Download App

Chapter 3: Chapter 2

I NEVER THOUGHT that the first day of shooting was the most troublesome of all that I encountered. Ilang beses nag-role ang eyes ko sa katangahan ng direktor, forgetting the next scenes he should be not forgetting, forgetting to remind a dumb assistant director to complete all the props, etc.

First day na first day pero kaming dalawa lang ni JD ang nasa area. The scene we're about to record is the middle scene of the movie. At sa scene na ito, nataon na kaming dalawa lang ni JD ang kailangan doon. It was indeed awkward, although sanay na dapat ako sa mga ganitong eksena. There are a lot of movies that I made in blockbusters, but this time, para akong nangangapa.

JD is in front of me not even smiling. He's busy pestering his phone and then look at direk whenever he's being called. Nakaupo kasi kami sa isang light brown chair, may table na nakapagitan sa amin at props na three roses in a transparent vase at coffee.

My PA started to assist me with my script and I obliged to rehearse it again. Mas nadi-distract kasi ako sa mukha ni JD. Yes, he's super hot and so lovely as a man, but he's starting to get the nerve out of me. Sa mga ganitong tagpo kasi, dapat nagfi-first move na ang leading man ko sa akin, like say hello, ask me how I feel of even ask if I knew him (which will be absurb because everyone knows him in the industry).

Ang eksena namin, magtatapat na ng feelings ang character ni JD sa character ko, but how can we even convince the viewers that we're in love if we haven't built any chemistry yet?

This is so annoying!

To hell with this guy! How can he be so insensitive? Doesn't he like me? I'm a big catch! Every guy loves to be with me!

Mga ilang oras din akong nagmumuni-muni sa loob ng dressing room after akong make-up-an ng mga staff. My role is a palengke vendor girl, so my attire is just a simple yellow blouse and faded pants. nakatali ang wavy kong buhok at mga mga nakatakas na hibla mula doon. Though light lang ang make-up na inilapat sa akin, I felt that I'm underdressed based on how I really look. Hindi naman ako hipokrita para hindi aminin na matangos ang ilong ko. Ang chinita eyes ko ang nagsasabi na hindi ako Pinay sa hitsura. I look like a Korean actress, kaya ako rin ang natipuhang ampunin ng foster parents ko.

"Okay, JD and Lola, are you ready? Proceed na tayo sa scene number 64, ha?" biglang sigaw ni Direk Bim. I obliged to nod and then my PA disappeared along with the script.

I composed myself and breathed deeply while JD was still stoic as usual.

"Okay. Scene number 64. Ready... action!"

"Nasaktan ka ba kanina? Pagpasensyahan mo na si Kuya Dan. Gano'n lang talaga 'yon minsan. 'Wag kang mag-alala, ako na bahala sa lunch mo," ani JD as his character, sabay inilabas niya ang pamatay niyang ngiti sa akin.

Kung hindi ko nga lang naalala na ako pala si Lola Lee ay baka nagpadala na ako sa mga ngiti niya. Hell, he really made a jaw-dropping scene. I never thought he can be this good in hiding his feelings. I could even forget that I'm Lola Lee and this stupid project and just melt him all over my sight.

Nakita ko rin ang dimples niyang sumilay nang ngumiti siya. Halos hindi ako makagalaw, and I'm being natural, I guess? I reviewed my memory so I recalled that this scene is real at talagang nablangko ang character ko sa eksenang ito.

JD's character cupped my hand. Medyo napaigtad ako sa ginawa niya at pareho kami ng character ko na bumalik sa realidad habang nanlalaki pa rin ang mga mata at nakatunganga. "H-Ha?" was all I can say.

He laughed dreamily and smiled again.

OMG, where are you, Lola Lee? Hindi ka pwedeng ma-fall sa lalaking ito. Not in this scene. Separate yourself from your naive character, ugh!

"Alam mo, hindi ka nababagay sa palengke. Pero no'ng makita kita kanina, sobrang nakaka-amaze."

Sumilay ang kinikilig kong ngiti at pinalo ang balikat ni JD. "Sus, si sir naman, bolero ay! Natural naman ang ginagawa namin dito sa palengke. At nakakatuwa dahil 'yong pwesto pa namin ang napili ninyong kuhanan ng supply ng mga hito. Naku! Ang swerte ko at naging kaibigan kita, sir!" sabi ko naman habang dini-deliver ang linya ko. Muntik na akong magblangko. Totoo nga talaga na nakaka-star struck ang mga ngiti ni JD. How can he be so genuine in smiling yet faking everything?

Napatungo naman si JD habang nakahinang ang malumanay niyang ngiti. "Paano kung higit pa sa kaibigan ang turing ko sa 'yo, Jenny?" pagtatapat ng character niya na literal na ikinahulog ko sa silya.

Hell, it was not part of the scene. I sensed the whole staff team was alarmed at how I fell, but Direk Bim signaled them to let me be.

Agad na nakabawin si JD at tumayo upang alalayan ako. "Are you okay? May masakit ba sa 'yo, Jenny? Magdahan-dahan ka naman..." buong pag-aalalang sambit nito.

Doon na nanginig ang kalamnan ko nang maramdaman ang pagdampi ng balat niya sa braso ko. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagtalas ng kanyang paghinga kaya ramdam ko ang pagdampi ng kanyang hininga sa mukha ko. Sobrang bango niya. Amoy na amoy ko ang aftershave at panlalaki niyang pabango, dark temptation.

"O-okay lang po ako, sir. Um... Babalik na po ako sa p-pwesto—"

"You're leaving already?" Nahimigan ko sa kanyang tono ang pagkalungkot.

Bigla naman akong tumawa habang sinusunod ang nasa script. "'W-wag kang mag-alala, sir. K-kasi walang kasama si mama sa pwesto, kaya kailangan niya ako do'n. Siguro sa ibang pagkakataon na tayo mag-usap."

He sighed. "Okay. Ihahatid na lang kita."

"Naku, 'wag na sir! Kaya ko na po. Basta po kapag kailangan na ng hito sa restawran ninyo, ako po mismo magdadala. Sige po, sir. Babye po!" pagpapaalam ko habang kumakaway sa binata papalabas ng restaurant, then I heard Direk shouted "cut!"

Mga ilang segundo iyon bago ako bumalik sa loob. Hinahabol ko kasi ang hininga ko.

It was just him holding my arms a while ago. It was really nothing special, kaya bakit ako nagkakaganito? I have been with many leading actors before at hindi ako kailanman kinabahan nang husto katulad nito. It seems like it's my first time doing an acting. Nakakabanas!

Kung hindi nga lang dahil sa gusto ko ring mapalapit kay JD, hindi ko naman sasang-ayunan si Scarlet sa project na ito na siya dapat ang tumanggap.

Having JD near me makes me sick and I'm getting unhappy. I hate what I'm feeling and I don't like it.

Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako muling magpapabilog sa lalaki, at hindi si JD ang magiging pangalawang karma ko. I will not let him succeed in making me fall for him hard.

Teka, nafo-fall ka na ba sa kanya, Lola?

Hell no! I'm just here to investigate the accuracy of Scarlet's accusation against him at hindi para ma-fall!

It's no use in arguing with myself. I have to get back to my original plan, and that's to ride in JD's fame.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login