Download App

Chapter 3: Chapter 2

CHAPTER TWO

Raiko Mihada, The Villain

Nasa bakanteng lote si Xiyue kasama ang apat na nakilala n'ya na may mga kaka-ibang kakayahan. Hindi mapigilan ni Xiyue na hindi mamangha tuwing naglalabas ng papel si Pei at si Westley naman ay pinaglalaruan ang tubig sa kamay nito.

Napapangiti na lamang si Xiyue t'wing hindi nako-kontrol ni Pei ang kan'yang Paper Creations, habang ang iba naman ay tinatawanan si Pei.

Nalaman din ni Xiyue na mayroon pang ibang katulad nila Pei ang nasa C.A na kaya ring kontrolin ang mga bagay bagay sa mundo. Nalaman rin nito ang mga abilidad nila Cuin at ni Hera.

Si Cuin, Cloning ang abilidad nito. Kaya nitong baguhin ang kan'yang itsura maski ang buong katawan nito upang magaya lamang ang isang tao na nais nitong gayahin. Kaya rin ni Cuin na doblehin ang katawan n'ya.

Si Hera ay Healing. Hindi man gaanong ka-eksperto si Hera sa panggagamot sa C.A, ay kaya naman nitong gumamot ng mga simple o maliliit na mga sugat lamang.

At ang mga may abilidad katulad nila Pei ay bawal lumabas ng City Academy, maliban na lamang kung ipinadala o inutusan ang mga ito na lumabas ng Academy.

At katulad din ng ibang paaralan, ay may mga student council rin sa City Academy upang mapanatili ang katahimikan ng buong paaralan. Ang Council ay nagpatupad ng iba't ibang mga rules na hindi pu-pwedeng labagin.

Katulad na lamang ng bawal ang pakikipag-laban o bawal saktan ang kapwa may abilidad sa labas ng paaralan. Pero marami pa rin ang lumalabag sa rule na 'yon, ngunit walang magawa ang council kundi ang palagpasin dahil mahirap kalabanin ang madalas lumalabag dito.

"Katulad ng normal na paaralan, may mga top students din kami dito. Pero hindi Top ang tawag namin doon, kundi Level." Nangunot na lamang ang noo ni Xiyue sa sinabi ni Westley na pinapasunod ang mga bola na gawa sa tubig.

Nakaka-aliw siguro kung may abilidad kang ganyan. Bulong ni Xiyue sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang pagsunod ng tubig sa kamay ni Westley.

"Ang mga katulad namin nila Pei, Cuin, at Hera na limitado lang ang abilidad ng SC ay Level 0 lamang. Kahit ang Level 2 ay limitado." Tinusok ni Xiyue ang bilog na gawa sa tubig gamit ang daliri noong pumunta ito sa harapan ng kanyang mukha.

Napa-pikit si Xiyue nang bigla itong pumutok kaya nabasa ang ibang parte ng mukha nito.

"Sorry..." Natawa na lamang si Xiyue nang tignan nito si Westley na bumubuo ulit ng panibagong bola gamit ang tubig.

"At dahil limitado lamang ang abilidiad namin, kadalasan ang mga Level 3 and up ang pinapadala sa mga mission." Dugtong pa ni Pei na nakatingin na lamang kay Westley.

"Kung ganoon, mahirap pala ang mag-aral dito?" Nangangambang tanong ni Xiyue dahil nagsimula na itong kabahan dahil sa mga kwento ng mga ito sa kanya.

Umiling si Pei at tumingin kay Cuin bago nagsalita.

"Hindi naman, sadyang mahigpit lang ang pamamalakad ng SC. Isa pa, hindi naman sa pag-aaral malalaman kung anong Level mo. Nasa kakayahan mo iyon kung anong Level ang maabot mo." Napatango tango na lamang si Xiyue sa naging sagot ni Pei.

"Mataas ba ang Level ng Student Council?" Tanong ni Xiyue.

Ngumiti lamang si Cuin at saka umiling. Napakunot ang noo ni Xiyue.

