Download App

Chapter 3: Chapter 3

MARV'S BAR AND RESTAURANT

( Aug. 06, 2016 – 1100H )

BERNARD: Julia bakit kaba naniniwala sa kanila? Sinisiraan lang nila ako.

JULIA: Hindi ka sinisiraan, sinabi lang naman sakin kung anong nakita nilang ginagawa nyo. ( Galit. )

BERNARD: Kaibigan ko lang naman si Gia.

JULIA: Ang sweet mo palang friend no? Lahat ba ng friends mo sinusubuan at nag hoholding hands kayo?

BERNARD: Hon naman, sorry na promise hindi nako magiging sweet sa iba.

JULIA: Hon mo mukha mo! Ilang beses mo na pinangako na magbabago kana, saka matagal na kita sinabihan na iwasan mo si Gia dahil obvious naman na type na type ka nya pero anong ginawa mo lumalabas pa talaga kayo. Goodbye Bernard I'm done with you.

SA PARK (1400H)

JULIA: Pasensya kana Uno wala kasi akong makausap kaya ikaw tinawagan ko. Nag dadate kasi sina Alec at Mau.

UNO: Okay lang hindi naman ako busy.

JULIA: Hiniwalayan ko na si Bernard kanina.

UNO: Dapat lang sa kanya yun kasi niloko ka nya.

JULIA: Salamat nga pala kasi sinabi mo agad sakin ang mga nakita mo kahapon.

UNO: Kaya nga hiningi ko agad kay Marvin ang number mo kasi ayoko na may nanloloko sayo.

JULIA: Lapitin talaga ng mga babae si Bernard, ako lang ang nagiisang babae na niligawan nya ng matagal at pinakilala nya sa parents nya kaya hanggang ngayon umaasa ako na magbabago sya para sa akin.

UNO: Sana maging leksyon sa kanya ang paghihiwalay nyo, para matutunan nya na ang mga babae nirerespeto at hindi niloloko.

SA MALL (1600H)

GIA: Hi Baby! Buti dumating ka.

BERNARD: Bakit kasi text ka ng text at tawag ka ng tawag sakin? Diba sinabihan na kita na ayoko na!

GIA: Babe naman, kahapon lang ang saya saya natin.

BERNARD: May nakakita satin kahapon kaya alam na ni Julia ang tungkol satin. Hiniwalayan nya ako dahil sayo.

GIA: Talaga babe, hiwalay na kayo? Mabuti naman para masolo na kita!

BERNARD: Nagpunta ako dito para sabihin sayo na tigilan mo nako.

GIA: Langya Bernard! Ano bang meron sa Julia na yan na wala sa akin?

BERNARD: She's not like you! Hindi sya naninira ng relasyon at hindi nya pinagsisiksikan ang sarili nya sa lalaking hindi sya gusto.

GIA:  Sinasabi mo ngayon na hindi mo ako gusto?! So bakit nagpapalandi ka sakin?

BERNARD: Pinagsisisihan ko ng nagpalandi ako sayo, kaya tigilan mo na ko. (Umalis at iniwan ang babae sa mall.)

GIA: Pagsisisihan mo to Bernard, babalik ka din sakin! (Galit.)

SA BAHAY NI GIA (1800H)

MYRA: Uy girl! Bakit nagmumukmok ka dito akala ko ba nagkita kayo ni Bernard?

GIA: Iniwan na ko ni Bernard dahil sa Julia na yon!

MYRA: What?! Don't worry sissy may naisip akong paraan.

GIA: Ano? (Sinindihan ni Gia ang sigarilyo nya.)

MYRA: Basta, sundin mo lang ang mga sasabihin ko sayo, hindi nila tayo kilala.

MARV'S BAR AND RESTAURANT (2000H)

MYRA: Hi Raymond!

RAYMOND: Hi Myra bakit mo nga pala ko pinapunta dito.

MYRA: Gia wants to talk to you. (Dating nanligaw si Raymond kay Gia bago pa nya nakilala si Girlie. Binasted ni Gia noon si Raymond dahil mas type ang mga tipo ni Bernard.)

GIA: (Lumapit sa dalawa.) Hey Raymond!

RAYMOND: What's up Gia?

