Download App
100% Simon Says

Chapter 2: Chapter one

Hindi ko na bilang kung ilang beses ko na bang paulit-ulit na itinap ang paa ko sahig habang nabibilad sa mahabang pilang ito.

Dahil nga nasa duluhan ako ng pila ay wala ng silong banda sa akin at bilad na bilad ako. Kasabay panliliit ng mata ko dahil sa pagkasilaw sa araw ay ang pagkakunot din nito, mahigpit ang pagkakahawak ko sa folder na naglalaman ng mga kuha ko.

Halos bumulong-bulong na ako sa sobrang pagkainip at lagkit ng pakiramdam sa init.

Hello, hindi ko naman kagustuhang malate.

Madami-dami pa ang nasa harap ko bago ako makapagpasa, ang hawak ko ay portfolio ng mga shots ko. Ever since, photography na ang pampalipas oras ko at pampatanggal ng stress ngunit hindi naman ito ang kursong kinuha ko kaya nagbabakasakali na lang ako sa mga contests, kaya heto ako ngayon sa loob ng University, nakapila sa mainit na quadrangle para makapagpasa ng portfolio. Kapag nakapasok ako sa photography club ng uni ay magkakaroon ako ng extra income.

Wala akong talent sa paghihintay kaya hindi ko alam kung matatagalan ko itong pliang ito, lumiban na nga ako sa isang klase ko.

"Andiyan siya! Hihihi." Masamang titig ang ipinukol ko sa tatlong babaeng nasa harapan ko sa pila, ang init-init na nga sa pila ay hindi pa makaramdam, nagtitilian sila at nagtutulakan kaya naman imbis na umabante ako at hindi mabilad ay paatras ako ng paatras mula sa pila.

May pagkakataon pang muntikan ng masiko noong isa ang dede ko kaya halos magdikit na ang kilay ko.

"Pwede kumalma kayo?" Pakiusap ko doon sa tatlong nasa harap ko kaya sabay-sabay silang napatitig sa akin.

Hindi ko naman kasi alam kung kinakabahan ba sila sa ipapasa nilang portfolio o sinisilihan sila sa puwet.

"Ay pasensiya na, kung gusto mo miss mauna ka na samin."

"Oo nga, okay lang naman kami muna sa dulo."

Thank heavens mababait naman sila.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumunta sa harapan nila, noong una akala ko talagang sarcastic sila pero paglingon ko sa kanila ay mga nakangiti pa at nagtuloy sa pagtitilian.

Hindi ko na inabala pa ang sarili ko sa kakatingin sa kanila at nireview ko ng mabuti ang portfoliong hawak ko, nasa pangatlo na lang ako noong mapansin kong may doodle pala ang harapan ng folder, kahit na maliit lang e kitang-kita dahil red ang ink noon.

Ginawa ko atang scratch ito noong nagsosolve ako para sa assignments.

Nataranta ako at kaagad humanap ng correction tape sa bag ko pero wala.

Mapipilitan pa yata akong makipagkaibigan sa may correction tape.

Inilibot ko ang tangin ko sa pila maging sa gilid, nakakita ako ng correction tape sa isang lalaking nakaupo sa isang table, wala naman na siyang ibang katabi.

Malapit iyon sa dulo ng pila na pinanggalingan ko kanina, hindi na ako nag-isip pa at kaagad na lumapit doon sa harap niya.

Magpapasa rin siguro ito ng portfolio?

Nakayuko siya habang may sinusulat sa portfolio habang nasa harap pa din niya ako.

"Psst, pwedeng pahiram ng correction tape?"

Siniglahan ko talaga ang boses ko na parang kausap ang kaibigan.

Nag-angat ito ng tingin at halos mapasinghap ako, mahabaging langit! Ang guwapo, nakatingala ito sa akin dahil nakatayo ako sa tapat ng table sa harap niya. Halata ang bahagyang pagkabigla sa itsura niya sa biglang pagsulpot ko.

Malinaw sa akin ang mapungay niyang mata na aakalain mong laging tinatamad.

"Uh yeah, you can use it." Naks, English.

Ngumiti siya sa akin at sa pagkakataong iyon ay parang nawala lahat ng mga kasalanan ko, may dimple!

Tumitig muna ako ng mga 5 seconds sa kaniya. Siguro ay may lahi siyang banyaga, his accent-British, British accent tas yummy pa siya.

"Talaga?" Patangang tanong ko kunyari para lang tumagal ang titig ko sa mukha niya, ngumiti naman siya sa akin at tumango. Tinanong ko iyon pero nasa kamay ko na talaga ang correction tape niya bago pa siya makasagot.

"Thank you ha."

Pabebeng sabi ko tapos ay doon talaga sa mismong table sa harap niya, doon ko ginamit iyong correction tape.

Nakangiti lang naman niyang pinagmasdan ako sa ginagawa ko sa harap niya.

Foreigner siguro ito, ang ganda ng mata.

Ano kayang course niya?

Ibabalik ko na iyong correction tape niya noong may tumawag sa kaniya sa likuran kaya panandalian siyang lumingon doon.

Halos mapamura na lang ako sa sarili ko noong mabasa ang papel na may nakasulat sa likuran niya.

JUDGE?!

PKSKSK! Ang kapal ng mukha kong lumapit sa kaniya para manghiram ng correction tape na parang close kami tapos judge pala ito?

Bakit kasi mukha siyang contestant?!

Para hindi lalong mapahiya ay mabilis na akong naglakad pabalik sa linya ko, kung saan ako na ang sunod, sumiksik talaga ako doon sa harap para hindi makita ang mukha ko mula sa gawi niya.

Ang tingin ng mga nakapila sa likod ko sa akin ay nakakapagtaka.

"Miss kilala mo si Simon?"

Tanong noong isa na nakacheckered na skirt.

Sino naman si Simon?

Lumingon iyong isang kasama nila sa puwesto noong guwapong judge, so siya si Simon?

Mukhang nakita pa nila ang mumunting katangahan ko.

Siya siguro ang kanina pa tinitilian ng mga ito.

"Ah iyon ba?" Turo ko doon sa judge na nagtataka at paikot-ikot ang tingin, hinahanap yata yung makapal ang mukhang nanghiram ng correction tape niya, "hindi, may tinanong lang sa akin."

Tinalikuran ko sila at nag-umpisa ng ipasa ang akin, konting tanungan lang at natapos ako.

Halos iharang ko na sa buong mukha ko ang bag ko habang paalis ako ng quadrangle para hindi mapansin noong guwapong si Simon.

Sa kaniya ako nakatingin habang nakatakip ang bag sa mukha ko at naglalakad palabas, mahirap ng bigla niya akong tanungin ang pangalan tapos ibagsak ang portfolio ko.

Mabuti na lang at busy na siya ngayon kausap ang isang lalaki sa tabi niya na judge rin ata.

Nakangiti pa rin siya at paminsan-minsan ay humahawak sa tenga niya.

Mas maayos ko siyang naobserbahan ngayon.

Naka brush up ang buhok niya kaya malinis tignan tapos ang sexy ng katawan. Kasi naman mag-t-shirt ba naman ng white sa kasikatan ng araw, malamang kita ko ang katawan niya.

Sana lang makalimutan niya ang kagagahan ko kanina.


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login