Download App

Chapter 2: Chapter 1

CHAPTER 1: GRADE 11 LIFE BEGINS!

Lou's Point of View

Months Ago

Pasukan na namin! Gosh kinakabahan ako! Wala akong kakilala kahit isa!!! Panibagong adjustments na naman ito! I prepared my outfit of the day. Wala pa kasi 'yung uniform ko, tinatahi pa. Ang suot ko is black na sweatshirt at pants. Yes! Sweatshirt mga teh! May aircon na room ko eh hehe.

Umalis na ako ng aming bahay at nag-abang ng trike. After ng ilang sandaling pag-aantay, may dumaan din at sumakay na ako. Wala ang kuya ko na dapat maghahatid saakin. He's currently in Makati. May inaayos na work proposal. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at nakita kong may isang notification.

Galing it okay Zelle, isa sa mga magiging kaklase ko ngayong Senior High. Yes friend ko na siya sa facebook since nagsend siya saakin ng friend request. At sino ba naman ako para hindi magrespond? Ano ako peymut? Hahaha

Zelle: Saan ka na po? Dito na ako sa school!

Agad akong nagtype para reply-an siya.

Me: Kakasakay ko palang ng trike hehe. Sana walang traffic!!!

At sinend ko na sa kanya. Mga 6:30 na rin ako umalis ng bahay since first day palang naman at wala namang gagawin.

Habang nasa biyahe ako, nakikinig ako ng music para malibang... mga ilang minuto ang lumipas at bumaba na ako at naglakad papuntang sakayan ng jeep. Medyo nangangapa ako dahil sanay akong walking distance ang school ko mula saaming bahay.

"Bayad po, estudyante, Crossing" sabay abot ng bayad sa driver.

Sanay naman ako magbiyahe. Kung saan saan nga ako nakakarating eh. Pero at this point, medyo nag-a-adjust ako kasi papasok 'to ng school. Hindi ako sanay sa trapiko kung mayroon man. At bilang malayo pa naman ako, nakinig lang uli ako ng music upang hindi mainip sa biyahe.

Nakita kong nag-vibrate ang phone ko at tinignan ko ito. Nagmessage uli si Zelle.

Zelle: Pinapapila na kamiiii!!! Saan kana???

Medyo mabilis ang biyahe dahil hindi masyadong traffic ngayon at sakto nandito na ako sa school namin.

"Para po!" inantay kong tumigil ang jeep at bumaba na. Sa labas palang kita na ang mga estudyante. Agad kong hinanap ang mga kaklase ko. Ilang sandali pa lamang nakita ko na ang isang babaeng naka-tshirt at nakasalamin. Lumapit ako sa direksyon nila at ngumiti.

"Lewis???" Tanong agad saakin ng babae

"Oo, Zelle. Hello hehe!" Nahihiyang bati ko.

"Hala akala ko matangkad ka! Mukha kang matangkad sa profile picture mo!"

"Sa anggulo lang 'yon hahahha!" natatawang saad ko.

Pinapasok na kami sa aming room. Medyo nangangapa ako kasi closed room niya unlike sa public schools, nakabukas ang mga windows and doors. Maaliwalas ba. Since airconditioned ang mga room, kailangan walang bukas na space or else lalabas ang lamig mula sa aircon. Sa unang araw ng pasukan, medyo nagkakahiyaan pa. ganon naman talaga diba? Pero hindi ako sanay na walang kakilala at kadaldalan. Parang last school year si Vianca, Gedie at Cecil lang ang kausap ko. Ngayon iba na.

Days after..

After a couple of days, our substitute adviser decided to do the classroom officers election. I was elected to be the Classroom's Vice President which is hindi ako sanay. Why? Kasi when I was on junior high, I'm always elected as Secretary. More responsibilities rather than VP.

"And I would like to introduce to all of you, your new elected Escort, Adem Windell Logan Navarro" that guy smiled on our classmates including on me. Wait sino ba 'to at nginingitian ako?!

My heart beats fast. It's trembling now. Parang gustong kumawala. Teka lang self, ilang days palang since nung pumasok ka tapos gumaganyan ka na agad? Aba iba ka!

