hindi ko pinansin 'yung mga papalapit kong kaibigan. Pinagpapawisan ako sa sobrang pamimilipit ko sa birdie ko. Ang sakit!

Nakarating na sila kung nasa'n ako. Inaalalayan ako ni Kei tumayo. "What happened to you?" Nag-aalalang tanong niya. 

"Pare, para kang tinulian, ah?" Panimula ni Jasper at humalakhak. "Mayroon bang nang-apak diyan? Huh?" Inis kong tiningnan si Jasper na inaasar pa ako kaya agad siyang napaatras. 

"Hindi ka marunong mag-ingat ng betlog. Sayang kinabukasan." mas lalong napahalakhak si Jasper dahil sa sinabi ni Harvey. Kapag ako talaga gumaling dito, humanda lang sila sa akin. 

"Harvey." Sita ni Kei. 

Sinulyapan ko na lamang ng tingin 'yung lugar kung saan pumunta si Haley.

Naiinis ako sa kanya noon at wala na sanang balak na makita pa siya kaso nang mapadaan ako sa Green park by accident dahil nagkaroon kami ng shooting para sa theater activity ay nakita ko si Haley na umiiyak. Same place, same spot. 

She's sittin' on the swing, doing nothing but cry. 

I realized na maaari talaga siguro na mawala ako sa utak ni Haley because of her mind with full of chaos. I'm not mad at her, but I decided to forget her and never see her again. 

Three years have passed. Fate brought us to meet again.

Nakita ko nanaman siya sa 'di inaasahang pangyayari. 

"Miss, I didn't do that in purpose! Swear! Cross my heart!" Paninigurado ko na may pagtaas pa ng kanang kamay na parang nanunumpa. 'Tapos ginawa kong heart shape 'yung kamay ko kaharap ng aking dibdib. Nagmukha akong tanga!   

Sa Supermarket ng Linolds. 

Masama lang siyang nakatitig saakin habang pulang pula pa rin ang mukha. Tumayo siya pagkatapos ay tinaliman ako ng tingin. "Reed, huh?"  

At dito ulit nagkrus ang landas naming dalawa. 

End of Flash Back:

Tumunog ang phone kaya kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Nakahiga na ako ngayon sa bench at nakatitig lang din sa cloudy na kalangitan. 

Binuksan ko ang cellphone at nakita ang pangalan ni Tita Rachelle.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at sinagot ang tawag. "Tita. Hello po?" 

[Reed! Gising na si Haley] Bungad ng masayang masaya na si Tita Rachelle. Nanlaki ang mata ko at mabilis na napatayo.

"Papunta na po 'ko!"  at in-end ko na 'yung call para pumunta sa sasakyan ko't makarating na sa ospital. Pero sh*t! Ang malas ko naman, oh? Ngayon pa na-traffic! Bumusina ako nang bumusina

"Ano ba 'yan!"

"Ano'ng nangyayari?! Bakit hindi gumagalaw?!"

Reklamo ng mga tao habang nakahawak lang ako sa noo ko. 

*** 

HINGAL NA HINGAL kong binuksan ang pinto at naabutan ang mga kaibigan ko sa kwarto ni Miles. At ang ibig lang sabihin no'n ay ako ang nahuli. Damn. 

"Ang tagal mo p're, dinaig mo pa 'yung pagong." biro ni Jasper kaya sinimangutan ko ito.

Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto. "Sensya na, ah? Hindi ko naman kasalanan kung na-traffic ako, eh?" inis na sabi ko saka inilipat ang tingin kay Miles. 

Matamis siyang ngumiti kaya lumapit na rin ako sa kanya. Nagpameywang saka siya nginisihan.

"Welcome back, Miles.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login