Download App

Chapter 2: Chapter 1

I was thirteen back then when I met him and started to fall for him. Ngayon na seveteen na ako, doon ko na napatunayan na hindi lang basta-basta iyong pagkagusto ko sakanya. It's not just infatuation gaya ng sinasabi ng lahat. Alam ko iyon sa sarili ko, and no one can define it, at ako lang. Apat na taon na, pero walang nagbago dito sa nararamdaman ko para sakanya.

Akala ko nga mananatiling hindi niya ako kikibuin, pero may nagbago naman. Hindi gaya noon, nakakausap ko na ng matino si Enzo. Nga lang, mukhang tinatrato niya ako na parang kapatid lang. At ayokong sinersmonan niya ako na parang bata! Pero..okay na saakin iyon. Ibig sabihin nun, may pakialam din naman siya saakin.

"Mama, ihahatid ko muna itong nabili kong cupcakes para kay Enzo sa shudad."

"Licia, tigilan mo na nga 'yan. Alam mo naman siguro ang kalagayan ng tao. Tapos lagi mo pang kinukulit. Nakakahiya kay Tita Jory mo."

"Kaya nga, Mama, susulitin ko ang ara-"

"Licia, baka marinig ka!" Pinandilatan niya agad ako ng mata. "Okay sana kung masaya si Enzo sa mga pinanggagawa mo, pero mukhang hindi nga nasayahan saiyo ang tao."

"Ang sakit mo naman magsalita, Mama!" Ngumuso pa ako pero inirapan lang ako.

Ano naman ngayon kung may sakit si Enzo? Tsaka, gaya ng sabi ko, gusto ko lang naman sulitin yung araw hangga't andito pa siya. Oo, alam kong may sakit siya sa puso at hindi ko alam kung hanggang kailan lang siya rito. Ang tanging alam ko lang ay gusto ko siyang makasama nang matagal. Ayoko munang isipin iyon, dahil sigurado akong magiging okay ang lahat, na gagaling siya. I'm sure of that.

May mali ba sa ginagawa ko? At kung hindi man niya ako magugustuhan, okay lang! Basta hindi ko pinagsisihan ang pagkagusto ko sakanya. Ginusto ko naman ito lahat. Ginusto ko itong mga ginagawa ko para sakanya. Gusto ko nga siya, bakit ba!

"Licia!"

"Saglit lang! Babalik ako agad!" Sabi ko at mabilis na tinakbo ang mansyon ni Tita jory.

Nang makapasok sa bahay nila ay agad tumigil ako sa paglalakad nang namataan siya sa labas ng pinto. Binati rin ako ni Kuya Edwin. Sa tingin ko hindi niya pa ata napansin ang pagdating ko.

Napansin kong nasa malayo ang tingin niya at mukhang may malalim na iniisip. Tumingkad pa lalo ang kagwapuhan niya dahil lang sa simpleng puting pang-itaas at gray short. Dahil sa sinag na araw, nabuhayan ang brunette niyang mga mata.

Pasimpleng napangiti ako. Kahit sa malayo, kitang-kita ko kung paano dumepina lalo ang magandang panga niya. Hndi ko talaga masisi kung maraming nababaliw na babae sakanya.Kahit saang angulo pa ay maganda lahat sakanya. O sadyang ganito lang talaga ako kabaliw?

Sandali lang, Kailan ba naging panget ang lalaking ito? Ewan..parang hindi ata siya naging panget!

Sabi nila maganda naman ako. Pero bakit hindi niya ako gusto? Kasi matanda siya saakin ng anim na taon? Seventeen nakaya ako! Tsaka, twenty three palang si Enzo. it's not that bad. Hindi naman sukatan doon!

Gaya ng sabi nila mas maganda naman pagmatanda sa'yo ang lalaki.

Nang tuluyan na akong makalapit ay inilahad ko agad ang dala kong apat na pirasong cupcakes. Dahil sa tangkad nito ay kailangan ko pang tumingala para makita ang buong itsura niya. Seryosong bumaba ang tingin niya sa dala ko. Ni hindi siya nagulat sa presensya ko.

"Ito, para sa'yo. Binili ko 'yan!"

