Download App

Chapter 3: Chapter 2 - So We Meet Again

A/N: Sehria pronounce as Se-ri-ya

Lei's POV

Kasalukuyang nakaupo ako sa may bench kasama sina Fina at Glessy. Nanunuod kami ngayon ng practice ng soccer team kung saan kasali si Austin.

May praktis na naman ng basketball ang boyfriend ko pero dahil bwisit pa din ako sa kanya, hindi ko siya i-susupport. Walang hiya siya! Hindi man lang magtext o tumawag para suyuin ako. Tse! To the the moon and back!

"Mag-freeze ka! Mag-freeze kaaaaaaa!" Sinusubukan ko kung gagana ba yung powers ko gaya kahapon. Panay ang pagkumpas kumpas ko pa ng kamay at tinuturo ang mga estudyanteng nagtatakbuhin sa soccer field pero wala namang nangyayari. Gumagalaw pa din sila.

Scam! Anong powers powers? Takas lang ata talaga sa mental yung dalawang lalaki kahapon. At ako naman masyadong uto-uto. Wala naman ako sa movie o sa libro para magkaroon ng kapangyarihan. Reality check tayo, self.

"Ano nangyari diyan?" Narinig kong tanong ni Glessy kay Fina. 

"Ewan. Baka nakain ng ibon ang utak. May umatake kasi sa amin kahapon na mga itim na ibon. Pagbalik niya sa amin ganyan na. Kung anu-ano ang pinagsasasabi. May powers daw siya," paliwanag ni Fina. 

Tinignan ko sila ng masama nang sabay nila kong pagtawanan. 

"Freezeeeeeee!" Duro ko sa kanila. Lalo lang sila naghagalpakan ng tawa.

Oo na, mukha na kong baliw. Badtrip kayo boy blondie at boy blue eyes!

Sabagay. To see is to believe nga naman. Kahit ilang beses ko i-kwento sa mga kaibigan ko ang mga nasaksihan ko kahapon, kung hindi naman din nila nakita, hindi talaga sila maniniwala. Isa pa, baka nga nagde-day dream lang ako kahapon.

"Who's that blonde guy? Ang gwapo naman!" bulalas ni Glessy. May tinuro siya sa soccer field at agad ko namang sinundan yun.

Blonde guy.

Napakurap kurap ko ng ilang beses. Gusto kong makasiguro kung tama ba ang nakikita ng mga mata ko.

Siya nga!

Nakatayo si boy blondie sa may soccer field kasama ng mga teammates ni Austin. Hindi ako maaring magkamali. Sa tingkad ba naman ng kulay ng buhok niya hindi pwedeng hindi ko siya makilala.

"Siya yung kahapon! Yung kinuwento ko sa inyo na kayang gumawa ng kidlat sa kamay niya!" Napapitik pa ko sa daliri ko. Kinukumbinsi ko sina Fina but they just look at me flatly.

Watch and learn, my friends.

Napatayo ako dahil sa galak. Papatunayan ko sa kanila na totoo ang sinabi ko. Totoo ang mga superpowers!

"Hoy! Saan ka pupunta, Lei? Huwag mong guluhin ang praktis nila." Panay tawag sakin ni Glessy pero nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad patungo sa soccer field. 

"Boy blondieeeee!" tili ko.

Napalingon sa direksyon ko hindi lang si boy blondie, pati na rin sina Austin at mga teammates nito. Ganda ko kasi!

"Ginagawa mo dito? Manggugulo ka na naman!" bulyaw sa akin ni Austin. This guy got no chill. I'm no troublemaker.

"Eh? So we meet again, huh? We're schoolmates, kid?"

Kid. 

Sinasabi ko na nga ba! Siya yung kahapon. Schoolmates nga namin siya pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita? Maliit lang naman ang school namin.

"Azure's, right. I might see ya here."

Inglesero naman this boy. I'm bleeding.

"Magkakilala na kayo?" tanong ni Austin. 

"Not really, I just help her yesterday," diretsong sabi nito. Kumindat pa siya sa akin. Pagkatapos ay mataman niya kong tinignan. The way he look at me sends shiver down my spine.

"Don't tell anyone about, US." He whispered emphasizing the word 'us'. Hindi ko namalayan na ang lapit niya na sa akin. Napatikom ako ng aking labi.