I looked at him from head to toe. I glare at his face. He doesn't have fair skin. He's tanned. But still attractive. He has kissable lips. And his height is tall. He's taller than me. The only problem with him is his petit body. He has thin body built.

He looked at me but I refrained. Hala. Nakakahiya. Baka sabihin niya nakatitig ako sa kanya. Baka sabihin niya pinagmamasdan ko siya.

"Okay officers, you may congratulate each other first then you may take your sit. Let's start with the President first." The President starts to do shake hands at us and we responded as well.

"Okay Vice, go ahead" I start first with the Secretary... and the last is the escort. I offer my hands at him, I smiled and...

"Congrats to you!" I said

"Same to you! Good luck and be responsible" he answered. I turn around and go to my seat...

Today is the second of week ng pasukan. Wala pa masyado kaming ginagawa. Iilan pa lang ang mga teachers na napasok saamin. Bago kasi ang HUMSS strand sa school na ito. In short, kami 'yung first batch.

"Nakakabagot naman! Walang ginagawa!!!" pagrereklamo ni Charity

"Hayaan mo lang! tignan mo sa kalagitnaan, stress overload naman tayo!" Sagot naman ni Marleen

Natawa lang ako sa pinag-uusapan nila habang ako ay kinakalikot ko ang cellphone. Medyo hindi pa ako sanay sa kanila. Nag-a-adjust pa ako. Namimiss ko ang Locsin...

Nakaramdam ako ng gutom. Kaya kinuha ko sa bag ko 'yung pandesal at palaman na baon ko. Yes dala ko yung palaman kasi late na ako nakapasok. Wala nang time para magpalaman sa bahay hehe.

Pagkakuha ko ng tinapay ay inalok ko ang sila kung gusto nila. Dali-daling kumuha si Charity ng pandesal at nilagyan ito ng palaman.

"Ikaw Marleen?" Alok ko sa kanya

"Hala busog pa ako!"Aniya.

"Luh, nahiya pa hahahah! Kumuha kana!" saad ko

"Hala sige ito na nga!" Kumuha siya at nilagyan niya ito ng palaman.

"Bakit dala niyo palaman niyo???" Tanong saakin ni Marleen habang natatawa.

"Late na kasi ako nagising. Eh baka traffic malate pa ako ng bongga!" Sagot ko sa kanyang tanong.

Isusubo ko na dapat ang pandesal nung may napansin ako sa peripheral vision ko. Lumingon ako sa likuran ko upang tignan kung sino ang nakatingin saakin. Nakita ko siya, nakatingin saakin...

"Gusto mo?" sabay alok ko ng pandesal kay Adem. Baka kasi mamaya kaya siya nakatingin gawa ng pandesal... baka gusto rin niya.

"Ayy hindi... salamat hehe" sagot sabay ngiti saakin.

"Dali na, oh ito oh kuha ka nalang" sabay bigay sa kanya ng supot ng pandesal.

"Nahihiya pa oh! Pagkain na 'yan!" Aniya Charity

"Sige na nga! Salamat!" Kumuha siya sabay balik saakin nung supot. He smiled at me.

Biglang uminit ang aking mukha... hindi ko alam ang gagawin ko...

Para kumalma ako, kinuha ko ang cellphone ko at earphones ko at nanood ng movie. At hindi ko inaasahang makakatulog ako...

Lunch

"Oy Lou, gising na!!! Gising naaaaa!" Minulat ko ang aking mata. Nakita ko sa aking harapan si Zelle na nakangiti.

"May teacher na?" Tanong ko sa kanya sabay ayos ng sarili ko.

"Gaga! Lunch na!!! 11:30 na oh. Tara na sa canteen, kain na tayo!!!" Anyaya niya saakin.

Nakita ko sa likuran ko si Marleen, Sia, Charity at Adem...

"Bilisan mo naaaa! Mauubusan tayo ng ulam!" Sigaw ni Charity. Kinuha ko lang ang wallet ko sa bag at tumayo na. Pumunta na kaming canteen.

