Download App

Chapter 3: Kabanata 2

9:57 am

Ashton Dione:

Morning

:Belle Vasquez

Morning too

Hindi mo sinagot yung tanong ko kahapon

Ashton Dione:

Did you already eat breakfast?

Seen 10:01 am

Napairap ako sa tanong nitong kung kumain na ba ako. Napakapafall naman!

:Belle Vasquez

Pafall

Ashton Dione:

What?

:Belle Vasquez

Whatataps

Ashton Dione:

What are you doing?

:Belle Vasquez

Why speaking english?

Pilipino ka ba

Ashton Dione:

Ofc

:Belle Vasquez

Kilala mo ko?

Ashton Dione:

You're belle vasquez right?

:Belle Vasquez

Tai sa personal?

Ashton Dione:

:D

Seen 10:30 am

Napasandal ako sa headboard ng aking kama. Tinitigan ko ang screen ng laptop ko. Magkaiba naman sila ng typing ni Yumi. Pero bat feeling ko si Yumi talaga 'to.

:Belle Vasquez

Yumi?

Ashton Dione:

Muka ba kong babae?

:Belle Vasquez

Naomi Phoebe Fajardo?

Tama na kakaloko sakin pre

Ashton Dione:

Ashton Dione Funtabella, not naomi phoebe fajardo.

At di kita niloloko

:Belle Vasquez

Pano mo ko nakilala

Pag ikaw si Yumi talaga

Di kita kakausapin hanggang next year!

Ashton Dione:

What are you talking about?

Seen 10:42 am

Hindi ko na 'to nireplyan. Napatingin ako sa notification ko ng umilaw 'to.

Ashton Dione sent you friend request

| ACCEPT | DECLINE |

I clicked the accept button bago pinatay ang laptop at lumabas na ng kwarto. Magaalas onse na pala. Pagkababa ko sa kusina ay narinig ko ang mga boses ng kuya ko. Kompleto nanaman kami!

"Good morning, my," I kissed her cheeks. "Dy." Hinalikan ko rin ang pisngi ni Daddy bago umupo sa tabi ni kuya Seve.

Kumuha ako ng fried rice at bacon. Naguusap sila Mommy at kuya John about sa tower na itatayo nila sa Makati. Hindi ako nakialam sakanila dahil wala pa naman akong alam sa mga pinagsasabi nila.

Napalingon ako kay kuya Seve na nasa tabi ko. "Kuya," Siniko ko siya. "I forgot, asan na yung ibibigay mo sakin?"

He smiled. "Nasa kwarto, mamaya."

Nilingon ko si kuya Sky at dinilaan 'to.

"Nga pala. Malapit ka na magbirthday, Sky?" Si Daddy. Nilingon ko si kuya Sky. Next month na iyon, at balak ata ng parents namin na sa bagong tayong hotel namin icelebrate ang birthday niya.

"Any plans?" Si mommy. "Sa hotel tayo magce-celebrate para maimbitahan din namin ng daddy mo ang mga business partners namin."

"Okay," Si kuya Sky. "Alcohol please?"

"Just know your limits," Si daddy. Lumingon ito kay mommy, "Call Yna, para mapaghandaan na yung sa party ni Sky."

Our breakfast went smoothly. They ask kuya Seve about his residency, last year na ngayon ng kuya unti nalang at magiging ganap na siyang doctor. Kinamusta lang nila kami bago sila nagpaalam umalis.

Nagiging busy na sila dahil narinig kong nagkaproblema yung isang building na tinatayo nila. Di ko na inusisa dahil wala talaga akong ka-alam alam. Kahit na sinasabi nila mommy na dapat may malaman na ako kahit unti dahil darating ang panahon na isa na din daw ako sa hahawak ng kompanya.

Kumatok ako sa pintuan ni kuya Seve bago pumasok.

"Where it is! Where? Where?" Excited kong tanong. Nakaupo ito sa study table niya at nagla-laptop mukhang hanggang dito ay kailangan niyang mag-aral. Tinuro niya ang drawer sa ibaba ng tv niya.

Lumapit naman ako doon at binuksan. To my suprise, yung LED na ilaw na gustong gusto kong ipabili kaso palaging busy sila mommy. I hugged him tight.

