Download App

Chapter 3: Bitter 2

Dear Diary,

Nandito ako ngayon sa kusina diary. Kumakain na ako ng almusal. Masyado akong nawili sa pagtulog at inumaga na ako nang gising. Tapos si Kumareng Mirna niyo hindi man lang ako ginising. Sabi pa nga dapat daw nagtuloy tuloy na. Hmp! Potanis na 'yan.  Para tuloy akong patay gutom dito sa hapag. Nagising kase ako kanina kumakalam na tiyan ko. Pinagalitan nga ako ng kalamnan ko kanina eh.

"Ate, dahan dahan lang, baka mabilaukan ka." Aww,  ang sweet naman ng kapatid ko.

"Ang bait mo naman Mumoy." Bigla namang sumama ang tingin niya sa'kin.

"Ano ka sinuswerte? Di kita aabutan ng tubig pag nagkataon. Bahala ka jan."  Parang gusto ko tuloy dukutin iyong mata niya at ulamin nalang.  Pisti na yan.  Taenis ka Mumoy 101.

"Nga pala ate, kagabi nakita ko si Kuya Ricardo sa labas ng bahay."  Sabi ni Mumoy habang dire-diretso ako sa pagsubo. Epal talaga to.

Inikutan ko nalang siya ng mata 90˚ lang. Wala akong ganang mag 360˚ ngayon. Para lang kay Ricardo Kapahamakan Jr. syempre dapat special yung ikot ng mata ko, special yun eh.

SPECIAL CHILD ang gaga.

Ano naman ang gagawin ng kumag na yun sa labas ng bahay? Baka mag-aakyat bahay siya. Wala naman siyang ibang alam gawin kundi umakyat,  palibhasa unggoy. 

So ayun nga, pagkatapos ko kumain pumasok na ako. Nag-abang na ako ng tricycle na masasakyan kahit malapit lang yung papasukan ko. Baka matagtag pa yung tiyan ko pag naglakad ako. Special nalang din yung kinuha kong tricycle. Baka kase mamaya yung masakyan ko may magjowang naglalampungan sa loob. Nakaencounter na ako nang ganoon minsan diary. Nawindang ang katawang lupa ko dahil doon.

Ganito yun, pagtingin ko sa tricycle na huminto sa harap ko, naningkit agad yung beautiful eyes ko diary! Yung magjowang nakasakay sa loob eh naghahalikan diary. Eh di'ba ang capacity ng isang tricycle eh lima? Yung magjowa dun sa malaki, tapos sa likod dalawa din. Eh di syempre late na ako nun eh, kaya no choice ako kundi umupo doon sa maliit na upuan sa gilid nila. Pagkaupo ko nauntog pa ako dahil nasagi nung babae yung braso ko nung hahawakan niya yung mukha nung lalaki.

Sa inis ko diary, sabi ko dun sa driver na biglang ihinto yung sasakyan, ayon nasubsob yung dalawa. Nagpipigil ako ng tawa noon diary. Kala niyo ha.

Tapos nilabas ko yung cellphone ko, tapos pinlay ko yung kantang 'TUKSO' ni Eva Eugenio. Sinabayan ko pa iyon para mas bongga. Simula nung magbreak kami ni Ricardo Kapahamakan Jr. eh nagpalit na ako ng mga kanta sa Cellphone ko. Napatingin naman sa'kin yung dalawa. Ang sama ng tingin ni ate gurl.

"Baka gusto mong patayin yang music mo girl? Ang luma oh. Ambitter nito. Palibhasa walang jowa eh." Sabi niya saka sila nagtawanan nung jowa niyang lalaki na mukhang kuhol. Ang kapal naman ng paa nitong babaeng espasol na 'to.

Nag-init naman ang katawan -- I mean ulo ko, aba syempre edi sinagot ko.

"Wala kang paki kung ganto yung music ko. Bakit pinapakialaman ko ba yang relationsh*t niyo na walang pemistry? Hindi di'ba? So manahimik ka jan. Magbrebreak din kayo, alam mo yun? Nagbreak nga si Luis Manzano at Angel Locsin eh kahit na boto si Governor V, kayo pa kaya?" banat ko din. Inukutan ko na lang siya mata 360° ulit. kala mo ha, potanis ka.

Huwag niyang tatarayan ang mas mataray sa kanya, duh diary. Hindi ako magpapatalo lalo ma kapag tinapakan ang pagiging bitter at walang jowa ko.

Parang biglang may umilaw na bumbilya sa ulo ko diary.

Fan kase ako ng mga movie ni Vice,  so may naalala akong scene sa Movie niya na Beauty and the Bestie,  ma-try nga. 

"If I know, huhuthutan ka lang ng lalaking iyan girl. I'm sure may kamag-anak kang OFW?" tanong ko. Kumunot naman ang noo niya diary. Ew, pangit.

