Download App

Chapter 2: Chapter 1: Rejection

"Loko! Bakit tayo nandito?"

Natatawang tanong sa akin ni Daniel.

"Anu pa nga ba! Edi hinihintay yung crush n'ya. Aamin na to tol!" Natatawa namang sabi ni Terrence sa gilid ko.

"Himala! Ang torpe'y narito na! May himala!" Buong galak na sabi ni Grinson. At ang Loko ibinuka pa ang mga kamay na animo'y nagpapasalamat sa taas.

"May himala! Halikayot tayo'y magpasalamat!" Sabi nito at lumuhod pa. At anak nga naman sila ng mga nanay at tatay nila. Pati si Terrence at Daniel nakisalo na rin. Agad ko silang sinamaan ng tingin.

"Halleluyah!!!" Madamdaming sigaw ni Grinson.

"Halleluyah!!!" Sabay naman na sabi ng dalawang bugok at hindi ko alam kung saan pinagmana ang mga ito at kung makabow ng ulo ay halos mahalikan na nila ang sahig.

"Ingudngod n'yo na kaya mga mukha n'yo!" Bored na utas ko sa tatlo at halos matawa ako ng ginawa nga nila.

Kingina!

"Mga siraulo! Magsitayo nga kayo! Ulol!" Natatawang sigaw ko sa kanila. Agad naman silang nagsipagtayuan at halos matumba na ako kakatawa sa mga panget nilang pagmumukha.

"Puta pare! Anung nangyare sa mukha n'yo? Panget na nga naging basahan pa. Hahaha!" Malakas kong tawa sa mga pagmumukha nila. Masama ang tingin nila sa akin at nagulat na lamang ako ng binatukan nila ako.

Shit! Di ako nakaiwas!

"Buti nga sayo---shit! Andyan na tol!" Nanlalaking matang sabi ni terrence habang nakaturo sa likod. Agad nanlaki ang mga mata ko. Inayos ko ang sarili ko at ganun na rin ang tatlong bugok. Kinuha ko agad yung bulaklak kay Daniel, kaso nakalimutan kong nakadikit ata sa kan'ya yung malas. Yung bulaklak ko naipit.

Shit lang!

"Naku! Pasensya na tol! Naluhudan ko pala!" Natatawang sabi pa n'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin. Magsasalita pa sana ako ng sapilitan akong iharap nina Terrence at Grinson.

"Tol? Galingan mo ah? Paganahin mo yang walang kwenta mong Charm haha!" Hindi ko alam kung pinapalakas ni Grinson yung loob ko o Ininsulto n'ya ako. Gago talaga. Wala daw kwenta ang Charm ko? Baka nakakalimutan n'ya, Nahuhumaling sakin lahat.. As in lahat..... Pati ang hayop.

Nakita kong palapit na sa banda namin si Amber. Ang matagal ko ng crush. Shit! hindi ko talaga maiwasang hindi hangaan ang taglay n'yang ganda. Kaya ako nahuhumaling sa kan'ya ea. Siguro lahat ng lalakeng Gwapo rito ea ginagayuma n'ya. At isa na ako doon. Too bad, hindi gwapo yung mga kaibigan ko. 

"Tol? naihi ka na ata sa pants mo? pigilan mo muna yan kung palabas palang. Nakakahiya naman kay Amber pag nakita kang maihi sa pants"  Hindi ko na lamang pinansin ang mga pinagsasasabi ni Terrence sa likod ko. Mas nag-focus ako sa paghahanda ng mga sasabihin ko sa harap ni Amber. Huminga ako ng malalim. Ang hirap talaga umamin. At mas lalo lamang akong kinabahan ng malapit na s'ya sa amin. Agad akong tinulak ng mga ugok. Napadpad ako sa harap n'ya kaya napatigil naman s'ya.

Hindi ko na dinala yung bulaklak dahil ipit na. Nakakahiya naman  kung ibibigay ko pa. Halos pagpawisan ako ng todo dahil sa kaba ko. Namamawis rin ang mga kamay ko at feeling ko may bumara sa lalamunan ko.

