Download App
Behind The Lies Behind The Lies original

Behind The Lies

Author: Nekohime

© WebNovel

Chapter 1: Prologue

"Kailan mo pa ko niloloko?!!"

Halos mabingi na ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Gabriel. Pinuno ng boses niya ang kabuuan ng botanical garden ng aming university. Tanging kami lamang ang narito sa lugar na 'to.

Natatakot ako sa paraan ng pagtitig niya, punong-puno ito ng galit at pagkadismaya. Siguro kung ibang tao lang siya, baka napagbuhatan na niya ako ng kamay. But knowing how he respect women, he won't hurt me or even lay his finger on me even if I'm his most hated person now.

"Saan ba ko nagkulang, Kelly?"

I shook my head. Wala siyang pagkukulang. Halos ibigay na niya ang buong mundo sa akin. Sa akin ang problema.

Naramdaman ko ang panginginig ng nakatikom kong mga labi. Wala akong mabigkas na salita. Hindi ko alam kung paano ko pa dedepensahan ang sarili ko.

Napayuko na lamang ako. Hindi ko magawang tumitig sa kulay tsokolate niyang mata. Kung noon, gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing tumitingin ako sa magagandang mata niya, ngayon ay parang may malaking batong nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko kayang makita ang sakit sa mga mata niyang iyon. Baka hindi ko na kayanin.

"Kaya ba bigla ka na lang nanlamig sa akin? Kasi may iba ka na pala? At bestfriend ko pa talaga?"

Iling lang ako ng iling. Gusto ko magpaliwanag, pero sobrang gulong-gulo na ng utak ko.

"Magsalita ka naman, Kelly. Please, sabihin mong hindi totoo na may relasyon kayo ni Brix. Parang awa mo naman oh."

Parang naging isang malakas na pag-agos ng ilog ang mga luha ko. Tuluyan itong bumagsak sa mga mata ko nang marinig ko ang pagsusumamo niya.

"I-I'm sorry, Gab...I-I'm sorry...Totoo lahat ng 'yan...T-Totoong may relasyon kami," halos pabulong na pag-amin ko. Hindi ko gustong saktan siya, pero heto ako dinudurog ko ang puso niya.

Nakatitig lamang ako sa mga litratong hawak hawak niya na kanina lang ay pinagpepyestahan ng mga estudyante sa bulletin board. Lukot lukot na ito dahil naiipit ang mga ito sa nakakuyom niyang kamao. Picture namin ni Brix na magkayakap.

Kumalat na ang picture na 'yon sa campus. Marahil ay pinagpepyestahan na nila ang cheating issue namin ni Brix. Napakadali talagang manghusga ng tao kahit hindi naman nila alam ang buong kwento.

Narinig ko ang marahas na pagbuga ni Gab ng hangin kasabay nang pagtigas ng boses niya. "Kailan pa kayo?!"

Nanatili akong nakayuko, pikit-matang sinagot ang tanong niya. "T-Three months na kami."

"T-Three months," he repeated. Walang buhay. 

"Gab. Sorry...I'm really sorry!" 

I apologized over and over again. Sa mga sandaling iyon, parang iyon lamang ang mga salitang alam ko.

"Mahal mo ba siya?" muling tanong niya.

Tila binalot ng lamig ang buong sistema ko. Parang yelo na ang boses niya. Hindi ako makapagsalita. Para akong tatakasan na ng lakas. Patuloy ako sa pag-iyak. Siguro iniisip niya, napaka-kapal ng mukha ko. Kung umiyak ako sa harapan niya, parang ako pa ang biktima.

"S-Silence means yes," his voice cracked. "Putangina."

Marahas niyang itinapon sa harap ko ang hawak niyang mga litrato. Tinipon ko ang lahat ng lakas na meron ako upang muli siyang tignan. Nanlumo ako nang makitang lumuluha na rin siya pero mabilis niyang pinunasan iyon. Para akong mapapaso sa apoy ng galit na nakikita ko sa mata niya.

"Hindi ko alam na ganyan kang babae. First year highschool palang mahal na kita, ginawa ko naman ang lahat para sa'yo. Hindi ko akalain na magagawa mo pa kong lokohin. Tangina! Magsama kayong dalawa. Mga manloloko," matatalim ang bawat salitang binitiwan niya pero tinanggap ko ang lahat ng iyon kahit parang nagdurugo na ang puso ko.

"It's over between us. Hindi ako gago para magpakatanga pa sa'yo. Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha mo," he looked at me with disgust.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Naiwan akong mag-isa. Wala akong lakas pa para habulin siya. Iyak na lamang ako nang iyak habang pinagmamasdan ang tuluyang paglayo niya sa akin.

Iyon ang huling pagkakataon na nagkausap kami. At sigurado ako, kailanman ay hinding hindi na niya talaga ako mapapatawad pa.

In his eyes, I'm the worst.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login