Download App
26.81% Ms. Hoodie

Chapter 122: Kabanata 122

Sa may terrace,

Nag uusap usap doon at nag kakainuman ang mga kuya at mga pinsan ni Kelly ng napadaan si Patrick para bumalik sana sa may fishpond kung na saan sila Dave at yung iba "Hey you!" Ang sabi ni Keith.

"A---ako po?"

"Oo, sino pa ga sa tingin mo ang tatawagin ko? Ikaw lang yung dumaan dine sa gilid."

"Ah...so---sorry po."

"Sige mag pakilala ka sa mga pinsan namin."

"Ah...o---opo. A---ako po si Patrick Santos isa po sa mga kaklase at kaibigan ni Kelly."

"Halika, tumagay ka muna." Ang sabi ni Niko.

"Ah...eh...hindi po kasi ako na inom."

"Ano? College ka na hindi ka pa na inom? Halika dito hindi pwedeng lumagpas dito hangga't hindi na tagay." Ang sabi naman ni Carlo at hinila si Patrick at pinaupo sa tabi nila ni Kian.

"Ahem...si---sige po."

"Wag kang mag alala hindi ka naman namin lalasingin mahina lang ang lambanog na yan."

"Pe---pero kasi po."

Sa isip-isip ni Patrick "Hindi daw ako lalasingin pero yung mga tinginan nila para naman akong lalamunin ng buhay kapag hindi ako uminom. Jusmiyo! Kelly nasan ka na ba?"

"Oh, sige tagay." Ang sabi ni Kian at iniabot yung isang basong lambanog.

"Sa----salamat po pe---pero hin---hindi po ba parang ang dami nito para sa isang tagay?"

"Hinde, ayos lang yan sige na inom!"

"O---okay po."

Sa isip-isip ni Patrick "Grabe! Tagay isang baso? Wala silang awa....Boohoo...Kelly!!! Tulungan mo ko!!!"

"Oh? Ano? Hindi yan tinititigan iniiinom yan!" Ang sabi ni Kim.

"Ah...o---opo na---na buwelo lang ho."

"Sige na diretsuhin mo lang." Ang sabi nama ni Ervin.

"O---oho e---ere na po."

Nag cross finger si Patrick at pinapanalangin niya na sana dumating si Kelly at dumating nga ito "HEY!!!"

"Kellang!" Ang sabi ng mga kuya at pinsan niya.

"Sinong may sabing painumin niyo ang bisita ko?"

"Bakit? May problema ka?" Ang sabi n Keith.

"Ah...eh...kuya naman kasi lambanog yan hindi yan sanay diyan." Ang sabi ni Kelly at kinuha ang baso ng lambanog kay Patrick.

"Ako nalang!" At ininum nya yung isang baso ng lambanog na ibinigay kay Patrick.

"Iba talaga ng prinsesa ng ating angkan ang lakas!" Ang sabi ni Ervin.

"Kelly!!!" Ang sabi ng mga kuya niya na wari'y nagagalit.

"Okay na, aalis na kami may pupuntahan pa kami." Hinila niya na si Patrick papalabas.

"KELLY!!!! BUMALIK KAYO DITO!!!!" Ang sabi ni Kian at bigla namang dumating si Kevin.

"Hayaan mo na kuya may pupuntahan kasi sila nag paalam na sakin."

"Saan?" Anila.

"Kay lola Ensay."

"Bakit?" Anlila.

Habang natakbo yung dalawa nila Kelly at Patrick "Salamat! Buti dumating ka hindi kasi talaga ako marunong uminom."

"Ha? Ano hindi ka na inom ng tubig?"

"Sira! Syempre na inom I mean ng alak."

Huminto si Kelly "Really? Hindi ka na inom?"

"Um...hindi kasi kami tinuruan ni daddy uminom nakakalaki kasi yun ng puso at nasa lahi kasi namin ang may sakit sa puso kaya hindi kami na inom I mean ng alak."

"Ang arte naman halika na sabihan na natin sila Vince na umalis na tayo." At nag patuloy na sila sa pag lalakad.

"Sasama ka na?"

"Yeah...bakit ayaw mo?"

"Ah...eh...syempre gusto."