"H-hi Amber. Ako nga pala si Liam Jesreal Devoughn" Sabi ko sabay lahad ng kamay sa kan'ya. Napangiti naman s'ya saka tinanggap ang kamay ko. Shit lang! Gusto kong magtatatalon ng maramdaman ko yung malambot nyang kamay sa kamay ko. 

"Hi Liam, I am Amber De Vera. Nice to meet you by the way. Anung kailangan mo?" Nakangiti n'ya pa ring tanong sa akin. Mas lalo lamang akong kinabahan. Anu nga ba ang kailangan ko? Madali lang naman. Kailangan mo lang naman akong payagang manligaw sayo. Yun ang kailangan ko.

"G-gusto sana kitang ligawan!" Alam kong kahit hindi ako nakatingin ay pula na ang mga pisngi ko. Bakit pa ngayon sumalakay tong Blush blush na to? Nakakahiya tuloy sa kanya. Isipin pang bakla ako. Kabado na nga ako kasi baka hindi n'ya ako payagan. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa mukha n'yang may ngiti pa rin. Shit lang talaga! Meron ata akong pag-asa. Hindi s'ya ngingiti kung hindi n'ya ako bibigyan ng pag-asa. Tsaka diba dapat magugulat s'ya kasi may nagcoconfess sa kan'ya ngayon at gusto pang manligaw. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti rin. 

Nakikita ko na ang future namin kung papayagan man n'ya ako na manligaw sa kan'ya ngayon. Araw-araw ko syang idadate. Gagawin ko lahat ng gusto n'ya at Ako lagi ang naghahatid-sundo sa kan'ya. Ako rin ang kasama n'yang kumain tuwing lunch at Hahawakan ko cellphone n'ya at ganun din s'ya sa akin. Kaiingitan kami ng lahat kasi kami yung batayan ng isang Perfect Coup---.

"I'm sorry Liam" Biglang naputol ang imahinasyon ko sa future namin ng magsalita s'ya.

'What?'

Anu yung sinabi n'ya? tama ba yun? I'm Sorry daw? Nah! baka naman iba. Tatanungin ko na lang uli s'ya.

"A-ano?" Tanong ko at hindi pa rin nawawala ang ngiti ko.

"I said. I'm sorry" Muli n'yang ulit. Nang marinig ko uli yun ay unti-unting nawala ang ngti sa mga labi ko. Hindi pala talaga ako nag-kamali. Yun talaga 'yun. Pero bakit hanggang ngayon ay nakangiti pa rin s'ya?

"P-pero bakit?" Tanong ko sa kan'ya ng pumasok na sa utak ko ang gusto n'yang sabihin. Mas lalo lamang s'yang ngumiti. May gana pa talaga s'yang ngumiti ah. Katapos mokong bastedin? Makikita mo. Tatanggalin ko tong paghanga ko sayo. At pag may girlfriend akong mas maganda sayo ay Who you ka sakin!

"Hindi kasi kita type. And besides may balak na akong sagutin si Johnny. S'ya kasi yung matagal ko ng crush. I'm sorry again. Sana maging magkaibigan tayo" Sabi n'ya sa akin ng may malawak pa ring ngiti at sabay alis na parang wala lang. Hindi ako makapaniwala. Kaibigan? Siguro kapag nawala na tong paghanga na to ay pwede na. Pero sa ngayon wag muna. 

Naglakad ako pabalik sa mga kaibigan kong parang tanga kung makasilip sa gilid. Nagbubulungan pa ang mga loko at hindi napansin ang pagdating ko. Kaya naman ay nakinig na lang ako sa pinagsasasabi nitong si Daniel.

"Basted agad mga pare. Anung magandang  gawin sa isang broken hearted?" Rinig kong sabi ni Daniel.

"Batukan na lang natin o di kaya ay magpalibre tayo sa kanya  ng pang-lunch at palibre na rin sa karissa sa pag-uwi" Rinig ko namang sabi ni Grinson.