Kung hindi, paano ba sila kumukuha ng member ng Student council kung hindi sa Level tinitignan? Ang gulo naman! Naguguluhang bulong ni Xiyue sa kanyang isipan.

"Mataas na ang Level ng Student Council ngayon, Cuin. Sa pagkakatanda ko, ang Level ng President natin ay Level 5. Habang ang VP at iba pa ay Level 4." Napatingin si Xiyue at ang iba pa kay Westley nang sya na ang sumagot.

Tumingin si Xiyue kay Cuin at umiling ito. Huminto na sila Pei at Westley sa kanilang paggamit ng abilidad nila at lumapit sa dalawa.

"No. Hindi pa ang Student council ang may mataas na Level. Sa pagkakatanda ko, Si Raiko Mihada ay isa ring Level 5, kagaya ng President." Napanguso na lamang si Xiyue dahil wala syang maintindihan. Pero ang tinatanong nya sa isipan nya ay kung sino si Raiko Mihada.

Raiko Mihada...

"Paano mo naman nalaman na Level 5 din yung Raiko? Sa pagkakatanda ko, nag-iisa lang ang Level 5 at yun ang President natin." Paninigurado ni Westley at namulsa pa. Tanging buntong hininga lamang ang ibinigay ni Cuin bilang sagot.

"Isa pa, naririnig ko malapit na sa Level 6 si President. Ibig sabihin, wala paring makakatalo sa President. Pero kung talagang Level 5 yung Raiko na sinasabi mo, dapat kasali sya sa SC, hindi ba?"

"I don't know. Isa pa, hindi ko pa naman nakikita 'tong si Raiko Mihada. Baka nga gawa-gawa lang yung pangalan nyang yon ng mga estudyante dito para matakot ang President."

Napanguso na lamang si Xiyue. Wala itong maintindihan sa mga sinasabi ng mga kasama nya.

Bumuntong hininga na lamang si Xiyue at tumingin kay Westley na saktong nakatingin rin sa kanya. Ngumiti lamang ito kay Xiyue bago nag-iwas ng tingin.

Nagunot tuloy ang noo ni Xiyue at nagtaka pero agad din iyong nawala dahil iniisip nya kung sino at anong itsura ng president ng City Academy.

-

"RAIKO Mihada. Ang bilis mo namang makapunta dito," may naglalarong ngiti sa mga labi ni Maestra bago humarap sa tinawag nyang Raiko Mihada.

Madilim ang mga mata nito noong makita ni Maestra ang itsura ni Raiko. Masyado ring nakakatakot ang presensya ni Raiko. Lalo lamang ngumiti si Maestra bago kinamot ang gilid mg ilong nito.

"What's with that damn disguise, Mali?" Malamig man at nakakatakot ang boses ni Raiko ay nagawa paring tumawa ni Maestra sa klase ng pagtatanong nito.

Naglakad si Raiko papalapit sa kanya at umupo sa harapan nitong upuan.

"Walang basagan ng trip, Mr. Raiko Mihada." Natatawang sagot ni Maestra kaya naman agad na nangunot ang noo ni Raiko.

"What the fvck?" Mahinang pagmumura ni Raiko. Umiling na lamang ito bago muling sumeryoso ang mukha.

Sa mga oras na 'yon, nakaramdam ng kaunting takot si Maestra sa klase ng pagtitig sa kanya ni Raiko Mihada. Kilala nya ito. Iba itong magalit, kaya hanggat maaari ay huwag na huwag nya itong pipikunin o kakalabanin.

"H'wag mong ituloy ang pinaplano mo, Mali. Makakasagabal lang sya sa mga plano ko." Nag-iwas ng tingin si Maestra kay Raiko upang itago ang kaba na nararamdaman nya sa sitwasyon na iyon.

"May pinaplano ba ako, Raiko? 'Yan ba ang pinunta mo dito?" Umalingawngaw ang isang malakas na paghampas ni Raiko sa lamesa na nasa harapan ni Maestra noong pabagsak nyang nilagay ang magkabilang palad nya sa lamesa.

