Download App

Chapter 3: Chapter 1

Cristallyn's POV

"My gosh sis! Nakita mo na ba yung bagong captain ng MIS?!" sabi ni Ericka habang nag-sscroll ng cellphone. "ang hot hot niya, pramis! look oh" sabay pakita sa akin ng picture ng lalaking naka jersey at may hawak na bola.

O to the M to the G lang bes. Ang lakas ng dating niya. Shettt! He looks 10 times hotter lalo na't naka fierce look pa siya. May girlfriend na kaya siya? Well maybe, sa ganyang itsura impossibleng wala.

"Add to cart na this sis." Sabi ko habang nagzo-zoom in pa ng pictures niya. "Huhu. Sana all taga-MIS para lagi siyang nasisilayan sa court." Habang pinapantasya parin si…. Hot guy. Ano kaya name ni 'Mr. Captain'?

"Wow sis, aagawan mo pa ata ako HAHAHA" pabiro niyang sabi at kinuha na yung cellphone niya sa akin. Ako naman ay nag start nang mag stalk sa mga basketball players ng MIS and there I saw his pics together with the basketball team.

Samuel Rivero is with Vince Martin Gonzales, Gerome Anthony Pascual and 9 others

Welcome to the team, Kapitan Ge.

So, their new captain is called as 'kapitan ge'? Kapitan Ge…Ge… Aha! Is it Gerome Anthony Pascual? I think, there's only one way to find that out and that is….to stalk him.

I stalked him and there I saw his relationship status. OMG. It's confirmed! But, He's taken.

In a relationship with Andrea Pablo.

At dahil dakila akong stalker, I also stalked that Andrea Pablo. And girl, believe me, hanggang fangirl lang ako kasi unang una, ganda pa lang talon na ako and second, impossibleng mapansin ako kasi naman girl 3 hours away ang school namin sa kanila. I'm studying sa province and sila sa Manila kaya its so impossible.

Grabe ang ganda ganda niya. Imagine? Kasing grade ko siya pero kapag kinompare mo na ako sa kanya ay makikita mo na yung laki ng agwat. Kumbaga, yung kutis niya is kutis mayaman talaga, yung tipong parang araw-araw siyang nagpapa-belo o kahit anong derma.

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?" tanong sa amin ni Joshua na bagong dating. "at ikaw tallyn, bakit parang sinakluban ka ng langit at lupang puro putik?HAHAHA" hindi ko alam kung concern ba siya or nangti-trip lang.

"oo nga bakit ganyan yung itsura mo babae? Kani-kanina lang eh halos iluwa mo na si kumareng bataan nang makita yung picture ng bagong captain, ngayon naman parang pinakain kita ng tae" mabilis na sabi ni Ericka sa akin at tumawa dahil sa huli niyang sinabi.

"Eh pano ba naman kasi, reality hits me harder than hard." Sabi ko habang tinitignan pa rin yung picture ni Gerome. oh diba feeling close. First name basis.

"Bakit naman?" tanong sa akin ni Ericka.

"May girlfriend na pala si Kapitan Gerome." sabi ko sabay tago ng cellphone ko.

"Pano mo naman nalaman?" sabi niya "at ano naman kung may gf na? as if namang maaagaw mo diba? HAHAHA" minsan pangit din ugali nitong babae na to eh, sobrang prangka. Pero totoo naman din.

"Sino ba kasi yan?" singit sa amin ni Joshua na mukhang nagtataka na rin. Bago pa ako makasagot naunahan na ako ni Ericka.

"Yung bagong Captain ng MIS. Papable kasi." Sabi naman ni Ericka

"Ahh si Gerome Pascual. Sabi nga nila magaling yan at all around pa." sabi niya habang tumatango. "Pero siyempre no, mas magaling pa rin ako" sabay kindat at umaktong nag shoot ng bola. Kahit kalian talaga. Napairap na lang ako sa kanya.

"Tara na nga tallyn, may walking ipo-ipo na. " sabay hitak sa akin.

Hindi pa rin naawala sa isip ko si Gerome. Ini-imagine ko kasi na what if ako yung girlfriend niya tas ang kinis ko, maputi, at maganda pa. Wala namang masamang magimagine right? Naka-follow na rin ako sa mga social media accounts niya para updated pa rin ako.