"Lagyan na lang kaya natin ng mabahong medyas yung locker nya." Natatawang sabi ni Terrence. Kumunot ang noo ko. Mga lapastangan! May balak pa talaga silang ganituhin ako imbes na Icomfort? 

"Tama! galing mo tol pero saan naman tayo kukuha ng mabahong medyas?" Tanong ni Daniel sa dalawa.

"Teka! Amuyin natin tong medyas ko" Agad namang tinanggal ni Terrence ang sapatos n'ya sabay tanggal rin ng medyas n'ya. Agad nya itong inamoy at maging ang dalawa ay nakiamoy na rin.

"Amoy Downy tol!" Ani ni Daniel. 

"Oo nga hindi natin magagamit yan. Subukan natin yung akin" Agad na tinanggal naman ni Grinson ang sapatos at medyas n'ya saka nila inamoy. Halos malukot ang mukha ko sa ginagawa nila. 

"Amoy pabango yung sayo tol. Nilalagyan mo ba ng pabango medyas mo?" Tanong ni Daniel kay Grinson.

"Oo naman syempre. Para bumango tol." Proud pang pag-amin ni Grinson sa dalawa.

"Edi mabaho yung paa mo?" Tanong ni Terrence sa kan'ya.

"Hindi. Edi sana may Ibang amoy medyas ko bukod sa pabango ko" Sarcastikong sabi ni Grinson sa kan'ya.

"Tama na nga 'yan. Etong medyas ko naman ang amuyin natin" Pagkasabi ni Daniel nun ay agad n'ya ring tinanggal ang sapatos at medyas nya at inamoy rin nila ito.

Halos malukot ang mukha ko sa kalokohan ng tatlong to. Napapailing nalang ako sa tuwing naiisip kong bukod sa ako na nga ang pinakagwapo ay ako pa ang pinakamatino.

"Ea kung ipagkalat na lang kaya nating basted sya pre?" Bigla na lamang sabi ni Terrence. Agad namang nagpantig ang tenga ko. Bilib rin ako sa kakapalan ng mga mukha ng tatlong ugok na to. At talagang Ipapahiya pa nila ako ah.

'Ganun pala ah!'

Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Mukha namang hindi nila ako napansin. Kinuha ko yung bulaklak na naipit ni Daniel. Patuloy pa rin sa pag uusap ang tatlo. Napangiti na lang ako.

Tanggapin nyo to!

*PAK!*

*PAK!*

*PAK!*

BINIGYAN KO LANG NAMAN SILA NG TIG-IISANG SAPOK!

"Ay Budang!"

"Sinigang!"

"May gulay!"

Agad na nagsitinginan ang tatlo sa akin. At talaga namang hindi ako makapaniwalang tinignan nila ako ng masama.

Ako pa ngayon titignan n'yo ng masama? samantalang kung makapagplano kayo jan akala nyo 'di ko naririnig? Abay! PAKYU!

"Nanghahampas ka?!" Sigaw sa akin ni Terrence.

"Oo nga! Problema mo tol?!" Ganun rin ang Grinson.

"Wag mo samin ibunton kamiserablehan mo! Loko!" At syempre ganun rin ang Daniel. Sila naman ang pinagsamaan ko ng tingin.

"Ako pa talaga may problema? ha! mga ugok kayo! Akala n'yo hindi ko malalaman yang pagpaplano nyo jan? Baka nakakalimutan n'yong binasted rin kayo ng mga Crush nyo!" Pinandilatan ko sila ng mga mata. Wala kong pake kung halos lumuwa na eyeballs ko.

"Abay pwede naman natin yang pag-usapan pare. Tara libre ka namin!" Bigla na lamang nawala ang kanina'y matatalim na tingin ng tatlo.

"Onga! Tara anu ba gusto mo?"Ani naman ng Daniel.

"Tara sa Cafeteria. Para makapili ka tol!" Sabi ni Grinson.

Inakay ako ng tatlo papunta sa cafeteria. At habang papunta kami doon ay napag-usapan namin ang tungkol sa buhay namin kung saan nabroken kami.

