Download App

Chapter 2: Ang Pagpili ng Light Element

Cong. . . Cong. . .

Mabilisan kong sinubo ang aking almusal at nagmamadaling umalis ng aming tahanan patungong paaralan. 

"Bilisan ang paglalakad, hindi mo gugustohin maging huli kung hindi ang iyong guro ay magkakaroon ng masamang impresyon sa iyo. Wastong matuto ng majika! Tingnan mo ang linalakaran at umuwi ng maaga agad."

Tiyak na kahanga-hanga ang aking ina sa halos araw-araw niya itong bukambibig kaya imposibling hindi ko ito maisapuso hanggang ngayon. Gayunpaman, ang kanyang pag aalala sa akin ay nagpapasigla sa aking puso.

Ang aking pangalan ay Zhang Gong, pitong gulang ngayon taon at naninirahan sa nasasagitna ng lupaing ng pangalawang pinakamalaking lungsod ng Axia Kingdom, sa isang maliit na nayon sa tabi ng lungsod ng Senke. Ang aking pamilya ay medyo mayroon yaman, ang ina't ama ay masyadong umaasa at dinala nila ako sa Elementary Magic Academy ng lungsod ng Sunke. Ako ngayon ay nasa pangatlong antas na. Mula sa murang edad kinakitaan agad ako ng pagkawili sa majika subalit natural na sa akin ang pagiging tamad. Sa mahigit dalawang taon ang aking natutonan lamang ay ilang elementary class magic at ilang panimulang teorya ng majika.

Ngayon ay ang araw kung saan ay kailangan kong sabihin kung alin elemento napagpasyahan ko.  Dito malalaman kung saan class ako mabibilang.

Ang mga salamangkero ay mayroon lamang major at minor sa elemento ng majika. Mayroon sila isang major element kung saan doon lamang ang kanilang konsentrasyon habang pwede sila magkaroon hanggang tatlong minor element ng majika pang-suplemento sa kanilang major element.

'Ano kaya ang dapat kong piliin. . .? Ibig ko ang fire magic, nguni't nararamdaman kong ito ay mapanganib. Yamang lamang ang aking salawikain ay "kaligtasan ang una", ito ay talagang sasalungat. Kaya ano ang dapat kong piliin. . .? Alin majika ang mas ligtas?

Kung iisipin ng mabuti ang ukol rito. . .

Ah, tama, light magic ang pinaka ligtas. Sa mga nakalipas, sinabi ng aking guro na walang attack spells ang light element bago umabot ng advanced class. Purong depensa at panglunas at hindi ko kailangan makipag-spar sa iba. Tama, ito ang pipiliin ko. Palibhasa laging itinataguyod ng Kingdom of Axia ang majika, ang mga mag-aaral sa magic academy ay palaging sinusuri upang maragdagan ang kanilang karanasan at patunayan ang kanilang magic level. Gayunpaman, dahil sa aming mababang magic levels, walang isa man ang pumupunta upang suriin ang lower magic level grades muna. Pangkalahatan, kanilang sinusuri ang nasa pang-limang antas o iyong mga nasa intermediate magic academy.

Ako'y tunay na matalino! Anong minor magic naman ang aking pipiliin? Kukunin ko ay wind magic at matuto ng ilang air blasting techniques o iba pa. Sa ganitong paraan madali akong makakatakas kung sakaling magkaroon ng panganib. Tigil, hindi, hindi, mabilis ang wind magic subalit wala itong kakayahan pagdating sa instant movement. Sinabi ng aking ina na mayroon daw spatial magic scholar na kayang mag-teleport halos sampung kilometro ang layo. 'At siya'y nanatiling magic scholar pa lamang!'

Spatial magic ay medyo maganda, kaya ito ang kukunin ko sa halip!

Pagtatapos ng malalim na palaisipan, hindi ko mapigilang huminga ng malalim.

Ang mga susunod na henerasyon ay pupurihin ang isang light system Grand Magister, Zhang Gong Wei, ang anak ng Liwanag. Zhang Gong Wei ay magiging isang pinakamakapangyarihang pigura na mayroong kilalang pangalan, na hindi matatakasan ang kuko ng kamay ng kapalaran. Pinili, ang light magic ay nakatakda nang lumaganap sa boung kontinente. 'Hindi pa kasali ang kanyay spatial magic na magagamit niya palagi sa kanyang pagtakas.'

Masaya akong naglakad patungong bayan at niyaru ang aking saloobin patungo sa magandang buhay. Hindi ko maawat ang sariling tumawa dahil sa kaligayahan.

"Zhang Gong"

"Nakakainis ka Ao De. Tinakot mo ako!"

Si Ao De ay pareho kong matalik na kaibigan at kamag-aral.

"Anong magic element ang pinili mo?"

"Pinili ko ang light element para sa aking major at spatial naman para sa minor ko."

"Mainam nga para sa'yo. Ha ha!"

"Ano ang alam mo? Bakit hindi sabihin ang dahilan iyon ang napili ko?"

Nagulat ako kay Ao De.

"Syempre naman, pagka't ang iyong salawikain o motto ay "kaligtasan muna'."

