Download App
57.67% Ms. Hoodie

Chapter 263: Kabanata 263

Sa Secret Unit ni Patrick,

Manghang-mangha si Patrick sa mga nakikita niyang mga paintings lalong lalo na sa nalaman niyang isang sikretong lugar pala iyon para lang sakanilang mga Santos.

"Oh ano? Di ka parin ba makapaniwala? Sayo nga nag lugar na ito." Ang sabi ni Kelly habang nakaupo sa sofa na animo'y sya ang may ari ng buong lugar.

"Hindi parin talaga lalong lalo na ako pala ang lahat na nag paint niyan? Marunong talaga ako?"

"Oo, nung una di rin ako makapaniwala dahil wala naman sa personality mo."

"Sandali lang, ang sabi mo yung mga dinaanan natin at yung secret button sa elevator ay para lang sa inyong mga Santos.Eh bakit alam mo?"

"Ha? Ah... eh... magic!"

"Ano? Anong magic?"

"Ewan ko sayo! Malamang isinama mo na ako dito kaya alam ko! Pero sa totoo lang di ko rin sure kung naalala ko ba talaga."

Naupo si Patrick sa tabi ni Kelly pero may agwat parin "What do you mean? May amnesia ka rin ba gaya ko?" Bineltukan sya ni Kelly " Bungol! Syempre wala!"

"Ehhh... Ano nga kasi?"

"Mahabang istorya pero to be honest alala ko talaga panaginip lang ang ganitong lugar kasi base sa memory ko sa panaginip ko ito nakita."

"So ngayon mo lang na sure na may ganito palang lugar dito?"

"Oo nga kulit!"

"So, yung akala mo panaginip totoo pala? Galing naman."

"Di ko rin alam pero dun sa panaginip na yon tayo lang dalawa nandun."

"Ohhh... baka noon palang may pag nanasa ka na sakin."

Tinadyakan naman ni Kelly si Patrick gamit ang kaliwang paa niya "Aray... nag bibiro lang naman ako eh."

"Dapat lang yan sayo!"

Napatayo si Patrick at may nakitang malaking portrait na naka taob pa "Wow anlaki nito ano kaya ang iginuhit ko dito?"

Itinayo ni Patrick yung malaking canvas at nakita niyang portrait pala iyon ni Kelly at ng daddy niya "Hmm? Sino sila?"

"That's me and my dad."

"Eh?"

"I dunno pero nung una ko yang nakita nagulat rin talaga ako ikaw ang gumuhit at nag pinta niyan."

"Really? Wow! Napaka skilled ko pala."

"Sa tingin ko ang panaginip ko ay talagang totoo. Dahil naalala ko ng lahat ang nangyari dito."

"Hmm?"

Tumayo si Kelly at tinulungan naman siya ni Patrick "gaya rin ng nangyari satin nireng nakaraang linggo ang nangyayari noong College tayo."

"Ha?"

"Let's sit sa floor at isandal mo yang painting na yan namin ni daddy."

"O— Okay?"

Sinunod nga ni Patrick ang sinabi sa kaniya ni Kelly at nakiupo rin sya "I knew it! Nalasing ako nun at nag tantrums tapos dito mo ako dinala bago tayo bumalik sa original na unit mo."

"Ha?"

"Nung college kasi tayo bumagyo at na stranded kami sa unit mo hindi dito ah dun sa isa kasama ko sila Vince, Harvey at Dave... Ah... kasama nga rin pala nun si Jacob yung pamangkin ko."

"Ohhh... I see tapos?"

"Mahabang kwento eh basta ang punot dulo nun ay napagkamalan kong tubig ang alak. Wala ka kasing tubig nun sa condo mo that time eh nag happy happy kayo nila Vince nun eh."

"Yung Vince yun yung cousin mo na lalaki right?"

"Oo... teka, dito mo rin ginawa yung ano!"

"A— Ang alin?"