"Ewan nga rin mga tol ea. Lahat nalang ata ng nagiging crush naten binabasted tayo!" Sabi ni Terrence. Napatango naman kaming tatlo at handa na sana akong magsalita ng may mauna sa akin.

"Kase mas pinipili n'yong ligawan yung mga taong paghanga lang naman ang nararamdaman n'yo!" Agad kaming tumingin sa likod namin.

"Oy pare? Sinu ka?" Takang tanong ko.

Napahilamos naman ng mukha yung lalake. Parang inis rin s'ya kung makatingin. Abah! Anung kinaiinis nito?!

"Kaklase nyoko sa loob ng tatlong taon pero hindi n'yo pa rin alam kung sinu ako?!" Nagingitngit ang ngipit n'ya habang nagsasalita.

"Me angal pre? Magsalita ka na lang. You see?! We dont know you!" Halos mapalatak kami ng magsalita ng english tong si Grinson. Sa ilang beses na lumabas ng bansa tong Lalaking to ni hindi man lang namin narinig magsalita ng english.

"Tsk! I'm Klein Harold Agustino." Klein?! teka si...

"Ahh!! Itang matako Kinderjoy!" Biglang sabi ni Daniel. Napangiti naman agad tong Klein nato at naglabas ng kinderjoy.

(Translation: "Ahh!! 'yong matakaw sa Kinderjoy!")

"Sandali pare. Anu nga uli yung sinasabi mo kanina?" Tanong ko. Napatingin naman s'ya sa akin at napatango-tango. inubos muna n'ya yung kinderjoy na hawak sa nagsalita.

"As I was saying. Mas gusto n'yo kaseng ligawan yung mga taong paghanga lang naman ang naratamdaman nyo." Halos mangunot ang noo ko ng inulit n'ya lang.

"O ea. Anu nga ibig sabihin nun?"Tanong ni Terrence.

"Ang ibig kong sabihin, Hindi n'yo kase nakikita yung mga taong totoong nagmamahal sa inyo. Higit pa sa paghanga ang nararamdaman nila sa inyo. Pero kayo, mas tinutuunan n'yo ng pansin yung mga crush n'yo lang. Mas pinipili n'yo silang ligawan. Hindi n'yo nakikita yung pagmamahal nung taong handang masaktan makita lamang kayong masaya!" Seryosong utas nya.

"Ang lalim ng hugot!" Rinig kong bulong ni Grinson.

"Nabasted na rin to. Medyo dama pa yung pinagdaanan ea." Sabi rin ni Daniel.

"Naranasan mo na rin bang mabasted?"Tanong sa kanya ni Terrence.

"Hindi noh! Ako pa nga ang nambabasted."

Lito kaming nagkatinginang apat. Aba! Nagmamalaki ata tong..... kinderboy na to!

"Bakla ka!"Sabay sabay naming sigaw sa kan'ya na nagpakunot ng nuo n'ya.

"King*na! Nambasted lang ako bakla na?"

"Hindi!"Agad na sagot ni Terrence.

"Labo n'yo pare!" Inis na umiling iling pa ang loko.

"Mabuti na yung sinabihan ka naming bakla, kesa naman sa 'Ang gwapo mo!' Hindi katanggap tanggap yun ulol!" Malakas na sabi ni Daniel.

"Hoy! Bakit parang pinamumukha n'yo sakin na hindi ako karapat dapat na tawaging gwapo?" Halata ang iritasyon sa mukha nitong Kinderboy na to.

"Dahil hindi naman talaga. Bakit? ilan naba nababasted mong babae?" Maangas na sabi ni Grinson. Agad naman napakunot ng noo si kinderboy.

"Ano? Anung babae?" Inis na sabi n'ya. Agad naman kumunot ang nuo ko. Pinagsasasabe nito?

"Anu? Hindi ba babae yung mga binabasted mo?"Kunot ang noong tanong ko.

"Hind! hinding hindi sila magiging babae! Kahit kailan hindi magiging babae ang Bakla!" Napatahimik kami. Nanlaki ang mga mata namin at parang nawalan kami ng sasabihin. Walang nagsalita maski isa sa amin. Hanggang sa....

