Download App

Chapter 24: Chapter 22 - Bluebell

Chapter theme: Endlessly - The Cab

"Nasaan ba si Gab? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," iritable kong tanong kay Danika habang inaayusan niya ako.

"Baka busy lang," sagot niya.

Alas singko na ng hapon pero ni anino ni Gab, hindi ko pa nasisilayan. Wala talaga siyang paramdam sa akin ngayong araw. Nakakapagtaka. Hindi niya ako dinalaw. Samantalang halos araw araw na nga siyang tambay dito sa bahay. Kulang na lang, dito na siya tumira.

Hindi man lang siya magtext o tumawag para alam ko kung ano bang nangyayari sa kanya.

"Smile ka naman diyan, Kels." utos pa ni Danika.

Paano naman ako ngingiti kung badtrip na badtrip ako? Humanda ka talaga sa akin, Gab!

Hindi ko alam kung ano bang okasyon ngayon. Kung bakit kailangan pang bihis na bihis ako. They forced me to wear a stunning chiffon and knee length light blue dress that my mom bought yesterday. Suot suot ko rin ang isang brown na wig na hanggang balikat ko ang haba. Nakakamiss tuloy ang totoong buhok ko.

"Ang ganda gandang babae, ayaw namang ngumiti." kantyaw pa sa akin ni Janice na pinapanuod lang akong ayusan ni Danika habang nakaupo siya sa kama ko.

Hindi na lang ako umimik. Pinagmasdan ko na lang ang walang emosyong mukha ko sa harap ng salamin. Unti-unting ngumiti rin ako habang nakikita ko ang itsura ko, buhay na buhay ang kaninang maputla kong mukha. Danika applied an orange eyeshadow on my eyes with varying shades of apricot and peach on my cheeks and lips. Magaling talagang magmake-up si Danika. Papasa na siyang make up artist.

"Ano ba talagang meron?" kunot-noong tanong ko sa dalawa. Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin. Gaya ko, bihis na bihis rin sila. But unlike me na sobrang formal ng suot, sila naman ay nakasuot lang ng casual clothes.

"Dinner lang tayo sa labas," tipid na sagot ni Janice. Umangat tuloy ang isang kilay ko.

"Kakain lang pala tayo sa labas eh, bakit kailangan ganito pa ang ayos ko?"

"Aba syempre. Sa isang fine dining restaurant tayo kakain, kaya kailangan ganyan talaga," Danika replied.

"Eh bakit kayo? You're not wearing a formal dress." I asked once again.

I heard Janice heaved a sighed then she got up and approached me. "Huwag ka na magtanong, Kels. Basta, malalaman mo din mamaya." she winked.

Nanahimik na lang ako at muling humarap sa salamin. Hindi naman siguro nila ko ibubugaw no? Hindi pwede 'yon, may boyfriend na ko. Lagot talaga sila kay Gabriel ko.

*****

"Nasaan si mommy?" tanong ko kay kuya nang madatnan ko siyang nakaupo sa sala. Bakas na bakas ang labis na pagkainip sa mukha niya.

"Tagal niyo naman," wika niya. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.

Agad din namang nagliwanag ang mukha ng kapatid ko nang dumako ang tingin niya kay Janice na nakakapit sa kaliwang braso ko. He looked so mesmerized. Bahagya pang umawang ang bibig niya dahil sa ayos nito. Janice's hair was fixed in a messy bun. Danika put a make up on her as well.

"Kuya Mike, pasukan na ng langaw yang bibig mo," pang-aasar ni Danika dahilan para mapabalik sa tamang wisyo niya ang kapatid ko.

Narinig ko siyang tumikhim bago tumayo sa pagkakaupo niya para lapitan ang girlfriend niya.

"Ang ganda mo," he whispered. Janice just smiled shyly at him. Pulang-pula ang mukha nito. Kinikilig na yan, for sure.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na siya pala ang babeng bumihag sa puso ng kapatid ko. Gulat na gulat kami ni mommy nang ipakilala siya sa amin ni kuya bilang girlfriend niya.

Grabe ang dalawang 'to. Wala talaga akong idea na may namamagitan na pala sa kanila noon. Ang galing nilang magpanggap.

Ilang minuto ring nagtitigan muna ang kapatid ko at si Janice bago sirain ni Danika ang moment nilang dalawa.

"Tama na 'yan. Huwag kayong agaw eksena. Hindi kayo bida ngayong araw," patawa-tawang saad niya. Napaismid na lang si kuya. Si Janice naman, napaiwas na lang ng tingin pero hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.

