Download App
85.93% Ms. Hoodie

Chapter 391: Kabanata 391

Kinabukasan,

Ipinatawag ni Patrick si Dave sa I.T department pero hindi ito nag punta sa office nito.

"Ha? Bakit? Absent ba sya?"

"Hindi po alam nyo na daw po kasi kung bakit." Sagot naman ni Johnsen.

"Ha? Lukong yon sabihin mo kapag hindi sya pumunta dito within 1minute wag na kamo syang bumalik ng company bukas."

"Eh sinabi nya po na kapag yan ang sinabi nyo sabihin ko raw sa inyo mag hanap na kayo ng bagong bestfriend."

Patrick made a facepalm at napa tayo na sa kinauupuan nya.

"You— Young Master..."

"Okay lang... ako ng bahala sa kumag na yon."

"Pero ang sabi nya po kasi wag nyo daw syang distorbohin."

"Huh! Bakit sya na ba ang Boss dito ngayon? At nag iinarte sya?!"

"Eh Young Master ito naman po eh opinyon ko lang ano... kayo naman kasi iniwan nyo sya kahapon ng di pa bayad yung inorder."

"Inorder?"

"Opo hindi ba nangako kayo sa kaniya na lilibre nyo sya pero ending sya ang nag bayad di nyo pa sya binalikan."

"Ang lintek na yon nag iinarte kala mo naman 1k lang pinapasweldo ko sa kaniya eh mas malaki sa executive assistant ang sahod ng lintek na yon paupo upo lang naman sa department ng I.T."

"Ano pong gagawin nyo?"

Naupo nalang uli si Patrick "wala hayaan mo syang mag inarte at ito ang sabihin mo sa kaniya kapag hindi sya tumigil sa kakaarte nya hindi ko ibibigay ang regalo ko sa kanyang limited edition ng paborito nyang brand ng sapatos sabihin mo rin na "kinginames" nyang kupal sya."

"O— Opo Young Master."

"Ah... Nga pala wala ba kaming meeting si Kelly?"

"Po? Ngayong week po wala kasi hindi po ba pina cancel nyo?"

"Ha?! Anong cancel?"

"Hindi nyo po ba naalala sabi nyo ayaw niyo na muna mag papakita sa kaniya kaya sabi nyo ako nalang makikibpag meet sa kaniya if ever na may meetings for the partnership."

"No, simula ngayon kapag may meeting kami Kelly siguraduhin mong ako ang aattend at hindi ikaw."

"O— Opo. Ahm... bukas po may schedule kayong meeting sa bago nyong business partners."

"And to that note kailangan andiyan si Kelly right? Cause she is my new business partner."

"Ahm... hindi po for the company partnership po kasi at hindi for some small partnership."

"No! Put Kelly to that meeting or else hindi ako aattend."

"Pero Young Master nga malalaking negosyante po ang bagong business partners ng company kaya you need to be there."

"Oh, kaya nga ilagay mo si Kelly sa makaka meeting ko."

Johnsen sighed "sige po..."

"Good."

"Sige po balik na po ako sa trabaho ko."

"Okay."

Pag labas ni Johnsen ng office ni Patrick...

Bumuntong hininga si Johnsen ng Malala ng biglang sumulpot sa may kanan nya si Dave.

"Sir Dave naman wag kayong biglang sumusulpot aatakihin po ako sa puso sa inyo eh."

"Sorry. Eh anong sabi ni Dude? Nagalit ba? Anong reaction nya?"

"Wala po."

"Ha? Wala?! Ang lintek na yon para kaming hindi mag kaibigang matalik ah. Teka nga!"

Pinigilan naman ni Johnsen si Dave na pumasok sa office ni Patrick.

"Wag nyo ng sirain ang araw nya baka matuluyan ang pag alis nyo dine."

"Tsss!"

"Chill lang kasi kayo okay naman kayo kay Young Master pero ang sabi nya kapag pinagpatuloy nyo yang kaartihan nyo wala daw kayong makukuhang regalo sa kaniya."

"Huh! Edi sabihin mo wag di ko kailangan ng regalo nya matapos nya akong pagbayarin ng 10k sa resto wagas!"

