Download App

Chapter 1: Chapter 1

--ALEX:

"COLD SNOW" 'yan ang tawag sa akin sa school alam niyo ba kung bakit?

Syempre pakilala muna ako, (tsk) wag excited much. Ako nga pala si Alexhandria Maureen Santos, 16 yrs old, nag-aaral sa Miles University, oo Miles ha! At hindi Kilometer University. Ok corney. -_-

People call me Alex, A.M, or Mau. Don't call me by my full name lalo na ang Maureen dahil once na tinawag niyo ako niyan, ay bumalik na kayo sa tiyan ng nanay niyo dahil wala kayong ibang choice kundi lumipat ng ibang school o mananatili kayo sa school pero magiging living hell ang buhay niyo.

At alam ko ang iniisip niyo, na masama ako pero hindi, dahil hindi ako ang gumagawa ng mga bagay na 'yun kundi ang mga asong ulol slash mga nagkakagusto sa akin. Mayabang na kung mayabang pero marami talagang nagkakagusto sa isang tulad ko. Minsan nga pati tomboy tsk, at mga babae rin minsan ay idol nila ako dahil mayaman, mabait, at maganda pa daw ako all in one package na daw isama pa ang pagiging matalino ko.

Pero 'yon nga daw kahit all in one package may isa akong ugali na hindi lahat ng tao ay nagugustuhan, ang pagiging cold ko. Hindi ako masyadong nagsasalita pwera na lang kung may tatanungin sa'kin o sa recitation sa classroom, di rin ako masyado tumatawa, kumbaga ngiti lang at paminsan minsan lang din akong tumawa kaya ako tinawag na "cold snow" dahil mas malamig pa daw sa nyebe ang ugali ko at ewan daw ba nila kung bakit daw nakatagal si Aira saken na bestfriend ko.

Syempre nga diba bestfriend, edi matatanggap ka kung ano at sino ka man tsk. So ayan nasagot ko na kung bakit cold snow ang tawag sa'kin.

At 'yong tungkol pala sa mga tumatawag sa'kin ng Maureen eh pinagtatanggol ko sila at sinasabihan sila na wag na uulitin pero kung inulit nila, 'di ko na sila tutulungan sa mga asong ulol na 'yon at depende na din sa kanila kung gusto pa nila mag stay dito sa school. Ayo'ko kasi ng pangalan kong Maureen, mas bet ko ang Alexhandria. Hindi ko din alam kung bakit di ko bet ang Maureen, basta ang alam ko lang, ayoko nito sa 'di ko alam na kadahilanan.

Gusto ko rin pa lang ipaalam na ang kuya ko ang nagmamay-ari ng school na pinapasukan ko at sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit Miles University (M.U) ang name ng school niya. Oo tama kayo ng iniisip, mayaman ang family ko, sila papa at mama ay inaasikaso ang business nila sa ibang bansa at oo business NILA at hindi business NAMIN dahil sila ang namamahala doon and hindi naman ako kasali. Dito sa school ay umaasta ako na parang normal na estudyante lang, 'di kagaya ng iba na porket pagmamay-ari ng family nila ang school eh magmamayabang na sila at gagawin kung ano ang gusto nilang gawin at feeling nila sila ang batas na dapat laging masusunod.

Sa totoo lang ay wala akong pake dito sa school pero once na may bumatikos dito sa school ay diyan ako papasok dahil alam kong talagang well-managed ang school na to, maganda ang pamamahala dito sa school, sa katunayan, madaming gustong mag-aral dito kasi kumpleto sa facilities at nakafocus ito sa lahat, kumbaga, walang favoritism dito, medyo may kamahalan nga lang ang babayarin. At dahil sa kagustuhan ni kuya ko at parents namin na makatulong sa kapwa, nag-ooffer ang school ng scholarship para sa mga kabataang gustong mag-aral talaga.

Aisshh, ang layo na ng narating ng topic tsk.

By the way highway, naglalakad ako ngayon papunta ng school kasi maaga pa naman at tinatamad ako gamitin ang wheels ko kaya iniwan ko nalang sa bahay ko.

Oo bahay ko as in pagmamay-ari ko at sa akin nakapangalan, may papeles ako ng lote at bahay kaya matatawag kong sa akin ito, pinagtrabahuan ko sa business ng parents ko last summer, 'di sana sila papayag na magtrabaho ako kasi pwede naman daw nilang ibigay sa'kin agad pero tumaggi ako ng bongga kasi gusto kong magkaroon ng bagay na pinaghirapan ko kaya pumayag sila at atleast may matatawag kong sariling akin dahil pinagpawisan ko ito.

Kung ang iba, nagpapakasaya sa summer vacation nila, ako naman, nagpapaka-pagod at nagpapawis magtrabaho para makapag-ipon para sa gusto kong ipatayong bahay. Alam kong bata pa ako para magkaroon ng sarili kong bahay pero desidido na talaga ako na magkaroon nito. Maliit lang ang bahay na naipundar ko kasi ayoko tumira sa malaking bahay at ayoko ring tumira sa bahay ng parents ko, hindi naman sa ayaw ko silang makasama sa iisang bubong, gusto ko lang talagang maging independent.