Kunot noo na sinulyapan niya lang iyon at mukhang wala atang planong tanggapin ito. Ngumuso ako.

"Kunin mo kaya."

"Hindi ka na sana nag abala, Licia. Umuwi kana." Malamig na sabi nito.

"Huh? Bakit ayaw mo nalang tanggapin? Binili ko pa 'yan para sa'yo."

"Don't waste your time for me, Licia."

Bago pa ako makapagreact ay mabilis na tumalikod ito at sinarhan ako ng pinto. Napatalon pa ako doon sa gulat at hindi makapaniwalang ginawa niyang sarhan ako!

Hindi pa ako tapos sa pagsasalita, Enzo!

Sinubukan ko pa itulak iyon pero nakaharang ata siya doon. Nakakainis! Bakit ayaw niya lang tanggapin ito? Bwisit!

"Enzo!" Iritadong tawag ko dito.

"Buksan mo! Enzo!"

Tumigil lang ako nang namataan ko ang kapapatay lang na kotse sa labas ng gate at nagliwanag agad ang mga mata ko kung sino ang nakita ko. Mabilis na tinakbo ko ang distansya namin at magmano pa sakanya. Malapad na ngumiti ako.

"Tita jory!"

"O, Licia, naparito ka? Ah! Alam ko na, si Enzo ba?"

Mabilis na tumango ako rito.

"Opo! ayaw niya kasing tanggapin itong binili kong cupcakes, e! Tapos sinarhan niya pa ako ng pinto, Tita!" Hindi ko na naigilan isumbong iyon. Ginamit ko pa iyong pagmamakaawa effect ko. Syempre, epektibo lagi ito kay Tita, hindi gaya nung isa diyan.

"O, siya! Ako bahala sa'yo."

"Yes! Thank you po, Tita!"

Mabilis na sumunod ako rito at natuwa nang mabuksan niya agad ang pinto. Mabilis nalipat ang mga mata ko sa lalaking nakaupo at nakasandal ang batok nito sa likod ng sofa. Gumagalaw nang paulit-ulit ang kanyang adam's apple. Nang marinig ang pagbukas ng pinto ay nakita ko ang gulat sakanyang mata. Pero kalaunan din ay binalik ang sarili sa ganoong posisyon. Ni walang pakialam na andito ako. Saan nga ba talaga ang paki mo, Enzo?

"Mama, pagod ako sa trabaho." Simula niya.

Ayaw mo lang ako rito, eh!

"Enzo!" Sita ni Tita Jory. "Kawawa naman ang batang ito at dinalhan kapa ng cupcakes."

Pag sa ganitong pangungulit, nagkakasundo kami ni Tita jory. Nga lang, hindi ko maiwasang mairita pagtinatawag nila akong 'Bata' can you see? malaki na ako! I'm seventeen at malapit na magdebut!

Hindi man lang siya nagreak sa sinabi ng ina niya. Tatayo na sana ito nang biglang sinita ulit siya ni Tita jory kaya napaupo ito ulit sa kinaupuan niya. Buti nga sayo!

Hindi ko tuloy napigilan ang paghalakhak. Napasulyap ito saakin at naabutan ang tawa ko. Tinikom ko agad iyon.

"Enzo, Dito ka lang at kausapin mo itong si Licia." Tumingin ito saakin. "Iha, sabihin mo pag may ginawa itong anak ko sa'yo. Maiwan na muna kita, ah?"

Ngumiti ako at tumango.

"Thank you po, Tita!"

"Tss." Si Enzo nang makaalis na si Tita. Natawa ako ulit. Naisip ko tuloy bakit lagi akong natatawa kapag iritado siya.

Umuga agad ang inuupuan niya nang tumabi ako.

"Tanggapin mo kung ayaw mong isumbong kita kay Tita jory." Pagbabanta ko. Pero wala man lang pakialam sa sinabi ko.

Ibinalik niya ang sarili sa ganoong ayos at hindi na gumalaw sa tabi ko. Pikit ang kanyang mata ay matapang na pinagmasdan ko ito. His face were like Italian feauture. Ang tangos ng ilong niya ay saktong-sakto lang. Bumaba ang tingin ko sa labi nito at napalunok nang makita kung paano niya iyon dinilaan gamit ang dila.

