Download App

Chapter 2: Chapter 1. Prejudice

Teacher. Dapat perpekto. Dapat morally upright. Dapat matino. Kapag nagkamali ay sasabihing, "teacher ka pa naman".

Nakakapagod at nakakarinding marinig ang lahat ng iyon. Teacher, oo. Pero tao rin. Maaaring magkamali. Maaaring malungkot. May mga shortcomings.

"Ay alam mo ba iyong anak na titser ni Linda. Aba! Live in pala. Hindi na nahiya. Titser pa mandin. At iyong ina naman ay isang napakalaking kunsintidora," iyan ang nagpapanting ng aking tenga. Kasalukuyan akong bumibili ng pang ulam sa tindahan nang marinig ko ang mga salitang iyon. Ano bang problema nila sa mga titser? Naisip ko.

Mali bang magmahal ang isang teacher? Mayroon ba syang matatapakan kung makisama siya sa taong mahal niya at mahal siya? Bakit ba parang microorganisms ang mga teacher? Laging nakasalang sa maiinit na mata ng mga tsismosa.

Ah! Nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Alex, Alexandrei Salamanca. Isang kolehiyala na napili ang kursong Edukasyon. Kaya naman sa tuwing makakarinig ako ng mga ganitong usapan ay talaga namang nag iinit ang aking ulo.

"Aling Minda, alam ba ninyong nag cutting classes iyong anak ninyong si Mildred? May nakakita ho na kasama ang boyfriend sa boarding house," sabat ko. "Wag nyo naman ho sanang gawing hobby iyang pagtsi- tsismis. Ayan ho. Hindi nyo na tuloy alam ang nangyayari sa anak nyo."

Natahimik ang matanda sa aking sinabi saka bubulong bulong na umalis. Napabuntong hininga ako at nagdesisyong umuwi na. Mapapagalitan akong tiyak ng aking ina.

"Nay, ito na ho ang pinapabili nyo," sabi ko nang makapasok sa bahay.

"Bakit ba ang tagal tagal mo? Gutom na ang Tatang mo," anitong nakakunot ang noo.

"Naku nay. Wag nyo ngang ikunot iyang noo nyo. Mas nagmumukha kayong matanda eh," natatawa kong puna.

"Ay naku. Puro ka kalokohan. Sige na at tulungan mo na akong magluto ng makapananghali na tayo."

Tinulungan ko si Inay na magluto ng pananghalian. Mayamaya pa ay dumating na ang aking ama na nakakunot ang noo.

"O, tang. Andyan na pala kayo. Katatapos lang naming magluto ni Inay. Pwede na tayong kumain," nakangiti pang sabi ko.

"Ano na naman bang ginawa mo?," asik ni Tatang.

"Ho?," napakunot noo ako. "Bakit ho?"

"Galit na galit si Minda. Wala ka daw modo. Napakabastos mo daw," nakakunot noo pa ring sabi ni Tatang nang umupo ito sa hapag kainan.

Napasimangot ako. " Eh, nakakaiyamot naman kasi Tang eh. Kala mo ba naman eh Hindi siya nagkakamali. Para daw Hindi titser iyong anak ni Aling Linda at nakikipag live in. Aba. Ano akala niya sa titser? Perpekto? Tao din naman ang titser ah,"litanya ko. "Nagalit siguro iyon dahil sinabi ko kung anong ginagawa ng anak niya. Tapos hindi naman niya alam."

"Kahit na anak. Hindi mo na dapat pinapakialaman iyong mga ganoon," napapabuntong hiningang sabi naman ni Inay.

"Nay, magiging Teacher din ako. Hindi maganda sa pandinig ko ang mga ganoon. Eh kung ako ang maging tampulan ng usapan diyan sa kanto, Hindi ho ba kayo magagalit?"

"Ibang usapan kapag ikaw na ang pinagtsi-tsismisan anak," anang Tatang.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login