Download App

Chapter 3: CHAPTER 2 - LEO

CHAPTER 2

Dumiretsyo ako sa kinaroroonan ng computer at sinimulan kona itong buksan, binuksan ko ang aking email account upang ipaalam sa aking mga magulang kung ano ang nangyare kani kanina lang. sinimulan kong itype ang mga nangyare sa amin kanina at pag ka tapos ay sinend kona sa kanila. tumayo na ako at dumiretsyo na sa kusina upang mag handa na ng aming kakainin para sa pananghalian. sya nga pala malawak ang pinagawang bunker ng aming mga magulang ngunit ang ibang kwarto dito ay may mga passcode na tanging sila lamang ang nakakaalam.

Hindi namin alam kung hanggang kalian kami dito mag tatagal, siguro ay hihintayin namin na kami ay sunduin dito ng aming mga magulang. Habang ako ay nag hahanda ng kakainin naming ay lumapit saakin si Migo na para bang kinakabahan.

"K-kuya may sasabihin ako sa'yo" sambit nya

"Ano yon?" tanong ko

"Nag email pala saakin si mommy kagabi ngayon ko lang nabasa" s'ya habang nakatingin sa kanyang cellphone

Sabay pinakita nya saakin kung ano ang sinabi ni mommy. "Migo and Russel kung kayo ay papasok na sa bunker make sure na ang pipindutin nyo ay ang kulay blue para sa isang buwan na pamamalagi lamang dyan sa bunder huwag ninyong pindutin ang kulay pula dahil ito ay tatagal ng isang taon. Mag ingat kayong dalawa mahal na mahal naming kayo sana ay mag kita pa tayo. Make sure na lagi kayong tumutok sa email para sa ating pag uusap" laman ng e-mail

"Oh ano naming meron dyan?" tanong ko

"Yung ano kulay ng napindot ko" sagot nya

"Ano bang pinindot mo?" tanong ko

"Yung ano kulay red" takot na sagot nya

"Ano?" pasigaw na tunog ko

Agad akong pumunta sa pintuan ng bunker para malaman kung paano ito palitan ngunit walang naka sulat dito, kaya naman dumirestso ako sa computer para tignan ngutin wala din, kaya naman nag email nalang ako sa akin mga magulang.pasado alas kwatro na ng hapon ayon sa orasan kaya naman nag handa ako ng makakain o meryenda kung baga. Tinawag kona si migo at na simula na kaming kumain nag kwentuhan kami kinuwento nya saakin kung ano ang nangyare.

{Flashback}

Migo Salvador

"Kuya patulong naman kami dito masyadong mahirap to" sabi ko kay kuya at agad nya naming kinuha saakin ang papel at libro at sabay tinuro saamin kung papaano ito gawin.

Ng matapos nya nang ituro at agad na kaming umalis upang tumambay muna sa labas ng room naming ilang minute din kaming tumambay doon at nag kwentuhan ng kung ano ano ng bigla kaming sinigawan ng isa naming kaklase.

"Hoy Migo pumasok na kayo sa classroom mag sisimula na ang klase" aya saakin ng kaklase ko

Dali dali kaming pumasok.

Habang nasa classroom kami ay biglang nag alarm at biglang nag salita ang aming principal "Iniuutos ko na isarado ninyo ang mga pintuan nyo at walang mag bubukas hanggang wala akong sinasabi" utos nito na parang nangangatal ang boses.

Dahil sa sobrang kaba ay sinunod nila yung bilin ng principal naming habang ako naman ay bumalik sa upuan ko at bigalang nag ring ang aking cellphone, si kuya tumawag pero bago ko ito sagutin ay narinig ko na sinabi ng kaklase ko na nag kakagulo sa gate, sinagot kona ang tawag ni kuya at nakapag usap na kami pag ka baba ko ng cellphone ay agad akong pumunta sa bintana at tinignan kung anong nangyayare.

Nakita ko na nag kukumpulan na ang mga tao sa tapat ng gate at para bang may patay, ilang minuto lang ay narinig namin na nag sigawan na sa labas at nag tatakbuhan na. dumiretsyo ako sa upuan ko at kinuha ang cellphone nakita ko na nag message si kuya mag rereply sana ako pero biglang nabasag ang bintana namin at nag pasukan na yung mga nasalabas kaya naman nag sigawan ang mga kaklase ko at agad silang tinatunan ng mga yon at pinag kakagat.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, Nakita ko na papalapit sakin ang isa sa mga yon at sinungaban ako kaya naman napahiga ako, hawak ko ang leeg ng lalakeng ito dahil mukhang kakagatin nya ako ilang Segundo ko ding pinipigilan ang ginagawa saakin nito ng biglang may humpas sa ulo nito at bigla itong tumigil at tumulo ang dugo nito sa aking mukha.