MYRA: Raymond di ba matagal mo ng gusto si Gia? She needs your help.

RAYMOND: Sure! Anything for Gia. (Sinabi ng magkaibigan ang mga plano nilang ipagawa kay Raymond.)

SA BAHAY NI RAMIR (2000H)

BERNARD: Ramir! Tol! (Kumakatok si Bernard sa pintuan ng bahay ni Ramir.)

RAMIR: (Binuksan ang pinto.) Bro wrong timing ka naman andito si Angel.

BERNARD: Pasensya kana tol aayain sana kita mag-inom wala kasi akong mapaglabasan ng sama ng loob.

ANGEL: (Lumabas sa kwarto ni Ramir, naka tapi ng kumot.) Loves sinong kausap mo dyan?

RAMIR: Si Bernard!

ANGEL: Oh, bakit ayaw mo patuluyin?

BERNARD: Next time nalang tol, si Gilbert nalang puntahan ko.

RAMIR: Mabuti pa nga Bro, pasensya kana talaga.

Tumuloy si Bernard sa bahay ni Gilbert. Nagkataon namang naka padlock ang pintuan nito kaya nag-intay muna sya sa labas ng bahay nito. Samantala ng mga oras na iyon pinuntahan ni Gilbert ang address na binigay ni Uno.

SA APARTMENT NI UNO (2000H)

UNO: Sabi ko na nga ba hindi moko matitiis, dadalawin mo din ako.

GILBERT: Namiss kita bigla dinalhan kita ng mga pagkain at groceries.

UNO: Halika mag dinner muna tayo, hindi mo naman kailangan dalhan ako ng kung ano-ano sapat na yung mga naitulong mo sakin at kay Desiree. Sinabi nga pala sakin ni Desiree na iniintindi mo sila nung wala ako.

GILBERT: Wala sakin yun, parang kapatid ko na din si Des, saka alam ko wala ka pa work kaya dinalhan kita ng mga needs mo.

UNO: Thanks, sya nga pala, may mga apply nako nagiintay nalang ako ng tawag sa mga company.

GILBERT: Good for you. Alam mo nung nasa Cebu ka, sinubukan ko humanap ng lalaki na ipapalit sayo, pero bigo ako. Wala ako makita na katulad mo.

UNO: Alam mo ang swerte ko sa'yo, you're special Gilbert you deserve the best .

GILBERT: I still love you Uno. (Niyakap ni Gilbert si Uno. Kahit lalaking lalaki ang itsura at porma ni Gilbert babaeng babae naman ang puso nya pagdating kay Uno.)

SA BAHAY NI GILBERT (2300H)

GILBERT: Anong ginagawa mo dito? (Awang-awa si Gilbert ng makita ang kaibigan na nakahiga sa terrace ng bahay niya, nakatulog na ito kakaintay sa kanya.)

BERNARD: Kanina pa kita iniintay. Aayahin kasi kita mag-inom may problema kasi ako.

GILBERT: Maige pa pumasok muna tayo sa bahay. Ipagluluto muna kita ng pagkain.

BERNARD: Salamat tol maasahan talaga kita.

GILBERT: Ano na naman bang problema mo this time? (Nagkwento si Bernard ng problema nya sa kaibigan habang abala ito sa pagluluto.)

GILBERT: Sabi na nga ba babae na naman problema mo, noon ko pa sinasabi sayo na magtino kana.

BERNARD: Mahal ko talaga si Julia, I want her back.

GILBERT: Then ipakita mo sa kanya na nagbago kana talaga at nagsisisi ka sa mga kasalanan mo.

BERNARD: Sana tanggapin pa din ako ni Julia pagkatapos ng lahat.

GILBERT: Tama lang na hiniwalayan ka ni Julia para ma realize mo ang mga pagkakamali mo, hay buti nalang wala akong problem sa love life ko ngayon.

BERNARD: What do you mean? Don't tell me pinapairal mo na naman yang kabaklaan mo?

GILBERT: As usual kami na ulit ni Uno Santiago.

BERNARD: Uno Santiago? Sino naman yan?

GILBERT: Sya lang naman ang nag paint ng lahat ng to. (Pinakita nya ang mga paintings ni Uno na naka display sa salas nya.)

To be continued...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login