Download App
66.66% 12:51

Chapter 2: Chapter One

Dali-dali akong naglakad pababa ng hagdanan para makipagkita sana sa kaibigan kong si Jessie. Halos ilang buwan din kasing hindi namin nasisilayan ang isa't isa kaya sabik na sabik kaming magkita. Ang problema nga lang ay nakatulog ako ng sobra dahil sa puyat. Nang magising ako kanina ay agad kong chineck ang phone ko at nakita kong nakailangang missed calls na pala siya simula alas syete ng umaga. Kaya naman dali-dali akong nag-ayos ng sarili.

Lakad-takbo na ang ginawa ko hanggang sa makaliko na ako pababa ng hagdanan. Dahil sa kakadali-dali ay hindi ko namalayang may lalaki palang papuntang taas at nakayuko pa ito kaya hindi rin ako napansin. Lumagapak ang pwetan ko sa sahig dahil sa pagkakabangga sa kanya. Agad akong naghanap ng makakapitan para makatayo. Nang may makapa ako ay dahan-dahan kung iniangat ang sarili ko. Medyo pinisil-pisil ko pa ang nahawakan ko at mukhang familiar sa aki. ang tigas nito.

Itinaas ko ang ulo ko para tingnan kung anong nakapitan ko at kung sinong nilalang ba ang patanga-tanga rin katulad ko na naglalakad ng  nakayuko.

"Pula?" nanlaki ang mga mata ko ng marinig mo ang pangalan mo.  Nakangiting lang siya sa akin habang inaalalayan ako tumayo dahil hawak-hawak ko ang wrist niya. Sabi na nga ba e, kaya pala familiar sa akin ang amoy at ang hinahawak ko. Pasimple kong hinimas-himas ang pwetan ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakaumpog nito sa sahig. Yumuko na lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya. I though wala na, it's been a year seen we last met. Akala ko wala na, akala ko tapos na.

Tumalikod ako sa kanya at umaasang hindi na niya ako susundan pa, pero nagkamali na naman ang inaasahan ko. Hindi pa rin siya nagbabago, masyadong makulit at kapag gusto niya, gusto niya.

"Kamusta ka na?" hinawakan niya ang braso ko na naging dahilan ng para mapaharap ako sa kanya. Ngumiti na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin. Nandoon pa rin kasi ang kaba gaya noon. Nand'yan pa rin ang kaba tuwing kausap ko siya 1 year ago.

"I have to go." Tunalikod ako at pinagpatuloy ko ang paglalakad pababa ng hagdanan.

"Nakakainis!" bulyaw ko sa sarili ko. Pumunta ako sa sasakyan at binuksan ang pinto saka pumasok. Nagmaneho ako papunta sa Resto Bar ng kaibigan kong si Jessie. Galing siyang ibang bansa, nagtayo ng sariling business at hindi naglaon ay lumago ito hanggang sa napunta na dito sa Manila ang branch nila.

Ilang minuto rin ang ginugol ko para makarating sa lugar nila dito parte sa Quezon City.  Naiinis ako sa sarili ko dahil akala ko, kapag nakita ko siya ay ready na akong harapin sila muli. Dahil simula no'ng hindi na siya nagparamdam ay kontento at masaya na ko.

Nang marating ako sa lugar na kung saan nakatayo ang resto bar nina Jessie ay sakto namang may tumawag sa akin. Akala ko ang kaibigan ko si Daniel lang pala.

"Hey, Hon? Where are you?" tanong n'ya mula sa kabilang linya.

"Nandito ako sa Resto bar nina Jessie." Simpleng sagot ko naman sa kanya

"Okay, okay! Pupunta 'ko sa apartment mo later. I love you, Hon. See you." Hindi na niya hinantay pa marinig ang I love you too ko dahil mukhang nagmamadali siya. May lakad na naman siguro.

Naglakad ako papasok sa Resto bar ng kaibigan ko, pinagbuksan ako ng pintuan ng guard at nang makapasok ako ay agad naman hinanap ng mga mata ko si Jessie. Dahil medyo malaki ito ay naglakad ako ng paunti-unti habang hinahanap siya ng mga mata ko. Nang makita ko naman siya ay agad akong naglakad sa lugar na kinaroroonan niya. Nakimipagusap siya sa isang impleyado, may inuutos ata rito.

Hinintay ko munang matapos ang paguusap nila saka ako mas lalong lumapit sa tabi niya. Nang maramdaman niyang may tao sa likod niya ay kaagad naman silang lumingon. Nang makita niya ako ay napayakap na lang siya bigla sa akin dahil sa tuwa. Jessie is my best friend since highschool. Ika nga nila, boring ang high school life kapag hindi mo kasama ang best friend mo.