"Nakakainis! Pero tama ka.

Ano naman ang pinili mo?"

"Pinili ko ay water element para sa major at spatial para sa minor" saad ni Ao De nang nakalabas ang dibdib at may pagmamalaking naka ukit sa mukha.

"Nauunawaan ko kung bakit mo pinili ang spatial element (syempre iyon din kasi ang pinili ko), pero bakit mo pinili ang water element?"

"Hindi mo lubos maintindihan" saad ni Ao De na pagka himig matanda.

"Bilis, sabihin mo kung bakit."

"Doon ay maraming mga batang babae ang tiyak na pipili ng water element! Doon ay siguradong walang mga batang lalaki. Ako'y maghahari-harian at pilit na kukunin ang kanilang meryenda! Ha ha?!"

"Napakabata pa nito nguni't pinalaki sa layaw. Pupuntahan ko ang iyong ama upang sabihin ito sa iyong ama."

Nagtaas noo ako. Subalit naiisip ko, kahit pa karamahihan sa mga water element ay babae, pagpasok ng intermediate magic academy at ipinagpatuloy niya ang pang-bu-bully siguradong trahedya ang kahihinatnan. Ang mga nakakatandang lalaki sa nayong ito ay malupit na pinarusahan nang i-bully nila ang dilag sa academy. Si Ao De ay tiyak na magiging kahabag-habag kapag lumaki siya'ang pilyong bata, ang isipin ito Hindi ko mapigilang tumingin Kay Ao De ng mayro'n pagdududa.

"Halika at matuto ng water magic kasama ako!"

Dahil ayaw n'yang ilantad ko kaya susubukan n'yang hatakin ako!

"Hindi kailangan. Basta tratuhin mo na lamang ako ng maayos sa hinaharap at hindi ko sasabihin sa iyong ama. Ayos?"

"Ayos. Walang problema"

"Narating na natin ang paaralan. Magmadali, baka mahuli pa tayo."

Ang Elementary Magic Academy ng lungsod ng Sunke ang isa sa mga pinakamalaking Magic Academy. Okupado nito ang mahigit dalawang daan metro kwadrado (200 m²) at maraming practice field at gusali. Ako at si Ao De ay nasa class 3-4.

" Mabuti na lang at hindi pa tayo huli, kung hindi ang matandang bruha ay mapaparusahan tayo ulit." Bulong sa akin ni Ao De.

"Tahimik. Parating na ang matandang bruha. (Syempre ang matandang bruha ay ang mismong class adviser namin. Ang limampung gulang na fire element advanced mage, Teacher Lin. Kaya ako at ang boung klase namin ay ginawaran siya ng palayaw na "matandang bruha')."

"Magandang umaga mga mag-aaral."

"Magandang umaga din Po Teacher."

Sa sandaling pagdating ng matandang bruha ay agad na nagsitahimik ang buong klase, dahil walang isa sa kanila ang gusto na sumabog ang matandang bulkan.

"Mayroon na bang wastong napiling magic element ang lahat?"

"Mayro'n na po!"

"Mabuti. Lumapit at ihanay ang sarili sa harapan upang makapagparehistro."

"Nang nasa harap na ako. Tinignan ako ng matandang bruha at nagsabi ng "Pinipili mo ang light magic para sa iyong major?"

"Opo, tama po kayo Teacher."

"Alam mo bang sa boung kingdoms tanging mga monghe lamang ang pumipili ng light magic element para sa kanilang panggagamot?"

"Ano po? Bakit naman po? Hindi ko po alam?"

Lumalabas no'ng dalawang daan taon nakaraan nang magbanggaan ang dalawaang kontinente, marami ang nag aaral ng light element sapagkat pinahihina nito ang mga demon race.

Ang light at darkness ay may dalawang punsyon o function. Pero ngayon, lumipas ang dalawaang daang taon na walang digmaan, namuhay ng matiwasay ang mga tao. Kaya unti-unting nagkaroon ng walang silbi ang light magic. Kung ihahambing sa fire, water, earth at wind spells, ang light element ay katamtamang panimula lamang. At saka, sa intermediate class ang light element spells ay halos defensive lamang o pang-lunas lamang.

Kaya halos lahat ay agresibong pinipili ang water, fire, earth at wind element para sa kanilang major kahit na medyo mahina ang light element, kaya din ng water element ang lumunas. Gayunpaman, dahil sa pagkakaroon ng offensive spells at defensive spells na halos pantay ng water element, mas pabor pa rin sa mga kababaihan ang light element pagdating sa panggagamot kaysa sa water element. Kaya ang mga peace-loving monk lamang ang pumipili ng light element para sa kanilang major.

Pero para sa pitong gulang, hindi ko na pinag-iisipan ang tungkol rito. Pagkatapos ipaliwanag ng aming guro, sinabi ko sa kanya ang aking motto "kaligtasan muna" kaya mas pinipili ko ang light element.

"Dahil ang lahat ay mayroon nang napili, maaga tayong magsisilabasan. Bukas, kayong lahat ay hahatiin sa iba't ibang class ayon sa elemento napili n'yo.

"Yea, uwian na!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login