"A thing of beauty is a joy forever : Its loveliness increases; It will never pass into nothingness."
--John Keats
After ng meeting namin ni Mr. Xio, hinintay ko lang na dumating si Mr. Chin. Di ko na namalayan na yung kasama ni Mr. Xio na lalaki ay nauna na palang umalis.
"Ms. Villachin right?"
"Yes, Mr. Chin. Take a sit sir." Sabay smile.
"Thank you then Ms. Mlaire."
Hindi na rin nagtagal si Mr. Chin, binigay ko lang ang mga importanteng papeles na kinakailangan para sa investment namin sa kompanya ni Mr. Chin.
"Shelley, come here." Tawag ko sa kanya.
"Yes, Ms. Mlaire?"
"May meeting ba ako mamayang hapon? If wala, ikaw muna ang bahala dito dahil ihahatid ko sina mommy sa airport mamayang hapon. Okay?"
"Wala naman po Ms. Mlaire. Okay po, masusunod Ms. Masungit."
"Tumigil ka ha Shelley! Tanggalin kaya ngayon sa kompanya ko para bumalik kana don sa states ha!" Gigil na talaga ako, buti eh magkaibigan kami.
"Wag kang mag alala Ms. Mlaire, close friends naman tayo, di mo na man carry na tanggalin ako kasi naman po wala akong kapalit dito. Alis na po ako ma'am." Tawa pa ng tawa ang bruha habang paalis ng opisina ko.
Arrrrrgghhh! Naiinis talaga ako don kay Shelley. At pinagdiinan pa talaga, lagi nalang ako binoboyset. Maka alis na nga.
"Mommy, daddy ingat po kayo don." Sabi ko.
"Baby, wag kanang malungkot. Okay? Pupunta lang kami doon ng daddy mo para asikasuhin yung iba pang negosyo natin sa France." Dagdag pa ni Mommy.
"Basta Mommy, tawag lang kayo pag nagkaproblema doon. Okay?"
"Yes, honey. Mamimiss ka namin ng daddy mo. Alagaan mo sarili mo at wag masyadong magpapagod sa trabaho nandiyan naman si Shelley at Mash, mababait naman yun kahit inaasar ka." Si mommy talaga.
"Yes, mommy. Ingat po kayo don. Daddy, mamimiss ko po kita."
"Kami rin,take care of yourself baby. Okay? We will miss you. Goodbye honey."
"Mamimiss ko po kayo mom, dad." I said while I'm waving my hand as a goodbye.
"Manong, uwi na po tayo." Malumanay na sabi ko, nag nod lang si Manong at tahimik lang ako sa buong biyahe. Pagdating namin sa bahay pumunta agad ako sa kwarto ko then I dial Mash's number.
"Hello? Mash punta ka ngayon sa bahay. Mag usap tayo, pleasssee besrfriend wala kasi dito sila mommy ang boring dito." Pagmamakaawa ko, sigurado akong pupunta 'yon dito.
"Yeah, I'm on my way Mlaire. Wag kanang malungkot. Okay? 30 minutes I'll be there." Sabi ko na eh, the best talaga si Mash.
"Thanks Mash, hintayin kita dito sa bahay. Take Care Mash sa pagdrive." Minsan kasi ang bilis bilis magpatakbo ni Mash buti nga di pa yan namamatay eh.
"Yes nanay, then he chuckled."
Pinatay ko na yung tawag. Pumasok agad ako sa cr, quick shower lang naman ang init kasi sa Pinas eh.
Narinig ko naman ang ingay sa labas, buti nakapalit agad ako ng damit. Bumaba na rin ako, then I saw Mash sitting on the couch.
"Mash?" Tawag ko.
"Hey, beautiful lady." Tawag niya sakin with a smile plaster in his face.
"Loko ka talaga Mash, wala lang gusto ko lang ng kausap ngayon maging matino ka kung hindi itataboy rin kita kagaya noong isang araw."
"Sa gwapo kong 'to? Itataboy mo lang? Bulag ka ba Mlaire?" Sabi ni Mash sabay tawa pa.
"Woooh, ang lakas ng hangin dito." Makanood nga ng TV kung may bagyo ba ngayon sa Pinas." Pumunta akong sala at binuksan ko 'yong tv.
"Kaasar ka, halikan kaya kita ngayon ha." Pang aasar ni Mash.
"Subukan mo, I will break your pretty face." Hinila ko na siya papuntang kusina, bago pa kami mag asaran. Kakain kami at movie marathon na rin.