*****

It was exactly six in the evening when we arrived at the fancy restaurant located in the busy street of Sunny Ville. My brother who's our driver for tonight got out of his car and opened the door for us. After that, he quickly went to his girlfriend's side to stick with her like a glue.

When we got inside the restaurant, I was amazed by its interior. It looked so elegant with a romantic ambiance. Nagkalat pa ang mga rose petals sa sahig. But then my eyes grew wide when I noticed that there was no one else inside. Kami kami lang ang nandito. As if the whole place was reserved only for us.

Pakurap-kurap ang mga mata kong tumingin kina Danika. I was waiting for them to explained what was really happening but they just smiled at me sheepishly.

I looked around only to find out that everyone was present here. Well, except for only one person, Gabriel. Hindi siya mahanap ng mga mata ko. Nasaan na ba kasi talaga siya?

"Kelly!" I saw Aiyah waved at my direction. I couldn't help but smile upon seeing her. She was sitting on the leathery table and chairs, together with her bandmates.

May lumapit sa aking waiter at dinala niya ako sa table ko kung saan nakaupo na doon si mommy. Kaya pala bigla siyang nawala, nauna na pala siya dito.

Sina Danika at Janice naman, nagpunta na rin sa sariling table nila kung nasaan nakaupo ang mga boyfriend nila.

"Hi, Kels! You looked beautiful tonight." Thao greeted me. Nasa kabilang table siya kasama si Lily. They look good together. Sila na kaya? Balita ko kasi pinopormahan niya 'to.

Napatingin din ako sa table sa bandang kanan ko. Napangiti ako nang makitang sina Lloyd at Brix ang nakaupo doon.

"Kelly! Grabe! Kahit anong ayos talaga, ang ganda ganda mo. Para kang walang sakit," Lloyd commented with a goofy smile on his face. Agad naman siyang siniko ni Brix. Nagpeace sign naman siya sa akin.

"Si Gab?" I asked Brix. Baka kasi alam niya kung ano na bang ginagawa ng best friend niya.

"I don't know," tipid na sagot niya saka ngumiti sa akin ng nakakaloko.

Ugh! Bwisit ka Gabriel! Nasaang lupalop ka na ba ng mundo? Nasa Earth ka pa ba?

"Hayaan mo na, anak. Baka sobrang busy lang talaga." Mom comforted me when she saw my face wrinkled in petulant annoyance.

Few moments had passed, I remained silent when the waiter served our meals. Everyone looks happy lost in their own little world while I was still sulking. Wala rin akong gana pang kumain dahil sa labis na pagtatampo ko kay Gab. Buti pa sila Danika, kasama nila ang mga boyfriend nila.

Maya-maya pa, biglang namatay ang ilaw. Nagpanic ako ng husto pero si mommy, hinawakan lang ng mahigpit ang kamay ko para pakalmahin ako.

The lights was out for about 15 minutes. At parang kalmado lang ang mga tao sa paligid ko. Tila hindi nila alintana ang pagkawala ng ilaw. Nang sumabog ulit ang liwanag sa paligid, nakita ko sina Aiyah at ang mga kabanda niya na nasa bandang harapan na. Hindi ko napansin na may maliit na stage pala sa bandang harap ng resto. Mukhang tutugtog ata sila. May pa-free concert sila?

Biglang nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kasama ko. Lahat ng mata sa akin nakatutok, imbes na sa bandang tutugtog sa harap. May masasayang ngiti sila sa mga labi nila kaya naman kumunot ang noo ko dahil sa inaasal nila.

Then Aiyah caught my attention once again when her soulful voice started filling my ears. She was singing a familiar song that my heart knows very well. Isa ito sa mga paboritong kanta ko.

There's a shop down the street

Where they sell plastic rings

For a quarter a piece, I swear it

Then the next line was sang by Jolo. Ang male vocalist nila.

Yeah, I know that it's cheap

Not like gold in your dreams

But I hope that you'll still wear it

Aiyah and Jolo both paused for a moment, there's a heartwarming smile plastered on their face which made me look at them confused. Tumigil din sa pagtugtog ang mga kabanda nila. Hindi ko maintindihan kung bakit.

