Download App
66.66% Twisted

Chapter 2: Kabanata 1

Kabanata 1

Nakaw Na Halik

Pagkatapos kaming pag-gawin ng asungot naming prof ng DIY electromagnet sa loob ng tatlong mahahabang oras, lumabas ako ng classroom upang mag-retouch.

"Nyx, Sabrina! Samahan niyo ako sa C.R., bilis!" Pag-aaya ko sa kanila. May chismis daw kasi na may white lady sa CR ng babae dito sa Senior High building. Medyo hapon na din kasi at wala na masyadong tao dahil nauna na umuwi ang mga grade 11.

"Aly, ang laki mo na naniniwala ka pa sa multo!" Ani ni Sabrina, sabay hawak sa kanyang tiyan. "Nagugutom na ako. Kain muna tayo! Bagong luto daw yung kwek kwek sa cafeteria."

Oo, may streetfood sa cafeteria namin kahit mga Conyos of Manila ang mga estudyante dito!

"Oo nga. Hindi ako nabusog kanina, Aly." Pagkampi pa ni Nyx. "Saka chismis lang 'yon, ano ka ba. Sumunod ka na lang kung gusto mo."

Narinig ko ang pagreklamo ng mga sikmura nila. Defeated, I shook my head. "Fine. Bahala kayo! Kapag ako pinatay ng multo..."

Napairap si Nyx sa 'kin. "OA ka na, mars."

"Ay hindi pa ba? Ehem, Mikhail—"

Kumulo bigla ang dugo ko. "Sabrina you bitch! Halika dito!"

I watched them run down the halls nang tumatawa, until they disappeared. Inayos ko ang vest ko, huminga ng malalim bago tumuloy sa madilim na hallway sa may gilid ng hagdan. SJU's halls are always pristine and well lighted, except doon sa isang 'yon.

Pagkapasok ko sa loob, tinupi ko ang long sleeve ko hanggang sa may siko. Walang tao, my footsteps echoed as I made my way to the sink. Binuksan ko ang gripo at hinayaang tumulo ang malamig na tubig sa aking mga kamay at naghilamos.

"Ano ba 'yan, pati 'yung tubig dito, ang panghi!" Mataray na reklamo ko na pabulong.

"Kadiri naman! Parang mga nakatira sa kalye ang mga tao dito!"

Natigilan ako nang biglang may parang umungol. Todo dasal talaga ako at pinikit ang aking mga mata upang hindi makita ang repleksiyon ko sa salamin. Natatakot ako na baka pagmulat ko, may white lady na sa aking tabi!

"Ah, fuck!—" Ani ng parang hinihingal na boses ng babae.

"—oh, God."

Sobrang nanginig ang tuhod ko nang may kumalabog sa likod ng pintuan ng gitnang cubicle. Iisipin ko na sana na nagpaparamdam 'yung white lady sa 'kin, pero hindi maalis sa isipan ko na baka ibang kababalaghan ang nangyayari doon!

Dahan-dahan akong lumapit, my hands hovered over the knob. Bubuksan ko sana kahit alam kong may kababalaghang nangyayari mula sa kabilang dulo ng pinto, nang biglang may babaeng lumabas at parang sinabunutan ang buhok niya. Mabilis niya iyong inayos pati ang gusot niyang palda. Hawak niya sa isang kamay ang kanyang vest at isang black na... wallet?

Sabog ang liptint sa kanyang mga labi at nakuha pang ngitian ako ng mapang-asar! Pamilyar ang mukha niya, pero hindi ko alam ang pangalan. Ang alam ko lang, taga-12 ABM C siya.

Lumabas siya ng C.R. na parang walang nangyari, pinakinggan ko ang tunog ng kanyang heels sa hallway hanggang sa maglaho ito.

"Babe, ano ba? Ang tagal mo naman—"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humatak sa palapulsuan ko papasok sa loob ng cubicle at...

Naramdaman ko ang mga labi niya sa akin, habang sabunot ang aking buhok. Ngayon ko lang napansin na may nakapiring na necktie sa kanyang mga mata.

He forced his tongue inside of my mouth at para akong naparalisa when his hands traveled down, exploring the curve of my body.

"Bastos! Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako sa kanyang hawak na mas lalo niyang hinigpitan. I swear I could see the red imprints of his nails on my skin.

I grabbed his hair, which was in a man bun on top of his undercut. Allowed ba sa SJU ang mahabang buhok ng boys? Last time I checked, hindi.

"Fuck!" He cursed in between his ragged breath and planted kisses on my neck. "'Wag ka nga malikot! Ang ingay mo pa! You're the one who asked for this—"

"Bitawan mo ako, kung hindi, sisigaw ako!"

His piercings scratched the back of my neck. Dahan-dahan niyang tinanggal ang piring sa kanyang mga mata, bukas ang halos lahat ang butones ng kanyang polo

at nakababa na din ang pantalon niya, kaya nasulyapan ko ang kalahati ng kanyang katawan, slightly toned na parang nagli-light workout, and his metal pendant na hugis araw. Wow.

"Who the hell are you?" Natataranta niyang tanong sabay kapa sa bulsa ng kanyang pantalon. "Nasan ang wallet ko?"

"Irereport kita sa guidance! Kayo ng babae mo!"

"Babae?," a smirk played on the corner of his lips. "Sa tingin mo maniniwala sila sa 'yo? Hindi mo kilala ang kinakalaban mo." He scoffed. Ugh! Siga!

"Excuse me, hindi mo rin kilala kung sino ako dito!"

"Kasabwat ka ni Brianna! Probably binigay niya sa 'yo ang wallet ko,"

"Kasabwat? Hindi ko nga kilala 'yung sinasabi mo! At isa pa, bakit ko gagawin 'yon?" Pinandilatan ko siya. "Irereport kita ng sexual harassment!"

Hinila niya muli ang palapulsuan ko at akmang lalabas sa may pintuan. "Thief! You're coming with me—"

"Hoy! Teka nga. I'm the newly elected Supreme Student Government president for your inform—"

"The hell I care? I didn't even vote for you!"

Kumalas ako sa pagkakahawak niya. "Hoy! Kahit kailan, hindi ko pag-iinteresan ang wallet mo! My family is well off and kahit kailan, hindi nila ako na-deprive sa pera!"

"You don't know who you're talking to!" His words came out like knives aimed for me. "Isa ka lang sa nakikinabang ng donations ng parents ko."

"Anong sinasabi mong donations?" Naguguluhan kong tanong.

"Look around you, hanggang sa labas ng building na 'to. This fucking hellhole belongs to me."

Namuo ang sobrang galit sa sistema ko kaya akma ko siyang sasampalin, my hand in midair, waiting to land on his fucking cheeks!

Hinuli niya ang aking kamay bago pa ito makadampi sa kanyang pisngi kaya't hindi sinasadyang nahila ako papalapit sa kanya.

Our faces were a few inches apart, halos matusok ako ng matangos niyang ilong. I could feel his warm breath against my lips. His thick eyebrows were knitted together at nanliit ako because of the intensity of his light hazel eyes. "Don't you dare touch me, you fucking whore!"

But something in me sparked. Like a fire was lit up in my chest. Hindi ko alam kung matinding galit lang iyon.

I looked down his battered I.D. and searched for his name.

Godfrey Ross Dos Santos

The devil himself.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login