Download App
66.66% The Warlocks

Chapter 2: PAGE 1

TAON (1007)

(SYUDAD NG MALAKIA)

DAMEK

"Karne para sa hapunan sa halagang limang butil ng ginto! Bili na kayo!"

"Isda sa halagang tatlong butil ng ginto!"

Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa kinauupuan ko, lumabas ako ng tindahan at tinignan ang mga taong nagsisialisan sa daan.

Nagulat ako dahil bigla nalang may humintong kabayo sa harapan ng tindahan namin.

"Magandang umaga! Nandito ba si Aleng Cresia?" Sasagot na sana ako pero biglang dumating si inay.

"Naku prinsipe Aeneas! Pumasok po kayo sa loob! Ikaw naman Damek! Anong tinatayo mo diyan? Papasokin mo ang prinsipe." Kumurap ako ng ilang beses dahil sa gulat. Makailang beses akong tumingin sa lalaking tiniwag ni inay na prinsipe bago ako mataohan.

"Ah! Hali po kayo, pasok po mahal na prinsipe!" Binuksan ko ng malaki ang pinto at naunang pumasok sa loob.

Hindi pa rin ako makapaniwala na prinsipe siya, ngayon lang kasi ako nakapunta ng syudad para magbantay ng tindahan namin, kaya ngayon ko lang din nakita ang isa sa tatlong prinsipe ng Malakia.

"Damek, pakikuha ng supot doon sa hapag. Ibigay mo sa prinsipe. Gamot iyon ng Hari." Tumango ako at nagmadaling pumunta sa kusina para kunin ang supot na nakapatong sa hapag.

Pag balik ko ay nagtaka ako dahil mukhang may hinahanap ang prinsipe sa bulsa niya.

"Aleng Cresia, mukhang nakalimutan ko ang bayad para sa gamot. Nagmamadali kasi ako kanina para makapunta agad dito." Dahan dahan kong inilapag sa maliit na mesa ang gamot at tahimik na naglakad palabas ng pinto, pero bago pa man ako makalabas ay nakarinig na ako ng boses.

"Pupwede ko pong dalhin ang anak niyo sa palasyo para makuha ang bayad. Ipapahatid ko namam po siya pauwi." Mabilis akong humarap sa prinsipe at kay inay.

"Inay, nakalimutan ko po. May pagsasanay po kami ni Ea ngayon." Sabi ko sabay ngiting may kahulugan kay inay. Nawala ang ngiti ko ng umiling sa akin si inay at tumingin sa prinsipe.

"Ah sige po prinsipe Aeneas." Tapos ay tumingin ulit sa akin si inay ng matalas. Umiling ako at napakamot ng ulo at nauna ng lumabas ng tindahan.

"Damek, marunong ka ba sumakay sa kabayo?" Kunot noo kong nilingon ang prinsipe at itinuro ang sarili ko.

"Prinsipe Aeneas, lalaki po ako, walang lalaki sa Malakia ang hindi marunong sumakay ng kabayo." Naiiling na sabi ko at naunang sumampa sa kabayo, natigil ako dahil may naalala ako bigla.

"Teka, isa lang ang kabayo." Sabi ko at nagulat nalang ako ng sumampa din siya sa kabayo at hinawakan ang tali nito.

"Ah, pasensya ka na. Hindi ko naman alam na nakalimutan ko pala ang pambayad sa gamot." Natatawang sabi ng prinsipe at agad na pinatakbo ang kabayo.

"Nga pala Damek, ito ang unang pagkakataon na nakita kita sa tindahan ninyo. Ang sabi ni Aleng Cresia ay ayaw mo sa lugar na maraming tao kaya lagi kang nasa bukid kasama ang nobya mo." Kumunot agad ang noo ko at pilit ko siyang nililingon.

"Hindi ko nobya si Ea. Kasama ko lang siya magsanay sa bukid. Pinangakuan ko siya ng kasal, pero hindi pa sa ngayon. Masyado pa kaming bata." Narinig ko siyang tumawa ng malakas pero hinayaan ko nalang at humawak sa lubid ng kabayo.

"Binibiro lang kita! Walang sinabi ni Aleng Cresia na nobya mo itong si Ea, naisip ko lang." Hindi nalang ako nag salita pa at mukhang nahalata niya naman na ayaw ko makipagusap kaya tumahimik na din siya, hanggang sa makarating kami sa palasyo.

Nauna siyang bumaba sa kabayo sumunod naman ako, may sumalubong sa amin na isang kawal at kinuha ang gamot. Nagulat ako ng makita kong iniabot din ng prinsipe ang kulay pula na lagayan at alam kong may ginto doon.

