Download App
95.83% Wild Heart

Chapter 46: Chapter Forty Six

"You can't do this again to me Xander!" nanlilisik ang mga matang ani Frances.

He sighed "Frances, calm down..."

"Calm down?! How can you expect me to calm down when you are doing this to me again?"

"Again?" pag-uulit niya sa tinuran ng babaeng kaharap.

Pagak na tumawa ang babae "hah! Oo nga pala, hindi ka nga pala maka alala! Kung ganoon, paano mong mapag dedesisyunang manatili sa piling ng babaeng iyon?!"

"She's my wife and we have a child!" he said exasperated.

"Wife?" nakakainsulto itong tumawa "kilala mo ba talaga ang babaeng tinatawag mong asawa? Gaano mo kakilala ang isang Beatrix Montecillo?"

"What do you mean?" he scowled.

Nanginginig ang mga kamay na inabot ni Frances ang tasa ng kape sa harap nito at humigop ng bahagya bago siya muling tinitigan.

"Bakit hindi mo tanungin kay Beatrix kung paano kayo naging mag asawa? Was it because you love each other?"

"Linawin mo ang sinasabi mo, Frances!" nag igting ang mga ugat sa leeg niya. Pinipigil ang inis na umaahon sa dibdib. Kung may nais itong sabihin na dapat niyang malaman, bakit kailangang magpaligoy ligoy nito?

"Hindi ako ang nararapat na magsabi sa iyo, Xander! Because then you will think I am only inventing things to keep you by my side"

Nagtagis ang mga bagang niya "you are talking in riddles! Bakit hindi mo na lang diretsuhin kung ano ang nais mong sabihin?"

Tumayo na ang babae at isinabit sa balikat nito ang shoulder bag "Wouldn't it be more fun if you find out by yourself?" tumalikod na ito.

"There's nothing I can find out that would change my decision. You and I, should just remain as nothing more than friends" malamig na wika niya.

Huminto si Frances sa paglakad sa narinig na sinabi niya. Humigpit ang mga daliri nito sa paghawak sa strap ng shoulder bag.

"We'll see about that, Xander..." matalim ang mga matang anito bago tuluyang nilisan ang café na iyon.

Matagal nang nakaalis si Frances ay nanatili pa rin si Xander nakatitig sa tasa ng kapeng nasa harapan niya. Ni hindi niya nagalaw iyon.

Gaano mo kakilala ang isang Beatrix Montecillo?  Frances' voice echoed in his head. Ano ba ang ibig ipakahulugan nito sa sinabi? Is there something that Beatrix was hiding from him? Isinuklay niya ang kamay sa buhok at tumingala. Hanggang kailan ba siya mananatiling hindi nakaka alala? Sa mga nakalipas na buwan ay mayroong mga ala-alang nagbabalik sa kanya, sweet and happy memories at palagi ay naroon si Beatrix. Wala siyang dudang minahal niya ang babaeng ito at some point in his life. Pero ano ba ito ngayon para sa kanya? Is he still in love with her?

Gusto niya minsang iuntog na ang ulo! Pakiramdam niya ay para siyang isang batang nawawala! Idagdag pa ang kalituhan niya sa sariling damdamin! Hindi pa niya magawang masabi sa asawa ang mga katagang "mahal kita", dahil nais niyang masiguro ang nararamdaman. Ang tanging alam niya sa ngayon ay masidhi ang pagnanais niyang protektahan ito, na hindi niya ito nais makitang nasasaktan o nahihirapan, na palagi siyang napapangiti nito kapag nariyan ito sa kanyang tabi. Sapat na ba ang mga iyon para masabi niyang pag-ibig na nga ang nararamdaman niya?

Bumuga siya ng isang  buntong hininga. Kung ano man ang nakaraang ipinahihiwatig ni Frances, natitiyak niyang malalaman niya iyon sa tamang panahon.

******

2 months later...

Xander looked at the sapphire and diamond ring he was holding. Sumilay ang isang kuntentong ngiti sa kanyang mga labi. He could imagine how lovely this ring will look around Beatrix's finger. Sa nakalipas na ilang buwan ay marami ng mga ala-ala ang bumalik. He remembered the good times he has had with his wife. Naalala niya kung paano niyang sinabi rito noon under the night sky and the stars that he would love her for eternity.

