Download App

Chapter 73: Menace

Chapter 69: Menace

Haley's Point of View 

  Both of my eyes were already closed, I'm only preparing now for the worst but suddenly, may biglang humawak sa mga braso ko't inilapit ako sa kanya kaya mabilis kong imulat ang mata ko't tingnan ang taong buhat ako ngayon. Laking gulat sa aking nakikita. "ROXAS?!" Hindi makapaniwala kong tawag sa kanya at inilipat ang tingin sa suot niyang jetpack. W-wait, what the hell? 

  Ito 'yung madalas kong makita sa palabas ng mga agents pero hindi ko inaasahan na makakakita ako sa totoong buhay. 

  Nginitian niya ako. "Gulat ka ba? Nandito na ang shining agent mo." 

  Nakaawang-bibig lang ako nang mapakagat-labi ako. Kaya taka niya akong tiningnan, itinaas rin niya 'yung kaliwang kilay niya't labas sa ilong na ngumiti. "Ah, don't tell me you actually allow yourself to die? Are you committing suicide?" Biro lang talaga niya 'yon pero naluha na ako kaya lumingon ako sa kanang bahagi para hindi niya makita ang pagluha ko. 

  You answered my prayer that is too impossible… How can you even do that? Miracle? 

  Ibinaba ako ni Roxas sa isang mataas na gusali na hindi ganoon kalayuan sa Nwonknu Resto Hotel na pinanggalingan ko kanina. "Dito ka lang muna, babalikan din kita pagkatapos." Tumalikod na siya sa a akin at handa ng lumipad ulit pero humawak ako sa braso niya. 

Lumingon siya sa akin. "Hindi pwede." Sagot niya kaagad na parang alam na sasama ako sa kanya, pero sa pagkakataon na ito. Hindi ko iyon gagawin. 

  Ngumiti ako. "Thank you. Please take care of my sister." Tukoy ko kay Lara kaya namilog panandalian ang mata niya bago tumango bago ko siya binitawan. Lumipad na siya papunta sa Nwonknu. 

  Napaupo naman ako sa simento dahil sa pagkahilo. Sumandal sa may railings habang tumatama sa akin ang buhok ko dahil sa sobrang lakas nung hangin. 

Mabigat ang aking paghinga dahil biglang lumakas ang pagpintig ng puso ko. 

  Medyo gumegewang na rin ang ulo ko kahit sinusubukan kong panatilihin iyon nang maayos. 

Ngayon ko lang din naramdaman 'yung matinding sakit sa katawan ko lalo na sa nasikmura kong tiyan. 

Kung gagalaw pa ako, mas hindi ako makakahinga kaya tumingala ako't huminga nang dahan-dahan. 

  Pumikit din muna ako pero hangga't maaari ay ginagawa ko ang lahat para manatiling gising. 

  May nagbukas ng pinto kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para makita ang taong iyon, laking pangangamba't takot nang makita ko si Emmanuel. Paano?! 

  Ngumisi siya bago niya inangat ang isang device. Parang ito rin 'yung gamit nila Roxas. 

Hindi ako pwedeng magkamali, tracking device 'yang hawak niya. Pero paano niya ako nalagyan ng chip? Saan?! Nung sinuntok niya ako? Hindi… 

  Nung hinawakan niya ang likod ko bago niya kami paalisin kanina ng dalawang tauhan niya.

  "Wala kang kawala sa akin." Lumabas na siya mula sa loob at isinara ang pinto. "Kahit na saan ka magpunta ngayon," Nakakarinig na ako ng mga wangwang mula sa ibaba. Nanggagaling yata iyon sa mga police. "Mahahanap at mahahanap kita." 

Someone's Point of View 

  "I already sent the estimated location of the enemy. Assist Code 00 and deal with the remaining people on the platoon of B.R.O. and take command." Tumayo ako sa pagkakaupo sa swindle chair at pumaharap ng tingin habang hawak-hawak ang mini communication device na nakasabit sa tainga ko. "Give me the gun reports after completing the special task."

 

  "Roger!" Sagot ng mga pinadala kong tao bago mawala ang koneksiyon. 

She can't fall from here due to her foolishness. Her skills are valuable, she will do more than this. 

  Lumingon ako sa bintana para makita ang parating na bagyo. "I have no choice." 

  Pumasok ang researcher mula sa Laboratory Area 1 kaya pumaharap muli ako ng tingin para makita siya. "Nakahanda na ba lahat?" Tanong ko kaya tumango siya bilang sagot. "Si Zero na lang ang kulang, General." Ngiti niyang sagot. 

Tumango ako bago ako naglakad palabas ng office. 

Laraley's Point of View 

 

Ini-swing ko ang katana sa dibdib ng kalaban na siyang nagpabagsak sa kanya matapos bumaon sa balat niya ang patalim. Tumalsik ang dugo niya sa suot kong maskara bago ako tumayo nang maayos para tingnan ang iba.

May iilan na lang ang natitira, pero kung ipagpapatuloy ko 'to, aabutin pa ako ng siyam siyam bago ako makahabol sa ninuno nila na nagngangalang Noel. 

Tsk!

Pumusisyon ako't inihanda ang sarili sa isa pang pag-atake pero napalingon kaming lahat sa labas ng nabasag na glass wall nang marinig namin ang malakas na pagsabog mula sa ere. Mukhang nagawa na ni Roxas 'yung pinapagawa ko, pero si Haley-- 

  Mabilis kong hinarang ang katana sa harapan ng mukha ko para ma-blocked ang pag swing ng katana nung kalaban bago ko pwersa na itulak siya palayo sa akin.