Room

Napagdesisyunan namin na sa room nalang kumain dahil maraming tao sa canteen. At isa mainit pa hindi katulad dito malamig dahil ng aircon.

Pumunta na kami sa aming upuan.

"Form a circle" Sabi ni Sia at binuhat namin ang aming mga upuan para makabuo ng bilong

"Pray muna tayo bago kumain" Dagdag niya pa.

"Bless us O Lord, and these thy gifts,

Which we are about to receive, from thy bounty,

Through Christ, Our Lord.

Amen."

"Kain naaaa! 20 minutes nalang next period naaa!" Sigaw na naman ni Charity. 'Di ko alam sa babaeng 'to. Ang liit pero ang taas ng boses.

Tahimik lang kami kumain. May konting kwentuhan about sa schedule at kung kailan darating ang ibang mga teachers. Buti nagkakasundo naman kahit papaano.

Ilang sandali pa lamang, natapos na rin kaming kumain. At may dumating na rin na teacher sa wakas...

"Good Afternoon, Benildians. I am Sir Jude Boribor... You can call me Sir Jude nalang. I will be your CPAR teacher for this semester. So, what does CPAR means?"

Tahimik lang ang buong silid bukod sa hugong ng aircon. Actually hindi kami nakapag-research about sa mga subjects namin...

"CPAR means, Contemporary Arts from the Region. At dahil second week na tayo nagstart ng class, may gagawin agad kayo. Get a bondpaper, draw your future house. It will be submitted in 30 minutes and you need to present it"

Nanlaki ang mata ng mga kaklase ko. Wow biglaan. Wala man lang introduce yourself??? Kwento about sa life mo sir???

"nakakaloka naman 'tong si sir! Wala man lang pa-speech. Hindi man lang tayo winelcome" rinig kong reklamo ni Charity

"Kala ko ba gusto mo na ng Gawain?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Wala man lang kasing pa-introduce sa buhay niya eh. Diretso gawain agad! Kaloka!" naiinis niyang sagot

Nag-umpisa na akong magdrawing. Pero hindi ko alam kung anong design ba ang gusto ko.

I remember when I was a kid gusto ko ng may pool. Since walang pool ang aming bahay, ito ang drinawing ko.

"Last 10 minutes" napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko 'yan. Nataranta ako. Wala pa akong nauumpisahan... bahala na.

Inumpisahan ko nang gumuhit. Tamang drawing lang terrace ng aming bahay. Kung ano nalang yung kalabasan bahala na... hindi naman kasi ako mag-a-architect mga teeeeh.

Ilang sandali pa lamang ay may nagpapasa na ng papel nila.

"Pass your papers. Hindi ko na tatanggapin ang late passers. Be ready on your presentation" bigla akong nanlamig. Bumilis tibok ng puso ko. Takte hindi ako ready. Dali dali akong nagpuntang unahan at ipinasa ang aking papel.

Nag-umpisa nang magtawag si sir. Halata ang kaba sa bawat isa. Alam kong ayaw din naman nila mapahiya kaya sila kinakabahan. May tinawag si sir. Tumayo naman ito ngunit halata sa kanyang mukha na kinakabahan siya. At first nilalabanan niya 'yung kaba pero nung napansin niya nang ang hirap nung tanong, hindi na siya makasagot.

Grabe 'yung mga tanong. Hindi ka makakalusot. May mga follow up questions pa.

Tapos na magsalita 'yung kaklase ko. Kitang kita sa kanyang mukha ang kaba at pagkadismiya.

Tumayo si Sir Jude at nilibot ang kanyang paningin sa silid. Iniiwasan ng mga kaklase ko na magkaroon ng eye contact rito dahil alam nilang matatawag sila pag ginawa nila 'yon.

Binalik niya ang kanyang tingin sa mga papel na kanyang hawak at naghanap ng susunod na tatawagin.

"wag ako!!! Wag ako please!!! Hindi pa ako ready!" sabi ko sa isipan ko.

"Mr. Verdetto..." napapikit ako. Takte ang malas ko talaga sa mga ganto. I have no choice kundi tumayo at sagutin mga tanong niya.

