Download App

Chapter 2: Two

"Photo Booth na lang!" suggest ni Nico sa Class President namin.

"Too common." saad nito pabalik.

Nagdi-decide kasi sila ng gagawing pakana sa araw ng mga puso. Bali contest na rin kada section at kung sino ang mananalo ay bibigyan ng trophy. Wala naman sana kaming pake pero recognition na rin para sa section naming inaamag na ang pangalan.

"Jail booth with a twist, Pres." sabi ulit ng isa. Napabaling ang tingin namin sa kaniya.

"With a twist? Anong klaseng twist?" tanong ni Lyka, ang class president.

"Hulihin niyo tapos habam-buhay nang ikulong." walang kwenta nitong saad na nagpatawa sa amin.

"May panali ka?" tanong ni Ria sa akin kaya naman iniabot ko sa kaniya ang pony tail ko. Nagpapatirintas kasi ako sa kaniya ng buhok. Hindi naman ako marunong kaya siya na lang.

"Any idea? How about you, Lagdameo?" napatigil ako sa tanong niya. Nasa akin na nakatutok ang tingin ng lahat.

Aba. Malay ko sa ganiyan. Wala nga akong ka-valentine tapos ako pa tatanungin.

"Nako besh. Sungit pa naman niyan ni Lyka." bulong sa akin ni Ria habang hinihigpitan ang pagkakatali ng buhok ko. Napapasunod na lamang ang ulo ko sa bawat hilang ginagawa niya.

"Horror booth na lang pres."

Nagtawanan ang lahat sa sinuggest ko. Sino nga ba naman kasing tao ang gagawa ng Horror booth sa araw ng mga puso? Ampalaya na lamang 'yung ganoon.

"A'right. Horror booth then." napatigil kaming lahat sa sinabi ni Lyka.

"Oy. Joke lang 'yon!" bawi ko pero mukhang kuntento na siya sa sinabi ko.

"Okay na, para naman unique. Hindi man tayo manalo at least kakaiba tayo." confident na saad ni Pres. kaya naman napangiwi kaming lahat.

As if namang ia-approve ni Ma'am 'yon.

Lumabas na siya ng room habang dala ang folder. Ipapa-check kung pwede na iyong booth at para na rin makapag-simula na ng plan. Ilang minuto lamang ang lumipas nang muli siyang bumalik ng classroon. Nakangiti siya kaya may ideya na kami sa nangyari sa pag-uusap nila ni Ma'am.

"Approved na ni Madam." ngiti niyang sambit kaya naman napa-what ang lahat. Tanging facepalm na lamang ang ginawa ko.

Taragis na suggestion 'yon, self!

"Dahil horror booth ang ganap ng section natin for valentine's day at dahil siya ang nag-suggest. Lagdameo, ikaw na si sadako!" sigaw ng isa kaya naman nagtawanan sila.

Grabe talaga!

Tumango-tango naman si Lyka. "Oo. Maputi ka rin naman tapos mahaba pa buhok mo. Ikaw na lang para tipid sa materials." seryosong saad ni Pres.

Grabe talaga! ×2

"Classmate ko ba kayo?" simangot kong saad.

"Hindi. Wala kaming kaklaseng matino." saad pa ng isa.

Lumipas ang mga araw at naging busy kami sa paghahanda. May mga oras na nashu-short kami sa pera pambiling materials kaya obligadong mag-ambag ulit ng panibago. Manghihingi ako sa tatay ko ng pera pero sisermunan muna niya ako bago bigyan. Kagaya kanina. Nanghingi lang naman ako ng additional fifty pesos pero nakwenta na gastos namin sa bahay maski ang bill ng tubig at kuryente. Nadamay pa ang grade ko simula noong Grade 1 ako na wala namang kinalaman sa hinihingi kong pera. Tinitipid ko rin naman kasi baon ko dahil pamasahe pa lang sa bus at tricycle e nakakaloka na. At saka  iyon ang pinambibili ko ng mga modules every quarter para hindi ko na kailangang humingi sa kanila.

"Masyadong manipis. kapalan pa natin." ani Ria at mas priness ang powder sa mukha ko.

"Tama na. Sadako ako hindi walking espasol." paalala ko sa kaniya na ikinatawa niya lamang. Iginilid niya na ang poweder bago ilugay paharap ang buhok ko. "Ayan. Okay na!"

Inayos ko ang puti at mahaba kong damit na may bahid ng red liquid para may thrill. "Punta ka na sa pwesto mo." aniya. "Goodluck sa section natin!"

Ilang oras ang tinagal ng pananakot namin. May mga tao namang natakot at may mga taong tawa lang ng tawa. Sa akin naman, sakto lang. Mukha akong ewan na ginagawa ang lahat para sa ikararangal ng section namin. Around 5:30 natapos ang part ng mga booth dahil magu-umpisa na ang pa-kanta ni Principal at exchange ng bulaklak or kahit anong pakana para sa taong trip mo sa buhay.

"Lagdameo! Pasauli nga 'to sa section 2. Kailangan na yata nila para sa next program."

Kinuha ko sa kaniya ang isang kahon na may lamang kung anu-ano. Ito yata iyong hiniram namin last day sa kanila. Tinawag ko si Ria upang pasamahin sa akin. Compared naman sa aming dalawa, hindi hamak na taga-ayos lamang siya sa amin kaya normal pa rin ang mukha niya.

Yakap-yakap ko ang box habang nakikipag-usap kay Ria papunta sa room ng Section 2. Makalat ang lugar dahil sa mga booth at tent na tinayo sa paligid. Daig pa ang foundation day.