As if on cue, the lights went out once again. Bumukas naman ang nakakasilaw na spotlight, saglit pa akong napapikit para mag-adjust ang mga mata ko sa liwanag. Halos maputol ang hininga ko nang makitang si Gabriel ang tinapatan nito. He's wearing a white long sleeve polo and denim jeans. Hawak niya ang isang bouquet ng bluebell sa kaliwang kamay niya. Natawa ako dahil may suot-suot pa siyang lapel mic. Ano kayang trip nito?

Muling tumugtog ang banda ni Aiyah, but this time hindi na si Aiyah o si Jolo ang kumakanta.

Yeah, the ink may stain my skin

And my jeans may all be ripped

I'm not perfect, but I swear

I'm perfect for you

Unti-unting nangilid ang luha sa mga  mata ko nang marinig ko ang buong-pusong pagkanta ni Gabriel. Just hearing his gentle voice was enough to make my heart beats faster and crazier than usual. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa akin. Inabot niya sa akin ang bouquet na hawak niya at malugod ko namang tinanggap 'yon.

Kinuha niya ang malaya kong kamay at kinabig ako palapit sa kanya. Halos matunaw ako ng pagdikitin niya ang mga noo namin, habang nakatitig sa akin ng buong pagmamahal.

And there's no guarantee

That this will be easy

It's not a miracle ya need, believe me

Inangat niya ang kamay kong hawak niya at itinapat 'yon sa dibdib niya kung saan nakapwesto ang puso niya. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok nito, as if it was screaming for my name.

Yeah, I'm no angel, I'm just me

But I will love you endlessly

Wings aren't what you need, you need me

Tuluyang bumuhos ang luha ko nang matapos siyang kumanta. Masuyo niyang hinalikan ang noo ko kasunod noon ay ang dahan dahang pagluhod niya sa harapan ko. Iyak lang ako ng iyak habang pinagmamasdan ko siya sa ganung posisyon.

"I know, I'm not the perfect guy for you. Ang dami dami kong naging pagkukulang sa'yo but despite all of that, hindi ka nagdalawang isip na tanggapin akong muli sa buhay mo. Alam ko masyado pang maaga para sa ganitong bagay, pero hindi na ko makapaghintay pa. Gusto kitang makasama habang buhay, hindi bilang boyfriend mo kundi asawa mo."

Hindi ako makapagsalita dahil nalulunod ako sa mga hikbi ko. Walang tigil na pumapatak ang luha mula sa mga mata ko. Basang basa na ang magkabilang pisngi ko. Mabuti na lang water proof ang nilagay na mascara ni Danika sa pilikmata ko, kundi baka kumalat na ito.

Kitang kita ko rin sa mga mata ni Gab ang nababadyang luha. Alam kong hindi ganun kadali ang pagdadaanan namin. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari, walang kasiguraduhan ang future naming dalawa. Pero isang bagay lang ang nais ko, ang makasama siya hanggang sa huling hininga ko.

May kinuha si Gabriel sa bulsa niya na isang maliit na kulang pulang kahon. Napatakip ako sa bibig ko nang buksan niya ito at tumambad sa harap ko ang isang napakagandang singsing.

"You fill my heart with happiness. You're the one who makes me feel alive. You are my love and my eternal bliss. And here I am, bravely asking you to be with me in this long ride. Will you marry me, Kelly Romualdez?"

Tanging sunod-sunod na tango na lamang ang naisagot ko sa mga sinasabi niya. Lumalakas rin ang bawat paghagulgol ko. Para akong batang umaatungal sa harapan nilang lahat.

"Is it a yes?" tanong niya.

Nahampas ko tuloy siya ng malakas sa balikat niya. "Ano ba sa tingin mo? Syempre, oo!" singhal ko sa kanya.

Nagtawanan tuloy sina mommy at mga kaibigan ko dahil sa ginawa ko. Tumayo naman si Gabriel at agad akong niyakap. Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan kong nanunuod lang sa amin.

"Thank you, mahal." bulong niya.

"Ako dapat magpasalamat sa'yo. Baliw ka! Dami dami mong pakulo. Thank you, Gab. Ang saya saya ko sobra," iyak ko. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa labi.

"Gagawin ko ang lahat para araw araw kitang mapasaya. I love you, endlessly." he declared staring at me with so much affection. I couldn't help but melt under his gaze.

With him by my side was like a dream come true. Wala na akong ibang gusto, kundi ang makasama lang siya. I love him with all my heart and soul. He is my non-pareil. Our relationship may not be perfect but I know and without a doubt, Gabriel Van Perez is my other half.

*****

A/N: Bluebell symbolizes a never ending love. ❤


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C24
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login