Pinitik ni Kelly ang tenga ni Patrick "Heh! What I mean is dito mo ako pinilit."

"Oh My! Anong pinilit Kelly?"

Bineltukan sya ni Kelly "Baliw! Napaka green minded mo."

"Ang sakit ha! Ang suspense mo ba naman kasi mag salita. Direct to the point na kasi!"

"Ang oa naman kasi ng reaction mo! Base sa pag kakaalala ko lasing ako nun pero nasa ulirat pa din ako at naalala ko may pilit kang pinipirmahan sakin nun at pakiramdam ko yun na yung about sa marriage natin."

"What?"

"Alam mo masasapak na talaga kita!"

"Sorry naman wala talaga ako maalala eh."

"Oo na! Naalala ko rin na kumuha ka pa nun ng picture di ko na nga lamang alam kung ano na yung sumunod para kasing tuluyan na akong nakatulog tas pag gising ko nun nandun na ko sa isa mong condo tapos balisa ka na nung tinanong ko sayo kung ano ba ang nangyari nung gabing yon. Tapos kinalaunan di ka na rin pumasok di ka rin nga nag martsa eh kasi sabi nila napaaga ang flight mo papuntang America. Pero di ako naniniwala dahil inisip ko na may tinatago ka sakin at umiiwas ka. Naalala ko pa bago yun you called me Mrs. Santos nun bago ka nag disappear sa buhay ko."

"So that's why you're angry with me?"

"Sino ba naman ang di magagalit kung ang taong mahal mo ay bigla nalang nawala ng wala man lang..."

Napahinto si Kelly sa pagsasalita dahil bigla siyang nahiya "mahal mo ko?"

Namula naman ang mukha ni Kelly habang kinikilig itong si Patrick "wa— wag ka ngang ano diyan!"

"Yiiieee... sinabi mo na wala ng bawian."

"Heh! Dati yon nung hindi ka pa naalis."

"Pero eto naman ako ah bumalik."

"Bumalik ka nga pero nakalimutan mo naman ang lahat!"

Hinawakan ni Patrick ang kamay ni Kelly at iniharap ito sa kanya "makinig ka, oo nga at nakalimutan kita at ang lahat pero di pa rin naman nag babago ang tinitibok ng puso ko ikaw parin ang nandito Kelly wala ng iba."

"Tigilan mo nga ko! Di mo ko madadala sa ganyan! Kahit pa sabihin mo na di nakakalimot ang puso mas ayos parin kung bumalik ang dating ikaw."

"Pagba bumalik ang ala-ala ko babalik ba tayo sa dati?"

Nagkatitigan yung dalawa at iniisip ni Kelly na "bumalik sa dati? Kahit noon pa man din nung wala pa syang amnesia para na kaming aso at pusa. Ano nga ba ang gagawin ko? Ayoko namang pilitin ang mokong na ito na alalahanin ang lahat sa totoo lang mas okay pa nga ngayon kasi para lang kami nag uumpisa. At..."

"Kelly?"

"Ha? May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko gusto kong i-try na mag paint."

"Ahhhh... oo sige bahala ka."

"Wait, maupo ka lang diyan ha? Ikaw ang model ko."

"Ha? Bakit ako?"

"Malay mo habang nag dodrawing ako maalala ko ang lahat. Kasi nga ikaw yung model ko para inspired ako."

"Ewan ko na sayo! Puro nalang banat! No need na di mo na kailangan maalala ang lahat."

"Hmm?"

"Yeah, ayoko namang pilitin ang sarili mo baka sumakit na naman yang bird brain mo ako pa sisihin mo."

"Alam mo di ko maintindihan talaga yang ugali mo napaka moody mo."

"Yan! Kaya gusto ko talagang bumalik ang dating Patrick kasi sanay na sya sa ugali ko!"

"Sorry na nga at hindi kita maalala kahit gustuhin ko pa pero di ko talaga maalala eh."