"Tumayo ka dyan halika at tatakas tayo" aya saakin ng isang babae at hinawakan nya ako sa kamay para tumayo

May hawak syang baseball bat na punong puno ng dugo sinundan ko sya kung saan sya pupunta, pumasok kami sa loob ng room janitor ikinandado naming ito at hinarang ang mga mabibigat na bagay, sabay kaming napa upo sa pagod kaka takbo.

"Ako si Bianca Valiente" sabay abot nya saakin ng kanyang kamay na may dugo napatitig sya dito na pansin nya din kaya naman pinunasan nya sabay abot ulit.

"Ako naman si Migo Salvador, salamat nga pala kanina" sagot ko sa kanya ng naka ngiti

Ilang oras din kaming naka upo doon at nakwento ko din ang text saakin ng kuya ko nawala ko ang cellphone ko kanina sa room ng natapos kong i kwento to yon ay natahimik na kami dahil sa mga kumakalampag ilang minuto lang ay bigla itong tumigil, nag antay kami ng ilang minuto kaming nag intay ng makasigurado na kami na walang nasa labas ay napag pasyahan naming na lumabas na. tinanggal namin ang mga nakaharang sa pintuan pag katapos ay kumuha kumuha ako ng map at tinanggal ang ibaba nito, gagamitin ko itong sandata para sa mga yon.

Dahan dahan binuksan ni bianca ang pintuan para talagang maka tiyak na walang nang tao sa labas dahan dahan kaming lumabas at nag simula nang mag lakad habang nag lalakad kami ay biglang napatigil si bianca dahan dahan syang umatras sinambit ang mga katagang "Dahan dahan lang wag kang maingay" sinilip ko kung ano yung nakita nya. Dose dosenang mga studyante ang nakatayo sa hallway na para bang nag aabang lang ng makakain, dahil don ay dahan dahan kaming umatras ngunit bigla kong nabitawan ang hawak kong kahoy na nagging sanhi ng malakas na ingay.

Napatigil kaming dalawa sapag atras, at bigla naming narinig ang mga kakaibang ingay na galing sa mga studyanteng iyon, rinig din namin ang takbuhan patungo sa kinaroroonan naming.

"Takbo!" sigaw ko at sinimulan ko nading tumakbo

Agad namang sumunod si bianca tumakbo kami ng tumakbo pinindot ko din ang fire alarm para makagulo sa kanila, hindi ko na din namalayan na nag kaiba kami ng dinaanan ni bianca sya ay patungo sa kabilang building at ako naman ay patungo sa likod ng gate. Napansin ko din na saakin nasunod ang mga studyante kaya naman tumakbo ako ng mabilis ng bigla kong nakita si kuya…

Russel Alec Salvador

Kakatapos lang naming mag meryenda at kakatapos lang din mag kwento ni Migo sana naman ay okay lang yung babae, nag liligpit na ako ng pinag kainan at natulog sandali, pag kagising ko ay nag luto ng makakain.

Paulit ulit na proseso lang ang nangyare saamin sa loob ng Three-hundred forty days, gising, kain, check ng email, workout, kain, tulog. Nag celebrate nadin kami ng kanya kanya naming birthday. Nag aantay padin kami ng email mula sa magulang namin. Meron nalang kaming twenty-five days ayon sa computer at sa wakas ay makakalabas na kami, paubos nadin ang supply namin at hindi nadin kaya ng air ventilation naming masyado nang madumi ang mga ito at hindi ka kayang ayusin pa. ilang beses nadin naming tinatry buksan ang mga kwarto na naka sarado lahat naman ay na buksan na ngunit ito lamang ay mga extrang kwarto lang, ngunit may isang kwarto na ayaw talagang mabuksan lahat ng posibleng code ay nagamit na naming sa loob ng mag iisang taon.