"Tsss..."

"Anyways, ayos ka lang ba? Ang pula ng mukha mo."

"Ha? Oo ayos lang isang baso lang naman yung ininom ko."

"Nature niyo na talagang mga taga Batangas ang uminom ng lambanog no?"

"Yeah...kahit babae na tagay rin syempre barako ata kami."

"Barako? Eh babae ka."

"Edi Baraka?"

"Pffft...Silly."

"Bilisan mo na nga diyan bagal eh."

"Oo andiyan na...ahm...kamusta na yang la..." Tinakpan naman ka agad ni Kelly ang bibig ni Patrick "Mmm...mmm..."

"Wag na wag mong mababanggit sa iba ang nangyari kung hindi malilintikan ka talaga sakin kala mo!"

"mmm..."

"Siguraduhin mo lang dahil mata mo lang talaga ang walang latay makikita mo talaga!"

"mmm.."

"My princess!!!" Ang bungad ni Chollo.

"Sigh...ayan na naman ang ugok na yan." Ang sabi ni Kelly at tinanggal naman ka agad niya ang kamay niya sa bibig ni Patrick.

"My Princess is nice gusto mo tawagin din kitang ganon?"

"Heh!"

"Wait, yung pustahan bukas wag mong kakalimutan."

"Tsss...oo na! Bahala ka nga diyan."

Lumapit na si Kelly kila Mimay at si Patrick naman pa ngiti-ngiti at nilapitan siya ni Chollo at ng mga pinsan nitong sila James, Daniel at si Wayne. "Anong ginawa mo sa prinsesa ko?"

"Huh! Are you talking to me? And who is your princess?"

"Sino? Edi si Kelly at bakit mo siya kasabay?"

"Princess? Si Kelly? She's not your princess because I'm her King."

"Aba't!!!!

"Bro, wag na nasa teritoryo tayo nila Kelly." Ang sabi ni Wayne.

"Maiwan ko na kayo dahil may pupuntahan pa kami ng QU...EENNNN...ko!"

"Huh! QUEEN??? MO?" Nang gigil naman si Chollo at balak niya sanang sapakin ng isa si Patrick pero umalis na ito "HOY!!!!"

"Sorry, wala akong panahon sayo!"

"Aba't!!!!" Pasugod na sana si Chollo pero pinigilan siya nila Wayne "Bro, kumalma ka!!! Baka magalit sayo si Kelly." Ang sabi ni Wayne.

"Oo nga bro kalma wala tayo sa Manila at balita ko mga kamag anak ni Kelly ay sundalo at pulis." Ang sabi ni Daniel.

"Sundalo? Pulis?"

"Oo yun ang narinig namin kanina ni Daniel kila Vince." Ang sabi ni James.

"Okay, sige bitawan niyo na ko."

"Tsss...takot ka rin naman pala'y." Ang sabi ni James.

"Sus...Hinde! Ang akin lang eh...baka.."

"Tama na nga yan sasama ako kila Aliyah papunta doon sa lola ni Harvey." Ang sabi ni Wayne.

"Anong gagawin don?" Anila.

"Di ko rin alam pero sabi ni Aliyah sumama raw ako kasi sasama siya."

"Bakit hindi namin alam?" Anila.

"Nag taka pa kayo? Ewan ko sa inyo maiwan ko na nga kayo! Aliyah!!! Intay..." At sumunod na nga si Wayne kila Aliyah at Kelly na noon ay papaalis na papunta kila Lola Ensay.

"Anong gagawin nila dun bro?" Ang sabi ni Chollo.

"Aba malay namin!" Anila James at Daniel.

"Maiiwan tayo dine?"

"Oo?" Anila.

"Hindi pwede! Kailangan sumama rin tayo!"

"Sige."

At sumunod na nga yung tatlo pero naharang sila ng mga tito ni Kelly "Hep! Mga iho saan ga kayo pupunta?" Ang sabi ng tiyo Inoy nila Kelly at Vince na noon ay medyo lasing na.

"Ho?" Anila.

"Ay, kayo eh magsi tagay muna dine ng inyong matikman ang aming pinag mamalaking lambanog."