"Sheeettt!!!! Dudayyyy!!!" Biglaang sigaw ni Daniel.

"Puro Duday pala ang nanliligaw sayo! Hindi ka talaga nababagay na tawaging Gwapo!" Humahalakhak na sabi ni Grinson.

"Duday Catcher!" Sigaw sa kan'ya ni Terrence.

"Hoy! Sinung Duday Catcher? Kasalanan ko bang nabibihag ko sila? Saka baket sila lang ba nanligaw sakin?" Napatigil kami sa paghalakhak ng sigawan kami ni Kinderboy/Duday catcher.

"Bukod sa mga Bading na nanliligaw sayo ay meron pa?" Manghang tanong ko.

Putcha! Baka pati mga lola nagkakagusto rin sa kan'ya.

"Oo! Magugulat ba kayo kapag sinabi kong pati lala--"

"Klein!"

Agad kaming napatingin sa lalaking tumatakbo. Papunta s'ya sa direksyon namin... mali pala sa direksyon ni klein.

"Teka! Isang kahon ba ng kinderjoy ang hawak nya?!" Gulat na sabi ni Terrence. Napatingin rin ako sa kamay nung lalaking tinawag si klein. Oo nga noh!

"Klein!" Tuluyan ng nakalapit yung lalaki kay klein. Bahagya pang hinihingal.

"Eto na. Binili ko na yung isang kahon. Nakita ko kasing Ubos na yung baon mo" Parang tangang nakangiti yung lalaki habang nagsasalita. Agad namang tinanggap ni klein yun at saka kumain ng isa. Yung lalaki naman ay nakatingin lang kay klein na may ngiti pa rin sa labi.

"Parang tanga!" Mahinang bulong ni Grinson.

"Salamat jude!" Sabi ni klein.

"Wala yun. Ikaw pa!"Sabi nung jude.

"Pare---"Nabitin ang pagtawag ko sa pansin ng dalawa ng bigla na lamang hinalikan ng jude daw si klein sa labi. Natuluyang nalaglag ang panga ko sa nasaksihan.

TOTOO BA ANG NAKITA KO?!

Hindi ko alam ang sunod na nangyari pero ang huli kong natatandaan ay nung nagpaalam na sila na aalis na. Halos hindi pa din ako makapaniwala sa nakita ko.

"Live Forn!" Napabalik lang kami sa sarili namin ng magsalita si Daniel.

"Ulol! anung forn pare? Horn yun! Live Horn!" Sabi ni Terrence sabay batok kay Daniel.

"Putcha! Umabot kayo ng Grade 10 yung lang hindi n'yo pa alam. Hindi Horn yun!" Kunot ang noong sabi ni Grinson.

"Ea anu?!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Live Worn!" Mayabang na sabi ni Grinson sabay batok kay Terrence. Habang ako ay natampal na lang ang nuo.

'Bukod sa gwapo at mabait na ako, ako pa yung pinakamatalino sa aming apat.'

Agad kong Binatukan si Grinson. Loko-loko din 'tong mga to. Anung pinagsasasabi nila?!

"Huy! Nambabatok ka?!" Inis na sigaw n'ya saken.

"Kung makapagsalita ka kase akala mo naman tama rin yung sinabi mo! Gago hindi Worn yun, hindi rin Forn at mas lalong hindi Horn!"Sigaw ko sa pagmumukha nila.

"Shit! Yung laway mo naman!"

"Wag kang magpa-free Shower!"

"Amuy kanal!!!"

Reklamo nila. Pero wala akong pake. Tumalsik na ang dapat tumalsik. Bahala na silang mag-inarte. At hindi amoy kanal ang laway ko! Mas mabango pa laway at hininga ko kesa sa kanila.

"Live Porn yun! tsk! Tara na nga! Pasok na tayo!" Yaya ko sa kanila. Hindi na kami nakaabot sa Cafeteria ng dahil dun sa Kinderboy at si pareng Porn na yun!

*****


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login