Since I was grade school, wala akong masyadong friend dahil masyado akong mahiyain, tamihik sa gilid at madalas gusto kong mapag-isa. But, when high school life comes, I realized na mas masaya talaga ang pag-aaral kapag marami kang kaibigan. I felt so much happy that time kaya hindi ko naisip na iiwan nila ko sa ere. Then one day, sobrang down na down ako, hindi ko pa kilala si Jessie that time. Were not even close. Nag-try ako lumapit sa mga closest ko but they always say na 'sorry I can't marami rin akong gagawain' 'sorry kasi may problema rin kami' then maraming sorry akong narinig mula sa kanila. But then, that time Jessie was there to cheer me up. Nagtataka nga ako sa kaya kung bakit niya ko nilalapitan, e, were not even that close.

Tandang-tanda ko pa 'yong word na sinabi niya sa akin noon, 'May makikilala kang tao sa sandaling pagkakataon, papasayahan sa panandaliang panahon. Sasamahan ka sa masasayang alaala. Pero hindi lahat sila kasama mo sa pagdurusa.' Then since that day lagi na kaming magkasama through ups and downs. Sabi din nila, makikilala mo ang totoong kaibigan mo kapag nasa collage na kayo, 'yong tipong walang kalimutan kahit pa sobrang dami niyong ginagawa at magkaiba kayo ng kursong kinuha  They are right, dahil hanggang ngayon, may sarili na siyang business at pamilya pero never niya kong kinalimutan.

"Namiss kita, Payat!" masayang wika niya sa akin saka tumayo ulit sa kinauupuan niya at niyakap na naman ako ng mahigpit. Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang ugali niya, since the day we've met, ganoon pa rin siya ka-hyper hanggang ngayon.

"Pero infairness, 'yong pagiging payat mo bagay naman sa'yo. Ganda pa rin!" papuri niya sa akin.

"Naku, Taba! Ikaw nga mas maganda sa akin, e.  Ewan ko sa'yo naglolokohan lang tayo rito," tumawa kaming pareho dahil narealize niya rin iyon.

"So? Kamusta ang buhay natin Pula?" pinagholding hands niya ang kamay niya saka inilagay sa baba.

"Okay lang naman. Wala namang bago e." pasimpleng sagot ko saka ininum itong juice na nakahain sa table.

"Wala nga ba talaga? Wala ka bang maikukwento d'yan tungkol sa lovelife mo? Impossibleng wala kang boyfriend? Sa ganda mong 'yan? Wala papatalo sa'yo?" intriga naman niya sa akin.

"Paanong mawawala? Nagka-ex na nga ako e," tatawa-tawang wika ko sa kanya.

Napahaba pa ang k'wentuhan namin dalawa hanggang nabanggit ko ang nangyari kanina.

"Actually, before ako makarating dito, nakabanggan ko siya. Tumama pa nga ang pwetan ko sa sahig dahil sa lakas ng impact,e. Buti nga naisipan pa niya akong tulungan," natatawang wika ko sa kanya.

"Really! So anong ganap?" curious na wika niya. Hanggang kailan, chismosa talaga 'to.

"Wala naman, he asked me kung kumusta na raw ba ako. Hindi ko siya sinagot dahil nagmamadali ko. Kilala kasi kita, kapag sobrang late na ko. Iisipin mo na namang hindi na ako sisipot at paasa na naman ako." Paliwanag ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya bilang pagsangayon. "Wala bang kilig factor? Ganoon?" intriga niya ulit sa akin.

Nanahimik lang ako sandali. Pinagiisipan ko pa kung sasagutin ko ang tanong niya o hindi. Pero mayamaya lamang ay narinig kong tumunog ang phone ko na nakapwesto sa table namin. Dahil dakilang usesara itong best friend ko ay nakita na niya kaagad kong sino ang caller.

"Hello, Hon?" pagsagot ko.

"Nasa labas ako ng Resto bar nina Jessie, Hon."

"Pasok ka na rito para mapakilala kita sa kanya," wika ko naman sa kanya. Mayamaya lamang ay pinatay na niya ang linya at ngumiti ako kay Jessie.

"Bago mo?" tumango na lang ako bilang sagot. Napatango at napangiti na lang siya sa akin bilang pagsangayon. Dahil hindi naman malayo ang Resto bar nina Jessie sa parking lot ay nakarating kaagad si Daniel sa loob. Nang nakapunta siya na pwesto namin ay agad niya naman akong hinalikan ang pisngi. Umupo siya sa tabi ko habang nakaharap naman sa amin si Jennie.

"Hon, si Jennie. Best friend ko. Jennie si Daniel, boyfriend ko." Tumayo naman si Daniel at agad na nakipag-shake hands kay Jessie. Tinawag naman ni Jessie ang asawa niya para ipakilala rin daw sa amin. Anong trip nitong babaeng 'to. Ilang oras na kaming nagkukwentuhan, ngayon lang naisipang ipakilala ang asawa niya sa akin.

"Red, si Edward. Edward si Red, bestfriend ko. Si Daniel naman itong katabi niya, boyfriend ni Red." Nagshake hands naman kami at ganon din si Daniel. Nagtanong naman ako kung paano nila nakilala ang isa't isa, e, wala naman akong nakilalang naging boyfriend ni Jessie.