Marami pa ring mga katanungan ang nasa isip niya ang nanatiling walang kasagutan, but he decided to move on from the past. Hindi na mahalaga kung ano man ang nangyari sa nakalipas, ang mahalaga ay ang kasalukuyan at ang kanilang pamilya. Matagal rin siyang ginambala ng mga sinabi ni Frances, but all of those things could have been untrue anyway, baka nga sinabi lamang iyon ng babae to torture him dahil hindi nito matanggap ang naging pasya niya.

Napagkasunduan na nila ni Beatrix na kuhanin si Mico mula sa Maynila pagkatapos ng school year upang mamirmihan na sa San Gabriel kasama nila. Sa totoo lang ay hanga siya dahil kahit pa sanay sa siyudad at sa karangyaan ay hindi niya narinig ni minsan mula kay Beatrix ang magreklamo na sa probinya sila mamamalagi.

"It doesn't matter where I am, as long as it's by your side, Xander..." minsan ay sinabi nito sa kanya ng tanungin niya kung sigurado ba itong makakatagal sa buhay probinsya.

Marahil ay ito rin ang isang dahilan kung bakit lalong napalapit ang loob niya sa dalaga, dahil nakita niya ang pagpapahalaga at buong pagtinging inuukol nito sa kanilang relasyon. She could have easily given up, lalo na at hindi naman ito isang ordinaryong babae kung tutuusin. Beatrix could have easily gone back to the luxurious lifestyle she was accustomed to, lalo pa at kasagsagan ng karera nito sa telebisyon. Katunayan ay malimit niya itong marinig kausap ang manager dahil sa palagian ay nagbabakasakali ang huli na mapag bago ang isip ni Beatrix. He knows she has turned down so many opportunities for him. Minsan nga ay naisip niyang martir ito, why! she could have met a man more deserving of her love than him. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na maraming mga lalaki mula sa industriyang ginagawalan nito, ganoon na rin sa business world ang may interes kay Beatrix. Bakit nga ba hindi? She's a total package all rolled into one, ngunit sa hindi rin niya maipaliwanag na dahilan ay siya ang inibig ng dalaga, and he could not complain.

Bawat araw na nagdaraan sa piling ni Beatrix ay hindi niya mapigil na mahulog ang loob dito. She is not just a beautiful face, ngunit isa rin itong ulirang maybahay at alam niyang isa rin itong mabuting ina. Isa lamang iyon sa dahilan kung bakit nakapag desisyon siyang muling mag propose sa dalaga. Hindi niya maalala ang kasal nila noon kaya naman gagawin niyang memorable ang magiging pag iisang dibdib nilang muli.

Ilang linggo na lamang at kaarawan na ni Beatrix. He planned a little party for her birthday, at sa araw na iyon na rin niya ibibigay ang espesyal na regalong inihanda niya para rito, kasabay ng tanong na "will you marry me again?". He laughed softly to himself thinking of how surprised and happy she would be. Magiging isang ganap at buong pamilya na silang muli.

"Sir" untag ng sekretaryang nakatayo sa kanyang harapan. Nahulog siya sa pag iisip at saglit na nalimutang naroon ang babae at naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

"Yes. Sorry" he cleared his throat. Inilagay ang singsing sa kahita at itinago iyon.

"Pang ilang tao ho ang ipapa cater natin sir?"

Saglit siyang nag isip. He didn't want too many people coming on her birthday. It will be an intimate event attended by their closest family and friends.

"Maybe for about 25. But tell them I want the best dishes they have"

Tumango ang sekretarya niya at isinulat sa hawak na notebook ang kanyang sinabi.

"And I want all fresh imported flowers. Tulips, Peonies and Roses. Those are her favorites" he said, smiling unknowingly as he thought of his wife.

Muling isinulat ng sekretarya ang sinabi niya. "May cap budget po ba tayo sir?