Bigla nalang umiyak si Patrick at nag panic naman si Kelly "Huy! Para tung ewan! Bakit ka naiyak?"

"Eh kasi lagi mo nalang akong kinukumpara sa dating ako."

"Pfft... Hahahahaha... nag seselos ka sa sarili mo? Bungol ka talaga! HAHAHAHAHA..."

"Kelly naman ehhhh!"

"Ahahahaha... yan, yan ang hindi nag bago sayo isip bata ka rin kasi gaya ko kaya nga sabi nila meant to be tayo kaya nung sinabi mo na gusto mo ko natuwa talaga ako. Pero wag kang assuming di pa kita gusto nun nung nag tapat ka sakin."

"Weh?"

Bebeltukan na naman sana ni Kelly si Patrick pero pinigilan siya nito "salamat dahil sumama ka sakin dito."

"May choice ba ko eh di ako makalakad ng ayos! Buang!"

"Alam mo kabisado ko na yang ugali mo kahit na harsh ka mag salita pero deep inside naman Love na Love mo talaga ko at naiintindihan ko yon."

"Huh! Huh! Baliw ka na talaga!"

"Oo baliw sayo.... ayiieee..."

Hinalikan ni Patrick sa noo si Kelly at umalis "Hoy!!! Gusto mo na ba talagang mamatay???"

"Diyan ka na muna kukuha lang ako ng gagamitin ko pang paint wag mo kong mamiss agad baby."

"Heh! Baby mo mukha mo!!!"

Pero nangingiti naman si Kelly at sa isip-isip niya "baby daw kapal niya wifey nga tawag niya sakin nun tas ngayon baby? Ayoko nga! Mas maganda parin ang wifey mas romantic."

"Luh! Ano bang nangyayare sakin? Bakit ko nasabing romantic yun? Hayyys... na fall na naman ba ako ulit sa kaniya?

NO!!!!! IT CAN'T BE!!!!!"

Nagulat naman si Patrick sa sigaw na yon ni Kelly "What's wrong? Anong it can't be?"

"Hmm? Wa— Wala sabi ko bilisan mo at mag drawing ka na bago pa mag bago isip ko."

"Talaga? Payag ka na?"

"Oo nga kulit!"

Napayakap naman sakaniya bigla si Patrick sa sobrang galak "pangako kahit di ko maalala na magaling pala ako mag paint gagalingan ko. Salamat wifey."

"A— Ano?"

"Wifey, di ba yun naman talaga ang gusto mong itawag ko sayo?"

"Ha?"

At sa isip-isip ni Kelly "nakakabasa na ba ngayon ng isipan ang tukmol na ito?"

"Kasi nung isang gabi tinawag kitang wifey di ka naman nag react kaya baka ka ko mas gusto mo yun kesa sa baby."

"Buang ka na talaga Patrickkkk!!!"

"Ayos lang may cute naman akong wifey."

"HEH!!!"

"Ayos lang din sakin kung "heh" yung itawag mo sakin at least ramdam kong bigay na bigay yung feelings mo dun. Pwede isa pa?"

"Baliw ka na talaga!"

"Sige na!"

"HEH!!!!! Nakakainis!"

"Hahahaha... cute mo talaga."

"Lord!!! Ayoko na dito sa mundong ibabaw kunin nyo na po ako dahil mababaliw na po ako."

"Lord, wag ayos lang po sya kulang lang po yan sa lambing."

"Kapag ikaw di tumigil masasapak talaga kita Patrick!"

"Hahahaha... oo na po eto na nga magsisimula na mag pose ka na rin para maka pag simula na ko."

"Whatever."

"Gusto ko yung nakatitig ka sakin para bawat guhit ko kinikilig ako."

"TUMIGIL KA NA PATRICIO!!!!"

"Yan ganyan fierce pero cute pa din."

"Babanatan na talaga kita!!!"

"Hahaha... cute, cute talaga."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C263
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login