Download App

Chapter 3: Chapter 2 - Living Hell

Masama ang gising niya. Lagi naman masama ang gising niya nitong mga nakaraang araw. Mukhang hindi na ata gaganda ang umaga niya lalo pa't kasama na niya sa iisang bubong ang babaeng umaagaw sa daddy niya.

Tinatamad pa siyang bumangon kaya nanatili lang siyang nakatingin sa kisame at nagmumuni muni. Nag-iisip siya ng paraan kung paano niya ba mapapalis sa buhay ng daddy niya ang bagong asawa nito. She will do anything para kamuhian siya ng babae at ito na mismo ang magpasyang lumayas sa pamamahay nila at sa buhay niya.

She will make sure that she will make her life living hell. Napangisi na lamang si Ciara dahil sa tumatakbo sa isip niya. Pagsisisihan niya talaga na pinakasalan niya ang daddy niya.

Natigil ang pagpaplano ni Ciara nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. Ilang sandali pa ay iniluwa nito ang kanilang kasambahay na bitbit ang school uniform niya.

"Naplantsa ko na pala ang uniform mo. Pagkatapos mong maligo at magbihis, baba ka na nang makapag-agahan ka na," sambit nito.

Wala ganang bumangon sa higaan si Ciara. Ngayon nga pala ang balik niya sa school matapos ang suspension niya. Ayaw niya sanang pumasok, pero naisip niya na mas mabuting sa school na lamang niya gugulin ang lahat ng oras niya kaysa naman na nandito siya sa bahay. Ayaw niyang makasalamuha ang bagong asawa ng daddy niya. Isa pa galit pa rin siya sa kanyang ama. Hindi man lang siya magawang suyuin nito. Pwes, patigasan sila.

"Si Clio? Gising na ba?" tanong na lamang ni Ciara.

Nag-aalangang tumango naman ang matanda sa kanya. "Pinapakain na siya ng mommy niyo."

"She's not my mom!" agap niya agad. Hindi na niya naitago ang inis. Ang aga aga, badtrip na siya agad. She's not her mother and she will never be. Magkamatayan na.

"Hija, bakit hindi mo na lang tanggapin ang lahat? Para naman hindi na kayo nag-aaway ng daddy mo. Yun lang naman ang hinihiling niya sa'yo."

"Pati ba naman ikaw manang? Wala na ba talaga kong kakampi sa bahay na 'to?" paghihinanakit ng dalaga. Napakagat na lang siya ibabang bahagi ng labi niya para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa mata niya.

Bakit ba lahat sila pinipilit siya na pakitunguhan ng maayos ang babaeng yun?

Ayaw niya dito. Hinding hindi niya matatanggap ito. Tapos ang usapan.

Nakaramdam naman ng pagkahabag ang matanda para sa alaga. Alam niyang nangungulila lamang ito sa kanyang tunay na ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap nito ang pagkawala ng mommy niya kahit pa ilang taon na ang lumipas. Imposible talagang magkasundo sila ng stepmom niya.

Lumapit siya sa alaga at masuyong hinaplos ang buhok nito. "Syempre, kakampi mo ako. Kahit anong mangyari, kakampi mo ko."

"I hate dad! Hindi na niya ko mahal. Mas mahalaga na sa kanya ang babaeng yun!" paglalabas pa ni Ciara ng sama ng loob.

"Ano ba yang sinasabi mong bata ka? Syempre mahal na mahal ka ng daddy mo. Huwag na huwag kang nag-iisip ng ganyan," pang-aalo pa ng matanda.

Sarado ang isip nito. Alam niyang kahit anong sabihin niya ay hindi naman siya nito paniniwalaan, pero kahit kailan ay hindi niya ito susukuan. Sa kanya lamang nagsasabi ng saloobin ang alaga, kaya ayaw niyang iparamdam dito na wala siyang kakampi sa bahay na 'to.

Matamlay na naglakad na lamang si Ciara patungo sa c.r ng kwarto para makaligo na at makapag-ayos papasok sa school. Napabuntong hininga na lang ang matanda habang pinagmamasdan ito. Inilapag niya ang hawak niyang uniform sa kama nito bago lumabas na ulit sa kwarto.

Nang matapos makapag-ayos, lumabas na si Ciara ng kwarto niya bitbit ang kulay violet niyang bagpack. Dumiretso siya sa kusina at inilabas sa fridge ang isang karton ng gatas. Isinalin niya ito sa baso, pagkatapos ay muli na niya itong ibinalik sa fridge. Nang maubos niya ang gatas, walang imik na naglakad siya palabas ng kusina.

"Ate, breakfast!"

Narinig ni Ciara ang pagtawag ng kapatid nang mapadaan siya sa dining hall. Nakaupo ito sa kandungan ng bagong asawa ng daddy niya. Madungis na naman ito dahil sa cereals na kinakain. Mas lalong kumulo ang dugo niya nang makita ang malapad na ngiti ng bunsong kapatid. Talagang inaagawan siya ng babaeng ito. Una ang kanyang daddy, ngayon naman ang minamahal niyang si Clionna ang inaagaw nito mula sa kanya.

"Magbreakfast ka muna bago pumasok," malambing na paanyaya naman ni Melissa. 

