Download App

Chapter 3: Chapter 2

Ara's pov

Kakatapos lang namin pag-usapan ni Ma'am Espe, yung guidance counselor namin, ang nangyari kanina.

Humingi naman ng tawad sa'kin si Chai at yung mga alipores nya. Halata namang napilitan lang sila na humingi ng tawad sa'kin.

Pauwi na ako sa bahay at andito ako ngayon naglalakad sa kalsada. Pakiramdam ko, may sumusunod sakin. Eh baka guni-guni ko lang?

Hanggang sa nakarating na ako ng bahay na wala sa sarili. Pakiramdam ko pa rin may sumusunod sa'kin.

Naabutan ko ang Sticky Note sa lamesa, mukang galing ito kay Lola.

'Ara, aalis lang si Lola! Magbabayad lang ng kuryente.'

Kumain muna ako ng pagkain na iniwan ni Lola. Ang paborito kong pagkain, ang pritong bangus. Wala kami'ng katulong sa bahay dahil gusto ni Lola matuto ako ng mga gawaing-bahay. Ako na rin naghugas ng pinagkainan  para hindi mapagalitan ni Lola. Pumunta muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Someone Pov.

"Nagalit ang tita ko dahil sa'yo. Magbabayad ka. Hayop ka, Ara!" gigil kong sabi.

"Psst." tawag ko sa tauhan ko.

"Bakit po?" magalang niyang tanong.

"Inuutusan kita na patayin at sunugin ang mukha ni Ara! Dapat malinis at walang makukuhang ebidensya laban sa'yo, lalo'ng lalo na sa'kin." Ma-otoridad kong utos.

"Masusunod po." magalang niyang sagot.

"Ito pala ang itsura ni Precious Ara Dela Cruz." blanko ang emosyon ko'ng sabi sabay abot ng litrato.

Agad naman niya ito tiningnan.

"Ito din ang paunang bayad, ayusin mo yun trabaho mo alang-alang sa anak mo." sabi ko sabay abot ng sobre na may lamang pera.

"Wag ninyo po idamay ang anak ko." May hikbi niyang pakiusap.

Ang mas kinagulat ko ay lumuhod pa ito at hinawakan ang kamay ko, na parang nagmamakaawa.

"Hindi ko siya idadamay kung aayusin mo ang trabaho mo" seryoso kong Saad.

"Aayusin ko po." Wika nito na alam ko na labag sa kanyang kalooban.

"Tskk! Makakaalis kana." pagtataboy ko.

Agad naman ito sumunod.

Napangiti na lang ako na mawawala na sa isang iglap ang taong nagpahirap sa'kin. Nasira ang imahe ko sa school nang dahil sa kan'ya. Magbabayad siya sa lahat ng atraso nya sa'kin. Kung buhay lang nya ang magiging kapalit para luminis ang imahe ko ay gagawin ko. Wala na rin ako kaagaw sa pagiging valedictorian. Mapapatawad na din ako nina Mama at Papa dahil wala na Ara maninira ng imahe ko sa kanila.

"Lintek lang ang walang ganti"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login