"What a nice name. Homber Lewis Verdetto. So unique" Sabi nito ngunit nginitian ko lang siya.

"So what is this?" Tanong niya saakin at ipinakita ang ginuhit kong bahay na may katabing swimming pool.

"House of Dreams po sir..."

"Can you explain it to us precisely about the design of your house?" dagdag niya pa. Lalo na akong kinabahan nito. Hindi nga kasi ako ready mga teh!

Nilibot ko muna ang aking paningin sa buong klase. Lahat sila ay nakatingin saakin. Kabilang na siya. Nag-aantay ng sagot ko.

I breathe in. Breathe out.

"The design of my house was inspired of British House. As you can see on the interior, there are aged walls and furniture" palusot ko nalang. Hindi talaga ganon bahay namin basta semento lang siya. Wala nang iba!

"As I can see on your work, you didn't have any interior design. It is just as a simple drawing who doesn't have any details..." Sabi ni Sir. Napalunok nalang ako.

"I'm not finish yet sir..." sinubukan kong lumusot kaso wala... nakitaan ako ng butas mga teh.

"So, what's the connection of Dreams to your house?"

"Sir that is my dream house that's why I named it The House of Dreams."

"Then?" hindi na ako maka-sagot. Gusto ko nang umupo!!! napalunok ako ng aking laway.

"you may take your seat" umupo na agad ako sa upuan ko at uminom ng tubig...

"Okay ka lang girl?" tanong saakin ni Marleen. Tumango lang ako bilang sagot.

I saw Adem looking at me. At nung tumingin ako sa kanya, bumulong siya using his mouth.

"Tulungan mo ako sa explanation" Pagkakabasa ko sa bibig niya.

"Wait lang lalapit ako diyan" bulong ko.

Tatayo na dapat ako kaso biglang...

"Who's talking?" bigla akong napabalik sa upuan ko.

"You may leave this class if you're going to talk." Bumuntong hininga na lang ako.

"Mr. Navarro, explain your work. What is this?" Nakita ko ang gulat ni Adem sa kanyang mukha. Na may halong kaba.

"Sir me?" sabay turo sa sarili niya.

"Bakit may ibang Navarro pa ba dito?" sarkastikong tanong ng guro.

Tumayo na siya habang nagkakamot sa ulo.

"That's a half house sir" He responded.

"Why this is only half?"

"Sir because Im not finish yet." At natawa kami sa kanyang sagot. Siya rin, natawa sa sarili niya.

"For you, what's this?" Tanong pa uli ni sir dahil may mga maliliit na detalye ang nakaguhit sa kanyang bahay.

"Sir I dont know. That's all" at lakas loob umupo si Adem.

Natapos na ang period ni sir at nakahinga na ng maluwag...

Dumating ang aming adviser na si Ma'am Jessa upang may i-anunsyo.

"Okay officers, wag muna kayo umuwi ha. Try to talk sa pm shift. About sa decors sa room and other policies dito ha? Nasaan ba 'yung President niyo?" tanong ni Maam

"Ma'am may aayusin daw po." Sagot ko.

"Oh, since ikaw naman Vice President, ikaw nalang makipag-coordinate sa kanila ha? Aasahan ko 'yan" Aniya ng guro.

"sige po ma'am!" sagot ko habang nakakangiti.

Wait. Uwing-uwi na kasi talaga ako huhuhu.

"May kasama ka ba?" nagulat ako sa nagsalita. Si Adem.

"Wala na nga eh. Umuwi na 'yung Secretary. Si Zelle naman masama daw pakiramdam gawa ng CPAR. Si Marleen umuwi na." Sagot ko.

"Oh siya samahan na muna kita." Saad niya habang nakangiti. He has a genuine and sweet smile.

"Salamat." Tipid kong sagot.

Ako ay nakaupo sa monoblock while he was standing beside of me.

Nilabas ko ang cellphone ko upang i-check ang sarili ko. Nakita kong medyo sumisilip siya sa camera.

"Tara picture tayo?" hindi ko alam kung anong tumakbo sa isip ko bakit ko siya niyayang magpicture. Takte yaan na nga. HUMSS student naman ako.