Napatingala ako sa kanya. Matangkad din naman ako. 5'6" ang height ko pero mas matangkad pa din siya sa akin. Mas matangkad din siya kay Austin. Nanliliit tuloy ako. Kapag tumabi sa kanya si Glessy baka magmukha itong dwarf.

"May kailangan ka ba?" Naiiritang tinignan ako ni Austin.

Sabi ko nga. Nakakagulo na ko sa praktis nila.

"Bye!" Paalam ko. Pabiro pa akong nagblow ng flying kiss kay Austin. Umarte naman itong nasusuka. Yeah, that's my bro. Hayup ka talaga!

"Grabe, landi talaga. May boyfriend na."

"Kaya nga eh. Nakita niyo yung ginawa niya?"

"Bestfriend daw sila. Eh mukhang hindi naman."

Puro bulungan ng ilang estudyante ang naririnig ko nang makabalik ako sa bench namin. Mga inggetera na nga, malisyosa pa. Sana nga may powers talaga ako. Tapos yung powers ko manguha ng boses ng mga chismosa sa paligid, para hindi na sila makapag-spread ng masasamang words.

Hay, life.

****

"Uy, Austin. Sino yung lalaking blondie kanina? Pogi niya. Hihihi." Curious na tanong ni Glessy. 

Katatapos lang ng soccer practice nila Austin kaya tumambay muna kami sa cafeteria. Kakagutom din manuod. Aba!

"Si Janus? Transferee yun. Kakasali lang din sa team."

Kaya naman pala ngayon ko lang nakita. So Janus pala pangalan ni boy blondie.

"Gwapo na nga, gwapo din ng pangalan," komento pa ni Glessy na kumikislap pa ang mga mata. Tinamaan ng lintik si bulinggit.

"At ikaw naman, Lei. Huwag kang basta basta sumusulpot sa field!" Sermon naman sa akin ni Austin. 

"Opo, tatay," binelatan ko na lang siya.

"Gago talaga!" Sabay sabay kaming napalingon kay Fina. Hindi niya siguro napansin na napalakas ang boses niya. Kumain ata ng megaphone 'to dahil sobrang lakas talaga ng boses niya.

Namumula ang mukha nito. Bihira ko lang siyang makita na galit. Mukha pa nga siyang gigil na gigil. Parang papatay siya ng tao. Huwag naman sana.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya. Nakakatakot baka bigla niya na lang ibato 'to sa amin. Para siyang may nakitang hindi kaaya-aya sa cellphone niya.

"Uy, bakit?" tanong ko naman. Tsismosa ko eh.

Inagaw ko agad ang cellphone niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Akin na yan!" Maagap niyang bawi pero nakita ko pa rin kung ano ba yung tinitignan niya sa cellphone niya.

"N-nakita mo?" nag-aalala ang himig ng boses nito.

Tumango na lang ako at ngumiti. Pero tangina, masakit. Narinig kong napamura mura din si Austin nang tignan niya ang cellphone niya.

May nagpost lang naman sa fb ng picture ng boyfriend ko na may kahalikang babae. Nakatag pa talaga sa akin. Kung hindi ako nagkakamali leader ng cheering squad yung babaeng kahalikan niya. Mga malandi. Praktis pala ng basketball ha, eh may kalampungan lang naman pala.

"Uwi na ko!" Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko.

"Don't worry guys. Okay lang ako. Sus! Ako pa ba?" Dugtong ko. Mukhang hindi sila kumbinsido.

"Lei, pwede kang umiyak sa amin. Hindi ka namin i-jujudge. Promise." Naiiyak na sambit ni Glessy. Balat sibuyas talaga 'to. Ako itong broken hearted pero parang siya yung niloko ng jowa.

"Hatid ka na namin," prisinta nina Fina at Austin.

"No! Gusto kong mapag-isa muna." Sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat. Mabilis akong tumalikod sa kanila at tumakbo ako palabas.

Gusto kong panandaliang lumayo sa lugar na 'to. Sana may lugar kung saan hindi ako makakaramdam ng nakakagagong sakit.

*****

Kahit pala gaano katatag ang tao, may hangganan pa rin pala ito. 

Katulad ko. Nasaan ang angas mo ngayon, Loerelei Avila? Wala ka din pala.

Natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa swing sa may playground na parang batang umiiyak. Daig ko pa yung inagawan ng laruan pero mas masakit pa dun ang nararamdaman ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko.