Napalunok si Maestra noong makita ang mga madidilim na mata ni Raiko Mihada.

Nilapit nito ang mukha nya ng bahagya kay Maestra bago bumulong.

"Don't mess up with me, Milaxiv Guoier. You know me. I'll do whatever i want to do." Nagsitayuan ang balahibo ni Maestra sa takot na ibinigay ni Raiko sa kanya.

"You know me too, Raiko. Gagawa ako ng paraan para pigilan ka sa plano mo. I'm sure your plan won't work to them." Huminga ng malalim si Raiko na tila pinipigilan nya ang kanyang sarili sa kung anong pwede nyang gawin.

Pigil naman ang bawat paghinga ni Maestra habang nakatingin kay Raiko. Sa huli, bumuntong hininga si Raiko at lumayo.

"I'll do everything to kill them. Stay her out of this." Mahinang saad ni Raiko bago tumalikod. Pero bago pa man ito maglakad ay nagsilat muli si Maestra na ikinagalit ni Raiko.

"Hindi ko gagawin 'yan, Raiko. Gagawin ko kung ano ang sa tingin kong tama bilang isang head, at hindi bilang isang utusan mo lang." Kumuyom ang kamao ni Raiko bago huminga ng malalim. Naglakad ito papalabas, pero bago ito nakalabas ng tuluyan ay may binitawan itong mga salita na nagpahina kay Maestra.

"Try me then, Mila." Simpleng mga salita lamang ngunit maraming emosyon ang naging hatid nito para kay Maestra.

Ngunit kahit na natatakot kay Raiko at sa pwede nitong gawin, kailangan nyang magpaka-tatag hangga't hindi pa nakikita ang King. Kailangan nyang gawin ang lahat upang maprotektahan ang City, kahit pa kalabanin mismo si Raiko Mihada.

-

PABAGSAK na umupo si Westley sa sofa sa harapan mismo ng table ni Raiko Mihada. Nakatingin sya kay Raiko na abala sa pagbabasa ng kung anong mga libro. Bumuntong hininga si Westley bago nagtanong.

"What's your plan now, Raiko?" Binaba ni Raiko ang hawak na libro bago tumingin kay Westley na ngayon ay humihikab na.

"We will do the Plan A later. Ihanda mo ang sarili mo 'cause you will be playing the role of a hero." Napasipol na lamang si Westley dahil sa tamad na pagsasalita ni Raiko.

Plan A, then. Mananatili pala sila sa Plan A. Ngunit maraming tanong ang bumabagabag kay Westley ngunit hindi nya alam kung paano nya iyon maitatanong kay Raiko. Madilim ang aura nito kaya ayaw ni Westley na magtanong ng magtanong.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Westley noong hindi na ito nakapag-pigil pa.

Ngumiti ng mala-demonyo si Raiko at pinaikot ang swivel chair na inuupuan nya paharap sa malaking bintana na nasa likod nya.

"I'll be the Villain. They want to play a game? Then I'll give them the game they never wanted." Nakangiti nitong sagot kay Westley.

Ngumiti na lamang si Westley bago umiling iling sa plano ng kaibigan nya. Wala syang magagawa kung ayon ang plano ni Raiko. Hindi naman ito papapigil kaya ano pang sense kung pipigilan sya ni Westley.

Kilala si Raiko Mihada bilang isang makapangyarihang tao na may isang salita. Kapag sinabi nya, gagawin nya. At alam ni Westley na ang binabalak ni Raiko sa kanila ay hindi magiging maganda o mabuti para sa paningin ng iba. Pero katulad nga ng nasa isip ni Westley, hindi nya mapipigilan si Raiko.

Isang tao lamang ang pwedeng makapigil sa mga balak nya, ngunit tila wala ito ngayon. Kaya walang makakapigil sa mga plano ni Raiko, maliban na lamang kung babalik sya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login