Download App

Chapter 2: Chapter 2

Napasalampak naman ako kama ko ng makarating ako sa bahay matapos kung ihatid si Web sa condo niya. Ang dami niyang tanong na hindi ko masagot, bahala siya sa buhay niya.

Napapikit nalang ako at unti-unting nakatulog..

KINABUKASAN

Kasalukuyan akong nagmamaneho patungo sa Unibersidad. Makikita ko na naman ang hinayupak na yun, psh.

Pinark ko ang kotse ko at naglakad na naman sa hallway, Hindi ako pwedeng makita ni Web ngayon sa first subject dahil papaulanan na naman ako ng tanong non. Pumunta ako sa canteen at dumiretso sa counter, hindi ako nag almusal at hindi naman talaga ako nag aalmusal. Bumili ako ng isang slice ng cake at isang milktea. Pinili kung umupo sa may bandang pintuan ng canteen.

Kinuha ko ang laptop sa sisidlan nito at inilapag sa lamesa. Pumunta ako sa site ng organisasyon namin at nag log in. Bawat tao na kasali sa organisayon ay may kanya-kanyang account, at pwede kang maka research dun ng mga kakailanganing impormasyon. We all have our privacy, hindi na o-open ng kahit na sino ang account namin at kung may trabaho man ay ine-email lang din samin. I type and search the name of Webster Dect lumabas naman agad ang impormasyon ng lalaki.

Kinuha ko ang milk tea at sumimsim bago nagpatuloy. 

Only child pala yun tss.

I scroll down and his picture suddenly appears.

"Stalking me huh?" nagulat naman ako ng biglang magsalita si Web mula sa likuran ko. "Anong app yan? Mukhang iba ah, infairness sikat talaga ko." pagyayabang pa nito. Sinara ko naman ang laptop ng kumuha siya ng upuan at umupo, nasa harapan ko na siya ngayon at kinain pa ang cake na binili ko. Tiningnan ko siya at nanunuya ang kanyang tingin sakin habang nginunguya ang cake.

"I'm not stalking you, I'm doing research!" inis kong pag depensa sa sarili ko.

"Research huh? With my name and picture?" panunuya parin niya sakin kaya hindi ko mapigilang ipaikot ang mata at sumimsim ulit sa milktea. Ok this is awkward.

"Just admit it Themara.." hindi ko mapigilang hindi mapasinghap ng tawagin niya ko sa pangalan ko.

"What?" pagmaang-maangan ko.

"Tsk. Tsk."

"Go back to your department. Stop pestering me." kalmadong utos ko rito.

"How about you? Ditching classes eh?" pang-aasar pa niya sakin.

"Bakit ba sinusundan mo ko?!" hindi ko mapigilang sumigaw sa inis. I don't really like his presence, pinapainit niya ang ulo ko sa simpleng salita lang.

"Akala mo nakalimutan ko yung kagabi? Hindi ako makatulog sa kakaisip babae.."

"Ang alin?"

"Kung bakit at paano mo ginawa yun!" diretsahang sagot ni Web sa tanong ko. May pagka chismoso din pala ang lalaking to, bakit hindi man lang nilagay sa impormasyon ng mapaghandaan ko, psh.

"J-just forget it." sabi ko at kinuha ang platito ng cake na nasa kamay niya. Mabuti nalang at hindi nito inubos, nag slice ako ng kaunti at kinain.

"Gangster ka ba?" tanong niya sakin. I choked.

"Pfft. Seriously?" natatawa kong tanong din.

"I'm serious." napatingin ako ng diretso sa mata ni Web, nanliliit ang kulay asul niyang mata.

"Just be thankful, Web. Mind your own business." seryoso ko ring sabi dito. Bigla naman niyang hinampas ang lamesa kaya napatingin ang mga tao samin. Napabuntong hininga nalang ako.