Isang araw nag post si Gerome sa IG niya ng picture ng beach na may captiong "my bitch". Hindi ko agad napansing may nakatayo palang babae sa may gilid malapit sa dalampasigan na naka putting two piece. At halatang si Gerome ay medyo malayo nung kinuhanan niya ito ng picture dahil kitang kita rin yung magandang view ng beach.

Saan naman kaya ito? For sure, si Andrea yung babae.

Tinignan ko ulit yung post at nakita kong latest lang ito dahil 1 hour pa lang ang nakalipas.

Parang pamilyar 'tong beach na to…

"OMG!" can you believe it? They are just 30minutes away from us. Yung beach na kung nasaan sila napuntahan na din namin dati. "Omg!Omg!" kailangan malaman to ni Ericka. Fror sure game siya.

"Ang layo pa lang namin ang ingay mo na." reklamo naman ni Joshua. Saktong sakto ang dating nila.

"Sis! May good news ako sayo!" sabay naming sabi ni Ericka.

"Ikaw muna" sabi ko.

"Nope. You go first." Sabi naman niya.

This is it! Sasabihin ko na and I knew she would be happy.

"Nasa Lala Beach sina Gerome kasama si Andrea!"

"Nasa Lala Beach si Captain!"

Sabay ulit naming sabi. Well, I knew this will come. Finally, makikita ko na rin si fafa Gerome. Sana.

"tara na! 1 hour ago pa lang naman ang nakakalipas." Aya ko sa kanya.

"sige, sige" sang-ayon niya. "oh ikaw, support ka naman diyan oh para may sasakyan na rin kami." Sabi niya kay Joshua. This is it!

"May magagawa pa ba ako?" sabi niya

"Tapos na naman yung klase diba?" tanong ko sa kanila kasi yung klase ko kanina pa tapos, kaya nakapag IG ako kanina. Sila kasi yung magkaklase at ako lang yung nahiwalay.

"mayroon pang isang subject kaso pwede naman kaming mag cut." Buti na lang pala ako wala ng klase. Kasi di naman ako tulad nila na kayang mag cut if gusto. Grade conscious kaya ako no. di lang talaga halata.

"Oh ano, edi mag bihis na tayo. Basta ikaw Joshua, bilis bilisan mo at ikaw din Ericka ah, kukupad kupad ka pa naman." Sabi ko sa kanila habang naglalakad kami palabas ng school.

"Wow nagsalita ang mabilis kumilos" sabi naman ni Joshua.

Naka-uwi na ako sa bahay. At hindi ko alam kung anong susuotin ko. Dress ba or shorts na lang?

"Aishhh! Makaligo na nga lang muna" para kapag nakita ko si Gerome Pascual eh fresh ako kahit di na makinis at maputi.

"Lalalala…..hmmm....geromeee...captain ng buhay ko…..hmmm…" kanta ko habang naliligo. Hinilod ko na rin lahat ng pwede kong mahilod para naman di nakakahiya.

Nang matapos ako sa pagligo ko, naglagay na ako ng sunscreen sa mukha at moisturizer. Kasi kahit naman di ako makinis, may skincare din naman ako no, di lang gaano umeepek katulad ng sa iba.

Jusko naman, di ko alam kung ano ba pwede kong suotin kanina pa ako naghahagilap ng damit. Tinignan ko naman yung off shoulder dress ko na above the knee yung haba, maganda naman siya pero---

"HOYY!! BILIS BILISAN MO NAMAN! KAHIT MAGPAGANDA KA PA DIYAN, DI KA NAMAN AGAD MAPAPANSIN NI PASCUAL NO! TAGAL TAGAL NETO! ORAS NA ATENG!" sigaw ni Ericka sa pinto habang kinakatok ito.

"Ayan na!tapos na!" sigaw ko naman at nagmamadali na akong magsuot ng kanina kong hawak na off shoulder dress at tinernohan ko na lang na stringed sandals. Kahit kalian talaga mainipin tong Ericka na to.

