Download App
27.25% Ms. Hoodie

Chapter 124: Kabanata 124

Kinabukasan,

"Knock...knock..."

"Babysis, gising na tanghali na inaantay ka na nag mga kaklase mo sa baba." Ang sabi ni Kevin.

"Ummmm...inaantok pa ko kuya sabihin mo mauna na sila kung saan man sila pupunta."

"Ano? Bumangon ka na diyan nakakahiya!"

"Kuya!!! Inaantok pa ko!" Pumasok na si Kevin sa kwarto nito at pinilit na bumangon si Kelly "Hindi ka ba babangon di'yan!"

"Ba naman kuya!"

"Isa! Kelly sinasabi ko sayo!"

"Ang sakit ng ulo ko."

"Dalawa! Eh ungas ka eh bakit kasi ikaw uminom ng tagay ni Patrick?"

"Di naman kasi na inom yung taong yun bakit ba kasi pinag titripan niyo?"

"Tatlo! Bakit may gusto ka ba sa kaniya?"

Napabangon namang ka agad si Kelly at sinabing "Ba'y wala!"

"Tsss...bilisan mo na diyan mag ayos ka at kakain na ng agahan!"

"Sigh...oho!"

"Bilis! Kumilos ka na!"

"Oo na nga! Labas!"

"Aba't! Wala ka ng galang sa kuya mo Kellang!"

"Haist...sige na ho kamahalan maaari na po kayong lumabas!"

"Tsss...bilisan mo diyan! Sinasabi ko sayo!"

"Yeah!!!"

Samantala sa Sala,

"Dude, ibang klase yung kamay ni Lola Ensay wala ng nasakit sa mga kasu-kasuhan ko yun nga lang may mga galos parin ako." Ang sabi ni Dave kay Patrick habang naka upo sila.

"Eh ka baliwan mo naman kasi nag pa kaladkad ka sa kabayo ano kala mo sa sarili mo gulong?

"Tsss...ang caring mo talaga dude grabe salamat."

"You're always welcome dude."

"Tsk...ewan!"

Nakita naman ni Dave na pababa na sa hagdan si Kelly "Oh, ayan na si Master, ahhhh...ang cute niya pati talaga pajama's niya may hood."

Napatulala naman si Patrick "Dude, yung bibig mo baka mapasukan ng langaw."

Kinurot naman siya ni Patrick "Awww....awww...."

"Manahimik ka diyan kung ayaw mong dagdagan ko yang mga galos sa katawan mong buraot ka."

"Tsk...ewan!" Tumayo naman siya at bumati ng "Good mornin' Master."

"Mornin' sandali nga bakit ga ang aga niyo? Tsaka asan si Vincey?"

"I'm here luka!" Ang bungad na sabi ni Vince nung siya'y dumating.

"Sinong luka? Mas luko ka!" Piningot niya yung taenga ni Vince "Aray!!! Sorry na."

"Agang aga!"

"Anong maaga eh tanghali na noh! Nakakahiya kila Patrick di pa sila nag aalmusal dahil inaantay ka namin."

"Ha? Kala ko sa hotel kayo na tulog ka gabi? Wala bang pa almusal sa hotel kung saan kayo nag lage?"

"Ano? Anong hotel pinagsasabi mo dine sila natulog."

"Ha?"

"Oo dito na kami pinatulog ng mga kuya mo...and ang cute mo pala kapag bagong gising ka." Ang sabi ni Patrick at pangiti-ngiti.

"Pervert!"

"Pero Master, lagi ka talaga naka hoodie? Kahit sa pag tulog mo?"

"Well, actually lahat ng damit ng lukang yan ay may hood dahil mga kuya niya ang na bili ng damit niyan at yung iba customized pa ganyan siya ka spoiled sa mga kapatid niya."

Bineltukan naman siya ni Kian at sumulpot rin ang ibang kuya ni Kelly "Aw..."

"Ano't bumabangka ka na naman di'yan ang aga pa oy!"

"Wa---wala naman kuya Kian."

"Ano ka ngayon? Binubully niya ko kuya."

"Ano? Hindi naman ikaw nga diyan ang humila ng tenga ko."