"Pero sabi nya po limited edition daw po ng sapatos na gusto nyo ang regalo nya sa inyo."

"Weh?!!! Talaga? Sinabi nya yon?"

"Opo basta wag daw po kayong "kinginames" na kupal kayo."

"Aba't! Ang lintek na yon."

Nag wawala na si Dave at gusto ng makapasok sa office ni Patrick but not literally oa na nag wawala keri lang.

"Sir kalamayin nyo ang kalalooban nyo sige kayo rin limited edition yung shoes nyo at mahal baka di nyo kayanin kapag di nyo nakita."

Bigla namang napahinto sa pag tantrums nya itong si Dave.

"Alam mo okay naman talaga kami eh sabihin mo sa Boss natin kita kami mamayang uwian mahal ko kamo sya."

"O— Opo?"

"Ge balik na ko."

"Si— Sige po."

Pag alis naman ni Dave may pahabol pang sinabi si Johnsen "ibang klase rin itong si Sir Dave sapatos lang nagiging marupok. Di talaga magiging marupok for today's videoyowwww..."

Samantala sa office naman ni Kelly...

"Yes Ma'am na deliver na po yung mga stocks." Sagot ni Leny kay Kelly.

"Okay sige maaari ka ng bumalik sa pwesto mo ate."

"Ahm... Ma'am..."

"Ate Leny hindi ba na pag usapan na natin ito? Wag mo na akong tatawaging Ma'am di ka naman iba sakin bff ka ni kuya Kim kaya Kelly nalang o Kellang para namang di tayo ng galing sa iisang probinsiya."

"Pero iba naman kasi dito ako ang asistant ikaw ang boss ko."

"Ate kahit ganun pa yon you're still my ate kasi nga bff ka po ni kuya Kim tsaka di ka na iba samin. Anyways, may gusto kang sabihin?"

"Ah... Oo yung gustong makipag collab sayo gusto mo na bang mag meet up kayo? Nung ano kasi di kayo na tuloy kasi busy ka at ganoon din naman sya."

"Hmmm... pwede ako bukas di ba? Kung pwede bukas sige pa schedule mo na ate. Ikaw na bahala sa time o s'ya? Di naman kasi natin alam ang free time nya."

"Sige sasabihan ko nalang s'ya gusto mo ba dito nalang kayo magkita?"

"Ah no, alam ko malayo s'ya dito sigur meet half way nalang kami para naman favor rin sa kaniya kakahiya naman s'ya pa yung mag a-adjust eh s'ya na nga yung nag alok ng collaboration to me."

"Well, you have a point naman sige sasabihan ko ang asistant nya."

"Okay ate ikaw na ang bahala."

"Um. Sige maiwan na muna kita. Tawagin mo ko kapag may kailangan ka pa."

"Sure thing."

"."

Naging busy ang araw ni Kelly dahil maraming tao ang naging interested sa shop nya dahil nga na introduced s'ya ni Mr. Pacheco sa mga amiga's at amigo's nitong nakaka LL or luwag luwag. May mga gustong mag franchise may ibang gustong mag order ng pastries for there resto's naging malaking oportunidad din kay Kelly ang pag dalo sa kaarawan ng Lolo ni Patrick.

"Nasa office s'ya busy kasi sya mag hapon." Sambit ni Leny kay Kim na dumating para sunduin Kelly.

"Kumain ba s'ya?"

"Um. Kumain naman pero wala syang gana kaya konti lang kinain nya pero uminom naman s'ya ng gamot nya."

"Ohhh... napaka workaholic kasi talaga nya."

Pag bukas ng pintuan ng office ni Kelly nakita nung dalawa na nakatulog na pala ito sa table nya.

"Di na kinaya bumigay na ang mga mata." Sabi ni Kim.

"Gusto mo bang gisingin ko sya?"

"Ah, hindi na ako ng bahala sa kaniya bubuhatin ko nalang s'ya pababa dito."

"Sigurado ka?"

"Um. Ganyan naman kasi yan nakakatulugan ang mga ginagawa paki ayos mo nalang ang mga documents at ako ng bahala kay Kelly."

