Download App

Chapter 4: Chapter 3 : Bintang

Kasalukuyang nagsusulat ang aming lecturer. "What is Religion?" biglaang tanong nito habang nanatili paring nakasulat sa white board. Ni walang sinuman sa kaniyang mga estudyante ang sumagot. Gan'to nalang ba talaga lahat ng kaklase ko rito? Walang pakialam?

Tumigil ito sa pagsusulat at ngayo'y inilaan sa amin ang kaniyang atensyon. Nagtanong siyang muli. "Again, what is Religion?" Naglakad-lakad ito sa harapan habang iniligoy ang kaniyang mga paningin sa amin isa-isa. Wala manlang din talagang maybalak sagutin ang katanungan n'ya.

Huminto siya sa paglakad at tsaka tumingin s'yang muli sa babaeng 'yon. "Stand up and answer my question Alexis!"

Tumayo naman siya kaagad. Ipinapakita na naman n'ya na wala siyang ni katiting na interes sa tanong nito.

"Wala akong ideya Miss!" Umupo itong muli.

Kumurbada ang nakakairitang ngiti ng lecturer doon sa kaniya at napatawa. "About my subject, wala kang ideya ngunit sa pagpipilosopa, ubod ng talino."

Wala ba silang planong tapusin ang away nila? Nakakapagod ng makinig at mapakinggan ang mga eksena nila.

Hindi ako nag-aral para tagapanood ng away, o walang kwentang mga bagay. Hays!

"Buti Miss at alam mo. Kaya huwag kanang magsayang ng oras para tanungin ako sapagkat kahit kailan wala talaga akong interes sa'yo at sa subject mo." Nakakailan na'tong babae na ito ah!

Hindi nalang nagsalitang muli ang lecturer at hinayaan nalang n'yang umupo ito uli. Sana naman magkaroon ka ng kaunting respeto Aynne. Religion subject natin oh.

Walang pag-alinlangan kong inilaan ang aking kamay upang sumagot. Nabaling naman ang atensyon ng lecturer sa akin at hindi na sa babaeng iyon. Para naman lang din maputol na ang tensyon nilang dalawa. Napakahilig sa rambulan.

Nasa akin na lahat ng atensyon pati na ang babaeng 'yon na kanina pa masama ang tingin sa akin. Hindi ko na siya tiningnang muli at nagpokus na sa pagsagot. "Yes Davidd? Ano ang sagot?

"According to Merriam Webster's Dictionary, Religion is an organized system of beliefs, ceremonies, and rules used to worship a god or a group of gods!" kaagad na sagot ko.

"Good," sabay tango. Umupo akong muli.

Nagsulat muli ang aming lecturer sa white board para sa panibagong katanungan. Nagulat nalang ako sa sumunod na nangyari. Binato nila Aynne at ng apat pang mga lalaki ng maliliit na bilog na papel ang lecturer. Napahinto ito sa pagsulat at tumigil naman sila Aynne sa pagbato ng inilaang muli ang atensyon sa amin.

"Sino ang bumato ng papel sa akin?" Nagsimula ng mamula ang mukha nito dahil sa hindi mapigilang inis.

"Siya.." Nabigla akong tinuro n'ya ako. Ba--bakit ako? Hindi ako makapaniwala kaya tumayo ako sa sobrang pagkadismaya. Sumusobra na talaga siya.

"Miss, hindi ako ang bumato. Kundi sila!" turo ko sa kaniya pabalik. Tumingin ako sa kaniya ng masama. Kahit kailan wala talaga siyang puso at kahit kailan malabong magkakaroon. Isang malaking malas ang unang araw ko rito nang dahil sa kaniya.

Nalilitong napatingin sa aming dalawa ang lecturer. Miss sana maisip mo kung sino ang taong may malaking galit at atraso sa'yo.

Panay padin ang pagpapalitan namin ng turuan naming dalawa. Wala talaga siyang planong sabihin ang pinagagawa nila. Tindi!

"Alexis!?" Medyo naging maluwag ang pakiramdam ko nang tanungin niya ang babaeng 'yon. Bigla siyang nagsalita, "Miss hindi ibig sabihin na may away tayo kanina ay ako na ang bumato sa'yo. Tanungin mo mismo ang mga kaklase ko kung sino ang pakana ng pagbato sa'yo." Inilaan n'ya ang tingin sa akin at ngumisi ng nakakairita.

"Class, sino ang may pakana ng pagbato sa akin?" Nahigop ng mga mata ko ang kanilang mga kamay na sa akin nakaturo. Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala. Anong ako? Pinagbibintangan niyo ako?

"Miss, huwag kapong maniwa--," hindi ko na natapos ng biglang inihagis ng lecturer ang libro sa mesa habang masamang nakatingin sa akin.

"Get out from this classroom Mr. Davidd Costan and do the sit on the air."

Anong sit on the air? Gagawin akong bata? Ano 'to magmumukha akong tanga sa labas?

Inis kong binigyan ng tingin si Aynne at kinuha ang bag ko. Tinahak ko ang labas at nagsimulang magsit-on-the-air dun.

Hindi ko makakalimutan ang araw na'to

Ang araw na nakilala ko ang babaeng unang sumira ng araw ko rito

Bakit gan'to ang pinagagawa n'ya sa'kin?

Wala akong matandaang naging atraso ko sa kaniya

Nangangalay na ang aking mga tuhod at panay ang pagtingin sa akin ng mga estudyanteng kakalabas lang sa kani-kanilang mga silid.

Ano ba talaga ang problema mo sa'kin Aynne?

Nagiba ang mukha ko nang namalayan ko ang pagsakit ng aking paa na nagmumula sa matinding pagtapak ng kung sino.

"Masakit?" Siya na naman?

"Sumusobra kana Aynne!" Napayukom ako sa aking kamao habang napatitig sa kan'ya at sa kan'yang mga grupo. Nakakailan kana sa akin ah!

"Oops, nagalit si Davidd." Tumawa siya ng malakas. Iniinis niya talaga ako at pinapakulo ang dugo ko. "Sino ba ang hindi magagalit sa pinagagawa mo, wala?"

"Ang tapang mo talaga! Bet na bet na kita." Nakakainis at nakakairita ang mukha niya. "Boys! Meet again Davidd!" Pinagshishakehands pa nila akong lahat at ang babaeng 'yon ang panghuli.

Nabigla akong muli ng hinila niya ako papunta sa kan'ya at inilapit ang kaniyang mukha sa tenga ko. "Paano ba iyan? Araw-araw magkrukrus ang landas natin?"

Biglang nanlumo ako sa narinig mula sa kaniya. Wala naba talaga akong kawala sa mga kamay niya? At ganito nalang ba araw-araw? Isang impyerno ang pinasukan ko at ang demonyong iyon ay ang babaeng ito.

Ramdam ko ang bawat niyang hininga. Mas napako ako sa kinatatayuan ko ng sinambit niya ang kahuli-hulihang kataga, "From now on, I'm your bully and you are my victim." At agad silang lumisan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login