Hindi niya inda ang masasamang tingin na pinupukol sa kanya ng step-daughter niya. Wala siyang ibang hangad kundi ang makapalagayan ito ng loob. Umaasa siyang tatanggapin nito ang alok niya pero tinalikuran lang siya nito at nagmadaling lumabas ng bahay.

"Mommy, galit ba si ate?" tanong ng batang si Clionna.

"No baby, nagmamadali lang siguro ang ate," malambing na saad na lang niya sa bata.

"Okay! Let's eat!" she beamed.

Kinuha ng maliit na kamay nito ang kamay niya at muling nagpapasubo ng cereals. Magiliw siyang ngumiti dito. Ilang araw palang niya itong nakakasama pero sobrang napamahal na siya agad sa batang si Clio. Hindi na siya magkakaanak kaya nagpasya siyang ituring ang mga anak ng asawa niya na parang sarili niyang kadugo.

Mabilis din naman siyang natanggap ni Clio. Marahil masyado pa itong bata at sabik sa kalinga ng ina kaya hindi ito naging mailap sa kanya.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang pintuan kung saan lumabas si Ciara. Sana balang araw ay matanggap na din siya nito bilang parte ng pamilya niya.

******

"Girl! Namiss ka namin!"

Sinalubong agad si Ciara ng mga kaibigan niya pero tinaasan lamang niya ng kilay ang mga ito.

"Ako ba talaga ang namiss niyo o yung mga libre ko?" diretsong tanong niya. Alam naman niya na kinakaibigan lang siya ng mga ito dahil sa pera niya.

Sabay na napalunok naman sina Megan at Sofia. Kung hindi lang kaibigan ng mga magulang nila ang daddy nito, hindi naman talaga sila magtiya-tiyagang pakisamahan ito nang maayos lalo pa't kakaiba din talaga ang ugali nito.

"Tara na nga sa room. May mga bago kong make-up. Wanna try?" pag-aaya na lang ni Megan at pilit na ngumiti.

Hindi naman sila pinansin ng dalaga. Walang sabi sabing nilayasan sila nito. Napapadyak na lang si Megan dahil sa matinding inis.

"Intindihin mo na lang. May pinagdadaanan eh," pagpapakalma ni Sofia.

"Lagi na lang ba natin siyang iintindihin? Malapit na talaga kong mapuno sa kanya. Pasalamat nga siya, kinakaibigan pa natin siya," naiiritang saad niya na lang.

Lingid sa kaalaman nila na naririnig pa rin sila ni Ciara dahil nag-eecho ang mga boses nila sa hallway. Napakibit balikat na lamang siya.

At sino bang gustong makipagkaibigan? Mas gugustuhin niya pang mapag-isa. Wala namang nakakaintindi sa kanya kundi sarili niya lang.

Imbes na magtungo si Ciara sa classroom, nagpunta na lamang siya sa music room. Dahil maaga pa naman, nagpasya siyang dito na lang muna tumambay. Ayaw niyang makipagplastikan sa mga 'kaibigan' niya.

Lumapit siya sa makintab na grand piano at parang may sariling buhay ang mga daliri niya na nagtipa sa keyboard. Ilang sandali pa ay natagpuan niya ang sarili na nakaupo na sa harapan ng piano at tinutugtog ang paborito niyang piyesa.

'River Flows In You'

Napapikit siya habang hinahayaan ang sarili na malunod sa napakagandang musika na siya mismo ang lumilikha. Hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya dahil sa pagbaha ng mga alaala sa isipan niya.

She loves playing piano. Her mom taught her how to play when she was a kid. Naalala niya, ito ang naging bonding nilang mag-ina habang masaya naman silang pinapanuod ng daddy niya.

Muli siyang nakaramdam ng matinding kirot sa puso niya. Matagal nang wala ang mommy niya, pero ang sakit na nararamdaman niya, nandun pa din. Nandun pa rin ang malaking puwang sa puso niya na naiwan nito. She's still empty and broken inside.

"M-Mommy," puno ng pangungulila niyang sambit.

Napatigil siya sa pagtugtog sa piano. Napahawak siya sa dibdib niya. Halos hindi na siya makahinga sa sakit. Hinayaan niya na lang ang sarili na umiyak nang umiyak tutal wala namang makakakita sa kanya.

Walang kamalay malay si Ciara na may nanunuod pala sa kanya habang tumutugtog siya ng piano kanina. Napukaw niya ang atensyon ng lalaki nang marinig nito ang pagtugtog niya. Nakaramdam ng kakaibang lungkot ang lalaki habang pinagmamasdan niya ito.

Hindi niya kilala ang babae, pero sa hindi niya malamang dahilan, parang gusto niya itong damayan nang bigla na lamang itong umiyak.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng music room at maingat ulit na isinara ito. Inilabas niya ang kanyang panyo at inabot ito sa babae.

Halatang nagulat ang dalaga nang mag-angat ito ng tingin sa kanya. Mabilis na pinahid naman ni Ciara ang luha niya at nagmamadaling lumabas sa music room.

Naiwang tulala naman ang lalaki, para siyang na-estatwa sa kanyang kinatatayuan. Naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng dibdib niya nang saglit na magtama ang mata nila. 

Napakaganda niya. Para siyang isang anghel na bumaba mula sa langit. Saglit lang niyang nasilayan ang magandang mukha nito, ngunit parang otomatiko itong tumatak sa isip niya.

Lintik na pag-ibig. Mukhang tinamaan siya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login