"Ay oo sige magsi tagay muna kayo." Ang sabi ng ilang tiyo rin nila Kelly at Vince.

"Ho? Ah...eh..." Nag katinginan yung tatlo na wari'y hindi malaan kung ano ang kanilang gagawin.

"Sige na mga iho hindi kayo makakalagpas dine ng hindi tumatagay."

"Bro, anong gagawin natin?" Ang pabulong na sabi ni Daniel.

"Oo nga bro, nakakatkot sila baka hindi na tayo maka labas ng buhay dine sa Batangas ayoko po pang ded." Ang sabi naman ni James.

"Ano ba yung tagay?"

"Bro, for real?" Ang tugon nung dalawa na para bang nauuma.

"Oo hindi ko kasi alam yun ngayon ko lang narinig kayo ba alam niyo?"

"Bro, James sa tingin ko itatakwil ko na itong pinsan ayos lang ba?"

"Ha? Oo sige ayos lang tara na iwanan na natin ang bungol na ito!"

"Sige pag bigyan nalang natin ang mga manong na ito."

"Oh ano mga iho? Tatagay na kayo? Ay tiyak na hindi kayo magsisisi kapag kayo eh nakatikim n gaming pinag mamalaking lambanog."

"Ay...tyak nga."Dagdag pa ng ilang tiyo nila Kelly.

"Sige ho titikman po namin." Ang sabi nila James at Daniel.

"Hey, bro's anong gagawin niyo?" Ang sabi ni Chollo.

"Bahala ka diyan!" Anila.

"Hey!!!"

"Iho, halika na at ika'y tumagay naren." Ang sabi ng Inoy.

"Ho? Ah...eh...ano ho ba kasi yung tagay?"

"Ay si'ya ikaw ga naman eh taga Manila kaya hindi mo alam ang salitang tagay ay pag natikman mo a're iyon ang tagay."

"Ho? You mean tagay is to taste the beer?"

"No, Iho it's lambenog."

"Lambenog?"

"Yeah...you inom na."

"O---okay po?" At uminom na nga si Chollo ng "lambenog"

Samantala,

"Sila Chollo?" Ang sabi ni Aliyah kay Wayne.

"Ah? Hayaan mo na mga yun ayos lang ba na sumama ako?"

"Oo naman." Ang sabi ni Kelly at napa akbay pa siya kay Wayne.

"Ah...eh...sige salamat."

"Bakit ba parang lagi ka nalamg kinakabahan pag kausap ako? Hindi naman ako monster hindi naman kita kakainin." Bigla namang na samid ang lahat at hinila naman ni Patrick si Kelly "Halika na nga! Kung ano-ano ang sinasabi mo!"

"Ha? Ano bang mali sa sinabi ko? Hindi naman talaga ko monster para kainin si Wayne."

"Haist...Jusmiyo Kellang!" Ang sabi nI Vince tinulungan niya na rin si Patrick na pasakayin si Kelly sa van.

"Wayne, Ayos lang?" Ang sabi ni Aliyah.

Pulang pula naman ang mukha noon ni Wayne "Pffft...hahaha...mukhang na green minded ang lahat sa sinabi ni baby girl ah.." Ang sabi ni Mimay.

"Heh! Mimay!" Ang sabi naman ni Harvey na noon ay inaalalayan si Dave.

"Bakit? Wala naman akong ibang meaning sa sinabi ko bahala nga kayo diyan makasunod na nga kay baby girl ko."

"Sigh...ang kulit din talaga niya." Ang sabi ni Dave.

"Ayos ka lang ba Dave?" Ang sabi naman ni Aliyah.

"Ah? Oo medyo masakit lang ang paa."

"Pahilot na rin natin yan kay lola."

"Nang hihilot rin ang lola mo."

"Oo yun talaga ang porte niya."

"Maaari bang mag tanong bakit ba tayo pupunta sa inyo? I mean sa lola mo?" Ang sabi ni Aliyah.

"Ah...gawa ng kapatid ni Patrick na si Paula."

"Bakit anong nangyare?"

"Patay na kasi yung kapatid niyang si Paula." Ang sabi ni Dave.

"Ano? Patay na?" Ang pagulat na sabi nila Aliyah at Wayne.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C122
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login