Download App

Chapter 2: Agahan

Ilang minuto din ang lumipas matapos ibahagi ni Antonio ang pagkain kay Jose Rizal. Nakatindig lamang sa harapan ng doktor si Antonio habang pinapanood itong mag-agahan.

Naglalaro ang mga salita sa isip ni Antonio. Hindi siya mapakali kung paano bibigkasin kay Jose ang plano ng katipunan na siya ay itakas.

"Gusto ng katipunan na ikaw ay maitakas ngayon" biglang wika ni Antonio.

"Nahihirapan ang iyong kalooban, kitang kita sa mga pawis at ngatog ng iyong katawan." wika ni Jose.

Lingid sa kaalaman ni Antonio na siya ay pinakikiramdaman ni Jose Rizal.

"Pasensya na ho'!" bigkas ni Antonio habang dali dali niyang nilapat ang kanyang dalawang kamay sa lamesa kung saan kumakain si Jose.

"Hindi makakapayag ang katipunan at bayan na patayin ka ng mga kastila!"

"Huminahon ka. Hinaan ang iyong boses at baka madinig ka ng ibang guwardiya na tapat sa Espanya"

"Pasensya na po."

Dahan dahang tumayo si Jose sa kanyang kinauupuan. Tumalikod kay Antonio at kalahating minuto na matahimik na nagiisip.

"Ang inaasam natin na kalayaan ay nasa inyong mga kamay at wala sa akin" wika ni Jose.

"Ngunit, kailangan po kayo ng bayan. Kinikilala kayo san man dako ng bansa, maging elitista o simpleng mamamayang Pilipino. Ang inyong suporta ay makakatulong sa katipunan."

"Hindi ko alam ang aking gagawin. Ayoko na mapahamak ang mga kapwa ko Pilipino para lamang sa aking sariling kaligtasan."

"Hindi lamang po para inyo ang aming magiging sakripisyo. Kundi para sa bayan, para sa kalayaan." wika ni Antonio.

"Diyos ko, naniniwala ako na may magandang kinabukasan na naghihintay para sa aking mahal na bayan" pabulong na wika ni Rizal habang nakatitig sa mga pader ng kanyang selda.

"Pagisipan po ninyong mabuti. Babalik po ako mamayang tanghali upang malaman ang inyong sagot."

Ilang minuto ang lumipas na walang kibo si Jose Rizal. Nakatayo na para bang estatwa at nakatitig sa kawalan.

"Mga guwardiya, oras na ng pagtitipon!" isang malakas na boses ang bumasag sa katahimikan ng selda.

"Salamat! Susunod na ako!" sagot ni Antonio.

Kinuha ni Antonio ang pinagkainan ni Jose na tila wala pang nabawas. Paglabas ng selda ni Antonio, binaba niya ang pagkain sa lapag at muling kinandado ang pinto ng selda. Bago lumisan si Antonio, tumingin sya kay Jose at hinintay nito na sya ay lingunin.

Lumingon si Jose Rizal.

"Salamat!" wika ni Jose kasabay ng pagtungo kaniyang ulo.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login