"Yie! Thanks kuya! Aral well!" I kissed his cheek. Umangal pa ito pero tumakbo na ako palabas ng kwarto niya. Tinawag ko pa ang isang kasama namin sa bahay para tulungan akong ikabit yung strips sa kisame.

"Thanks, ate!" I smiled and waved my hands at her. Pinatay ko ang ilaw at tumingala ako sa kisame. Perfect. Hindi ko na kailangan buksan magdamag ang ilaw ng kwarto ko. Nasanay kasi akong hindi pinapatay ang ikaw ng kwarto.

Pinagpatuloy ko ang panonood ng series sa netflix para pampalipas oras. Balak kong puntahan si Yumi mamaya sa kanila.

Alas tres na ng dumilat ako. Nakatulog pala ako habang nanonood. Nagayos muna ako sa sarili bago bumaba.

Pagkababa ko ng hagdan ay ganun nalang ang pagkagulat ko ng makitang halos lahat ng katropa ni kuya Dax ay nandito, may mga alak sa lamesa at naglalaro sila ng baraha. May mga babae rin at mukhang mga girlfriend nila 'to. Napangiwi ako sa ingay nila.

"Kuya, kila Yumi lang ako ah?" Pagpapaalam ko. Napalingon ang ibang kaibigan ni kuya saakin. I just smiled at them.

"Anong oras uwi?" Tanong nito at sumipsip sa can beer na hawak niya.

"Maya. Di ako pagpapagabi bye!" Tumakbo na ako palabas ng bahay at sinimulang lakarin papunta kila Yumi.

Kabilang kanto lang naman sila kaya mabilis na nakarating ako sa tapat ng bahay nila.

"Yums?" Tawag ko dito. Nakadalawang doorbell ako bago may lumabas sa bahay nila. Si ate Izza.

She opened the gate, "Pasok ka muna."

Napailing agad ako dahil balak ko lang naman ayain si Yumi sa labas. "Si Yumi po?"

"Ay! Hinatid si Jade sa may gate. Baka pabalik na din 'yon." Jade, pangalan ng pinsan ni Yumi na four years old.

"Ay sige po pakisabi nalang po na pumunta ako." I smiled at her. She just nodded at me and waved her hands.

Sayang, balak ko pa naman sanang ayain si Yumi sa may tapsihan sa clubhouse. Bagong bukas kasi iyon at balita ko ay masarap ang mga pagkain doon.

Pagdating ko ng bahay ay nandun parin sila kuya Dax, mas nadagdagan sila ng bilang. Kung kanina ay lilima lang sila rito, ngayon pakiramdam ko higit sa sampu na sila.

Balita ko ay may nilalandi 'tong kapatid ko kaya pinagmasdan ko ang mga babae, gusto kong makilala! Para naman may bago akong majudge sa nilalandi ng mga kapatid ko.

"Oh? Tinitingin-tingin mo?" Napairap nalang ako ng marinig ko ang boses ni kuya.

Nginitian ko nalang siya pati narin yung mga kasama niya bago umakyat pabalik ng kwarto. Kinuha ko yung laptop ko at nilog in ang facebook ko. He messaged me again!

3:45 pm

Ashton Dione:

Hey

Bat di ka na nagreply?

:Belle Vasquez

May ginawa ako kanina

Kauuwi ko lang rin

Ashton Dione:

San ka galing?

Napangisi ako. Ano ba yan!

:Belle Vasquez

Sa puxo mHue <3

Ashton Dione:

Buti nagkasya ka

Maugat 'no?

:Belle Vasquez

Sikip nga e, andami namin dito.

Ashton Dione:

lol

:Belle Vasquez

Taga san ka

Napangiwi ako sa sinend ko. Wait. Bakit parang iba yung dating saakin. Parang nagmukhang interisado na 'ko sakaniya?

Ashton Dione:

Rizal

Nanlaki yung mata ko sa nabasa ko. Wait. Baka totoo nga yung sinasabi ni Yumi na nakita ko siya sa venue nung nag-enrol ako!

:Belle Vasquez

School?

Napakagat ako sa daliri ko habang inaantay ang reply niya sakin.

Ashton Diones:

I transferred at VNU

My jaw drop. VNU! Sa Venue siya magaaral!