Umiling siya "I don't care about the cost. But I want only the best for this party"

Tila kinikilig ang sekretarya niya habang isinusulat ang mga sinasabi niya "Ang swerte naman po ng asawa niyo sir"

He smiled "Ako ang masuwerte sa kanya, Leah"

"Naku sir, sa guwapo niyong 'yan..." kinagat nito ang labi na parang napahiya sa nasabi. "What about the invitations sir?" pag-iiba nito sa usapan.

"Gusto ko ng eleganteng mga imbitasyon. Can you get a few designs and show them to me? This event needs to be perfect. And oh, book the hotel's ballroom and hire the best designers for the venue, okay?" aniya na ang tinutukoy ay ang kaisa-isang hotel sa bayan. Hindi ito sing laki ng mga hotels sa siyudad ngunit de-klase rin naman ang hotel.

Tumango si Leah at nagpaalam na matapos makuha ang mga detalye ng mga gusto niyang ipagawa.

Muli niyang inilabas mula sa kahita ang singsing at pinaraaan ng daliri ang ibabaw niyon. They will start anew. Who needs the past when the present looks even better?

*******

"How do I look?" Beatrix asked as she's coming down the stairs.

Parang nabato balani yata siya habang tigagal na nakatingin sa asawang pababa. She was wearing a black satin evening dress. Cowl neck iyon at magka ekis  ang dalawang terante likod, exposing almost her entire back. The dress hits below her knees, showing her long, shapely legs. She looks so damned sophisticated and sexy in that dress! Sa mga paa nito ay Maroon Valntino Rockstud pumps na katerno ng maliit na evening clutch na dala nito sa kanang kamay. Nakalugay ang buhok nitong lagpas balikat na may natural na pagka alon-alon.

"Don't you like it?" She asked, nasa boses ang pag aalinlangan. She raised her eyes upang tignan siya.

"I love it" sa wakas ay naiusal niya. Hinapit niya ito sa baywang at banayad na ginawaran ng halik sa labi. "You're so very beautiful, Mrs. De Silva"

Ngumiti ito, her pearly white teeth showed "hmp! Bolero!" Ikinawit ni Beatrix ang mga kamay sa batok niya "but where exactly are you taking me that you even wore your tux?" Mapungay ang mga mata nito.

He instantly felt his male hormones reacting to her nearness. Damn it! Kung hindi lamang ipinangako niya sa sariling hindi ito gagawan ng higit pa sa halik ay nais na niya itong angkinin, right then and there!

Namilog ang mga mata ni Beatrix habang nakatingin sa kanya ng maramdaman ang bagay na iyon sa tapat ng sikmura nito.

"Xander!" Akma itong lalayo ngunit hindi niya pinakawalan ang baywang nito.

"After tonight, I can finally make you mine, princess" he whispered to her. His voice husky.

"Y-you mean?..." hindi nito maituloy ang sasabihin at sa halip ay pinamulahan ng pisngi.

"Let's go before I change my mind... baka hindi ko mahantay na tapusin ang gabi... I could take you here right now, princess, if you don't stop giving me that look" he gently warned.

Nagbaba ng paningin si Beatrix "halika na nga!" Banayad siyang kinurot nito sa tagiliran. Sabay silang nagkatawanan.

*******

Ipinarada ni Xander ang kotse sa tapat ng hotel at hinayaang i-valet park ng attendant.

She stepped out of the car and surveyed the building in front of her. Hindi kasing laki ng mga hotel na nakasanayan na niya sa Maynila o kaya ay sa ibang bansa ngunit elegante at maganda rin iyon, mukhang de klase.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila may buhol ang kanyang sikmura. Mag di-dinner lang naman sila ni Xander for her birthday ngunit heto siya ngayon at animoy isang teenager on her first date.

She glanced at Xander. Paano bang hindi siya mag s-swoon sa lalaking ito?Hindi naman talaga biro ang pagka guwapo nito! He has that certain male aura - very masculine and domineering, samahan pa ng katangkaran at magandang pangangatawan. She did not care for any models or actors she's worked with before, ngunit pagdating kay Xander ay halos matameme siya.

"Shall we?" Inilahad ni Xander ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyon at hinayaang igiya siya ng binata papasok ng hotel.

Sa halip na sa restaurant ng hotel sila tumungo ay nagtataka siya ng dalhin siya ng binata papuntang ballroom niyon.

