Download App

Chapter 108: Chapter 107: Leave

Kinaumagahan. Nagmamadali na si Lance na umalis. Tumawag na kasi si kuya Mark sakanya. Pinapauwi na uto. Nagpaalam din naman sya bago ito umalis.

But three days after. Nalaman ko nalang na nasa Australia na pala sila.

Nainis ako bigla. Naiinis ako sapagkat di man lang nya sinabing aalis na sila. At huling kita ko na pala sa kanya. Sa mismong monthsary pa namin. Kaya pala ganun nalang kahigpit ang yakap nya't mga halik. Dahil iyon na pala ang huli.

I texted him once pero hindi na naisend iyon. Naubos na ang lod ko't di alam kung saan kukuha para magkaroon muli.

Nangapa ako sa biglaang pag-alis nya. Kahit man lang sana, 'Joyce, alis na kami bukas'. 'Mag-iingat ka'. O di kaya'y, 'okay lang bang maiwan kang mag-isa rito'. 'Paalis na kasi kami'. At, sana, kahit nag-iwan nalang sya ng sulat...yung kahit kapiranggit lang PERO, wala!. Ayokong magalit. Pinipigilan kong magalit sa kanya subalit sa tuwing bumabalik sa alaala ko ang nangyari makalipas ang tatlong araw. Umiinit bigla ang pisngi ko't basta nalang natutunaw ang galit ko sa kanya.

Inisip ko nalang na may maganda syang dahilan kung bakit nya di sinabi sakin ang tungkol sa byahe nila pabalik. Iyon ang gusto kong paniwalaan imbes ang hindi mabilang bilang na senaryo sa utak ko.

Nagising ako't natulog nang walang natatanggap na mensahe mula sa kanya. Kinakabahan ako. At malapit nang mabaliw. Kung hindi pa tumawag sakin si kuya Rozen ay baka natuluyan na nga akong nabaliw.

"Kuya, si Lance?.." pagbati ko ito sa kanya. Dinig ko ang hininga nya pero hindi sya nagsalita. "Bumalik na sya ng ibang bansa tapos di man lang sinabi sakin?.." nagtatampo kong himig. "Bakit kuya?. May mali ba akong nagawa?.." I almost cried ngunit pinigilan ko talaga.

"Hindi ko rin alam Joyce.. wala rin syang sinabi sakin.. o kahit ang paalam.. wala.."

"Sige kuya.." paalam ko kaagad. Nag-uunahan na kasi mga luha ko pababa. Baka marinig nya kung sakaling di ko pa binaba.

I waited for a week. Kung tatawag ba sya o magtetext. But no! Wala akong natanggap kahit na isa.

"Joyce, enrollment na.. saan mo gustong mag-enrol?.." si kuya Rozen pa rin nang minsan nya akong dinalaw sa unit. Di ko nga alam kung bakit di ko rin magawang iwan tong bahay nya. May kung anong nagsasabi sakin na wag umalis. At wag iwan ang bahay nang basta nalang.

"Di ko na alam kuya.. Wala akong pera.." totoong isatinig ko ang laman ng isipan ko.

Matunog syang bumuntong hininga. "So what's your plan now?. Tatambay ka nalang ba dyan?.." hindi ako nakaimik sa kanyang tanong.

Ano na nga bang gagawin ko?. Hindi ko na alam. Iniwan na ako ng lahat. Dumagdag pa sya. Ganun ba ako kabigat pakisamahan?.

"Actually.. I don't know what to do now.." bulong ko. Yumuko sa may paanan ko.

"Di ba sa Cagayan mo gustong mag-aral?.." tinanguan ko sya dito. "E di duon ka mag-eenroll.." he suggested na para bang ang dali ng sinabi nya. Oo. Gusto kong mag-aral doon. But how?. Wala akong pera dito at sa private school pa ako papasok?. Naku!. Paano ba to?.

"Kuya.. wala akong pera.." giit ko sa kanya.

"Ako na ang bahala sa'yo.." huli nyang sabi bago umalis.

Sa pagdaan ng mga araw. Naging abala naman sya sa mga papeles nya. I don't know kung para saan ang mga iyon. Mag-aaply siguro sa hospital muna to earn some credentials. Baka yun.

Hanggang sa natapos ang buwan nang July. Hindi pa ako nakapag-e roll.

"Hija.." one night. Daddy called me. Matagal nya raw akong hinahanap sa bahay subalit hindi raw sya kinakausap nina mama. "Where the hell are you right now.. I'm worried here.." bumuntong hininga sya. Malalim iyon.

"Dad.." tawga ko dito at sinabi ang lugar ko. No choice e. Wala akong ibang matakbuhan kundi sya lang.

"Bakit di moagad sinabi ito?.." histeryang anya matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari kung bakit ako nakikitira rito. "Jesus Joyce.. you still have me!.."

Malungkot ko syang nginitian. "Malapit na ang pasukan and yet hindi ka pa enrolled.." he said.

"Daddy.. hindi ko po alam ang gagawin.. I don't have anybody.. mommy is gone.." nangilid ang luha sa gilid ng aking mata. Yumuko ako upang itago iyon. Nasa ganun akong posisyon nang bigla nya akong yakapin patagilid.

"I'm so sorry.. dahil sa akin.. you lost your path.. hija.. sorry.. sorry.." umiyak ako sa bisig nya just like the old times.

After kong umiyak sa kanya. Tinulungan nya akong nag-impake. Isasama nya raw ako sa kanila. Sa bago nyang pamilya. Matindi ko syang inilingan subalit ganun nalang ang kompyansa nyang hindi magagalit ang bago nyang pamilya sakin. "Daddy, wag nalang kaya.." pigil ko pa sa kanya.

"You're with me hija.. walang mangyayaring masama sa'yo doon.." he assured me. Kaya kumagat na rin ako. Nakakabagot maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

Isinarado ko ang bahay ni Lance. Wala akong iniwan. Wala rin akong kinuha. Umalis akong ang tanging baon lamang ay ang alaala. Kasama sya.

Dumating ako sa bahay nina daddy. Nakita ko kung paano ako tignan nang bago nyang kinakasama. Masama ito at matalim. Nilunok ko lang iyon sapagkat wala akong ibang magawa. Tinuro sakin ni daddy ang silid ko sa dalawang palapag na bahay nila.

Nagpahinga ako't natulog nang wala pa ring paramdam nya.

Aasa pa ba ako?. O hahayaan nalang syang ganito?. Walang paramdam.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C108
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login