"Sige!" sagot nito sabay pose. And we took a photo. First photo with him. Dumating na 'yung President ng pm shift and I talked to her. We discussed everything about sa room frome rules, to decorations and maintaining it to be clean always. I saw Adem listening carefully to our conversation...

Natapos ang aming pag-uusap ng President ng PM Shift kaya lumabas na kami ni Adem ng school at umuwi na.

"Adem salamat sa pagsama saakin ha!" Sabi ko sa kanya.

"Wala 'yon! Sige uwi na ako! Ingat ka!" He smiled at me and waved his hand. Sa panandaliang saglit, nakalimutan ko ang sakit. Ang sakit ng nakaraan.

Today is Friday. Masigla talaga ako every Friday. Hindi ko rin talaga alam. Hahahaha. Ang mga subjects namin today is Oral Communication at English for Academic Professional Purposes at CPAR uli. Nakakawindang lang dahil back to back ang english namin ngayon. Sakit sa braincells niyan panigurado. Hello nose bleed!

Nag-aantay lang kami sa aming Oral Com teacher. Alas-otso na wala pa siya. Nilibot ko ang aking paningin sa mga estudyante sa loob ng silid. May mga nagkakantahan, may mga nagcecellphone at may mga kumakain. Naisipan kong magvideo para mawala yung pagkabagot ko.

"Cha, video tayo!?" Pagyayaya ko kay Charity

"May vlog ka?" Na-amazed na tanong niya.

"Hindi vlog vlogan lang" Pagtanggi ko. Nahihiya kasi ako na sabihing nagvvlog ako though this is my way of practicing to edit videos. I do this because passion ko ang pag-gawa at edit ng videos.

"Tara tara! Ano ivvlog natin?" Tanong niya

"Iinterviewhin na lang kita. Mga expectations mo dito sa first sem, mga kaklase at teacher. Tiyaka bakit ka nag-HUMSS" Paliwanag ko sa kanya.

"Ah sige wait!" Binuksan niya ang bag niya at kumuha ng polbo at ipinahid ito sa mukha. May kinuha naman siya sa kanyang wallet which is liptint at nilagyan ang kanyang labi.

"Wow ha! Kailangan pang magretouch!!!" Natatawang saad ko.

"Siyempre naman. Para presentable tignan!" aniya.

"Okay let's start!" kinuha ko na 'yung phone ko at inayos ang settings ng camera. Ilang sandali pa lamang ay nagsalita na ako.

"hi guys! Welcome back to my channel! So in today's video, nandito po tayo sa Saint Benilde International School. So kasama ko po ang mga classmates ko and right now, wala pa rin po kaming teacher at ginagawa. Katabi ko nga pala si Charity." Itinutok ko kay Charity ang phone ko at masigla naman itong bumati.

"Hi guys! Im Charity!" at kumaway uli ito.

"So ngayon Charity, iinterviewhin kita. Ano ba mga expectations mo dito sa Saint Benilde International School?" tanong ko sa kanya.

"Actually guys madami akong expectations. Sa facilities okay naman siya. Malamig naman 'yung aircon. Sa mga teachers, feel ko naman magagaling sila magturo at mababait... sa mga subjects, expected ko nang mahirap!" Paliwanag niya.

"So bakit ka nag-HUMSS?" Tanong ko.

"Balak ko kasing magpulis someday. Kaya ako nag-HUMSS" nagulat at nanlaki ang aking mata sa sinabi niya.

"Really? Magpupulis ka?" manghang tanong ko.

"Hindi pa naman sure. Pero bahala na kung saan ako dadalhin ng landas na 'to." At tumawa ang gaga.

Nag-usap lang kami ng konti about sa aming buhay nang napagdesisyunan kong isama ang iba sa vlog na 'to. For memories na rin... kagaya ng ginagawa ko sa Locsin.

"Wait lang Cha ha, interviewhin ko lang 'yung iba para fair!" Saad ko

"Oki" Sagot niya.

Ang unang sumagi sa aking mata ay si Sia.