"Okay sige."

At binuhat na nga ni Kim si Kelly.

Pagbaba naman nila si Kim na ang nag paalam para kay Kelly sa mga staff nito.

"Ingat po kayo Sir." Anila at isinakay na nga ni Kim si Kelly sa kotse at umalis.

"Sige mag sara na rin tayo 9pm na rin naman." Ang sabi ni Leny.

"Ma'am okay lang po ba si Madam?" Tanong ni Beri isa sa mga staff ng shop.

"Yes. Napagod lang sya marami kasi syang ginawang papers for new business partners kaya kailangang mag sipag tayong lahat para di mahirapan si Kelly. Naiintindihan nyo ba?"

"Yes Ma'am." Anila.

***

Naging busy ang mag kakapatid na Dela Cruz kaya madalas kung hindi umaga, sa gabi nalang sila nagkikita kita. Nag simula na rin kasing mag patuloy sa kaniyang pag aaral itong si Kevin gusto nya kasing ipagpatuloy sa pagiging doctor ang propesyon nyang nurse at suportado naman sya ng mga utol nya.

"Yeah... baka nextweek na ko makauwi kailangan ko pa kasing mag duty sa DLRH eh dun na din muna ako sa nurse room mamalagi." Sambit ni Kevin while having his dinner together with his siblings and his pamangkin na si Jacob.

"Oh... ganun ba? Nag text o tumawag ka pag may kailangan ka." Sagot naman ni Kian.

"Um. Kayo din nag text o tumawag kayo pag may kailangan kayo."

"Unahin mo na muna ang sarili mo nag aaral ka tapos nag tatrabho ka sa gabi kaya ingatan mo yang sarili mo." Sabi naman ni Kim.

"Oo naman kuya eh syempre pag kailangan nyo ko uuwi agad ako dine."

"Wag mo kaming alalahanin ayos lang naman kami dito."

"Yeah..."

"Oh, Kelly ayos ka lang?" Tanong ni Kian.

"Oo nga parang wala ka sa sarili mo. Ayaw mo ba ng ulam at di ka kumakain dyan." Sabi naman ni Kim.

"May problema ba bunso?" Tanong naman ni Kevin.

"Wala naman kuya. Madami lang akong iniisip wala rin kasi akong maisip na pwedeng gawing new novel."

"New novel? Nag susulat ka pa? Hindi ba ang sabi namin sayo gawin mo nalang yang hobby." Sagot ni Kian.

"Eh... kuya sayang kasi may tumatangkilik pa naman sa mga novels ko at di lang naman ako nag susulat ng libre dahil may bayad naman ako dun."

"Oo nga pero tignan mo yang itsura mo may shop ka pa tapos nag susulat ka pa? Baka naman mapano ka na nyan. Tigilan mo na yang pag susulat mo."

"No kuya! Ayoko! Alam nyo namang noon pa man gusto ko ng nagsusulat ng mga nobela ngayon pa ba ako hihinto kung kailan may nakapansin na sakin?"

"What do you mean?"

"Ohhh... yan ba yung sinasabi sakin ni Leny about the collaboration?" Sambit ni Kim.

"What collaboration?" Sabay sambit nila Kian at Kevin.

"May isang cartoonist kasi na gusto maki pag collab kay Kelly gusto nyang gawing comics ang novel ni bunso."

"Totoo ba yon?" Tanong ni Kian.

"Bakit wala kang nabanggit saking ganyan babysis." Opinyon naman ni Kevin.

"Eh kasi kuya busy ka eh tsaka collaboration lang naman yun kaya ko ng ako lang ang mag settle. Busy kayong lahat sa kani-kaniya n'yong trabaho lalo na si kuya Keith na wala ngayon dito kasi nasa Bulacan para sa Baby nila ni aye Faith. Kaya sabi ko ako nalang bahala tutal novels ko naman yon at di na kayo involve dun. But don't get me wrong mga kuy's sasabihin ko rin naman sa inyo pero gusto ko sana pag okay na."

"Did you sign any contract?" Tanong ni Kian.

