Download App

Chapter 2: Kabanata 1

"Do whatever your heart's want you to do."

Nagising ako dahil sa sunod-suod na pagtunog ng alarm clock sa tabi ko. Kinusot-kusot ko pa muna ang mga mata bago napagdesisyonang bumangon.

"Kuya!" sigaw ng kapatid ko mula sa kung saan.

Sa takot na baka may nangyaring masama sa kaniya mabilis akong nagtungo sa kinaroonan niya. Maayos naman itong nakatayo sa loob ng kwarto. Nakatitig sa malaking salamin. Hindi ko na napigilang batukan ito sa sobrang kaba.

"What was that for, Kuya?" Nagtatakang tanong nito habang nakataas ang kilay at tila may balak pang magalit sa akin.

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw diyan? Akala ko may nangyari na sayong masama," ani ko.

Inirapan pa muna ako nito bago muling tumingin sa salamin na nasa harapan niya.

"Unang araw ng pasok hindi ka pa handa. Sa pagsigaw ko naman, kanina pa kita ginigising ayaw mong dumilat eh. Hihingi sana ako ng baon." Muli ko itong binatukan.

Baon pala huh.

"Alam mo Kuya kanina ka pa batok nang batok sa akin. Masakit na ah," puna ni Angela.

"Aba't nagrereklamo pa. Nasaan na ang pera na binigay ni Mama sayo? Binigyan ka niya diba? That should be your allowance saan mo nanaman ba ginamit?"

"Mall shopping. Kuya, hindi naman ako boring na tao noh. Kailangan ko ring magliwaliw."

Akmang babatukan ko na ito pero nakalayo na siya.

"Mambabatok nanaman eh!" reklamong sigaw nito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kapatid kong ito kaya naman napakamot na lang ako sa sariling ulo dahil sa isinagot nito.

Bakit ba napakamagastos ng mga babae?

Matapos nitong makuha ang pera, humalik lang ito saglit sa pisngi ko bago tuluyang nagpaalam.

"Mag-ingat ka!" sigaw ko habang umiiling-iling.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa puting pader. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang kasalukuyang oras.

6:45 am.

Napaka-aga naman ata ng gising ko. Umiling-iling na lang ako at nag-almusal na lang, nagpahinga ng isang minuto bago naligo ng tuluyan.

Marami nang mga estudyante ang pakalat-kalat sa buong klase. Ngayon ang unang araw ng klase, paniguradong maraming bagong chicks ang nakakalat sa campus.

Napatingin ako sa isang babae na tila may kahawig na imahe.

Saan ko nga ba nakita iyon? Teka! Oo sa panaginip ko! Siya 'yong palaging nakangiti sa bawat litratong hawak-hawak ko!

Pamilyar ang katawan nito kaya naman malalaki ang mga hakbang kong nilapitan ito at kinalabit agad.

"Bakit po?"

Hindi siya. Akala ko ito ang babaeng nasa panaginip ko.

"Sorry." Paghingi ko ng tawad.

Lumayo na ako sa kanila, baka pagkamalan pa akong weirdo sa mga ginagawa ko. Hindi na rin ako nag-abala pang bigyang-pansin ang mga babaeng may kahawig ng katawan at buhok ng babaeng nasa panaginip ko. Iyon lang ang naaalala kong imahe niya sa utak ko.

Bakit ba lagi siyang pumapasok sa utak ko? Kahit sa panaginip ay hindi ako nito nilulubayan.

"Aries!" sigaw mula sa kung saan ang pumukaw sa atensyon ko.

Napalingon ako roon.

"Nakatulala ka nanaman. Hindi ka pa rin ba magaling? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" tanong ni Jacob sa akin.

Umiling na lang ako at saka tahimik na nakinig sa announcement.

Dumami ata ang nag-enroll sa school ngayong year. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid hanggang sa tumigil ang titig ko sa isang pamilyar na babae. Maayos ang pananamit nito mula sa hapit na hapit na damit at jeans nitong maong. Nagniningning tuwing naaarawan naman ang buhok nito siguro ay dahil sa straight nitong buhok. Mas lalo kong pinanliitan ng tingin ang babae, mapula ang mga labi nito at malamlam ang mga mata habang tahimik na nakatayo sa linya nito.

"Si Gaea ba 'yon?" Nagtatakang tanong ni Melio sa akin.

Kumunot ang noo ko at saka tumingin sa kaniya.

Gaea. Gaea pala ang pangalan mo. Familiar. Hindi ko lang malaman kung saan ko narinig iyon.

"Kilala mo?"

"Malamang."

"Paano mo siya nakilala? Saan mo siya nakilala? Kailan kayo nagkakilala?"

"Sandali lang naman, bro. Wala ka bang matandaan?" Malakas na siniko ni Jacob si Melio.