Habang nag checheck ako ng e-mail ay bigla akong tinawag ni Migo na halata mo sa boses nya na tuwang tuwa sya. Nag madali akong pumunta sa kinaroroonan nya at nabigla ako sa nakita ko nabuksan na nya ang kwarto, at bumungad saakin ang ibang ibang uri ng mga armas may mga espada, mga baril, may mga bomba din. Kung baga ito ang armory ng aking daddy.

"Paano mo ito na buksan?" tanong ko sa kanya

"Ayun o" sabay turo nya sakin ng apat na letra na nakasulat sa itaas ng pinto

"Huh? Paano nagging ayan e number ang kailangan" tanong ko

"Diba ang apat nayan ay H-E-R-M" sabi nya saakin at in-explain nya sakin kung bakit

Ang HERM ay ang initial ng mga pangalan nating pamilya kaya ko ito ang nagging sagot ay bawat letra ay may equivalent na number kunyare ang letrang B kung bibilang mo ito ang letrang B ay pang number two sa alphabet, kailangan ng room na ito ng ay anim na numero lamang kung ang numero ng ibang kwarto ditto ay pare parehas lang ay dahil ito ay kwarto lamang, balik tayo, ang letrang H ay pang number eight sa alphabet habang ang E ay pang five R ay pang eighteen at ang M ay pang thirteen, matagal kong pinag isipan kung ano ang ibig sabihin nito kaya naman eto pinag sama sama ko ito at sinubukan ang Passcode na 851813 at sa wakas ay nag bukas ito. Pag papaliwanag nya pumasok kami sa loob at tinignan naming bawat isa ang mga klase ng armas na nandito.

Bumalik na kami sa kusina upang kumain at pag usapan kung ano na anng susunod naming gagawin dahil may ilang linggo nalamang kami dito, napag usapan namin na dadalhin namin ang mga kaya lang namin dalhin na armas, pag ka tapos naming kumain ay hinanda na namin ang mga gagamitin namin para sa aming pag labas sa bunker na ito ng matapos na naming ay natulog na kami paulit ulit lang uli ang gawain namin sa mga sumunod na araw, at dumating nadin ang tinakdang araw ng aming pag labas sa bunker na ito.

Hindi namin alam kung ano ang nag hihintay saamin sa labas dahil wala na kaming communication simula ng makulong kami dito walang balita ang huli lang naming balita ay ang buong pilipinas na ang na apektuhan.

Tinawag kona si Migo para humanda kinuha ko na ang mga armas na kakailanganin namin at humanda na sa pag alis dala ko ang dalawang itim na bag na nag lalaman ng mga baril at bala ganon din si migo naka sukbit nadin sakin ang katana at isang shot gun samantalang double pistol naman kay migo.

Paakyat na kami ay sinubukan kong buksan ang bunker ngunit ayaw nitong mabuksan para bang may humaharang sa likod nito, pilit naming binubuksan ngunit ayaw talaga, hinarangan siguro ito ng mga lalakeng pumasok sa bahay namin noon, kaya naman napag desisyonan ko itong pasabugin nilagay ko ang pampasabog at lumayo kaming dalawa, kailangan na naming makaalis dahil numinipis nadin ang hangin sa loob ng bunker.

Pag ka pindot ko dito ay agad naman itong sumabog, pinuntahan ko ito at tinulak sa wakas ay bumukas ito pumasok ng unti unti ang liwanag na nanggagaling sa labas. Nag katinginan kami ni Migo at nag ngitian dahil sa wakas ay makakalabas nadin kami, pag labas ko ng bunker ay dumiretsyo kami sa bahay bumungad saamin ang mga buto ng mga lalakeng nabaril ni Migo ng gabing iyon. Dumiretsyo ako sa kwarto ko at umasa na nandoon pa ang akin cellphone ngunit wala ito. Humiga ako sandali para mag pahinga pero ilang minuto lang ay tinawag ako ni Migo.

Bumangon ako at pumunta sa kinaroroonan ni Migo, bumungad sakin migo na naka ngiti at may hawak na susi, hawak nya ang susi ng itim na Knight XV ni dad, biruin mo at nandito pa ito kinuha ko ang susi kay migo.