"Fixed Marriage." Simpleng sagot sa amin ni Jessie. Hindi na ako masyadong nagulat dahil anak mayaman si Jessie at karamihan sa mayayaman ay fixed marriage.

"Noong una, sobrang tutol ako sa ideyang 'yon dahil I don't even know kung sino 'yong taong pakakasalan ko dahil hindi ko naman siya kilala. Sabi ko sa mga magulang ko, ayaw kong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal at hindi ko kilala. That time umuwi naman itong si Edward. Do you still remember noong sinabi ko sayong may gusto ako sa kabilang  block?" inalala ko 'yong panahon na iyon at napangiti ako ng fresh pa sa isipan ko ang mga pangyayari noong college kami.

"Oo! 'yong sabi mong cute na lalaki sa block C?" paninigirado ko sa kanya.

"Oo," natawa naman siya ng bahagyan nang maalala niya 'yon. "Then since that day

, lagi ko na siyang pinagmamasdan. Tapos noong graduation natin 'di ba sabi ko sa'yo magpapa-picture ako sa kanya pero hindi natuloy. Nanghinayang ako that time kasi hindi ko na siya makikita. Pero tadhana nga naman, sinong magaakala na 'yong taong hinahangaan ko sa kabilang block noon ay katabi at asawa ko na ngayon," Masayang wika niya sa akin. Sa tagal siguro ng hindi namin pagsasama nitong si Jessie ay marami na akong bagay na hindi nalalaman sa kanya. Ang who had thought na 'yong dating pangarap mo lang ay nasa iyo na ngayon.

"Nang hinayang ka pa dahil wala kayong picture noong graduation, pero akalain mo nga naman 'no, may picture naman kayo ng kasal niyo," natatawang wika ko.

"Oo nga e!" pagsangayon naman niya. Sa loob ng ilang oras ay marami na rin siya naikwento sa akin. Sobrang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Kung anong sekreto sa isang magandang relasyon. Syempre kung may pagkikita, may papaalam. Sayang nga lang at marami pa silang gagawain kaya nagpaalam na rin kami sa kanila.

"Till next time, Jess." Tumayo sita saka nakipagbeso sa'kin . Niyakap ko muna siya ng mahigpit bago maglakad papaalis sa lugar nila. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka siya hinarap.

"You can call me anytime, Pula. Hindi ka naman nakakaistorbo sa akin, e. Alam mo naman 'yon 'di ba?" nakangiting wika niya sa akin. Tumango na lang ako bilang pagsangayon sa kanya.

"I love you, Jess." Yumakap ulit ako sa kanya sa huling pagkakataon. Kala mo naman huling pagkikita na namin e

"I love you too, Pula. Don't worry, magkikita pa naman tayo next rime. Chat mo na lang ako. Okay?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka tumango. Kumindat naman siya akin saka ako ngumiti. Nang makatalikod kami dahil papaalis na kami ay lumingon muna ako sa likod saka kumaway sa kanya.

Nakangiti naman siya habang tinatanaw kami palabas, tumingin naman ako kay Daniel saka ngumiti at hinawakan naman niya ang kamay ko. Magka-holding hands kaming lumabas sa Resto bar saka pumunta sa kanya-kanyang sasakyan. Buti na lang at motor ang dala niya, hindi kotse.

Hinatid niya ako sa kotse ko at pinagbuksan ako ng pinto. Bago ako umupo ay sa loob ng sasakyan ay hinalikan ko muna siya ng mabilis sa labi saka pumasok sa loob at pinaandar ang engine. Binuksan ko muna ang bintana para makita siya bago ako umalis.

"I love you," wika ko sa kanya.

"I love you too. Sige na, susunod ako." Sinunuod ko naman ang sinabi niya at pinatakbo ko ang sasakyan.

Gaya kanina ay tinahak ko na naman ang daan pauwi sa bahay namin. Kailangan ko kasing makauwi ng maaga para makapaghanda dahil may pasok ako bukas. Day Care teacher ako at mas pinili kong magturo ng mga bata kaysa magtrabaho sa opisina. Pakiramdam ko kasi kapag nasa opisina ako ay nakakulong na lamang ako doon kaya mas gugustuhin ko pa ang magturo sa mga kabataan. Hindi lamang ng simpleng ABaKaDa, kung 'di na rin ang mabuting asal at magandang kaugalian.

Nang marating ko ang apartment ay hindi ko na hinantay pa si Daniel dahil plakda na kaagad ako sa higaan. Mga ilang minuto ko ipinikit ang mga mata ko para makapagpahinga. Nang pakiramdam ko ay maayos na ay saka ako nag-asikaso ng katawan, nagbihis ako ng pantulog at naghilamos ng mukha para matanggal ang light make up na inilagay ko sa mukha kanina.

Itinapon ko ang sarili ko sa higaan at mayamaya lang din ay naramdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko. Senyales na inaantok na talaga ko kahit na wala naman akong masyadong ginawa maghapon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login