Download App

Chapter 2: Chapter 1

MARCUS

"Kailan ba kayo makakabayad ng utang niyo? Aba! Dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad!" Ang maingay na boses ng may-ari ng apartment na tinitirahan namin ang bumungad sa akin nang makauwi ako galing trabaho.

"B-bigyan n-niyo pa po kami ng p-palugid...." Pagmamakaawa ni mama dito.

Akma siyang luluhod sa harap ng may-ari kaya naman lumapit na agad ako. "Maaa! Tumayo ka dyan." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siya at hinarap ang may-ari. "Ate kaunting palugid na lang po. Two weeks! Magbabayad kami pagtapos ng two weeks." Pakikiusap ko sa kanya.

"Two weeks? Sigurado kayo?" Paninigurado pa nito.

"O-opo. Sigurado po kami." Sagot ko.

Bumuntong hininga siya. "Sige ha. Pag kayo hindi pa nakabayad naku!" Aniya at saka umalis na.

"Anak..." mahinang tawag sa akin ni mama. "S-saan ka naman kukuha ng pambayad?" Tanong niya sa akin at saka umubo.

I sighed. "Bahala na. Makakabayad din tayo." Tugon ko habang inaalalayan siya papasok ng bahay.

Nakatira kami sa isang maliit na apartment dito sa maliit na barangay na ito. At ang babaeng naniningil kanina ay ang inutangan namin ni mama noong magkasakit siya.

I was born in a rich family. I grew up having all the things I want. Nasa amin na ang lahat. Masayang pamilya, kayamanan at magandang buhay. I thought it would last longer but I was wrong. Six years ago, namatay sa aksidente ang bunsong kapatid kong babae. I noticed changes on mom's behavior after my sister's death kaya dinala ko siya sa psychiatrist and she was diagnosed with Schizophrenia, a kind of mental disorder. Mabuti na lang at nadala ko siya agad sa ospital para maagapan siya pero kailangan na niyang mag-take ng lifetime medication para hindi na sumumpong ang sakit niya. Si daddy naman ay unti-unti nang naloko sa babae at bisyo hanggang sa tuluyan na niyang napabayaan ang business namin. Bilang panganay at natitirang anak ay sinubukan kong ayusin ang sitwasyon namin. Kinausap ko si daddy pero paulit-ulit lang niya akong sinisigawan dahil lasing siya.

As time went by, our situation got worst. We lost our business and dad sold our mansion not to supply our needs but to buy drugs until he became more adddicted to it. Four years ago, he died because of too much drugs. Wala na rin kaming pera that time kaya nagpalipat-lipat kami ni mommy. Wala na rin kaming maasahan sa mga kapatid ng parents ko dahil mahirap na kami. Si mommy na lang ang meron ako ngayon. I'm scared to lose her kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang matustusan ang mga gamot niya.

Ang dating anak mayaman noon ay isa na lang working student ngayon. Nagtratrabaho ako bilang janitor sa isang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng kaibigan ko noong elementary ako. Siya ang nagpasok sa akin sa hotel at tinulungan makapag-aral. Naawa sa kalagayan namin ang pamilya ng kaibigan kong si Triv noong makita nila kami ni mommy na natutulog sa tabi ng kalsada.

Masyadong tragic ang nangyari sa amin ng pamilya ko pero gagawin ko ang lahat para maiahon ko sa hirap si mama. Sisiguraduhin kong matitikman niya ulit ang sarap ng buhay na meron siya noon.

Pinaliguan at pinakain ko muna si mama bago ko inasikaso ang sarili ko. Lalaki ako pero sanay na sanay ako sa gawaing bahay dahil na rin sa sitwasyon namin. Nang makatulog na si mama ay humiga na rin ako para matulog. Sabado ngayon kaya buong araw ay inilaan ko sa trabaho.

"Psst" Nakapikit na ako nang may marinig akong sumitsit pero hindi ko na pinansin dahil baka guni-guni ko lang. "Pssttt" mas mahaba pang sitsit nito. Tinakpan ko ng unan ng tenga ko dahil sigurado akong ligaw na multo na naman ito.

"Psssssttt" Sitsit pa nito.

"Ano ba?!" Inis kong tanong.

I felt a cold hands hugging me. "Tulungan mo ko." Bulong niya.

"Ayoko." Tugon ko. "Aray!" Reklamo ko nang malakas niya akong hampasin ng unan.

"Tulungan mo na kasi akooo!" Pagmamaktol pa niya. Ang kulit talaga ng multo na 'to.

I've been seeing ghost ever since I was a kid. Dalawang multo na ang natutulungan ko para makatawid sila sa kabilang buhay but I promised not to do that anymore dahil nahahati ang oras ko na dapat ay inilalaan ko sa mas mahalagang bagay. Peroang isang ito ay ayaw magpatinag. Isang linggo na niya akong kinukulit para tulungan ko siya.

Umupo ako para harapin siya. "Pwede ba? Ayaw nga kitang tulungan e." Naiinis kong sabi.

Sumimangot naman siya lalo. "Bakit ba kasi?" Tanong niya.

"Wag mo nang alamin, okay? Ayaw kitang tulungan kaya maghanap ka na lang iba." Giit ko pa at saka bumalik sa pagkakahiga.

Hindi siya nakibo pero nararamdaman kong nakaupo pa din siya sa tabi ko. "T-tatlong buwan na lang ang meron ako." Biglang sabi niya sa malungkot na boses. She nodded. "Kapag hindi ko pa natapos ang misyon ko ay hindi ako makakaakyat. Habangbuhay na lang akong makukulong dito." Dagdag pa niya. Hindi na siya nagsalita at hindi ko na rin ramdam ang presence niya.

Sa wakas! Makakatulog na ako.

Akala ko ay makakatulog na ako nang maayos pero hindi ko magawa. Paikot-ikot lang ako sa higaan ko. Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi kanina ng babaeng multo na 'yon lalo na ang tono ng pananalita niya. Alam kong ayaw din niyang makulong lang sa mundo na hindi na para sa kanya.

Bumuntong hininga ako at saka umupo. "Hoy, lumabas ka dyan kung nasaan ka man." Sabi ko sa kanya pero walang nagpapakita. I can't even feel her presence. "Tutulungan na kita."

"TALAGA?!" Bigla na lang siyang sumulpot mula sa kawalan.

I sighed. "Oo basta tutulungan mo din ako, okay? Hindi naman pwedeng hindi mo rin tinutulungan ang sarili mo." Tugon ko.

Abot tenga naman ang ngiti niya. "Aba syempre naman HAHA! Thank you very much." Aniya na maliwanag ang mukha.

Kahit na multo lang sila ay iba yung saya na nararamdaman ko kapag nakikita ko din silang masaya dahil natulungan ko sila.

"Sige na. Matutulog na ko. Bukas na lang tayo mag-usap." Iyon lang at humiga na ulit ako para matulog. Her smile a while ago was the priceless thing I've seen today. Biglang napuno ng pag-asa ang mata niya.

Hindi siya katulad ng pangkaraniwang multo na nakikita sa mga palabas. She looks normal though hindi siya nakikita ng iba. Nakasuot siya ng isang uniform na hindi ko alam kung saang school nabibilang. Maitim ang buhok niyang nakaponytail. She has an uptured eyes, peaked cupid's bow lips na binagayan ng asian nose niya. Medyo may kaliitan din siya at fair skin.

Bumangon muna ulit ako para ayusin ang pagkakahiga ni mama bago tuluyang natulog.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login