"You killed Themara, you killed for unknown REASON." he emphasize the word "reason". Tiningnan ko siya ng masama, isa sa mga ayaw ko ay yung pinapakielaman ako at nanghihingi pa ng eksplinasyon.

"Unknown reason?" napapikit ako at kinalma ang sarili, hindi ko dapat patulan ang lalaking to. Pag dilat ko ay nagsalubong ang mga mata namin. "Gumamit sila ng patalim, Web." dagdag ko na nagpatahimik sa kanya. Agad kong kinuha ang laptop ko at ibinalik sa sisidlan nito.

"Don't you ever come near me." pagbabanta ko at umalis. Hindi dapat kami nag uusap at nagtatalo ng ganon. Hindi kami magkaibigan at lalong hindi kami magkakilala talaga. Trabaho ko lang siya.

Pumunta ako sa library, mas tahimik at mas mapapalagay ang loob ko dun. Wala akong balak pumasok sa klase ngayon, kahit ibagsak ako ay wala akong pakialam dahil kontrolado lahat ng ama ko at parte lang yan ng trabaho ko.

Pinakita ko ang I.D ko sa librarian at pumasok sa loob, umupo ako sa may bandang bintana. Kinuha ko ulit ang laptop ko at tiningnan ang email sa cellphone ko na kaka sent lang kanina habang nakikipagtalo si Web sakin. Pwede naman akong mag search sa site ng organisasyon pero makikita iyon ng mga taong kasali sa organisasyon at hindi lahat pwedeng pagkatiwalaan.

Abel Santos

Aryan Munoz

Silang dalawa ang mahigpit na kaaway ni Atty. Ferguson Howard, ama ni Web. At sa pagkakataong ito.. pwedeng madamay si Web at ang ina niya. Pwede namang isumbong sa pulis ang dalawa pero di lahat ay mapagkakatiwalaan at walang sapat na ebidensya rito, idagdag pa ang pag atake ng dalawa pag nakatalikod ka. Posibleng yung umatake sa nightclub na mga lalaki ay mga tauhan ni Abel at Aryan.  Silang dalawa ay magkasundo sa isang paraan ng pagbebenta at pag gamit ng droga, ngunit ng madakip ang isang tauhan nila at si Atty. Howard ang nanindigan dito at nagpakulong nais nilang mapatay na ang Abogado pati ang pamilya nito.

Hinawakan ko naman ang sentido ko sa biglaang pagsakit ng ulo ko.

Pag patuloy na gagala si Web, talagang mapapahamak siya.

"Miss Themara Nixon, alas dose na magsasara muna kami." napatingin ako sa librarian na nasa harap ko. Luminga ako sa paligid at talagang ako nalang ang tao. "Kumain ka na muna, at balik ka nalang dito mamaya." dagdag pa ng librarian, ginantihan ko lang siya ng ngiti.

Lumabas nako sa library at nagtungo ulit sa canteen. Hindi para kumain, kundi para subaybayan si Web mula sa malayo.

Umupo ako sa may pinakadulo ng canteen at binasa kuno ang magazine na kinuha ko kanina sa library. Kita ko namang pumasok si Web sa canteen at nagtilian na naman ng pagkalakas lakas ang mga studyante. Umupo si Web sa may gitnang bahagi ng canteen.

Psh. Attention seeker!

May lumapit namang babae dito at nginitian si Web, at abay gumanti din ang loko.

Nakamasid lang ako at hindi ko mapigilang hindi mairita sa dalawa. Ang sakit sa mata!

Kita ko naman ang pagdaan ng isang babae sa likod ni Web na sa medyo may kalayuan bitbit ang tray at nagulat nalang kaming lahat ng makarinig ng isang putok. Napatayo ako at tumakbo papalapit sa babaeng natamaan sa may bandang balikat na at lumampas ang bala sa ilalim ng nakasementong counter.

"Tabi!" sigaw ko at dinaluhan ang babae na namumutla dahil sa takot at sakit. Sa balikat lang siya natamaan at daplis lang pero grabe ang pamumutla nito.

