Download App

Chapter 32: Ang Tibok Ng Damdamin

Ako'y pumunta na sa hapagkainan at sumabay kumain kina Madam Miranda. Tahimik ang buong araw ko. Ako'y iniiwasan ni Asher dahil sa aking sinagot sa kaniya kanina.

"Na may nadarama ka sa akin?"Seryoso niyang tanong dahilan ako'y napatulala.

Ako'y naghanap muna ng maari kong isagot sa aking isipan. Pati ako ay tila naguguluhan sa aking inaaksyon paminsan-minsan. Ako'y napahinga ng malalim at sinagot ang kanyang katanungan.

"Ako ay may nadarama sa iyo ginoo."Ani ko kasabay ang pagsisisi na nadarama ko noong ikatlong araw pa lamang.

"Ikaw ba'y nakakasigurado sa iyong desisyon?"Tanong niya ulit. Ako'y natahimik at nagsimula muling mag-isip. Matagal akong nanatiling tahimik at matagal rin siyang nanatiling nag-iintay ng sagot sa kanyang mga katanungan. Sa totoo lang, wala talagang lumalabas na sagot sa aking isipan. Ang nais ko lamang ay magtagumpay ako sa aking mga plano.

"Hindi ko na kailangan ang iyong paliwanag. Tila ikaw ay nag-iisip pa sa kawalan. " Ani niya at tumayo sa aking harapan. Ako'y napatingin sa kanya ng pagtataka.

"Bakit?"Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Huwag kang mag-aalala, pipilitin kong burahin sa aking isipan ang iyong sinabi noong ikaraang tatlong araw kaya limutin mo na rin ang iyong gustong sabihin at ang sinabi mo noon na tila...wala ka sa iyong sarili."Ani niya at ngumiti. Ako'y nanatiling tulala sa kanyang sinabi. Lumakad na siya patungo sa pinto at binuksan ito.

"Halika na, naghihintay na sila sa iyo sa hapagkainan." Ani nito.

Ano kaya ang pwede kong gawin sa araw na ito?

Ako'y lumabas sa aking silid at pumunta sa hardin. Nasa puno ako kung saan doon natutulog si Asher at nagbabasa ng libro ngunit wala siya rito. Ako'y umupo sa sahig at idinikit ang aking sarili sa puno. Tinignan ko ang magagandang tanawin. May nahulog na prutas sa ibabaw ng puno. Kinuha ko ito at tumingin sa itaas.

"Nandito ka lang pala."Ani ko. Bumaba si Asher sa puno at tumingin sa akin ng pagtataka.

"Sinusundan mo ba ako?"Inis na tanong nito. Ako'y tumawa ng malakas ng marinig ko ang kanyang palabirong tanong. Tinapik ko nang malakas ang kanyang balikat at nagsimulang magsalita.

"Ang taas naman ng tingin mo sa iyong sarili nang may inamin ako sa iyo. Ako'y napadaan lang dito at humalip ng sariwang hangin, sana'y hindi mo lagyan ng malisya."Ani ko sa kanya at tumawa ulit. Nakita ko ang seryosong mukha nito na tumitingin pa rin sa akin. "Patawad, di ko ibig sabihin ang mga salita na iyon."Ani ko ulit. Ako'y tumalikod at nagsimulang lumakad papalayo sa kanya ngunit nagsimula siyang mag-salita.

"Ika'y bumalik na sa iyong sarili. Ngayon ay nasa katinuan na ang utak mo. Maganda iyan." Ani nito habang nakangisi dahilan ako'y sumimangot habang tumitingin sa kanya."Maari ngang may magbubunga sa ating nararamdaman."Ani nito dahilan ako'y nakatulala sa kanyang harapan at nilagpasan ako sa aking katayuan.

Anong ibig niyang sabihin?

Ako'y naglakad patungo sa palasyo mag-isa na puno ng pagtataka. Ang lalim ng aking iniisip, pati si Manang Zelda ay nagtataka rin sa aking iniisip.

"Heleana, ano na naman ba ang iyong iniisip?"Nagtatakang tanong nito sa akin.

"May tanong ako Manang Zelda."Ani ko. Siya naman ay humarap sa akin at handang makinig sa aking sasabihin.