Nagulat naman ako nang umupo ito ng maayos at hinarap ang sarili para matignan ako. Nanatili ang mga mata niya saakin kaya ako na mismo ang umiwas. Natuyo ata ang lalamunan ko sa ginagawa niya!

"Hindi ka ba napapagod?"

Dahil sa tanong nito ay nabaling ulit ang mga mata ko sakamya. Nanatili ang seryoso at malamig niyang tingin saakin.

Wala ba talaga akong epekto sakanya at parang wala lang sakanya ito?Habang ako nangangatog na sa kaba. Ewan! Hindi ko maintindihan ang sarili ko pag nakatingin siya saakin ng ganito!

"Huh? Napapagod saan?"

"Saakin."

"Bakit naman ako mapapagod? Gusto nga kasi kita, Enzo. Kaya impossibleng mapapagod ako!" Giit ko.

Agad na umiwas ito ng tingin saakin.

"You're only seventeen, Licia. Someday you'll find someone's better than me."

Nagulat ako roon sa sinabi niya. Gusto kung magalit kung bakit lagi niya akong pinapangunahan. Bakit niya naman nasabi iyon? Paano niya naman nasabing makakahanap ako ng iba?

"'Hindi ka parin ba naniniwala? Gusto nga kita, noon pa!" Medjo tumaas pa ang boses ko.

Nagdilim ang kanyang mata at mariin ang pinukol na tingin saakin.

"Just leave your cupcakes and then leave, Licia."

"Ayoko! Dito lang ako. Bakit ba ang atat mong paalisin ako?"

Umigting ang kanyang panga at muling nag-iwas ng tingin saakin.

"Pagod ako, Licia."

Nagtiim bagang ako at pilit na kinalma ang sariling damdamin. Padabog na inekis ko ang braso at busangot na ngayon ang mukha. Fine!

Nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin dalawa. Sa gilid ng mata ko alam kong pinapanood niya ako. Sa huli, huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Stop making things that might hurt you in the end, Licia. Hindi ako magtatagal dito."

Hindi ko alam bakit nangingilid itong mga luha ko. Iyon lang ba ang dahilan niya? Iyon ba ang dahilan kung bakit lagi niya akong tinatangihan? For what? Kasi masasaktan ako kung sakaling mawala na nga siya ng tuluyan?

Hindi ko man aminin, pero nasasaktan din naman ako kung lagi niya akong tinataboy ng ganito! Kung palaging pinapangunahan niya lahat ang desisyon ko. At kailan ba hindi tayo nasasaktan? Pain is inevitable. Kung iyan lang ang tinatakutan niya, ang duwag niya naman kung ganoon!

"Stop manipulating my feelings, Enzo!"

"Kung magtatagal ka, idi susunod nalang ak-"

"Licia!" Pumikit ito ng mariin at mukhang pinigilan ang pasensya. "Umuwi kana."

Fine!

"I really don't know why I like you! And stop pushing me na para akong aso, kasi nakakainis! Nakakainis ka!" Mabilis na pinaalis ko naman luhang lumandas sa pisngi ko.

"Licia." Ngayon ay mas mahinanon na ang boses niya.

"I hate you! Idi aalis ako kung iyan ikakasaya ng butsi mo!"

"Lici-"

"Shut up!" Iritadong putol ko at mabilis na nagmartsa palabas.

Bakit ba lagi niyang iniisip na magkakagusto ako sa iba? At bakit ba mukhang hindi parin siya naniniwala sa mga sinasabi ko? Gusto ko nga siya! Ni hindi niya ba alam na hindi ko pinapayagan iyong mga kaklase kong ligawan ako?! Alam niya ba iyon? Syempre, hindi! Dahil nga ang gusto ko..siya lang! Umaasa akong siya ang unang lalaki manliligaw saakin at wala ng iba pa!

Bakit ba pinipilit niyang magbabago itong nararamdaman ko? I don't want to be mean at him pero sinasadya niya talaga akong inisin!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login