Download App

Chapter 19: Kabanata 19

MARAHANG KATAKOT SA PINTO ANG NAKAPAGPAGISING SA KANYA. Tinatamad siyang bumangon mula sa higaan. Tiningnan niya kung anong oras na sa cell phone, pasado alas onse na nang umaga. Napasarap ang tulog niya.

"Ate may dumating na package, kailangan ng pirma mo."

    "Lalabas na." Pinusod niya ang buhok nang hindi nagsusuklay. Nagsuot din siya ng roba dahil nakapantulog na damit lang siya.

"Ma'am paki pirmahan po ito." Paglabas niya mula sa bahay ay inabot ng delivery boy ang papel na pipirmahan niya. "Salamat po."

"Thank you din."

Pag-alis ng delivery boy ay agad siyang pumasok sa loob ng bahay. Binuksan niya ang kahon. Tumambad sa kanya ang kulay turquoise na halter dress at isang pares ng stiletto. May napasin siyang sticky note at may nakasulat doon na, "Wear this tonight." -Zach."

Ano na naman kaya ang naiisip ng lalaki na iyon? Biglang nag-ring ang kanyang cell phone. Hindi na niya kailangang tingnan kung sino ang tumawag.

"Anong plano mo? Bakit kailangan kong magsuot ng magarang damit?"

"Gawin mo na lang ang inuutos ko."

"Hindi kita boss Zacharias kaya wala kang karapatang utusan ako." sigaw niya. Ang kapal ng mukha nito! Magpaparamdam lang ito sa kanya kapag may gusto itong gawin. Ang akala niya ay bumalik na ito sa Amerika. "Maghanap ka ng ibang babae na magsusuot nang pinadala mo."

"Ikaw lang ang pwedeng magsuot niyan."

"Wala akong pakialam sa sinasabi mo basta hindi ko isusuot ang damit at sapatos na pinadala mo."

"Chloe pagbigyan mo na ako. Ito na ang huling beses na guguluhin kita." Nahihimigan niya ang pagsusumamo sa tinig ng binata.

Natahimik siya. Ibig sabihin, ito na ang huling araw na makikita at makakasama niya ang binata. Gusto ba nitong magpaalam sa kanya bago ito umalis? O ito na ang huling paniningil nito sa utang niya?

"Ipapasundo kita mamayang seven pm."

Magsasalita sana siya ngunit hindi niya maibuka ang bibig dahil may narinig siyang boses ng babae. Tinawag nito si Zach.

"Love, let me do the dishes."

Mabilis niyang tinurn-off ang cell phone nang marinig niyang tawagin ni Zach ang nobya nito. Ibig sabihin, nasa Pilipinas ang babae at kasama ito ni Zach. Bakit kailangan pa nilang magkita gayong kasama na ng binata ang nobya nito?

SINUNDO SIYA NG DRIVER NI ZACH SAKTONG ALAS SIYETE NG GABI. Naiinis siya sa driver dahil may mas malapit na pwedeng daanan papunta sa hotel na kinaroroonan niya ngayon ngunit mas pinili nitong dumaan sa ma-traffic na lugar.

"Change your clothes." Bungad sa kanya ni Zach pagpasok na pagpasok niya sa hotel suite. May naghatid sa kanyang receptionist patungo roon.

"Ayoko." Mariing tutol niya. "Baka idagdag mo pa iyan sa utang ko sa'yo." Nang iinsultong wika niya.

Nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. Waring may gusto itong sabihin ngunit hindi nito itinuloy. Nahagip ng paningin niya na nasa ibabaw ng kama ang parehong damit at sapatos na ipinadala nito kanina.

"Bakit nandito ang damit na ipinadala mo?"

"May paraan ako Chloe." Iyon lang ang tanging sagot nito. "Please wear the dress. Kung ayaw mo, ako mismo ang magbibihis sa'yo."

Naningkit ang mga mata niya. Dinampot niya nag sapatos na nasa ibabaw ng kama saka binato ang binata. Nataaman ito sa dibdib. Halatang hindi nito inaasahan ang ginawa niya. "Hindi ako manika na pwede mong bihisan at paglaruan." Nanggigigil na wika niya. Kinuha niya ulit ang isang kapares ng sapatos at binato niya ulit ang binata ngunit nakailag ito.

"Ano ba Chloe?"

"Anong balak mo Zach? Gagamitin mo ako buong magdamag pagkatapos babalik ka sa nobya mo?" hindi na niya kayang pigilan ang sarili. Mahal niya ang binata pero may delekadesa siya. Alam niya kung saan ilulugar ang sarili. "Ayoko na Zach, pagod na pagod na akong makipaglaro sa'yo."

"What the hell are you talking about?" akmang lalapit ito sa kanya ngunit umatras siya. 

"Gusto mo akong gantihan 'di ba? Well, congratulations! Nagtagumpay ka! Nasasaktan ako ngayon, sobrang nasasaktan." Nagsimula nang bumalong ang luha niya. "Pakiramdam ko naging kabit ako kahit hindi pa kayo kasal. Ang tanga ko naman kasi, nagpadala ako sa nararamdaman ko. Wala eh, mahal kasi kita." Pinahid niya ang luha sa mga mata.

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo pero-" natigilan ito. "Ano nga iyong huli mong sinabi?"

Magsasalita sana siya nang biglang bumukas ang pinto. May pumasok na isang maganda at matangkad na babae.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login