"Akala ko ba nakalimutan mo dalhin ang pampabayad sa gamot? May dala ka naman." Inis na tanong ko sa kanya at bigla nalang siya tumawa ng malakas.

"Nakalimutan ko dala ko nga pala haha!" Sinabayan ko siya ng pekeng tawa kaya tumingin siya sa akin.

"Akin na ang bayad para makauwi na ako." Inilahad ko ang palad ko pero tinignan niya lang iyon ng isang segundo at bigla akong hinawakan sa siko at hinila.

"Alam mo ba, kakaonti lang ang tao dito sa palasyo. Puro nalang mga kawal, taga sunod at iilang taga alaga. Batong-bato na talaga ako dito dahil may kanya-kanyang inaasikaso ang mga kapatid ko at hindi ako nabibigyan ng atensyon." Pilit kong hinihila ang siko ko pero hindi ako makapaniwala at tinignan ko siya.

"Simula talaga noong lumaki kaming magkakapatid wala na talaga akong nakakausap dito ng matino, nagkataon na nagkwento si Aleng Cresia tungkol sayo." Huminga ako ng malalim at pwersahang hinila ang siko ko ngunit wala pa rin nangyari at patuloy lang siya sa paghila sa akin.

"Naisip ko makipagkaibigan sayo kasi narinig ko wala ka daw kaibigan maliban sa kababata mong si Ea. Naisip ko din na malapit lang ang edad natin sa isa't isa kaya magkakaintindihan tayo ng mabuti." Nang sa wakas ay tumigil din kami, tinignan ko ang paligid at nakita ko nalang ang nag gagandahang bulaklak. Nasa harden yata kami ng palasyo.

"Alam mo ba-"

"Hindi ko alam." putol ko sa sasabihin niya, tinignan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tapos ka na? Uuwi na po ako, may pagsasanay pa akong gagawin." Bigla niya akong dinuro sa noo at tumawa siya ng mahina kaya nagtaka ako.

"Sandali lang tayo dito, hindi naman kita aagawin sa nobya mo. Araw-araw naman kayo magkasama eh. Maghiwalay din naman kayo minsan." Iniwakli ko ang kamay niya at umiling nalang.

"Para sa isang prinsipe, napakadaldal mo." Tumawa naman siya ng malakas at hinila ulit ako.

"May ipapakita lang ako sayo, ako lang ang nakakaalam dito, pero dahil kaibigan na kita ay ipapakita ko na din sayo." Hinila niya ako papunta sa isang maliit na kweba. Tumigil kami sa tapat at binitawan niya naman ako bago umupo sa damohan kaya ginaya ko siya.

"Oy, magpakita kayo. May bisita ko. Oy!" Nababaliw na yata ang taong ito, kinakausap ba naman ang maliit na kweba.

"Ano ba! Natutulog pa kami eh!" Napatalon ako paatras sa kinauupuan ko ng bigla nalang may magsalita.

Lumabas sa maliit na kweba ang limang malilit na tao na may pakpak. Kumikinang sila at mga mukhang bagong gising.

"Ay, lagi nalang kayo natutulog. Samahan niyo muna ako dito, may ipapakilala ako." Lumingon silang lahat sa akin kaya tumapang ang mukha ko.

"Ah? Ipapakilala mo kami sa katulad mong panget? Alam mo ba nagtitiis lang ako sa mukha mo Aeneas tapos may isa pang dadagdag." May pagkadesmaya akong tumawa at tinuro ang maliit na nilalang.

"Alam mo, panget ka din kaya huwag ka manglait." Tinuro niya ang sarili niya at tumango naman ako.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang umiyak ng malakas.

"Narinig niyo iyon?! Wala pang tao ang nanlait sa akin ng ganito!" Tinignan ko ang prinsipe para manghingi ng tulong sa kanya.

"Oy oy oy, huwag ka nga umiyak. Ang ingay mo tapos ang panget pa ng itsura mo habang umiiyak." Pinilit kong itago ang tawa ko dahil sumama ang tingin nito sa prinsipe.

"Magsama kayo! Tara na! Bumalik na tayo sa loob ng kweba!" Nang makapasok na sila ay lumkas ang tawa naming dalawa ng prinsipe.Siya ang naunang nanlait, siya din ang nagalit.

Matapos naming maglibot sa palasyo ay naglalakad na kami palabas, natigil lamang kami dahil tumigil sa harapan namin ang isang matangkad na lalaki. Malaki ang katawan niya at parang isang hampas niya lang sa akin ay taob na ako.