Napatingin si Patrick at Dave sa kanila "Mukhang mahal na mahal si Master ng mga kuya niya no dude?" Ang pabulong na sabi ni Dave.

"Yeah...and that's cute."

"Tsss...mukha ka ng cute."

"Gusto mong pakaladkad naman kita sa truck?"

"Dude naman hindi ka na mabiro."

"Biro! Mukha mo."

"Pogi!"

"Gung gong!"

"Halika na kayo at kakain na ng agahan." Ang sabi ni Kian.

"Anong niluto niyo kuya?"

Pinisil ni Kian ang ilong ni Kelly "Tapsilog, paborito mo kaya halika na kayo Vince sumunod na kayo."

"Sige kuya."

At na una ng umalis yung magkakapatid ni Kelly "Ang sweet nila kay Master sana ol may mga kuya."

"Ganyan talaga sila kay Kelly kaya ng takot yung iba na manligaw diyan kasi ang strikto nila kuya Kian nung highschool kami este sya online class kasi siya eh kami lang nila Mimay at Harvey ang mag kaklase nun may isa kaming kaklase na isinama ko dine samin si Miguel."

"Tapos?" Ang sabi nung dalawa.

"Syempre nasa lahi namin ang magaganda at pogi kita niyo naman"

"Talaga lang ha?" Anila.

"Wag na kayong kumontra."

"Anong ginawa nung Miguel wag mong sabihing niligawan niya si Master?"

"Na love at first sight kasi syempre gandara rin naman talaga yang pinsan kong si Kellang di ba? Kaya nga kayo na fall."

Nagkatinginan sila Patrick at Dave at na ubo lang ang kanilang reaksyong dalawa "Yun na nga na fall siya kay Kellang unang kita niya palang dito pero hindi niya ka agad niligawan si Kelly kinilala niya muna."

"Oh?"

"Um...Alam niya kasing baka ma busted ka agad siya kay Kelly kaya kapag may group project kami sa school gusto niyang dine nalang samin gagawa para makita niya si Kawsin."

"Ano palang ginawa ni Kelly?"

"Syempre parang ikaw naging enemy muna sila bago naging mag kaibigan."

"Tapos niligawan niya na si Master?"

"Hindi pa rin kasi alam niyang bata pa sila highschool lang ba naman tapos nakikita niyang bantay sarado palagi ang mga kuya nito sa kaniya kaya pinili niya na lang na ilihim yon pero.."

"Pero?" Anila.

"Sinabi niya kay Kelly na gusto niya ito hindi ko na naitanong kay Miguel kung anong sagot sakaniya ni Kellang eh pero nung umalis siya dito samin nalungkot talaga ng sobra si Kelly."

"Bakit?"

"Ewan ko noon kasi sobrang lapit talaga nila parang mas higit pa sa matalik na kaibigan kaso kinailangang umalis nila Miguel dine sa Batangas kasi inilipat ng destino ang tatay niya isa kasi yung pulis rin kasamahan dati ni Tiyo Kemwell na tatay nila Kelly."

"Hindi na sila nagkaroon ng communication?" Ang sabi ni Patrick.

"Alam ko hindi na kasi ayaw na rin ni Kelly na maalala si Miguel kasi hindi iyon nag paalam samin na pupunta na pala sila ng Cebu."

"Oh? Kawawa naman pala si Master." Siniko naman siya ni Patrick.

"Pero ayos lang makakalimutin naman kasi yang si Kelly."

"Hoy! Ano pa bang kinukwento mo diyan? Kakain na!" Ang sabi ni Kelly.

"Oh, ayan na tinatawag na tayo ng mahal na prinsesa."

"Ang kulit talaga ni Master."

"Kelly..." Ang pa bulong na sabi ni Patrick.

.

.

▪︎Author: Sa tingin niyo sino kaya si Miguel sa buhay ni Kelly Ann Marie? Gusto niyo ba siyang bumalik sa buhay ng ating bida o wag na lang? Vote kung gusto niyong ibalik para may thrill ang kwento at mag pursige si Patrick na mapasakaniya si Kelly at comment naman kung ayaw niyo ng ibalik at bakit? Pahingi ng opinion geysh...Salamat. Love you all.

