Download App
33.33% UNDERWATER

Chapter 3: DROWNING

Darkness enveloped her. No one's around, only the waters filling her with deep suffocation. Lungs are giving out. She is trying to grasp for air, but she can't. The urgency for air was more important for her than ever.

Her body is getting heavier and heavier. Her heart was beating rapidly in panic.

She is trying to swim forward and forward, reaching for the surface, but there is something that's hindering her to go through – that enchanting music - that music that is soothing to her ears but is the reason why she sinks fast.

She is tired. Her arms and legs are weak.

She can't shout for help.

She is giving up. She can't hold her breath anymore…

"Let go," a whisper.

… And she lets herself drown.

"Keyna, wake up! Keyna!" Si Mrs. Ferrer na inaalog ang anak dahil kanina pa nila ito ginigising.

"Keyna!" Mr. Ferrer.

Nabangon si Keyna sa kaniyang pagkakahiga at namulat ang mga mata. Mabilis niyang hinahabol ang kaniyang bawat paghinga, kasabay nang mabilis na pagpintig ng kaniyang dibdib.

Pawis na pawis ito at namumutla.

Hinawakan ni Mr. Ferrer ang anak sa magkabila nitong balikat sabay hawak sa pisngi nito. "Andito si Daddy, Keyna. Andito si Daddy." At niyakap niya ito, assuring her daughter that she is safe.

Kahit hinahabol pa ang paghinga, yumakap din si Keyna sa kaniyang Ama. Hindi naman maiwasan ni Mrs. Ferrer ang maging emosyonal.

Hinaplos haplos ni Mr. Ferrer ang buhok ng anak para kumalma ito at mabilis na kumuha ng tubig si Mrs. Ferrer sa kusina.

Ilang minute din ang lumipas, kahit papano naman ay kumalma si Keyna at unti-unting bumabalik sa kaniyang sistema.

"Bad dream again?" Her Dad asks.

Inaalala ni Keyna ang detalye ng kaniyang panaginip, ngunit, pareho lamang naman ito sa mga panaginip niya nung bata pa siya.

"It's the same dream Dad," she answers. "Nalulunod ako."

Nahilot ni Mr. Ferrer ang kaniyang noo at hindi napigilang bumuga ng malalim.

"Bakit palaging yon ang napapaginipan ko Dad?" Hindi na niya maiwasang magtaka at matanong. "Simula pa nung bata ako, hindi ako tinatantanan ng masamang panaginip na to. Hanggan ngayon, hinahabol pa rin niya ako."

Hinarap ni Mr. Ferrer ang anak at hinawakan ang kamay nito. "Anak, kahit anong mangyari andito lang kami ng Mommy mo. Kahit ilan pang nightmares yang harapin mo, andito lang kami. Hindi ko alam kung bakit ginugulo ka niyang panaginip na yan, pero wag kang matakot, poproteksiyunan ka namin. Ako, ako at ang Mommy mo."

Humawak naman si Keyna sa Ama at hinigpitan ang pagkakahawak dito.

Natatakot siya. She is terribly afraid of what her dreams meant and what her dreams could do to her.

Nang mahimasmasan si Keyna, pinagpahinga na rin uli siya ng mga magulang. Pinainom muna nila ito ng gatas at binantayan hanggang sa makatulog ito.

Nang makarating sa kanilang silid…

"It is not another nightmare, Peter. It's the same dream," ani ni Mrs. Ferrer with fear in her tone. "Hindi ba nakakabahala na? Paano kung… Paano kung…"

"Stop Mommy!" Natigil si Mr. Ferrer sa paglakad paroo't parito na nag-iisip. Hinarap niya ang asawa na ngayo'y nababahala. "Walang ibig sabihin ang panaginip na iyon." He is trying to convince himself na wala lang talaga ang lahat ng iyon. Ayaw na nilang maulit pa ang nangyari kay Keyna nuong 8 years old siya, because For Pete's sake, it's 10 years ago.

Hindi maiwasan ni Mrs. Ferrer ang hindi umiyak. Hindi niya lubos maisip kung anong mangyayari sa kaniyang anak.

Madali naman siyang dinaluhan ng asawa at niyakap. "Kaya natin ito. Hindi nila makukuha ang anak natin."

~

Kinaumagahan.

"Kamusta ang pakiramdam mo, anak? Kaya mo bang pumasok ngayon?" maingat na tanong ni Mrs. Ferrer sa anak habang naguumagahan sila.

"Okay lang naman, Mommy," matipid lamang niyang sagot.

"Are you sure, Keyna?"

Tumango lamang ito at ngumiti.

Biglang lumakas ang kabog sa dibdib ni Mrs. Ferrer, pero winalang bahala na lamang niya ito. Adding negative thoughts make her overthink things. Kaya mas magandang paniwalain ang kanilang sarili na okay lang ang lahat – tutal, simula nang nangyari iyon, pinilit nilang normal ang lahat.

Matapos ang umagahan, nagpaalam na si Keyna na papasok na siya ng school. Maaga namang pumunta sa trabaho si Mr. Ferrer .

"Mag-iingat ka Keyna huh," paalala nito sa anak.

"Opo!" at humalik ito sa kaniyang anak at tuluyan ng umalis.

LAKESIDE UNIVERSITY

Maraming mga estudyante ngayon sa school grounds dahil club launching ngayon. Marami ang abala sa pagpili at pagpila sa nais nilang Club.

"Ikaw, anong sasalihan mong club?" tanong ni Cay – best friend ni Keyna – habang lumalakad sila papuntang ground.

But Keyna's pre-occupied.

"Hey! Keyna!"

"Yes?" Tila biglang natauhan nito. "Ano yon?"

"Ang lalim ng iniisip mo ah! Marami ka bang sasalihang club at hindi ka makapamili?" pabiro nitong sabi.

Keyna just fakes a smile and tap her best friend's shoulder. "Ikaw talaga!"

"Hey Keyna!" Lucka – from the swimming club. Also the school's MVP. "Baka gusto mong sumali sa swimming club. Marami tong benefits. Sure ako, ma-e-enjoy mo." May nilahad itong flyers. "Ikaw din Cay."

Tila nanigas si Keyna sa harap nito at napalunok.

A question mark appears on Lucka's face. "Ahm… is there any problem?"

Napailing na lamang si Keyna. "Pag-iisipan ko." Sabay alis nito sa harap ng kausap at mabilis na tumakbo palayo.

"Keyna!" sigaw ni Cay, pero hindi man lamang siya nito nilingon. "Anong nangyari don?" Napakamot na lamang siya sa ulo niya.

"Would you consider?" Lucka, with her flyers rendering a big smile.

Nagmamadaling pumunta si Keyna sa banyo habang hinahabol ang kaniyang paghinga. Ang kaniyang mga kamay ay nasa kaniyang tenga.

A familiar chant, distracting her – this is the sound that she hears in her dream.

"Get off, of me! Tumigil na kayo!" paulit-ulit niyang sinasabi while her eyes closed. "Tama na, please! Tama na!"

Nang mapadako siya sa gitnang parte ng banyo. She shouted, "SHUT UP!" Napaluhod na lamang siya sa banyo at napaluha.

Nawala ang tunog. Nakahinga siya ng maluwag.

Then she suddenly hears a drop of water.

She slowly opens her eyes with her heart beating fast.

Keyna is grasping for air. Lumalangoy siya sa kadiliman, ngunit unti-unti siyang nilalamon ng agos patungo sa kalaliman.

She can't breathe anymore. Malulunod na siya. Mamatay na siya.

Then an arm encircled in her waist. "You're safe."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login