"Aeneas, nasaan ang Hari?" Tanong niya tsaka nabaling ang tingin sa akin. Mukhang kilalang-kilala niya ang Hari dahil sa paraan ng pananalita niya.

"Nasa silid niya, buong araw siyang nasa loob para magpahinga." Tumango ito at nagsimula na maglakad pero agad rin na tumigil at tumingin sa prinsipe.

"Ipagpapaalam na kita ngayon, mas mabuting ihanda mo na ang mga dadalhin mong gamit." Sabi niya at umalis na ng tuloyan, siguro ay pupunta na sa Hari.

"Tsk, magliligpit pala ako ng gamit, pasensya ka na Damek at hindi kita masasamahan." Umiling ako at kinamot ang ulo ko. Mas mabuting huwag na niya akong samahan pa.

"Hayaan mo na, kaya ko naman bumalik mag isa." Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas ng palasyo. Pag labas ko ay may nag hihintay na kabayo sa akin. Inabot ng kawal ang bayad sa gamot at sumakay na agad ako sa kabayo.

"Damek!" Rinig kong sigaw ng prinsipe kaya napatingin ako sa pinto ng palasyo kung saan siya nakatayo.

"Apat na araw, bigyan mo ako ng apat na araw. Babalik ako sa tindahan ninyo!" Ngumiti ako at agad na pinatakbo ang kabayo.

Ano naman kaya ang pakay niya? Hindi ako sigurado kung babalik pa ako sa bayan. Gusto kong manatili nalang sa bukid. Tahimik ang buhay ko doon, ayaw ko ng gulo.

AENEAS

Nang matanaw kong malayo na si Damek sa palasyo ay tumalikod na ako naglakad.

"Sariyas!" Lumapit ang isang kawal na si Sariyas at sumunod sa akin. "Magbigay ka ng utos, ipagligpit ako ng sapat na kagamitan dahil aalis ako mamayang gabi." Tumigil ito sa pagsunod sa akin at yumuko. "Masusunod, mahal na prinsipe."

Pumasok ako sa silid ng Hari at naabutan ko doon si Cease na kausap ang ama. Nabaling ang tingin nilang dalawa sa akin, huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila.

"Ama, maglalakbay po ako ng apat na araw kasama ang binuong groupo ni Cease. Katulad ng utos ninyo, pupunta kami sa silangang bahagi ng Malakia." Ngumiti ang amang Hari sa akin at sumenyas na lumapit ako kaya ginawa ko naman.

Humakbang ako papunta sa gilid ng kama kung saan nakahiga ang amang Hari. "Aeneas, nabuhay ka sa mundong ito dahil may importante kang misyon. Hindi ko man mabasa ang hinaharap mo, pero alam kong may dahilan kung bakit ka nandito."

Yumuko ako sa amang Hari bago ulit tumingin sa kanya. "Salamat sa paalala ama, mauna na po ako. Maghahanda pa po ako para sa aking pagalis." Yumuko ako para magbigay galang at umalis na sa silid na iyon.

Sa katunayan, hindi ko kailangang malaman kung anong hinaharap ang naghihintay sa akin. Alam ko kung ano ang gagawin ko, alam ko kung ano ang makakabuti sa akin, at alam ko kung kailan ako kikilos. Hindi ko kailangang malaman ang mga pagdadaanan ko sa hinaharap.

DAMEK

Nakaupo sa isang malaking bato na nakaharap sa isang ilog, hinihintay ko ang pagdating ni Ea. Napagusapan namin na magkita ngayon, hindi dahil sa pagsasanay. Hindi ko alam kung ano ang paguusapan namin.

"Damek!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko ang nagiisang babaeng kaibigan ko. Si Ea, ang kababata ko.

"Ea, pupwede mo akong puntahan sa bahay kung hindi naman pala pagsasanay ang pakay mo." Tumawa lang ito at tumabi sa akin ng upo. Sandali kaming natahimik bago ito nagsalita.

"Damek, ano ang pangarap mo sa buhay? Pangarap na gusto mong makamtan bago mamatay?" May pagtataka ko siyang tinignan, walang mababakas sa emosyon sa kanyang mga mukha kaya ibinalik ko ang tingin sa ilog. "Kapayapaan, kalayaan."

Biglang tumingin si Ea sa akin at ngumiti "Pareho tayo ng gusto Damek, pero magkaiba ang paraan natin sa pagabot ng pangarap na iyon." Kunot noo ko siyang tinignan. "Bakit Ea, anong paraan ang naisip mo para makamtan ang pangarap mong iyon?"