Pagkabukas ko ng pinto, tinignan na agad ako ni Ericka mula ulo hanggang paa na parang chine-check pa yung outfit ko.

"Ang tagal tagal mo mag gayak wala pa rin pa lang magbabago."sabi niya at nauna ng bumaba ng hagdan.

"Edi wow! Ingget ka lang sa beauty ko no!" sigaw ko sa kanya.

"tagal ni prinsesa. Mayroon pang nalalamang bilis bilisan, eh siya pala tong kukupad kupad." Sabi pa ni Joshua habang nag mamake face. Napairap na lang ako.

"ano pang hinihintay natin? Tara na!" aya ko sa kanila.

"Baka naman may nakalimutan ka pa?" sarcastic na tanong naman ni Ericka.

"wala na---- ay wait! nakalimutan kong mag pabango" sabi ko sabay takbo at punta sa kwarto. Pagdating sa kwarto ko kinuha ko agad yung pabango at nag spray na ako, nakita ko na rin naman yung liptint ay nagliptint na rin ako at dali dali ng bumaba .

"I'm done!" sabi ko saba ngiti sakanila.

"Baka nakalimutan mo pa yung panty mo?" pabirong sabi ni Joshua habang pinaglalaruan yung susi ng kotse niya at tumayo na mula sa pagkaka-upo.

"Hindi ako naka panty, naka brief ako." Pabiro kong sabi at nag make face naman agad si Joshua at nauna ng umalis.

"Gaga ka talaga!" sabi ni Ericka sabay batok sa akin. Di naman masakit hahaha

"Ma! Alis na kami" paalam ko kay mama na nasa kusina. Kanina pa naman ako nagpaalam at thank God talaga dahil nasa good mood siya dahil kung hindi, goodbye papi gerome. Sumilip naman si mama at sinabing sige daw at mag iingat kami.

I'm coming fafa Gerome Pascual magkikita na tayo. Wait for me.

Pagdating namin sa Lala beach ay agad kaming naghanap ng matutuluyang cottage (kubo). at pagkadating naming sa cottage, ay ni-ready na agad naming yung camera at cellphone na dadalhin for pictures.

"Tara na 'te! Para naman ma-enjoy din natin 'tong beach pagkatapos natin magpapicture kay Gerome Pascual." Aya ko kila Ericka.

"Okiii! Let's go!" sabi naman ni Ericka na mukha ring excited.

And nag-start na nga yung Oplan hanapin si fafa Gerome Pascual. Inuna naming puntahan yung parteng beach para i-check kung nandon sila, nag s-swimming.

This is it Cristallyn! You already have the chance to have a picture and meet Gerome Pascual, no need to go to Manila kasi si tadhana na talaga ang naglalapit sa inyo! hahaha landi ko.

"shett ang sexy" rinig kong bulong ni Joshua. Tss. Boys will always be boys.

At mukhang narinig din ni Ericka yung sinabi ni Joshua dahil "Hoy! Anong sexy sexy dyan?!" sabi niya sabay batok kay Joshua.

"e pakialam mo ba? Girlfriend ba kita?" at dahil don nakatanggap na naman si Joshua ng batok mula kay Ericka.

"Ano? Natulala ka diyan, crush mo ko 'no?" pabirong tanong ni Joshua. " Hoy, di tayo talo 'no" dagdag pa niya.

"H-hindi no! Anong C-crush pinagsasabi mo?!" medyong nauutal pang sabi ni Ericka sabay irap.

Pagkasabi ni Ericka nun lumapit agad ako sa kanya at bumulong "tss. Halata ka HAHAHAHA" asar ko sa kanya. "crush mo ko no?... anong crush pinagsasabi mo?" HAHAHAHAHA" panggagaya ko naman sa kanila. At mukhang dahil dun ay mas lalong nainis si Ericka dahil bigla na lang akong binatukan. Ako naman ay tawa lang ang ganti.

Habang naglalakad kami ay naisipan kong magscroll muna at magstalk kay Gerome. At nalaman kong kanina pa pala sila dito at mukhang hindi lang silang dalawa yung nagpunta rito kundi 'barkada get out' so ibig sabihin, may chance pa kami na maabutan sila---

*notification*

Twitter

Andrea Pablo just tweeted.