"Bakit nasayo ang susi nito?" naka ngiti kong tanong

"Alam kong magagamit natin to kaya naman kinuha ko ito nung gabing nakauwi tayo" pag mamayabang nya

Tumakbo ako sa taas para kunin ang mga damit na kailangan ko gayon din si Migo. Pag ka tapos namin ay nilagay na namin kay Leo {pangalan ng sasakyan ni dad} ang mga gagamitin namin tinignan ko nadin ang gas nito full tank pa naman. Pag pasok ko sa sasakyan ay may Nakita akong papel sa driver sit, kinuha ko ito at binuksan sulat ito mula kay daddy.

"Mga anak kung nababasa nyo ito, marahil ay naka labas na kayo sa bunker hindi ko na kayo ginulo pa sa loob dahil miski ako ay hindi ko alam kung papaano ito buksan, ako din ang nag harang sa harap ng bunker at nasaakin din ang cellphone mo kinuha ko ito at tinago anak mag ingat kayo. Hanapin nyo kami ng mommy ninyo, umaasa kami na mag kikita kita pa tayo, tandaan nyo mahal na mahal namin kayo ~ dad"

Hindi ko alam kung kelan to pero sure ako na buhay pa sila ngayon at hahanapin namin sila!

Inistart kona si Leo at binuksan n ani Migo ang gate, bakit parang walang ka tao tao sa labas at wala ding Eaters {yan ang tawag naming mag kapatid pinag isipan namin yan} habang binabagtas namin ang daan ay may mga panaka nakang Eater kaming nakikita ang kalat ng kalsada, isang taon palang ang nakalipas pero ganito na.

Habang nasa byahe kame ay napag pasyahan namin na pumunta sa isang grocery shop upang dagdagan ang stock namin habang nag hahanap sa aming mga magulang ng makarating kami sa isang shop ay sabay kaming bumaba dala lang ang aking katana at ang combat knife ni Migo hindi kami mag papaputok ng baril dahil baka makatawag lang ito ng mga eaters ng nasa pintuan na kami ay kinatok ko ito gamit ang aking katana nag intay kami ng ilang minuto kung may lalabas na eaters ngunit walang lumabas, pumasok kami dala ang isang malaking bag ang kalat ng loob ng grocery store halata mo na nilooban na ito, tumungo kami sa mga canned goods swerte naman kami dahil madami dami pa ang natira. Napaisip ako kung nasaan na kaya ang ibang mga tao.

Ng matapos na kami ay napag pasyahan namin na bumalik sa sasakyan nag patuloy na kami sa aming byahe sobrang tahimik ng kalsada at tanginag mga tunog lang mula sa mga eaters ang maririnig. Habang nasa byahe kami ay may Nakita kaming harang sa dadaanan namin isang karatula na may naka sulat na 'TULONG' marahil ito ay matagal nang naka lagay bumaba ako dala ang katana ko para alisin ang nakaharang habang dahan dahan akong nag lalakad ay may naramdaman akong kakaiba, parang may nanonood saamin, kaya naman sumenyas ako kay Migo sa pamamagitan ng nakababakong kamay na parang na pindot ng gatilyo agad naman syang kumuha ng baril pero hindi bumaba sa sasakyan.

Ng natangal ko na ang harang at pabalik na sa sasakyan ay biglang may sumigaw.

"Wag kang gagalaw o babarilin kita!" sigaw ng isang babae na naka mask at biglang lumabas sa kakahuyan sa gilid ng kalsada.

Habang si Migo naman ay maangas na lumabas sa sasakyan at tinutukan ng dalawang pistol ang babae.

"Ikaw ang wag gumalaw kung ayaw mong ubusin ko lahat ng bala na ito sayo" sigaw naman ni Migo

"Ano ang kailangan mo?" tanong ko

"Lahat sasakyan nyo at mga armas nyo" tugon nito

"Hay nako hindi mangyayare yan" Sigaw ni Migo habang natawa

Agad naming lumingon ang babae sa dereksyon ni Migo at sya naman ang tinutukan

"Alam mo ang ku-." napatigil ito

"Mi-migo?" nabubulol na dagdag nito

Nag taka ako gayundin si Migo, ibinaba ng babae ang baril nya at tinanggal ang mask nito.

"Oh Shit" sigaw ni Migo habang ako ay naka tayo padin at naka tulala

"Buhay ka?" tanong nya

"Obvious ba?" sigaw pa nito

"Teka sino sya" tanong ko

Ibinaba ni Migo ang pistol nya at habang lumalapit sya saakin ay sinabi nya ang pangalan nito

"Kuya sya si…"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login