Huminga siya ng malalim at tumingin sa kalangitan. "Ang lumaban, iyan ang paraan ko." Ibinalik niya ang tingin sa akin, "Ikaw Damek? Anong paraan ang gagawin mo?" Nagiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ea, alam mong ayaw ko ng digmaan. Kung digmaan ang sagot mo, wala akong magagawa. Gusto kong mamuhay ng tahimik." Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko kaya tinignan ko siya. "Damek, hindi lang ikaw ang nagnanais ng kapayapaan at kalayaan. Ang mga tao sa Malakia, gusto rin nilang lumaya na."

"Kung ganoon, bakit patuloy pa rin silang nakikipagdigmaan kung gusto nila ng kalayaan?" Tumayo si Ea at lumapit sa ilog, sinundan ko siya ng tingin. "Kung hindi ka lalaban sa digmaan, paano mo makakamtan ang kapayapaan at kalayaan? Damek, ang digmaan ay hindi bastang digmaan lang." Humarap siya sa akin na may katapangan sa kanyang mga titig.

"Ang digmaan ay isang instrumento para makamit ang pangarap natin na lumaya at maging payapa, ang digmaan ay ang daan para malaman natin kung ano ang ipinaglalaban ng bawat isa." Tumalikod ulit siya sa akin at pinitas ang nagiisang bulaklak na tumubo malapit sa ilog. "Hindi mo mararanasan na maging malaya at mapayapa kung tatayo ka lang sa isang sulok." Natahimik ako sa sinabi niya, dahil may punto siya.

"Bukas, aalis ako para sumama sa mga kawal ng palasyo. Hindi na kita masasamahan sa pagsasanay." Tumayo ako at naglakad papunta sa kinatatayuan ni Ea, hinawakan ko siya sa balikat kaya nabaling ang tingin niya sa akin.

"Ea, isa lang akong kaibigan. Hindi kita mapipigilan sa gusto mong gawin, pero sana ay magiingat ka." Niyakap ako ni Ea at naramdaman kong malungkot siya. Yumakap ako pabalik sa kanya para iparamdam na nandito lang ako.

"Damek kung anong paraan man ang gagawin mo, nandito lang ako. Ipinangako ko sayo dati na ikaw ang pakakasalan ko pagkatapos kong makamit ang pangarap ko." Inilayo ko siya sa akin, nakita kong may luha sa mga pisnge niya kaya pinunasan ko iyon at ngumuti. "Makakaasa ka, maghihintay ako sayo. Kung magbabago man ang paraan ko sa pagkamit ng pangarap, alam kong nandiyan ka palagi. Magiingat ka." Niyakap ko siya sa huling pagkakataon, umalis siyang may ngiti sa labi. Ngiting araw-araw kong nakikita, na alam kong hahanap-hanapin ko.

AENEAS

"Prinsipe Aeneas, handa na po ang mga kabayong gagamitin sa paglalakbay." Tumango ako kay Sariyas. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, kinuha ko ang espada sa kama ko at naglakad na paalis sa silid ko.

Nang makalabas ako ay sinalubong ako ni Cease. "Aeneas, sasabay tayo sa mga mahuhusay na kawal na ibinigay ng Hari sayo. Ang ibang kawal naman ay susunod lang sa atin, maglalakad sila papuntang silangan." Nakita kong walang mga kawal na nakasuod kay Cease kaya tinignan ko siya. "Nasaan ang mga kawal na sinasabi mong ibinigay ni Ama?" Ngumisi lang siya sa akin. "Naghihintay sila sa bukana ng palasyo. Aeneas huwag mong kakalimutan na isa kang prinsipe, tandaan mo ang mga itinuro ko sayo."

Ngumisi din ako sa kanya, gusto kong matawa ng malakas pero pinigilan ko. "Cease, lumaki akong ikaw ang kasama ko. Kung ano ang ikinikilos mo ay iyon din ako." Sinamaan niya ako ng tingin kaya hindi ko napigilan ang pagtawa ng malakas na ikinagulat naman ni Sariyas.

"Hindi na sana kita tinuruan noong bata ka, hinayaan na sana kita. Umalis na tayo Aeneas, kailangan natin makarating sa silangan bago pa lumalim ang gabi." Naglakad kami palabas ng palasyo, nakita kong nakahanda na ang mga kabayong gagamitin namin ni Cease at Sariyas.

"Tungkol sa ginawa mong groupo Cease, nasaan sila?" Sumampa ako sa sarili kong kabayo at ganoon din sila. "Naghihintay sila sa labas ng syudad. Doon natin sila kikitain at sabay tayong pupunta ng silangan." Tumango ako at agad na pinatakbo ang kabayo.

#KapayapaanAtKalayaan


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login