Download App

Chapter 3: Chapter 3

(( Vanellope ))

"Malapit na pala mag 8 ah"sabi ni Kring habang nag aayos kami ng mga jeans sa ladies section.Tiningnan ko naman ang relo ko at malapit na pala ako mag out.1pm to 8pm kasi schedule ko baka sa susunod na linggo mag iiba din ito kasi bagohan pa lang naman ako.

Closing kasi schedule ni Kring kaya mamaya pa out nya.

Nag CAYGO muna ako bago mag out.Clean As You GO.Yun kasi ang isa sa mga rules dito yung maglinis muna para hindi maipon ang dumi.

At nagbihis ako ng long sleeve na blue sa fitting room.Medyo malamig kasi sa labas kasi magpapasko na.Syempre nag selfie muna ako sa fitting room kasi ganda ng lightings 🤭

Nagpaalam na ako sa lahat ng mga kasamahan ko.Lahat sila mababait.

Nag dinner na muna ako sa isang fast food para pagdating ko ng apartment matutulog na lang ako.

Nag order na ako at kumain.Kinuha ko phone ko at nag open ng mga social media.Una ko inopen ang fb,may friend request.

Parang pamilyar ng profile nya.Chineck ko timeline nya at sya nga! Bagong palit ang profile picture nya..hmm..parang pamilyar ang background nya?Fitting room to ng store namin ah!Nag selfie siguro sya kanina.Cristoff Mar pala pangalan nya. Inaccept ko ito at nag message agad sya sa akin.

"Hi:)"chat nya.

"Yes?"taray effect muna tayo🤭

"Gawa mo dyan?Nagtutupi? hahaha" chat nya.

Naningkit naman mga mata ko sa nabasa ko.Walang hiya!

"And so kung nagtutupi man ako? Gusto mo pati ikaw tupiin ko?" pagtataray ko.

"Joke lang naman kasi,ganda mo kaya pagnagtutupi"

Ano naman trip ng isang 'to?

Hindi na ako nagreply kasi kailangan ko ng umuwi.Ang hirap kasi makasakay ng jeep lalo na pag gabi kasi konti na lang ang bumabyahe.

Habang nasa jeep at hindi pa ito umaalis kasi kailangan punuin muna ito kaya nag open ulit ako ng messenger.

"Oy biro lang yun,ito naman si ganda sensitive eh"chat nya.

"Pauwi na ako"reply ko.

"Ganun ba? Sige ingat ka ha, kasi iingatan pa kita🤭"chat nya.

Hahaha natawa ako sa chat nya.At napansin ko na nakatingin pala ang isang pasahero sa akin na kinahiya ko...

Bwesit talaga to!

Hindi na ulit ako nag reply sa kanya.Nag open na lang ako ng instagram at pinost ko yung kuha ko kanina sa fitting room🤭 hahaha. Ganda kaya magselfie dun.

Ginawa ko rin itong profile sa facebook.At nag comment na naman sya.

"Ganda talaga❤" comment nya.Bilang ganti nag comment din ako sa profile nya.

"#FittingRoom" comment ko.

Nagreply naman agad ito sa comment ko.

"Sshhhh🤫"reply nya.

Nag message na naman sya.

"Van,parang ang bilis mo"chat nya.

Nagtaka naman ako sa chat nya kasi hindi pa naman ako nakadating ng apartment.

"Pinagsasabi mo? Eh hindi pa nga ako nakarating ng bahay"reply ko.

"Kasi kanina nasa isip lang kita, ngayon nasa puso na hahaha"

Loko talaga 'to hahaha.

"hahaha whatever! Ang corny:)"

"Hahaha Handa naman ako magpaka corny para sayo eh"

"hahaha baliw ka ba?Wala ka talagang magawa dyan no kaya ako itong pinagtitripan mo"reply ko sa kanya habang nakangiti.

"Bukod sa nababaliw na ako dito sa barko,nababaliw na din ako sayo"

"Hahaha ewan ko sayo.Dami mong alam:)"reply ko sa kanya.

Ang dami namin napagkwentuhan.Hindi ko aakalain na ang gaan nyang kausap.May sense syang kausap kaya hindi ako na bored.At mas nakilala ko sya ng mabuti.


CREATORS' THOUGHTS
JMP_beauty JMP_beauty

10Days to go:):)

Pls.Rate and Vote:)

_JMP

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login