Xander pushed open the ballroom door. Madilim ang loob at tahimik.

"W-what are we doing here?"

"Trust me..." anitong nakangisi.

Sunod-sunuran siya sa binata ng akayin siya nito papasok ng ballroom.

As if on cue, the lights turned on as soon as she stepped in the hall.

"Surprise!!!" Sabay sabay na bati ng mga taong naroroon ang gumulat sa kanya. Naitutop niya ang mga kamay sa labi kasabay ng pag gala ng paningin sa maluwag na bulwagan.

The place was meticulously decorated and adorned with all her favorite flowers - tulips, peonies and pink roses! Mayroon ding mga drapes of peach colored satins sa kisame na katerno ng motiff ng mga lamesa. Peach is her favorite color. There were also balloons scattered all over the floor. Sa entablado ay isang live band ang nagsimulang tumugtog ng 'happy birthday'

"X-Xander..." she looked at him with misty eyes. Hindi niya inaasahang sosorpresahin siya ng ganito ng binata.

"Happy birthday, princess" he said lovingly at hinalikan ang kanyang mga kamay. The guests cheered even more sa nakitang ginawa ni Xander.

She couldn't help crying! Hindi luha ng lungkot kundi luha ng labis na galak! Masuyong pinahid ni Xander ang mga luha niya at natatawang kinabig siya sa dibdib nito.

Mula sa mga bisita ay natanaw niya ang mga magulang niya at magulang ni Xander, ganoon din ang kuya Zach niya, even Andrea is there!

"Mommy!" She turned around to see Mico running towards her.

"Oh!" Agad niyang niyakap ang anak "I missed you baby!"

"Happy  birthday po mommy!" He gave her a wet kiss on the cheek. "May dance po ako mamaya for you" buong pagmamalaking anito.

"Really? I can't wait!" Puno ng pagmamahal niyang muling hinalikan ito.

The rest of the evening was magical. Everyone was having a good time and enjoying the party. Maging ang ama niya ay nakita niyang masayang nakikipag kuwentuhan. Ilang ulit din siyang malambing na isinayaw ni Xander sa saliw ng mga romantic songs na tinugtog ng banda.

"May I have your attention please" si Xander. He was standing at the stage, nasa harap nito ang mikropono. The stage lights focused on him. Tumahimik ang mga tao at itinuon ang atensyon sa binata.

"Una sa lahat, ay nais kong batiin ang aking maybahay ng isang maligayang kaarawan" he paused "you are such a blessing to me Beatrix, and I am such a lucky bastard to have you as my wife" nagtawanan ang mga tao sa sinabi nito.

Beatrix's heart was pounding so hard in her chest as she was staring at Xander, she thought her chest might burst open anytime.

"These past months have been difficult because of my condition... because of my amnesia, but you have stayed with me. Pinagpasensyahan mo pati kasungitan ko" he chuckled as he stepped down the stage to slowly walk towards her. Ang mga mata ng lahat ng naroroon ay nakatuon sa kanila.

Xander continued "kahit na hindi pa kita lubusang maalala, alam kong dito..." he pointed at his chest "...you are here somewhere"

Xander's eyes were glued on hers from afar and she stared back at him as if she was on a trance. Kahit pa yata may sumabog na bomba sa harap niya ay hindi niya magagawang kumilos. Halos hindi siya makahinga sa tindi ng kabog ng kanyang puso. She could feel tears building up in her eyes.

"I thought about this long and hard, Beatrix..." anito ng ilang dipa na lamang ang layo mula sa kanya. Parang gustong manlambot ng mga tuhod niya sa paraan ng pagtitig ng binata sa kanya.

"Bravo!!!" Malakas na hiyaw ng isang babae mula sa entrada ng ballroom, na nagpatigil kay Xander sa pagsasalita.

Ang lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng tinig.

"Bravo!!!" Pag uulit ng babae na sinabayan pa ng isang malakas na palakpak habang papalapit ito sa kanila.

She slowly turned to look at the owner of that voice.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ng makita kung sino iyon.

Si Frances! And it looks like she came to ruin her party!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C46
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login