"Hello Sia, magpakilala ka!"

"Ako nga po pala si Sia, 15 years old" Sagot niya

"Bakit ka nag-HUMSS?"

"Balak ko po kasing mag-teacher someday..."

"Okay thanks!" sagot ko sabay talikod.

"'Yun na 'yon?" Tanong niya.

"Aba oo! Papahirapan mo pa akong mag-edit ha!" Natatawang sagot ko.

"Ikaw naman Marleen, anong pangalan mo Marleen?" Lumapit ako kay Marleen at sumagot siya.

"Bobo ka ba! Marleen nga eh!" Naiiritang sagot niya habang natatawa lang ako.

"wow maka-bobo ah! Anong square root ng 100?" Tanong ko sa kanya habang naka-ngiti

"Ito jino-joke lang naman!" Natatawang sagot niyo

"So bakit ka nag-HUMSS?" tanong ko.

"Ahm..." nag-iisip pa siya ng isasagot nang biglang sumabat si Sia.

"Nako wala naman 'yang balak sa buhay niya. Pinilit ko lang na mag-HUMSS kaya nag-HUMSS na rin." At natawa ako sa narinig ko.

"Hindi ah! Magsa-psychologist pa ako eh!" Pagdedepensa ni Marleen

"Wala kang balak sa buhay mo haaa!!!" Saad ko.

Nilibot ko pa ang aking paningin. At nasagi nito si Jay. Lumapit ako sa direksiyon niya.

"Hi Jay, bakit ka nag-HUMSS?" tanong ko sa kanya.

"Hello! Nag-HUMSS nga pala ako dahil gusto kong maging seaman!" at nagpantig ang aking pandinig.

"Wow seaman, mga babaero!" Sigaw ko

"Hindi naman lahat!" pagdedepensa niya.

"Oh siya mag-ingat ka nalang. Wag sana tatama 'yung barkong sasakyan mo sa iceberg" at natawa siya.

Nilibot ko uli ang aking paningin. Nakita ko si Adem na nanonood sa cellphone habang naka-earphones. Lumapit ako sa direksiyon niya.

Tinanggal ko 'yung earphones na nakakabit sa kanyang tenga.

"Mamaya na 'yan, interviewhin muna kita!" inayos niya ang sarili niya at tumingin sa phone ko.

"Adem, anong pangalan mo?"

"Ayan na ah nasabi mo na" at humagalpak ng tawa ang loko.

"gusto namin sa iyo manggagaling dapat complete name!" Natatawang sagot ko.

"Adem nalang for short!" tugon niya.

"Okay Adem, bakit ka nag-HUMSS?"

"Ahhhm, nag-HUMSS ako para maging seaman at matikman ko ang iba't-ibang babae sa iba't-ibang bansa" at nagpantig na naman ang aking tenga. Seaman. Ahh talaga.

"Yak kadiri ka!" nandidiring sagot ko.

"Joke lang!" at natatawa siya.

"Malaki kasi pera pag-seaman, so ayon!"

"ahhh malaki!" at natawa siya sa sinabi ko

"Nako basta seaman, manloloko!" dagdag ko uli.

"hindi naman lahat no!" pagdedepensa niya gaya ng pagdedepensa ni Jay sa sinabi ko kanina.

"Ahm guys, hindi ko naman po nilalahat pero 'yung iba lang ha. Baka ma-misinterpret niyo!" pahabol ko. Baka mabash ako ng mga seaman hahaha.

"Sige salamat! Mag-earphones ka na uli!" Saad ko sabay punta sa direksiyon ni Zelle.

"Hi Zelle, bakit ka nag-HUMSS?" tanong ko sa kanya.

Nga pala kaya ko sila ini-interview para malaman ko kung anong gusto nila sa mga buhay nila...

"Kaya po ako nag-HUMSS kasi gusto ko pong maging sundalo" nanlaki na naman ang mata ko.

"Weh?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Yes!!!" sagot naman niya agad. Tinignan ko ang kanyang mukha. Seryoso siya sa kanyang sinabi...

"Bakit gusto mo mag-sundalo?" na-a-amaze pa rin na tanong ko.