"Ano ang maiitulong ko sa iyo, Heleana?"Tanong niya. Ako'y huminga ng malalim at nagdadalawang-isip sabihin ang gusto kung sabihin ngunit kailangan ko tong sabihin upang malaman ang mga kasagutan na aking gustong malaman.

"Paano mo malaman kung mayroon ka nang nararamdaman sa isang tao o panauhin?"Tanong ko sa kaniya. Siya'y napaisip muna at nagsimulang magsalita.

"Kapag tumitibok ng malakas ang iyong puso o di kaya hindi ka komportable kapag mayron siyang ginagawa na kinaiinisan mo o sadyang naiirita ka sa kanya dahil sa iyong nararamdaman."Paliwanag nito."May natitipohan ka na ba, Heleana?"Agad na tanong nito dahilan ako'y nagulat bigla.

"Wala ho."Pagtatanggi ko sa kanyang tanong. "Nais ko lang naman hong malaman kung paano makaramdam ang isang tao o panauhin kung may gusto siya o may natitipohan ho siya."Paliwanag ko sa kanya.

"Heleana."Tawag sa akin ni Manang Zelda."Parang pinuputla ka."Ani nito at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking noo pati na rin ang aking leeg.

"Mainit ka!"Pag-aalalang sigaw nito.

"Ho?"Tanong ko at hinawakan ang aking sarili.Bakit ako nilalagnat?Wala naman akong ginawa noong nakaraang araw. Ako'y tumayo at nakaramdam ng hilo.

"Heleana!"Sigaw ni Manang Zelda. Inalalayan niya akong maglakad palabas sa silid. "Mabuti pa kung magpahinga ka muna sa iyong silid." Ani nito na puno ng pag-aalala.

"Huwag ho kayong mag-alala, mabuti po ang kalagayan ko."Saad ko sa kanya na nakangiti ngunit puno pa rin ito ng pag-aalala na binabalot ng kanyang muka.

"Kahit na!Kailangan mo pa rin-"Ani nito ngunit ito'y pinutolan ni Asher.

"Anong nangyari?"Tanong niya dahilan kami ay nagulat bigla.

"May lagnat ho si Heleana at kanina'y parang babagsak siya sa kanyang katayuan dahilan sa kanyang pagkahilo."Paliwanag ni Manang Zelda sa kanya. Lumakad si Asher patungo sa akin, ako'y nagulat ng kargahin niya ang katawan ko.

"Ibaba mo nga ako!"Sigaw ko ngunit iwinalang bahala niya lang ito.

"Manang Zelda, pumunta na ho kayo pabalik sa inyong silid. Sigurado akong may mga kasambahay na naghahanap na sa inyo roon."Ani nito.

"Opo, Ginoong Asher. Maraming salamat."Ani nito at yumuko. Siya'y nagbigay galang at paalam sa amin at tumungo na sa kanyang tungkulin. Inihatid ako ni Asher papunta saaking silid. Ibinaba niya ako ng marahan sa aking kama. Aalis na sana siya ngunit nagsalita ako.

"Salamat."Ani ko sa kanya.

"Para saan?"Tanong niya at tumingin sa akin.

"Sa paghatid sa akin kahit na-"Hindi ko itinuloy ang aking sasabihin, ako'y nanatiling tahimik at humiga na lamang. Ako'y tumingin sa aking bintana at iwinala ang pressensiya ni Asher.

"Kahit na ika'y isang pambihirang binibini, hindi ba?"Tanong nito sa akin dahilan ako'y pumikit at binuklot ang aking buong sarili gamit ang kumot dahil sa inis na aking nadarama.

"Isa ka ngang pambihirang binibini."Ani nito at nagsimulang lumabas sa aking silid.

Aking binuklat ulit ang aking kumot at tumingin sa paligid kung wala na siya. Tumitibok ng mabilis ang aking puso at hindi na rin ako komportable sa kanyang pressensiya. Hindi kaya ay nagkakaroon na ako ng nararamdaman sa kanya?

Malabo ata mangyari iyon. Ako'y nakasalalay na kay Hudas at siya naman ay sa iba. Hindi kami pwedeng magbunga sa aming nararamdaman. Kailangan ko itong iwasan para sa ikakabuti ng lahat.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C32
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login