:Belle Vasquez

Kelan ka nagenrol?

Ashton Dione:

Last week? I guess

Wait. Last week. So kung nung last week pa, hindi niya ako nakita sa school! Then how the hell did he know my facebook account and act like I know him for so long?

:Belle Vasquez

I see.

How old are you?

Ashton Dione:

I'm 19

:Belle Vasquez

oki

I logged off my computer. Lowbat na yon kaya chinarge ko muna. My phone rang, si Yumi tumatawag.

[Pumunta ka daw sa bahay?]

"Oo teh! Gala sana tayo kaso wala ka naman eh kaya wag nalang."

[Bayan! Dapat kasi nangiinform ka.]

"Kasalanan ko pa? Ha?"

[Duh!] Bakas sa boses nito ang pagirap.

"Tara? Ngayon nalang." Aya ko wala naman ako magagawa rito sa bahay.

[Teka. Maliligo muna ako. Saan ba tayo?]

"Sa clubhouse! Kain tayo sa may tapsihan don. Masarap daw e."

[Moni na din] Humalakhak ito sa sinabi niya.

"Basta unti!"

[Yown! Ligo muna 'ko! Text kita pag tapos na]

Humahagikhik ako habang pinapatay ang tawag. Inilipag ko sa gilid ng kama ko ang cellphone ko. Naka isang movie pa ako bago ako nakatanggap ng text mula kay Yumi. Pakabagal kumilos badtrip.

Palabas ako ng kwarto ko ng makita ko ang itsura ng kuya kong nakangiti sakin.

"Bakit?" Tanong ko kay kuya Sky.

"Peram laptop," Nakangiti parin sakin 'to.

Papasok na sana siya ng kwarto ko ng harangin ko siya. "May laptop ka ah?!"

"Lowbat!" Tinulak tulak niya pa ako.

"Aba! Kakacharge ko lang niyan!" Hinila ko ang damit nito pero nabitbit na niya ang laptop ko. "May cellphone ka naman ah!"

"Parehas lowbat! Dali na, Belle! Saglit lang!" Bakas dito ang pagmamakaawa, hindi ko alam kung mabwi-bwisit ako o matatawa eh.

"Susumbong kita kay mommy!" Inis na sigaw ko ng pagsarhan niya ko ng pintuan ng kwarto niya.

"Anmeron sa mukha mo?" Salubong ni Yumi ng makita ang itsura ko pagkalabas ng bahay.

"Inis kay kuya Sky! Hiniram laptop ko." Napairap ako. Mas malapit ang bahay namin sa clubhouse kesa kila Yumi kaya dinaanan niya ako.

"Kain at inom nalang natin yan, 'te!" Hinampas ni Yumi ang likuran ko at nginitian ako.

Nginiwian ko 'to. "Inom na inom? Sumbong kita sa mommy mo ha?"

"Sumbong rin kita sa mga kuya mo na pumayag ka?" Tinaasan niya ko ng kilay. Alam niya talo ako kapag sinumbong niya ko kila kuya.

"Ewan sayo, Yumi! Dapat talaga di na kita inaya!" Tumawa lang siya.

Asaran kami ng asaran ng makarating kami sa clubhouse. Inaantay na namin iserve yung inorder namin. Maraming tao rito, siguro tama talaga na masarap ang pagkain na sinerserve nila.

Tag dalawang can beer kami ni Yumi. Tapos na kaming kumain at nagpapahinga nalang. Gabi na rin kaya bukas na ang mga street lights.

"Sure ka bang hindi ka talaga yung Ashton Dione?" Tiningnan ko siya sa mata. Mabilis kong mahuhuli si Yumi kapag lumikot ang mata nito.

She looked at me straight in the eye, "Bitch what the fuck, hindi nga ako yon!" Inirapan niya ko bago siya lumagok sa beer na hawak niya.

"Tae kasi e. Ang lakas din kasi ng feeling ko na kakilala ko siya." Napaisip ako. Ashton Dione. Familiar. Saan ko ba narinig yon?

"Uwi na tayo. Inaantok na ako," Nilagok niya ulit ang beer bago siya tumayo. "Baka umisa pa ako dito, di ko na mapigilan sarili ko."