May itinatagong mensahe ang mga matatalim nitong mata na tumingin kay Melio.

"Oo kilala namin siya. Diba siya 'yong babaeng nakita natin noon sa mall na umiiyak dahil ipinagpalit siya ng nobyo niya?" kwento ni Jacob.

Kumunot muli ang noo ko, wala akong maalalang nangyari ang ganoong sitwasyon.

"Gano'n ba, kaya pala pamilyar siya sa akin," sagot ko at saka muling itinuon ang atensyon sa gurong nagsasalita.

"Hanggang ngayon baliw na baliw pa rin." Mahinang bulong ni Melio saktong-sakto lang para marinig ko.

Napatingin ako sa kaniya ngunit mabilis nitong iniwas ang paningin sa akin.

Matapos ang announcement pinapasok na kami sa kani-kaniyang classroom. Imbes na pumunta sa classroom dumiretso ako sa school canteen. Ngunit bago pa man ako makapasok napako ang paningin ko sa isang tao. Gaea.

Tahimik itong kumakain habang inililibit ang paningin sa mga estudyanteng nasa paligid niya. Pakiramdam ko biglang nagslow-motion ang paggalaw nito mula sa pagsubo hanggang sa pag-nguya nito at sa paglunok. Napakagat-labi na lang ako.

Ano ba itong nararamdaman ko?

Mariin ko muli itong tinitigan, napakasimple talaga ng suot nito. Maayos na nakalugay ang hindi gaanong mahabang buhok nito, katamtaman lamang ang puti nito na bumagay sa kaniya. Taglay din nito ang kagandahang makikita mo lang sa tuwing tititig ka ng matagal sa kaniya. Prente itong nakaupo sa upuan habang nakatukod na ang kamay sa lamesa, tapos na sigurong kumain.

"Hi."

Hindi ko na napigilang lumapit sa kaniya.

"Kanina ka pa ba diyan, Aries?"

Nahigit ko ang sariling hininga ng mapagtantong kilala ako nito.

Paano niya ako nakilala? Hindi pa ako nagpakilala sa kaniya!

"Sorry ngayon lang kita napansin." Nakangiting tuloy nito.

Nanatili lamang akong walang-imik at nakatitig sa kaniya. Gulat pa rin sa iwinika nito, tila ba kilalang-kilala niya ako sa paraan ng pananalita nito.

"H-hindi pa ako n-nagpapakilala." Utal-utal kong saad.

"Gaea!" Tawag mula sa kung saan ang pumukaw sa atensyon naming dalawa.

"Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala."

"Wait, Aries! Ikaw pala iyan. Kilala mo si Gaea?" Umiling ako.

Nang pasadahan ko nang muling tingin ang nangngangalang Gaea, her eyes were bloodshot pero agad din iyong nawala.

"Paalam, Aries." Nakangiting ani nito bago ako iniwan.

Paanong kilala ako nito habang hindi ko siya kilala? Paanong pamilyar ito ngunit wala akong maalalang ni-isang bagay tungkol sa kaniya? Paano?

"Sorry Ma'am, I'm late."

"It's okay, Ms. Ruiz. You can seat beside Mr. Tolentino."

"Yes ma'am." Nakangiti nitong sagot at saka nagtungo sa akin.

Natapos ang umagang iyon sa pagpapakilala sa sarili at pagbibigay ng mga personal na impormasyon.

"Tadhana nga naman, magkaklase pala tayo." Natatawang ani ni Gaea.

Kasalukuyan itong sumasabay sa akin patungo sa canteen, recess namin ngayon.

Tinitigan ko lang ito at saka muling itinuon ang atensyon sa harap.

"Ang tahimik mo pala sa personal." Muling saad nito.

Tahimik lang akong tumango at ipinagpatuloy ang paglalakad. Napahinto na lang ako nang umalis ito sa tabi ko at hinarang ako.

"Friends?" Nakangiting inabot nito ang kamay sa akin.

Bumuntong-hininga na lang ako at saka inabot iyon.

Napakakulit.

"Friends."

Mabilis ko ring binitawan ang kamay nito at muling naglakad habang nakapasok na ang dalawang kamay sa bulsa ng aking pantalon.

Nasa loob kami ngayon ng art room kung saan gagawa kami ng mga imahe na sumisimbolo sa aming nakaraan. Iyon ang sinabi ng aming professor.

Ilang beses na akong napabuntong-hininga habang iniisip ang maaring iguhit na larawan. Kahit anong isip ko, iisang tao lang ang lumalabas sa utak ko, nagpupumilit, nagkukumawala, isinasatinig nito na siya ang iguhit ko.

Ngunit maaari kayang ang taong nais iguhit ng aking mga kamay ay bahagi ng aking nakaraan?

Ang babaeng pamilyar na nasa panaginip ko.

Ang babaeng iyon kaya?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login