Saan ba ko nagkulang? Naging mabuting girlfriend naman ako. Wala naman akong inagrabyadong tao pero bakit ganito? Ginago lang ako.

Palubog na ang araw kaya naman wala ng mga bata sa playground. Napakatahimik ng paligid. Pwede akong mag-emote hanggang kailan ko gusto. Pwede akong ngumawa at walang makakakita.

"Hayup ka, Franco! Hindi ka lab ng nanay mo! Bwisit ka! Forever ka sanang matalo sa basketball! Mukha kang palakaaaaa!"

Idinaan ko sa malalakas na sigaw ang sakit at inis na nararamdaman ko. Pero natigil ang pagwawala ko nang may mahinang tumawa. 

Hindi pala ko nag-iisa. At sinong hinayupak naman kaya ang sumira ng moment ko?

Hinanap ko kung sino yung tumawa sa akin. Paano niya nagawang pagtawanan ang kasawian ko? Humanda siya!

Napaawang ang bibig ko nang makita ko kung sino. Kulang na lang pasukan na ng langaw ang bibig ko. Bakit ba bigla bigla na lang silang sumusulpot?

Kusang napatakbo ako palapit sa kanya. Bahagyang naglaho ang bigat sa dibdib ko. Ewan ko ba. Masaya akong makita siya kahit hindi ko naman siya kilala.

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko kay blue eyes. Nakaupo ito sa may slide.

Tumango ito. Hinawi niya ang bangs na tumatakip sa mata niya kaya kitang kita ko na naman ang nagliliyab na bughaw na mata nito.

Biglang dumilim ang paligid ngunit mabilis na lumikha ng maliliit na bolang apoy si blue eyes. Pinaglalaruan niya ito, pinaikot-ikot sa ere. Ang ganda gandang pagmasdan ng mga asul na liwanag nito. Ilang saglit pa ay bigla niya itong ibinato sa langit. Para itong naging fireworks na nagsayaw sa kalangitan. Napakaganda talaga. Ngayon lang ako nakasaksi ng ganito sa tanang buhay ko

Napapalakpak na lamang ako sa sobrang pagkamangha. How did he do that?

"Meron akong kapatid. Sa tuwing nalulungkot siya o kaya kapag umiiyak siya, palagi ko itong ginagawa," saad niya bigla. Parang musika sa pandinig ko ang boses nito. Nakakagaan ng kalooban.

Hindi ko inaasahan ang mga sinabi at ibinahagi niya. Kung ganun nakita niya bang umiiyak ako at pinapasaya niya ako? Bait naman pala.

"Magician ka ba?" usisa ko sa kanya nang matapos ang ipinamalas niya. Ang galing naman ng magic tricks niya.

"M-Ma..magician?" Ipinilig niya ang ulo niya na parang nag-iisip. Tinignan niya ako at matamis na ngumiti. Ang ganda ng smile niya pero ang lungkot naman ng mga mata nito. Parang hindi tuloy legit yung ngiti niya.

"Siguro. Baka ganun nga ang tawag sa atin sa mundong 'to," saad nito.

"Huh?"

"Isa kang Sehir. Gaya ko. Gaya ni Janus. At marami pa tayo na nandito. Kailangan natin silang matipon. Kailangan na nating mahanap si Sehria." Bigla itong sumeryoso.

Hayun na naman yung salitang hindi ko maintindihan. Ano ba yang Ser na yan? Janus? Yung transferee? At sino daw yung hahanapin? Seriya? Anong trip nila? Tagu-taguan?

May sinasabi pa siyang mga salita na nakakaabnoy. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula. Nakakaaning siya kausap. 

Ako daw ay leader? Leader ng ano? Ng mga bibe?

Nabubudol na ata ako kasi heto ako, nakikinig lang sa kanya. Uto-uto nga talaga ko. Ang bilis kong maniwala.

"Sa susunod na araw, magsisimula ang pagsasanay mo," maotoridad na wika pa nito.

Naguguluhan man napatango na lang ako. Magaling naman ako sumakay sa mga trip eh. Hindi ako, KJ.

Sa isang iglap naglaho na naman siya sa paningin ko. Disappearing technique ba yun parang sa Naruto? O teleportation gaya nung sa Dragon Ball?

Amazing! 

Para akong timang na napangiti. Wala akong kamalay malay na sa mga oras na yun, tuluyan nang magbabago ang takbo ng buhay ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login