.

.

Makalipas ang ilang oras,

"Hi, we're here na." Ang sabi ni Mimay kasama si Harvey.

"Sup, mga bro kamusta naman ang tulog niyo sa probinsya?" Ang sabi naman ni Harvey.

"Ayos lang naman ang sarap ng tulog ko wala ng na sakit sa mga kasu-kasuhan ko pakisabi kay Lola Ensay ang galing niya the best massager."

"Ahhh...wala yun porte naman na kasi yun ni lola."

"Ang dami mo pa rin namang sugat lagyan mo agad yan ng pang tanggal ng peklat." Ang sabi ni Mimay

"Bakit nag aalala kang baka pumangit?"

"Tsss...di noh! Pangit ka naman talaga."

"Mimay naman!"

"Heh! Asan na pala si baby girl?"

"Asa loob pa kasama si Vince nag papaalam pa ata sa lolo at lola nila." Ang sabi ni Patrick.

"Ayiee...saan ba ang date niyong dalawa ngayon di ba ikaw ang nanalo sa pustahan niyo ni baby girl anong papagawa mo sa kaniya? Hoy! Wag kang ano diyan ha makakatikim ka talaga sakin."

"Sira! Ano naman akala mo ang gagawin ko kay Kelly? Baliw!"

"Sandale naalala ko lang nasan yung mag pipinsan nila Aliyah?" Ang sabi ni Harvey.

"Ah...umuwi na rin sila kaninang umaga may kailangan kasi silang gawin sa resto raw nila." Ang sabi ni Dave.

"Oh? Bakit hindi ko ata alam?"

"Dude, eh paano mo naman malalaman eh tulog ka nga."

"Bakit raw biglaan di naman nasabi yun ni Aliyah sakin." Ang sabi ni Mimay.

"May problema ata sa resto nila narinig ko kasi nakikipag usap si Aliyah kay Vince."

"Ohhh..."

"Kelly, halika na!" Ang sabi ni Vince at hinihila palabas ng bahay si Kelly.

"Ayoko pa nga ang init kasi."

"Tsk...ang arte mo naka van naman tayo para naman maipasyal rin natin sila Patrick at Dave dine satin."

"Tsk...pero kasi bakit kailangan ganire pa suot ko??"

"Maganda naman ah tsaka regalo yan sayo ni ate Alice kaya wag ka ng ano diyan may hood naman oh."

"Anong maganda? Bakit kailangan mag dress pa ako hindi naman pormal ang pupuntahan asar."

"Wow...ang cute mo sa dress mong white tapos may hoodie rin baby girl?" Ang bungad ni Mimay.

"Tsk...ayoko nga eh di ako sanay si ate Alice naman kasi pinilit ako sila kuya naman walang magawa kung hindi pumayag."

"Ang ganda mo." Ang sabi ni Patrick.

"Ahem...ahemm..." Ang reaksyon nila Vince maliban kay Kelly na nauuma.

"Heh! Tara na nga ang init eh." Na una na si Kelly sa van at sumunod naman ka agad si Mimay sa kaniya.

"Oh? Ano itikom nyo yang mga bibig niyo guys si Kelly lang yon kalma." Ang sabi ni Vince at sumakay na rin ng van.

Pinag bebeltukan naman ni Patrick sila Dave at Harvey na nakatulala "Tantanan niyo yang mga tingin niyong yan sa Kelly ko kung ayaw niyong balatan ko kayo ng buhay."

"Tsss...Kelly ko?! Dude di ka pa nga nanliligaw paano kung bumalik yung Miguel? Edi olats ka?"

"Sinong Miguel? Yung kaklase namin nila Vince nung highschool?"

"Oo na kwento samin kanina yun ni Vince di ba dude?"

"Heh!" At iniwan niya yung dalawa.

"Dude! Intay naman....pero pogi ba yung Miguel pre?"

"Ah...yon? Sya lang naman ang Mr. Batangas noong highschool kami.

"Whoa! Mr. Batangas?"

"Yeah."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C124
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login