Tumayo na din ako. Lumapit kami sa counter para magbayad. Di naman ganoon kalakihan yon kaya ako nalang ang nagbayad tutal ako rin naman ang nag-aya.

Pagkauwi ko, wala na yung mga bisita ni kuya Dax sa sala.

"'Te, andito pa yung mga friends ni kuya?" Tanong ko sa isang kasama namin sa bahay ng mapadaan siya sa harapan ko.

"Oo. Nasa backyard sila, nagswi-swimming na. Kakain ka na ba?" Napalingon ako sakaniya. "Wala ang mommy at daddy mo. Si Seve naman ay bumalik na ulit ng ospital. Si John naman ay sabi sa labas nalang raw kakain."

Napalingon kami ng bumukas ang glass door ng backyard. There I saw kuya Dax kissing a girl, buhat buhat niya ito. Hindi niya ata kami napansin kaya tuloy tuloy silang umakyat sa taas.

My mouth form an, 'o' what the hell?

"Si kuya Sky?" Nilingon ko siya ulit. Nagulat rin ata siya. "'Te?"

"A-ah! Si Sky, k-kanina pa siya kumain." Parang naaligaga siya at di alam ang gagawin. "Sa kusina muna ako. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka."

Nagmamadali itong umalis. Napakunot noo ako. Weird. Pinagsawalang bahala ko nalang iyon. Umakyat nalang ako sa kwarto at nakita ko ang laptop ko sa ibabaw ng kama. May sticky note pa roon na nakadikit.

thanks, my sis mwa

Ngumiwi ako. Kahit kelan talaga! Dinikit ko nalang yung sticky note sa may study table ko. Naghugas muna ako ng katawan bago humiga sa kama. I opened my laptop.

May three unread messages roon. Inuna kong buksan ang chat ni Yumi.

8:55 pm

Yumi Fajardo:

Bitch guess what!

:Belle Vasquez

What?

Yumi Fajardo:

Dito na magaaral si Aster!

Kompleto na tayo hoy!

:Belle Vasquez

tangina legit ba?

Yumi Fajardo:

oo tae!

Punta ka bukas dito ha

Darating sila mamaya e!

:Belle Vasquez

Outing agad!

Yumi Fajardo:

Tangina ayoko sa may clubhouse magswimming ha. Berde tubig don hayop

:Belle Vasquez

luh marunong ka bang lumangoy?

Yumi Fajardo:

Inamo talaga

Seen 8:58 pm

Natatawa pa akong pinindot ang chat ni Aster.

5:49 pm

Aster Cariazo:

Girl! Kila Yumi na kami titira!

8:59 pm

:Belle Vasquez

Oy nabalitaan ko nga

Gago ka namiss kita

Kala ko tuwing summer ka nalang dito e!

Aster Cariazo:

Ventians na din ako hayop

:Belle Vasquez

Bat enrol ka na ba

Aster Cariazo:

Di pa!

:Belle Vasquez

Edi di ka pa ventians

Aster Cariazo:

Di nalang umoo e no, sapak ka sakin bukas.

Hindi ko na siya nireplyan tutal magkikita naman kami bukas. Edi bukas ko nalang siya aasarin!

4:10 pm

Ashton Dione:

Are you busy?

9:05 pm

:Belle Vasquez

Slr. Jgh

Ashton Dione:

San ka galing?

:Belle Vasquez

Sa may tapsihan. Kumain kami ni yumi

Ashton Dione:

Oh. Thought you were sleeping.

:Belle Vasquez

Lol no, i can't sleep at noon

Ashton Dione:

Why

:Belle Vasquez

I'm busy watching series on netflix

Ashton Dione:

Oh i see

Good night

Napasimangot ako. Good night agad? Yun na yon?! Aga naman matulog nitong cuticle remover na 'to.

:Belle Vasquez

It's too early to sleep?

sleep ka na agad?

You're weak naman.

Ashton Dione:

Lol. di pa ako matutulog

ikaw? di ka pa ba matutulog?

:Belle Vasquez

Like what i said its too early pa po

Ashton Dione:

Okay haha

Brb kakain ako

:Belle Vasquez

Okay po :>

Natawa ako sa reply ko. Self, bat ganiyan? Bat ang harot ha? Lasing ka ba ha?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login