"Pa'no mo alam? Yung kapatid ko OFW." Sagot naman ni ate girl.

"Oh tapos pag namatay yung ate mo, sa'yo mapupunta yung mga pinag-ipunan niya. Tapos syempre bibigyan mo yang jowa mong hilaw? Tapos pag nakuha na niya yung kailangan niya iiwan ka rin niya. Ipagpapalit ka niya." Sabi ko with matching taas kilay pa. Iyong abot 4th floor ng building namin.

"Totoo ba yun bebe loves? Iiwan mo din ako huh?" tanong naman ni girl kay boy. Ayan . gustong gusto ko yung gantong eksena eh. Yung break-up scene.  Kaso masyadong magaling iyong lalaking kuhol. 

"Hindi sa ganun bebe loves. Di pa naman patay yung kapatid mo di'ba?" naloka naman ako sa sagot niya.

"Talaga bebe loves? Oh sige, hintayin na lang natin munang mamatay yung kapatid ko huh?" pero mas nawindang ako sa sagot ni Girl. Kakaloka sila diary. Bahala na nga sila jan.

Di ko nalang sila pinansin kase nasa tapat naman na ako ng school namin. Mula noon gusto ko nang sumakay sa special ganern, special kasi ako diary. Duh.

"Miss wala ka bang balak bumaba? San ka ba pupunta?" nagulat ako sa tanong ni Kuyang Driver.

Natauhan naman ako sa tanong niya saka napalinga ako sa paligid ko. Nasa tapat na ako ng department store malapit sa school!

"Manong naman! Bat di mo sinabing lampas na ng school? Nakauniform ako oh! Ano tanga tangahan tayo dito?!" pabiro kong sabi kay manong. Hay nako!

Binigay ko na yung bayad ko sa kanya tapos tumakbo pabalik ng school. Napagod ang maganda kong katawan diary kaya pagdating ko ng room diretso upo na ako.

"Good morning Ms. Maluna. Ang aga mo naman para sa second subject. Hindi ka manlang nagpaalam. How good of you." Nagulat nanaman ang katawan kong hugis yakult. Napatingin ako sa relo sa room, magsesecond subject na pala.

"Sorry po ma'am." Yan nalang nasabi ko kay Ms. Kina Kantutan.

Sasagutin ko sana siya kaso huwag na lang. Sinagot ko yan dati eh, kaso ayun. Napapunta pa ako sa detention room. Alam niyo kung anong dahilan? Dahil lang naman kay Ricardo Kapahamakan Jr. Iyon yung araw pagkatapos akong i-break ng walang hiyang yun!

Pagkatapos ng subject naming kay Ms. Kina Kantutan eh nagrecess na ako. Wala naman akong masyadong friends dito no. Ews sila.

Halos lahat sila may jowa. Pagdating ko sa canteen naghanap na ako ng Vacant table. Alangan namang tumabi ako sa mga may jowa no eww. Allergic na ako sa kanila nang dahil kay Ricardo Kapahamakan Jr.

Teka nga!

Ilang beses ko ng nabanggit ang pangalan ng ulupong na yun ah? Papansin siya masyado sa brain ko. Hihihi.

Maya maya narinig ko na naman yung babaeng kinaiinisan ng katawang lupa ko.

"Hi Milan! Kumusta pagiging single? Ang sad mo naman. Iniwan ka na kase ni RICARDO KO eh. May chika ako, gusto ko marinig?" sabi ni Milinda Miketong "mimi" for short.

Masyadong matigas pangalan niya, parang siya. Walang shape yung katawan. Siya yung patay na patay kay Ricardo noong kami pa. Ngayon pinagmamalaki niya na sila na ni Ricardo, eh ni minsan di ko pa sila nakitang magkasama. Yuck. Taenis.

"Tigil tigilan mo nga ako Mimi baka di kita matantya mabigwasan kita nang wala sa oras." Kalmado kong sabi sa kanya saka subo ng nilagang saging na binili ko sa canteen.

"Ayaw mo marinig? Eh sayang.  Alam mo ba magkatabi ni Ricardo kagabi sa higaan. Kinantahan niya pa ako tapos hinalikan yung tungki ng ilong ko. Hihihi." Kilig na kilig ang gaga habang nagkukwento. Tungki ng ilong daw, eh pango naman siya. Butas lang iyan dati diary, tapos tinubuan ng ilong.

Kagabi? Eh kakakwento lang ni Mumoy sa'kin na nasa labas ng bahay si Ricardo ah. Gusto ko nalang matawa. Pero imbis ma tumawa, isiniksik ko nalang sa bunganga ni Mimi yung balat ng saging saka tumayo.

"Nananaginip ka na naman Mimi. Nako,malala na yan. Saka alam mo? 'yung utak mo saka dede mo parehas."

"Bakit?" Tanong naman niya.

"Parehas maliit."  Sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.