"Panyo! Bigyan niyo ko ng panyo!" sigaw ko sa mga studyanteng nagkumpulan.

"Ano bang ginagawa mo Themara? Hindi ka doctor!" rinig kong sigaw ni Web.

Binigyan naman ako ng isang babae ng panyo at pinunit ko yun at itinakip sa patuloy na nagdudugong sugat ng babae. Parang nasa palengke ang lahat dahil sa nagsigawan, nag iyakan, nag kumpulan at nagtakbuhan.

"Hey, hold on." pagkausap ko sa babae at tiningnan ito sa mukha, kita ko ang pag agos ng luha nito. Nang dumating na ang ambulansya ay agad na isinakay ang babae sa stretcher. Dumating narin ang mga pulis at ine-imbestigahan ang nangyari.

Wala ng studyante sa canteen maliban sakin, sa mga iilang guro at sa pulis, wala ding klase ngayong hapon dahil sa dami ng mga magulang na tumawag at nag reklamo na papauwiin ang mga anak nila dahil sa insidente. Nakita ko ang isang pulis na sinusuri kung saan galing ang bala at nakatayo ito sa may butas na glass wall ng canteen.  

"Sir.." Tawag ko sa pulis.

"Oh bat nandito ka pa? Umuwi ka na." sabi ni manong pulis sakin. Hindi ko siya sinagot sa halip ay tiningnan ko rin ang tinitingnan niya. Bagaman alam kung nagtataka ang pulis ay mas pinili nalang nitong manahimik.

"Sniper ang ginamit ng tao." saad ng pulis.

"Halata naman." hindi ko mapigilang hindi mambara. San ko ba ilulugar tong ugali ko, kainis.

"Alam mo?" nagtatakang tanong ng pulis ngunit nginitian ko lang siya. Naglakad ako papunta sa counter at sinuri din ang semento na nabutas.

"Bakit kaya niya binaril ang babae. Tss eh studyante lang yun." tanong ng pulis ng sumunod siya sakin.

"Ang tanong anong motibo niya." sagot ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang butas ng semento na nasa counter at butas ng nasa glasswall, tiningnan ko ang dinaanan kanina ng babae.

Hindi ang babae ang pakay niya..si Web.

Daplis lang ang nakuha ng babae, pero kung wala ang babae siguradong kay Web ito diretsong tatama. 

"Kung hindi ka lang studyante ay iisipin kong isa kang detective. HAHAHAHAHA." kantyaw ng pulis sakin ng maglakad na naman ako papunta sa glass wall.

Sa rooftop!

Sa rooftop nanggaling, isang rooftop ng building ang pinagtaguan ng tao na nasa labas ng Unibersidad pero kita parin dito mula sa canteen.

Agad akong nagpaalam sa pulis at dumirestso sa parking lot. May bahid pa ng dugo ang damit ko kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Agad akong sumakay sa kotse ko at napatingin ako ako sa bintana ng kotse ng may kumatok dito.

"Web?" bungad ko ng lumabas ako sa kotse.

"Ihatid mo ko sa bahay." anito.

"Hindi mo ko driver." pagtanggi ko.

"Wala akong kotseng dala dahil na flat kanina. Atsaka bakit ba ang tagal mo? Hindi ka naman siguro nakipag imbestiga sa pulis diba?" mahabang tanong ng lalaki. Inirapan ko nalang ito, ang daldal psh.

Sumakay ulit ako sa kotse at binuksan ang pintuan. Agad naman siyang sumakay at tumabi sakin sa driver's seat.

"Teka, pwede ka naman sa likod ah?" tanong ko.

"Mas gusto kung umupo dito." he insist.

"Whatever" I roll my eyes then start the engine.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho ako.

He clear his throat. He clear his throat again then again and again.

"Problema mo?" pagtataray ko.

"Bakit mo pala alam kung nasaan ang condo ko?" tanong niya.