"Bata pa lang ako gusto ko nang humawak ng baril eh. Tapos gusto ko rin protektahan ang Pilipinas mula sa mga mananakop." Naging proud ako sa sinabi niya.

"Napaka-patriotic mo naman! You want to protect our country from the invaders!" Saad ko at nginitian lang ako nito.

"Thank you Krizelleeeeeee!" niyakap ko siya at umalis na ako. Bumalik ako sa aking upuan at tumungo. Takte inaantok ako.

Ilang sandali pa lamang ay dumating na 'yung EAPP teacher namin. Siya 'yung adviser namin. Nagdiscuss siya ng konti. While discussing ay nagje-jet down notes kami. Magaling naman siyang magturo. May pagkamataray nga lang.

Wala pang 11 nag-dismiss na siya. Siguro mga 10:30 pa lamang...

Dahil may mga dala kaming lunch, hindi na kami pumuntang canteen. Binilog nalang namin 'yung mga upuan.

"Hala CPAR na naman mamaya!" pag-aalala sabi ni Marleen habang nakain ito.

"Nakasagot ka na ba doon?" tanong ko sa kanya

"Hindi pa nga eh. Buti pa kayo nakasagot na!" kitang kita sa mukha niya ang kaba at pag-aalala.

"Kaya mo 'yan ikaw pa ba!" Natatawang sabi ko sabay subo sa aking pagkain.

Tahimik kaming kumain. Siguro nagkakahiyaan pang mag-start ng conversation. Saktong pag-aayos namin ng mga pinagkainan ay dumating na si Sir Jude.

"Okay, I'll give you five minutes to fix everything including yourself. And for those who haven't presented their drawings yet, be ready..." tinignan ko ang mukha ng mgaa kaklase ko. Nakita ko na naman ang kaba at pag-aanlinlangan sa kanila. Lalo na si Marleen na nasstress na nagkakamot ng ulo.

Lumabas lang saglit si Sir upang may kunin sa faculty. Habang wala pa siya, inayos na namin ang mga pinapa-ayos niya at umupo na sa aming upuan. Ilang sandali pa lamang ay bumalik na siya. Na may hawak na bahay... miniature house.

"Okay class, be sitted." Sabi ni Sir. Nagsi-upo ang mga kaklase ko. Hinintay niya munang maka-upo lahat bago siya uli magsalita.

"So I want you to group yourselves into five. 10 members per group. May isang group na 11 dapat since 51 kayo." Nagsimula ang ingay sa silid matapos magsalita ni sir.

"Quiet." Mahinahong sabi niya na seryoso ang mukha.

"What is this?" Tinuro niya ang kanyang dala at nagsalita uli.

"This is a miniature house. Abstract. Kailangan niyong gumawa nito. And the submission will be on next Friday..."

Nagulat ang bawat estudyante. 'Yung iba nastress agad.

"I will give you five minutes to find your group. And it will start now" bumalik sa pagkaka-upo si Sir. Dali-dali akong tumingin kala Charity.

"So tayo nalang magkakagrupo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo sige tayo tayo nalang. Wait kuha lang ako ng one fourth" at dali-daling kumuha si Charity para ilista ang mga pangalan namin.

Ang mga nasa grupo namin ay sina; Marleen, Charity, Sia, Zelle, Daniel, Jay, Sine, Adem, Karlo at ako...

"Last two minutes" anunsyo ni Sir.

"Oh sino magpapasa?" Tarantang tanong ni Charity

"Ako na!" tapos bigla kong hinablot 'yung papel sa kanya sabay tayo at pumunta sa direksyon ni Sir.

"Sir ito na po 'yung sa group namin" sabay abot sa kanya nung papel.

Nagpasa na rin ang ibang mga grupo at nagsimula na uli magsalita ang guro.

"This will be the final list of groups for this project... bawal nang lumipat." Saad niya.

"Let's start the presentation..." sabi nito at inilabas niya ang mga bond papers na naglalaman ng aming mga guhit at ramdam na naman ang kaba at tensyon sa loob ng silid-aralan...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login