Uminom ako ng tubig saka nagmumog tapos binuhos ko pa sa mukha niya yung minumog ko bago umalis. Nanggigigil ako sa babaeng yun ah.

Bumalik nalang ako sa room. Kaso nagsisisi ako kung bakit ako bumalik sa room. May karumal dumal kase na krimen ang nangyayari doon. Alam niyo kung ano?

May nagsurprise lang naman na lalaki sa kaklase kong babae. 1st anniversary ata nila. Nag-init agad ang ulo ko diary.

Hindi dahil sa nagsurprise yung lalaki sa babae,  kundi dahil mali yung spelling ng 'anniversary' diary! Imbis na single 's' at 'r', dinoble lahat diary! Heto pa, iyong spelling ng 'I Love You' mali din! 'I Lab U' ang nakalagay! Hindi ba nila alam ang yung 'Wrong spelling, wrong turn'?

Hindi ako nakapagpigil diary at pumasok na ako. Hinding hindi ko to palalampasin! Potanis!

"Labas!" Napalingon silang lahat sa direksyon ko disry. Pak! Bongga naman nito. "Kailan pa naging Luneta Park 'tong room na 'to?! Sabihin niyo, kailan pa?!" Nanatili naman silang tahimik diary. Aba! Dapat kang noh. Nag-i-speech ako dito dapat talagang makinig sila duh.

"Saka ikaw naman Buknoy, bago mo unahing lumandi siguraduhin mong tama iyang spelling mo! Jusko po rudy! Ano 'to? Landi muna bago aral?" Pangaral ko doon sa lalaki. Napakalakas ng loob na magsurprise mali ang spelling?! Magsasalita sana siya pero agad ko siyang pinigilan. "Manahimik ka! Di pa ako tapos." natahimik naman siya diary. Like duh, huwag nila ako ginagalit.

Binaling ko naman ang tingin ko sa babaeng malantod na 'to. Kung ano ang kinakapal ng make-up siya na namang kinanipis ng kilay niya. "Ikaw ring babae ka, todo kilig ka jan hindi mo man lang pinansin ang spelling? Okay lang na huwag mong pansinin kilay mo, pero utang na labas, aral muna bago landi. Tignan mo iyong spelling!"  Pagkasigaw ko no'n saka lang pinansin ni Annabelle si Buknoy. Mga paking magjowa sa classroom.

Nang mapansin niyang mali nga ang spelling, tinuktukan niya agad si Buknoy. "Walang hiya ka, ang lakas ng loob monh sabihing Best in Spelling ka noong Elementary! Letche ka, break na tayo!" Pinaghahampas niya si Buknoy bago magwalk-out.

"Letche ka Milan, panira ka ng diskarte! Bitter!"  sigaw niya sa'kin. Aba! Ako pa nasisi. Ako ba tatanga tangang nagspell? My ghads!

Sasampalin ko sana sa magkabilang pisngi yun eh kaso tumakbo na siya palabas para sundan si Annabelle. Napaka-arte niyo, kala niyo bagay kayo. Ulul!

Pagkatapos no'n dumating na iyong lecturer namin kaya bumalik nalang ako sa upuan ko nang parang walang nangyari. Na-stress ako ng very light pero keri lang.

Ang galing ko diary! Nakasira ako ng relasyon dahil lang sa spelling. One point, Milan.

Maya-maya habang nagkaklase, lumabas saglit iyong lecturer, may kukunin daw. Hmp, wala naman akong pakialam. Di naman ako nakikinig sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya. Taenis na ulit.

Nagulat kami biglang may kumalabog sa may pintuan ng room namin. May pumasok na lalaki. Bastos to ah. Nagmomonologue yung tao dito eh.

Infairness pogi.

Pero mang-iiwan din.

Ganyan naman lahat ng lalaki. Malingat lang konti may iba nang kinakalantaryo. Naligaw ata to ah? Natauhan ata siya tapos pumunta sa likod at umupo. Tinanong ko yung katabi kong babae. 

"Oy Chichay, sino siya?" tanong ko kay Chichay kaso ang gaga inirapan lang ako. Barkada pala to ni Mimi. Pareparehas ang hulma. Potaniss with double s.

Magpapakilala naman siguro yun mamaya. Pagtingin ko sa pwesto niya nakasubsob sa table niya. Berdugo pala tong isang to. Kala siguro higaan 'tong pinasukan.

Ganyan naman yung mga lalaki eh di'ba diary? Papasok pasok sa relasyon di alam kung anung gagawin. Kala siguro laro lang 'tong pinasok. Teka nga, bakit ba kanina pa ako hugot nang hugot? Kasalanan to ni Ricardo Kapahamakan Jr. eh.

Oh siya diary. Mamaya na ulit tayo magchikahan kahit di'ka sumasagot na letche ka. Nandito na iyong lecturer ko na pinaglihi sa gilagid.

Your beautiful bitter and walang forever believer, Milanya Milagros Maluna.

***


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login