Pagkakita ko ng notification sa twitter, I instantly opened it and it literally shocked me wherein pati ibang mga visitors ay napatingin sa gawi namin.

"girl, nakakahiya ka! Ano ba yun?" pabulong pero malakas na sabi ni Ericka.

"Eh kasi…" at tumingin ulit ako sa tweet at pinakita kay Ericka

Andrea Pablo @andreapablo

Going home J

*insert picture ni Gerome na nagda-drive

"Awww, sayang" nanghihinayang na sabi ni Ericka "well I guess, we should just enjoy the beach vibes" sabi niya at inaya na si Joshua papuntang cottage. Sumunod naman ako sa kanila.

Well I guess, wala talaga akong chance na mameet si Gerome in person. It's so impossble naman talaga, sobrang layo ng agwat naming dalawa. Kumbaga sa line, siya yung nasa kabilang end at ako naman yung sa kabilang end. We'll never gonna meet kumbaga.

Habang nag-eemote ako, di ko napansing naka-bikini na agad si Ericka at naka-beach shorts na lang si Joshua at mukhang palusong na.

"Girl tara na!" aya ni Ericka

"Mauna na kayo, cr lang muna ako" sabi ko sa kanila, tumango namansi Ericka

"Ok lang yun, at least nagkaroon pa tayo ng unexpected bonding" pagchi-cheer up naman sa akin ni Joshua.

Nginitian ko na lang si Josh at nagpaalam na rin papuntang cr. Hindi ko talaga alam kung bakit nawalan ako ng gana gayong crush ko lang naman si Gerome at take note,, kakakita ko pa lang sa kanya ahh. Yes I know, sobrang impossible talaga na mameet siya or magka-picture ako sa kanya. Pero, masisisi niyo ba kasi talaga ako? Eh kung sa fangirl talaga ako e.

Sa kalalim lalim ng pagiisip ko ay di ko napansin na nasa cr na pala ako.

"Ouch!" ano ba yan? May makakabunggo pa ako! Malas ko naman ngayo---

"Sorry miss" sabi nung lalaki kaya napatingin ako sa kanya

JUSMEYO MARIMAR AWWW! Pwede bang magwala sa inner self? Hindi ko naman alam na kapag pala wala ako sa mood may darating na anghel hehe. OMG talaga! Saang lupalop ng mundo ba galling tong lalaki na to? At bakit ganito kagwapo? Jusko bes! Yung adams apple parang matutusok ako at yung panga besh! Well maintained haha, hindi ata uso dito yung double chin eh.. and girl, sabihin niyo ng OA ako pero parang hulog na panty ko eh lalo na't shirtless pala si kuya. Look at those abs, muscles and biceps.. oohhh yummy! At makasalanan na kung makasalanan pero di ko na mapigilang tumingin sa v-line niya tehhh! I think I need oxygen talaga!!!!—

"Hey miss, eyes up here." Seryosong sabi ni… kuya hot. Omg! Nahuli niya kaya akong nakatingin sa…ano?

"S-sorry" kinakabahan kong sabi. Jusko, sino ba to at kinakabahan ako sa kanya?

Tanga! Mukha ka kasing manyak kung maka-tingin HAHAHAHA. Sabi ng utak ko

Hindi naman gaano kahalata eh. Sagot pa rin ng utak ko

"Next time miss, don't over think" pagtataray niya sa akin. Bakit parang may kahawig to?

"Hehe sorry, may iniisip lang." sabi ko with an awkward smile.

Inirapan niya lang ako at nilagpasan pero tinigil ko siya.

"Wait! May kahawig ka!"sabi ko habang tinuro siya at iniisip kung sino--- "Ahh, si Gerome! Si Gerome Pascual kamukha mo! Omygosh! Don't tell me hindi totoo yung tweet ni Andrea?! Owemm! Papicture ako Gerome!" tili ko habang hindi na alam ang gagawin.

Buti na lang talaga dala ko yung cellphone ko pero dahil medyo nataranta ako at kinakabahan, nahulog ko yung cellphone ko. Dali dali ko naman agad na pinulot at naunahan naman ako ni Gerome sa pagpulot.