Inilabas ko na ang dalawa kong baril sa poketa ko't kinalas, sinimulan ko na silang pagbabaril barilin. Ilan sa kanila ang natamaan pero may ilan din ang umilag at ginamit ang patalim nila para hindi sila matamaan ng bala. 

  "Ngh." 

  Hindi ako maka-focus. 

  Nakita ko sa peripheral eye view ko ang pag-alis ng safety ring nung na sa kanan ko sa hawak niyang grenade dahilan para mabilis ko siyang nilingunan lalo pa nung inihagis niya papunta sa akin ang bomba. 

  Pa-dodge roll akong umilag at mabilis na pumunta sa likuran at pahabang pader. Pero hindi pa iyon natatapos dahil kaagad din nila akong inatake. Namatay lahat ng power sa lugar na ito pero bumuo ng pagliyab na apoy ang kapaligiran. 

  "Shine!" [Die!] Inilabas ng taong na sa harapan ko ang dagger niya at mabilis itong isasaksak sa akin pero mabilis ko rin siyang sinipa sa sikmura bago ko ipinutok ang baril sa noo niya.

  F*ck. I have to get out of here… 

  Sa pagkakataon na ito, nakarinig naman kami ng paparating na helicopter. Ilang segundo noong tumambad sa harapan namin iyon.

Malakas na hangin ang pumasok sa palapag na ito at kumpara kanina ay mas lumakas pa ang pagliyab nung apoy. Lumingon ako sa helicopter na ngayon ay binubuksan na ang pinto. Inaakala na may panibagong kalaban na dumating pero nagkakamali ako. 

  Subalit imbes na matuwa ako, nairita pa ako. Ito ang ayaw ko pang mangyari. 

  Tumalon ang mga kasamahan ko sa W.S.O. mula sa sakay nilang helicopter saka nila inatake ang mga natitira kong kalaban. Pareho lang ang suot namin, mga naka leather suit sila at nakasuot ng puting maskara upang matakpan ang mga mukha nila. 

  Kumuyom ako sa hawak kong baril bago ko ilipat ang tingin sa taong namumuno sa platoon na ito, mukhang si General Royale ang nag dispatched sa kanila kung ganito karami ang nandito. Sampu ang mga narito pero sapat na para mapatay pa ang mga natitira. 

  Nakatingin lang din siya sa akin, at ayon sa paraan ng kanyang pagtingin. Parang sinasabi niya na bilisan ko na kung ano man 'yung kailangan kong gawin kaya pumikit ako sandali at huminga nang malalim at hindi na nag-atubiling tumakbo paalis para hanapin ang Noel na iyon. 

  I'm running out of time now… I have to hurry. 

  Lumabas ako sa dalawang malaking pinto at ginamit ang exit door para doon na lamang dumaan. 

Pinindot ko ang button ng mini communication device. "Communication activate, connect to Code 03." Command ko sa system para sa solo transmission. Ang code number ni Roxas ay Code 3 na naka save na sa data habang Code 00 naman ang akin. 

Ginagamit namin code number para hindi masyadong ma-expose ang gamit naming pangalan. 

  Pero sa hindi malamang dahilan, nalaman ng kabila 'yung pangalan ko. Paano nangyari 'yon? 

  "Code 3 speaking." Sagot ni Roxas mula sa kabilang linya habang paakyat ako ng hagdan papuntang rooftop. Kapag may tumatawag sa bawat MCD namin, nalalaman namin kung sino dahil sinasabi ng voice data 'yung code number nung tumatawag. "Nadala ko na 'yung kapatid mo sa kabila. She's safe now." 

  Nakahinga ako nang maluwag pagkabigay niya nung balita na iyon sa akin. 

  "I-track mo 'yung location ni Noel. Hindi natin siya pwedeng pakawalan dahil pwede tayong makakuha ng intel mula sa kanyas. Ita-transfer ko 'yung litrato niya na nakuhanan ko kanina," Galing iyon sa high-tech chronograph ko. Habang nakikipagpalitan ako ng atake kanina, pasimple ko rin siyang kinuhanan ng litrato. "Nang ma-detect nung system kung saan siya ngayon." 

  Narinig ko ang pag react niya nang kaunti. "But it would mean accessing the application satellite. Malalaman 'yan ni General Roya--" 

  "He already knew." Mabilis kong sagot. "May pinadala na siya sa baba." Binuksan ko na ang pinto ng rooftop at lumabas. Tumambad sa akin ang napakalakas na hangin kaya inalis ko na ang suot kong maskara. 

  "Sabihin nating alam na nga niya pero mas madodoble 'yong parusa mo." 

  Lumakad pa ako ng ilang hakbang bago ako huminto pagkakita ko pa lang sa isang tao sa hindi kalayuan. Hinawakan ko ang MCD (Mini Communication Device) ko. "Change of plans, basta gawin mo 'yung makakaya mo para mahanap si Noel." Huling sabi ko bago ko pinatay ang koneksiyon. 

  Ibinaba ko na ang kamay ko. "You're still alive," Panimula ko habang pumaharap siya sa akin. Pumukaw sa atensiyon ko 'yung peklat niya sa dibdib, nakasuot kasi siya nung parang open vest. 

Nanliit ang tingin ko sa kanya. Walang karea-reaksiyon ang kanyang tingin at malamig lamang na nakatingin sa akin. "Rio." 

***** 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C73
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login