"Oo kuya lahat naman legal napa notary na rin ang lahat ng kasunduan."

"Good. Eh yung cartoonist did you meet him or her na?"

"Hindi pa nung nakaraan kasi di na naman natuloy pero mamaya magkikita kami."

"Samahan ka na namin." Sagot ni Kevin.

"Di na kuya kasama ko naman si ate Leny."

"Pero kapag kailangan mo ng tulong wag mong kakalimutan na text o tawagan kami." Sabi naman ni Kim.

"Oo kuya."

"Anong oras ng meeting nyo? Hatid na kita." Sabi naman ni Kian.

"Di na kuya mag rent kami ni ate Leny ng kotse."

"Siguro dapat may sarili ka na ring sasakyan." Sabi ni Kim.

"Eh? Pero hindi ako marunong mag drive ng kotse."

"Sino bang may sabi na mag dadrive ka? Si Leny ang mag mamaneho."

"Eh? Asistant ko lang s'ya kuya at hindi driver."

"Don't worry tataasan natin ang talent fee nya."

"Luh! Nakakahiya naman kuya."

"Wag kang mag alala dahil di naman na iba satin si Leny tsaka mag drive lang naman ang madadagdag sa work nya tsaka isa pa wala ka pa namang kotse."

"He... He... nga naman mag motor na lang kaya ako? Yun lang kaya ko drive eh."

"Mag tigil ka!" Sambit ng mga kuya nya.

"Joke lang naman kumalma kayo."

"Heh!"

Sa magkaparehong oras,

Nag punta ng mall si May dahil may evening interview silang magkapatid.

"Ate, bakit ganire? Interview lang di ba? Bakit parang may pa presscon ka na? Bakit ang dami namang reporter dine? At bakit may mga audience?"

"I don't know... hindi ba si Mr. Galvez ang may pa ganito?"

"Ha? Akala ko ikaw..."

"Eh? No, hindi ako pero ang alam ko para ito sa bagong launching nating business."

"Pero bakit si Mr. Galvez? Alam mo namang ayoko sa taong yon."

"I know pero sabi kasi ni dad importante ito alam mo namang may business trip sila kaya that's why were here"

"Parang hindi maganda ang kutob ko dito."

"You think so?"

"Ewan ko ate... pero parang may mali sa interview na ito."

Tapos biglang umakyat na din sa may pinaka stage si Mr. Galvez ang Vice President ng SMc o Santos Mall and Company s'ya rin ang may malaking hawak ng share kaya mataas ang position nya. Ngunit hindi gusto ni Patrick ang pag uugali nito masyado kasing mapagmataas at hindi patas kung lumanban. Pero dahil kinailangan ng new venture ng mga Santos nakipag partnership sila sa ibang mga negosyante at isa na nga roon si Mr. Iñigo Galvez.

"Wait, bakit kasama ni Mr. Galvez ang bunso nyang anak?" Sambit ni May.

"Sino?"

"S'ya si Sweet ang bunso at nag iisang anak nila Mr. and Mrs. Galvez. Balita ko isa yang sikat na model at flight attendant sa sarili nilang Airlines."

"Ano?! Eh bakit andito yan?"

"Hindi ko alam Bro.... pero parang di nga maganda ang pupuntahan ng interview na ito."

"Johnsen!"

Lumapit namang agad si Johnsen kay Patrick.

"Young Master..."

"Prepare the car aalis na tayo dito."

"Po?"

"Bro, wag kang mag padalus dalos ang dami ng tao ang nakakakita satin hindi ka pwedeng basta nalang mag desisyon makakasira ito ng image ng mall."

"Pero ate, hindi na maganda ito sa tingin ko na frame up tayo."

"Don't worry everything is under our control basta kumalma ka lang andito ako di kita pababayaan."

"Tsk... pero kasi..."

"Don't worry ikaw parin naman ang President ng company kaya hawak mo ang lahat kapag may di na tama tsaka tayo gagawa ng aksyon. Kilalang magaling mag manipulate ng tao yang si Mr. Galvez kaya kapag may mali tayong ginawa tayo ang lalabas na kahiya hiya."

"Sige ate..."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C391
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login