Download App

Chapter 2: Kabanata 2

Nang makarating na ako sa aming bahay, naabutan ko ang mga kapatid ko madudungis na naglalaro ng jolen sa mamasa masa naming lupa sa harapan ng bahay. Napailing naman ako sa kakakayod namin ni nanay sa palengke, napapabayaan na din namin ang mga kapatid ko.

"Samuel! Saniel!"

Pagtatawag ko sa dalawa kong kapatid na kambal. Pangatlo sila sa aming mag kakapatid. Mga bibo at mababait silang bata dati nga may mga dayong taga ibang bansa na gusto silang ampunin kapalit ng malaking halaga, pero hindi pumayag ang nanay. Nainis naman ako kay tatay noon dahil parang wiling siyang ipa-ampon ang kambal.

"Bakit po ate?"

Pagtatanong ni Samuel. Pinasadahan ko sila ng tingin at napailing. Napaka dudungis. 

"Pumasok sa loob at maligo! Papasok na kayo sa eskwela." 

Papasok na sana ako sa aming pinto ng nakita kong nanatiling nakatayo ang kambal sa tapat ng aming bahay. 

"Ano diyan na lamang kayo?" Nagkatinginan ang dalawa. 

"Ate ayaw na naming pumasok!" Sabay nilang tugon.

Nilapitan ko sila at yumuko para makapantay ko silang dalawa.  

"At bakit naman?"

Nakita ko ang pag aalinlangan sa mata nilang dalawa. Hindi ko mapigilang hindi maawa. 

"Ate, inaaway kasi kame sa School e. Lasinggero daw si tatay at tindera sa palengke naman daw si nanay."

Napa arko naman ang kilay ko sa sinabe ni Saniel. Mga matapobre. Noong nag aaral din ako wala akong kaibigan dahil sa mga may kaya ang mga kaklase ko, nilalait din nila ang estado ng buhay ko kaya naging mailap ako sa mga kamag aral ko noon.

May mga gusto din naman makipag kaibigan sa akin, pero tumaliwas ako dahil na rin sa mas gusto ko tulungan ang nanay kaysa sumama sa mga gala nila.

"Alam niyo, hindi nakadepende sa kanila ang buhay niyo. E, ano naman kung lasinggero ang tatay natin? Sila ba ang bumibili ng alak? Ano naman kung tindera sa palengke ang nanay natin? Bakit? Kanino ba nila nabibili kinakain nilang gulay? Hindi ba sa 'tin rin? Hayaan niyo lamang 'yang ng mamaliit sa pamilya natin. Balang araw, isa sila sa pupuri sa mga natamo natin."

Nginitian ko sila at niyakap. Bata pa lang ang mga kapatid ko pero nakakaranas na sila ng ganitong kalupitan ng lipunan, kung maaari ko lang baguhin ang takbo ng aming buhay, gagawin ko.

"Opo ate, mag aaral po kame ng mabuti. Pangako!" Sabay pa nilang itinaas ang kanang kamay nila, tanda na namamanata.

Ngumiti ako sa kanila at iginayak sila sa loob ng bahay. Pag pasok namin, naabutan ko naman ang Sumunod sa akin na nag plaplantiya ng uniporme nila.

Napangiti ako. Napaka maasahan ng kapatid ko na si Sally, nagdadalaga na rin siya, naalala ko ang sarili ko sa kanya. Mas gusto niyang tumulong sa aming pamilya kaysa makipag laro sa labas.

"Ate, nakapag saing na din ako. Tulog na din po si Sunny at Sunshine"

Tumango ako sa kanya at iginayak ang kambal sa banyo para paliguan. Kahit papano normal ang aming pamumuhay, nakaka-kain kame ng tatlong beses sa isang araw at walang may sakit sa amin.

Matapos ko silang paliguan, pinakain at inayusan ko na sila. Ganito lagi ang nangyayari sa pamumuhay namin. Maliliit na gawain sa loob ng bahay kami na ang gumagawa para mabawasan ang gawain ni nanay.

"Mag iingat kayo ha. Sally, umuwe kayo ng sabay sabay. Wag mag iiwanan!"

Ini-abot ko sa kanya ang bente. Pag kakasyahin na nila yan, sa maghapon nilang pasok. Natutuwa ako dahil kahit kailan hindi sila nag reklamo kung anong ilahad sa kanilang pera.

"Opo ate!"

Nagsimula na silang maglakad papa-alis. Kahit papaano hindi kame pinag kaitan dahil may mga kapatid akong mapagmahal at masunurin. Hindi rin ganon kalupit ang buhay. 

Pumasok na ako sa bahay at nag umpisang maglinis at magligpit ng kalat.

Si Sally ay nasa ika-anim na baitang habang ang kambal ay nasa ikatlong baitang na. Maayos naman ang kanilang pag aaral. Nasasali pa sila sa mga honor. Matatalinong bata, kaya hindi nasasayang ang pagpasok nila sa eskuwela, ang iba kasi pumapasok lang para sa baon.

Habang si Sunny naman ang sumunod sa kambal, tatlong taong gulang na siya at si Sunshine ay isang taong gulang, ang aming bunso. Bata pa sila, matanda na sila nanay. Ramdam ko ang hirap at pagod, para sa kanila. Lalo na kay nanay. 

Ang tatay ay gabi lamang nauwe, lasing pa. Madalas may kasama pang babae. Hindi ko alam kung paano iyon naaatim ng nanay namin, pero kung ako ang tatanungin, maling mali iyon. Sa mata ng tao at sa mata ng ating Diyos.

Pagkatapos ko ayusin lahat ng dapat ayusin sakto naman na nagising ang nakababata kong kapatid, kaya naman pinakain ko sila at pinaliguan. Babalik kame sa Palengke para tulungan si nanay. 

Habang naglalakad kame papuntang Palengke, nakasalubong ko si Marky, ang kilalang bugaw ng babae dito sa aming baryo. 

"Magandang umaga Savana, ano nakapag isip isip kana ba?"

Nginitian ko lamang siya at inilingan. Dirediretsyo lamang ang lakad ko, buhat ko si Sunshine at hawak ko si Sunny.

Matagal na akong hinihikayat ni Marky na maging GRO ngunit, lagi ko itong tinatanggihan dahil nga sa hindi ito ang gusto kong trabaho at hindi ko ibababa ang puri ko kapalit lamang ng salapi. May mga bagay na hindi kayang bayaran ng salapi at iyon ay ang dignidad ko bilang babae. Hindi ko nga lubos maisip bakit may mga babae siyang nahihikayat, siguro dahil sa mahihina ang prinsipyo nila o wala sila non? Kaya ayos lang sa kanila ang ganoong trabaho. Hindi ko sila pwedeng husgahan, bahala na sila sa buhay nila. Ginusto nila iyan e, alam ko naman na dadating ang panahon at sisingilin din sila sa mga kasalanan nila.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login