"Alam ko lang."

"Hoy babae, kung isa kang die hard fan.. sabihin mo lang, hindi yung tinatakot mo ko. Paano kapag sira pala ang utak mo?" tanong ni Web.

"Edi sana kinatay na kita."

"Wag ka namang brutal! Nanadya ka ah." pagrereklamo niya.

"Una, alam mo ang buong pangalan ko. At alam mo ba na ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa buong pangalan ko! Pangalawa, halatang halata na sinusundan mo ko at pangatlo, alam mo kung saan ang condo ko!" mahabang litanya ni Web at ginulo ang buhok. Lihim naman akong napangiti, parang bakla.

"Unang-una, hindi mo ko die hard fan, pangalawa.. hindi kita type at pangatlo, ang kapal ng mukha mo." kalmadong sagot ko, hindi naman siya makapaniwalang tumingin sakin.

"Aba! Kung hindi ka lang babae, sinakal na kita." inis na tugon ni Web.

"Psh."

"Webster Dect.." panimula ko.

"Anooo?!" inis niyang tanong sakin.

"Pwedeng bang ayusin mo ang pagsagot mo?!" nakakunot noong saway ko.

"Sabi ng wag mo kong tawagin sa buong pangalan ko!" inis nitong sabi at ginulo na naman ang buhok.

"Bakit ba? Bakla ka ba?" diretsong tanong ko. Sinamaan niya ko ng tingin.

"Hindi uungol at sisigaw ang babae sakin kung bakla ako, babae." kalaunay pang-aasar niya.

"Bastos." sita ko.

"Tsk."

"Sinasara mo ba ng mabuti ang pintuan mo sa condo mo?" tanong ko, tumingin naman siya sakin at ngumiti ng nakakaloko.

"Baket? Papasok ka?" pang-aasar niya.

"Seryoso ako."

"Seryoso din ako."

"Pwede bang umayos ka?!" nauubusan ng pasensya na sigaw ko.

"Oo na! Bakit ba?" natatawang pagsuko ng binata.

"Siguraduhin mong nakasara lahat ng pwedeng madaanan papasok sa loob ng condo mo." saad ko at iniliko ang kotse.

"Baket?"

"Sundin mo nalang!" sigaw ko ulit. Arrghh! Talagang mabilis lang uminit ang ulo ko dahil sa lalaking to.

"Oh bat ka galet?" tanong ni Web.

"Eh sino bang hindi magagalit sa inaasta mo?!" pilit kong kinakalma ang sarili sa inis. Nginisihan naman niya ko.

"Oh hindi ka papasok sa loob? HAHAHAHA."

"No thanks." walang ganang pag tanggi ko. "Wag ka ng lalabas lalaki." paalala ko rito.

"And why? You can't control me Themara." Anito.

"Shut up."

"Give me your number and I will obey you. Kahit na hindi ko alam ang dahilan mo." sabi niya at kinindatan pa ko.

"No way." pagtanggi ko.

"Okay. Sa nightclub ako mamaya." anito.

Nauubusan na ko ng pasensya sayong lalaki ka!

Kinuha ko ang cellphone niya at nilagay ang number ko.

"Good."

"Siguraduhin mo lang na tutupad ka." pagbabanta ko. Tumalikod na siya at naglakad at akmang papaandarin ko na ang kotse ko ng bumalik siya.

"Ano na namannn?!" nauubusan ng pasensya kong tanong.

"Yesterdayy.." panimula nito.

"What yesterday?" inis na tanong ko.

"You're so hot, even my zipper's  are falling for you." he said and wink at me.

Nag init naman ang mukha ko at natigilan dahil sa sinabi niya.

"You're so hot, even my zipper's are falling for you."

"You're so hot, even my zipper's are falling for you."

"You're so hot, even my zipper's are falling for you."

Napapikit ako at pilit iwinaksi ang sinabi niya.

PERVERT!!

to be continued .....


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login