"Take it easy woman." Sabi niya sabay abot sa akin ng cellphone ko.

"t-thank you." Goodness gracious cristallyn! Bakit ba kasi nauutal ka?! Nakakahiya.

"tsss. Pasalamat ka maganda ka…" rinig kong bulong niya kaso di ko na narinig yung sumunod niyang sinabi.

"P-pwede na bang, uhmm, magp-pa picture?" sabi ko sabay ngiti na para bang nahihiya. This is it cristallyn! Si tadhana na talaga gumagawa ng paraan para magkita kayo ni Gerome. at dahil diyan tadhana, isa lang talaga ang masasabi ko… Salamat tadhana.

"Ha?" curious niyang tanong. Hindi na ba siya nasanay na may nagpapapicture sa kanya. Aww, so humble naman pala nitong si Gerome.

"uhmm, Picture? Pero kung ayaw mo naman or magagalit yung girlfriend mo ay okay lang sa akin, aalis na lang ako." Hesitant kong sabi. Shocksss naman Gerome! pumayag ka na.

"Girlfriend?" parang patanong niyang sabi. "uhhh yeah right. G-girlfriend." Habang tumatango. " Let's take a picture na lang" sabi niya with matching smile pa. Ohh shitt! Holy grail! Goodness gracious! He's so hot!!!

Kinuha niya na sa akin yung cellphone ko and then we took a selfie together, may wacky pa! and I also didn't expect na he would get his damn freaking latest phone and took selfieS sa phone niya naman. Myghaad, is he always like that sa mga fans niya?! Kung ganoon, I am his no. 1 fan na!

"Bro! tara na! tagal mo naman mag cr?" sabi ng friend niya sa kanya and his eyes turn to meet mine. "Ohhh kaya naman pala." Sabi niya sabay siko sa dibdib ni Gerome. nginitian ko na lang siya ng awkward.

"So, may I ask what's your name lady at parang nakuha mo agad ang atensiyon nitong si Ge—" sabi niya.

"She's my fan Bro." may diing sabi ni Gerome sa kaibigan niya. "by the way, what's your name pala?" baling niya sa akin.

"I'm Cristallyn Valderama. Pleased to meet you." Sabi ko nang may ngiti sa labi and extended my hand.

"Hi! Cristallyn, by the way I'm Carlo, Ge—his bestfriend. nice to meet you" Sabi niya with nice smiles and accepted my hand. "by the way, we're so sorry kasi we need to go na!" paalam niya.

"Yeah ako din. Thanks pala sa picture." Sabi ko with wide smiles tumango naman si Gerome.

"See you when we see you! Bye!" paalam sa akin ni Carlo. At nauna ng umalis si Gerome.

Ako naman ay naiwang nakangiti. Am I already called lucky na ba?

"HOYY! Para kang timang diyan na nakangiting mag isa. Kani-kanina lang eh para kang batang kinuhanan ng ice cream ngayon para ka ng timang!"

"Ay palaka!" gulat kong sabi

"Ano namang ngini-ngiti mo diyan?" malditang tanong ni Joshua sa akin

"Eh kasi naman, you really wouldn't believe this!! I just had a picture with Gerome!" nag hihisteryang sabi ko.

"Gaga! Ang sabihin mo, I just had a daydream!" kontrabidang sabi naman ni Ericka.

"Pre, kaya ka nga naming hinanap kasi kaka-IG story lang ni Gerome na kumakain sila ni Andrea sa isang resto at picture ng daan pauwi ng manila!" sabi naman ni Joshua sabay pakita ng phone niya. Shocks! Totoo nga. Then, who is that hot guy? At bakit kamukha niya si Gerome?! and he even pretended na he's Gerome for god's sake!!

"Eh sino naman yung naka-picturan ko? Impossible! Dahil sobrang kamukha niya si Gerome!" sabi ko naman. Sobrang impossible talaga!

"Baka fan lang din ni Gerome or impersonator niya like that?" sabi ni Ericka. "Tara na nga!" aya niya.

That's so impossible! Kung impersonator niya lang yon, then mahahalata ko naman. Omyy! Sino ba talaga yung guy na yon?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login