Pero syempre ang budget ko sa school ay sagot ng parents ko pero minsan binibigyan din ako ng kuya ko pero ang binibigay niya na cash ay 'di ko ginagastos kaya tinatago ko sa banko dahil may pinag-iipunan ako at mas maganda kung 'di ko pa sasabihin ngayon para surprise haha.

Sa bahay ko pala ay may limang kwarto pero magkakadugtong ang pintuan, ang una ay bedroom ko kasama na ang bathroom ko dun pangalawang pintuan ay dressing room ko pangatlo ay library, pang-apat ay mga ibat-ibang picture na nakaframe na nakasabit sa wall kasama na ang mga musical instruments ko na nasa gitna ng kwarto at panglima ay fitness gym ko na nasa gitna ng parang garden kumbaga sa gilid ay mga halaman at nasa gitna ito na napapalibutan ng glass wall at color green na bubong. Kumbaga mukha siyang green house na pinasadya para maarawan ang mga halaman at hindi sila mamatay at para maarawan ako ng konti kapag ginagamit ko ang gym.

Mayroon din akong nilaan na guestroom para sa mga bisita ko, limang kwarto din siya at bawat room ay good for two persons at may kanya-kanyang cr na rin doon. Alam ko para sa inyo ay malaki na iyon pero maliit lang talaga 'yon para saken. 'Di halata na malaki kasi naman kung titignan mo sa labas ay parang apartment lang ang hitsura kaya 'di mapapansin na ganoon ang nasa loob niya. Tsaka pinasadya kong magmukhang maliit sa labas para na rin makaiwas sa mga masasamang loob like akyat-bahay gang at mga magnanakaw.

Andito na pala ako sa school, pagtapak ko palang sa harap ng gate ng school ay na-head over heels na ang mga boys sa'kin ('Di talaga ako nakaheels, naka-rubber shoes lang.) pero pinasadahan ko lang sila ng tingin, 'yong cold look. 'Di ako gaya ng iba na kahit na hinuhubaran na sila sa isip ng mga lalake ay todo pacute pa rin sila tsk. Mga taong toxic sa kalikasan,

Hinanap ko na lang 'yong hinayupak kong kaibigan dahil hindi masagap ng radar ko kung saang lupalop ng mundo siya nagsususuot.

Pagkatapos ng 30 years este ilang sandali ng paghahanap ko ay nakita ko na rin siya sa wakas 'don sa mga nagkukumpulang babae na hindi ko alam kung may sayad ba sila o sadyang trip lang nilang magmukhang sardinas sa pagsisiksikan nila, eh kung makapag kumpulan eh daig pa ang mall na nag 70% off ang lahat ng paninda.

Matagal ko nang alam ang routine ng mga babae dito na pagkukumpulan sa campus tuwing umaga pa lang, at dahil kasama doon ang magaling kong kaibigan na si Aira, palagi niyang nakukwento sa'kin ang pinagkakaguluhan nila. Mga "hot at oh so handsome guys" daw. Hindi ko alam kung anong trip nila sa buhay nila kasi papasok sila ng maaga para lang masilayan ang mga tinatawag nilang prince charming kuno at mabigyan ng mga imported na regalo. Same with the guys also kapag dumadating ang mga crush o nililigawan o 'di kaya'y mga natitipuhan nila ay nagbibigay sila ng mga imported na bagay sa mga girls. Richkid be like tssss. Minsan nga ay may nagbibigay sa'kin ng mga regalo and tinatanggap ko naman ito minsan kapag nasa mood ako. Pero kapag wala ako sa mood, kahit gaano pa kadami at kaganda ang ibibigay mo sa'kin, lalamigin ka lang. If you know what I mean.

Kapag nagkukuwento sa'kin si Aira ay di ako nakikinig sa sinasabi niya tungkol dun sa mga pinag-papantasyahan nila dahil 'di ko naman kilala 'yong mga lalaking pinagsasabi niya sa'kin at wala akong balak kilalanin. Kaya sa iba ko nalang binabaling ang atensyon ko pero kahit paano ay nakikinig din naman ako sa kanya kasi syempre kaibigan ko siya at ayokong mafeel niya na binabalewala ko lang siya.

-

Naglalakad ako sa corridor ng school habang nakayuko, dahil 'di ko feel ang diretso ang tingin ngayong araw and masakit ang batok ko kasi mali ang naging posisyon ng ulo ko sa pagtulog kagabi.

At kung sinuswerte ka nga naman ay may nakabangga ako at feeling ko lalaki yon dahil naamoy ko ang pabango niya at naramdaman ko ang tigas ng dibdib niya.

"Sorry" 'yan lang ang sinabi ko habang nakayuko pa rin in a cold tone at di ko na hinarap kung sino ang nakabangga ko at pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko habang nakayuko parin. Napansin kong biglang tumahimik ang atmosphere na kanina ay parang palengke sa ingay.

Pero 'di ko nanaman pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad dahil wala akong pake kung tahimik at maingay ang nasa paligid ko. Basta't wag lang nila akong pakikialamanan.

Palayo na ako sa nabunggo ko nang ..

"Ahh excuse me miss, may stiff neck ka ba at nakayuko kalang diyan? At kanino ka ba nagsosory? Sa akin o sa semento?"


CREATORS' THOUGHTS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login