Nasa third floor na kami nang makarinig ng malakas na hiyawan. Puno rin ang room nila nang tumapat kami. Mostly ay babae. Section 1 nga naman.

"Anong booth nila?" tanong ko kay Ria.

"Photo booth ang alam ko." sagot nito. Tumango na lamang ako bago nagtuloy sa katabi nitong room ng Section 2. Iniabot ko ang box sa president nila at nagpasalamat bago pumanhik pabalik na sana ng booth nang hilahin ako ni Ria papasok sa loob.

"Oy. Balik na tayo. Kailangan pa nila ng tulong sa pag-ayos doon." sabi ko sa kaniya habang hinihila siya pabalik pero hindi siya nagpatinag.

"Saglit lang 'to!" aniya habang nakatingin sa harap. "Nandito crush ko. Magpapa-picture lang ako."

Napairap na lamang ako sa sinabi niya. Nakitingin din ako sa harap kung saan nagpapa-picture ang ilan sa mga kababaihan. Mas lalong naging siksikan kaya mas natulak ako pagaharap hanggang sa matisod ako sa upuang nakaharang. Malakas akong lumagapak sa sahig kaya malakas din akong napa-aray dahilan ng pagtahimik ng mga taong nagsisigawan kani-kanina lang.

"Miss."

Umangat ako ng tingin sa lalaking nagabot sa akin ng kamay. Napabaling ako roon pataas sa wrist niya.

"Baybayin." mahina kong bigkas nang makita ang characters na iyon na nakaukit sa leather watch. Gulat akong tumingin sa kaniya.

"Bandana."

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses nang bigkasin ko ang mga katagang iyon.

"Bandana..? Ahh.. Mura lang 'to. Binili ko sa manggahan." aniya sabay ngiti. Tinulungan niya akong tumayo pero nakatanga pa rin ako sa harap niya.

"Hoy Virtudazo! Kay Miss Sadako ka na lang magpa-picture. Ikaw na lang walang souvenir sa booth natin ngayon!" sigaw ng isang lalaki.

Sadako..?

Tinignan ko ang damit ko bago napatapik sa ulo ko. Nakakahiya! Bakit sa ganitong ayos pa ako nakita ng crush ko?!

"Oo nga. Hindi naman na dadating iyong Clara mo. May pageant 'yon for Miss Valentine ngayon!" sigaw pa ng isa.

Clara...niya?

Awts. Taken na nga si Crush. Kaya pala ngumingiti siya noon sa ka-chat niya sa bus. Pumapag-ibig na pala.

Napakamot na lamang ito bago tumingin sa kaniya.

"Pwede ba?"

Pwedeng-pwede. Iuwi mo na rin ako kung gusto mo!

"Sige lang."

Hawak-hawak ko ang index finger ko bago nahihiyang tumabi sa kaniya sa harap. Umakbay siya sa akin kaya naman mas lalong hindi ako makagalaw. Tinignan ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko bago sa mukha niyang nakangiti habang nakatingin sa camera. Napayuko na lamang ako dahil sa pamumula ng mukha.

"One!"

Maghunos-dili ka!

"Miss Sadako." tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Two!"

Pero mukhang mali pa ang nagawa ko dahil nang lumingon ako...

"Three!" 

....lumapat ang labi ko sa labi niya na ikinatili ng lahat kasabay ng masigabong palakpakan ng mga nakakita.

Click!!!!

"Yieee!!! First kiss mo 'yon ateng?" kinikilig na tanong ni Holy sa akin kaya naman nahihiya akong tumango. 

"Parang ganoon na nga.." namumula kong sambit. 

Pinaypayan ni  Holy ang sarili niya habang kumikislap ang mata niyang nakatingin sa akin. "Sana may Boy Bandana rin akong makita sa bus!"

Napatawa ako sa sinabi niya. "May camera man ka naman o." tudyo ko sa kanilang dalawa.

"Ew!"

"No way!"

Mas lalo akong natawa sa chorus nilang pagsasalita. "Bagay kayo. Ganiyan-ganiyan din mga kilala ko dati pero nagkatuluyan din naman."

Napasinghal si Dexter habang napainom naman ng tubig si Holy.

"Miss, kauri ko rin ang bet ko," ani Dexter.

Ow. Nagulat ako roon a. Tinignan ko si Holy na tawa ng tawa sa harap ko. "Nako ateng, mas babae pang kumilos sa akin 'yan."

"Bakit..parang hindi naman?" awkward kong saad. Nagulat talaga ako. Hindi kasi halata!

"Niriregla po ako ngayon kaya medyo may toyo ang binibini niyo~!" ani Dexter gamit ang pinatinis na boses. Napatakip ako ng bibig ko.

"OMG!" 

"Gulantang ang diwa niyo diba? Wag kayong mag-alala. Maski ako." muling hirit ni Dexter. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sayang. Gwapo pa naman.

"Move on na!" natatawang sambit ni Holy. "Ateng, kung iyon iyong una niyong encounter, paano pa kayo naging close?"

"Kami?" Inayos ko ang pagkakasandal ko sa upuan. "Siya iyong nangungulit noon e." Iiling-iling kong sagot nang maalala kung paano siya mangulit sa akin noon. "Transferred student lang naman kasi ako noon. Mga second quarter yata kaya hindi ko rin alam na schoolmate ko pala siya. Naaalala ko pa ngang nasampal ko siya pagkatapos mangyari iyon noong Valentine's day kaya the next day, nagulat nalang akong inabangan niya ako sa labas ng room tapos nag-sorry siya habang may hawak na gumamelang pinitas niya lang rin." wika ko na medyo natatawa nang maalala ang mga ginagawa niya dati.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login