Download App

Chapter 2: Kabanata 1

AN:

Hello my fellow readers I hope magustuhan niyo itong first chapter ng Chasing his Desire.

Kung may hindi man kayo nagustuhan feel free to comment or message me para macorrect ko yung mali ko.

I hope rin na you will support me

Iyon lang. Thank you...

_____________

Ali's POV

"Magandang umaga ho" pasigaw kong bati kay Mang Ben nang tuluyan na akong nakapasok sa aking pinapasukang paaralan.

Tumatakbo ako ngayon dahil malala te na ako sa aking klase at kanina pa tawag ng tawag ang dalawang bruhilda kong kaibigan. I 8 sa magiging room namin ngayong araw.

Hinihiling ko na sana hindi pa ako late dahil tiyak akong makakarating ito kay Mama at papagalitan ako non panigurado.

May pagka terror pa naman ang guro namin ngayon. Pinaglihi ata sa ampalaya hindi man lang marunong ngumiti.

Nang makarating ako sa aming room ay nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang late rin ngayon ang prof. namin sa araw na ito.

First time ata malate non ah.

Kinawayan ako ng aking dalawang kaibigan at ganon din ako sa kanila.

Pumunta na ako ako sa aking upuan na nasa gitna nilang dalawa.

"Ba't hingal na hingal ka" tanong sa akin ni Allyssa ng mapansin ang aking nahihirapang paghinga.

"Eh sa malaman tumakbo ako mula sa gate hanngang dito. Ang layo kaya non" reklamo ko sa kanila.

"Alam mo ba na mukha kang kalabaw sa itsuro mo ngayon" tumatawang wika ni Mikael sa akin.

Nang hindi parin siya tumitigil kakatawa ay binatukan ko na siya.

"Aray. Masakit yon ha. Bat ka ba nambabatok"

"Ikaw ang nauna eh,pinagtatawanan mo ako"

"Eh sa totoo naman eh" pagdepensa niya sa sarili.

"Bahala ka sa buhay mo" lumingon ako kay Allyssa pagkatapos kong sabihin iyon kay Mikaela.

"Huy" pagrawag ko rito.

Liningon naman ako nito.

"Bakit?"

"Wala lang" sagot ko sa tanong niya

"Alam mo para kang baliw"

"Correct ka diyan" pinaningkitan ko ng mata silang dalawa.

Aba? Pagka-isahan ba naman ako.

"Peace" ani nilang dalawa.

"Oh sige na baliw na tayong tatlo" ikinatawa naming tatlo ang sinabi ni Mikaela.

Third year college na kami ngayon.

Sa aming tatlo si Allyssa yung babae sa amin habang kami naman ni Mikaela ay binabae.

Natigil ako sa pagtawa nang maramdamang may dumamping labi sa aking pisngi na ikinatigil din nilang dalawa.

"Good morning babe" bati nito sa akin na hanngang ngayon ay hindi parin ako nakakabawi sa pagkakahulat dahil sa ginawa niya.

Yung taong humalik sa akin ay si Ken. Ken Rodriguez, guwapo, mayaman, at pinagkakaguluhan ng laht ng kakababaihan at kabaklahan dito sa paaralan namin.

At syempre isa na ako don...charrr

Mahigit dalawang buwan niya akong niligawan at syempre suportado naman siya ng mga kaibigan ko.

At sa halos tatling buwang iyong pinaramdam at ipinakita niya sa akin na seryoso siya sa ginagawa niya.

Mag-tatalong buwan nadin kami sa susunod na linggo ngunit hanngang ngayon hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya.

Lagi niya akong sinusuway at pinapagalitan tuwing minamaliit ko ang aking sarili.

Hindi parin ako nasasanay na sweet siya sa akin at sa mga pinag gagawa niya.

Minsan nag-aalala ako dahil sa akin kasi nadudungisan ang pangalan niya. Pero ang sabi niya wala daw siyang paki alam sa iniisip at sinasabi ng iba, wala raw silang karapatang kuwestiyonin ang damdamin niya.

Nang makabawi ako sa pagkakagulat ay agad akong pinamulahaan ng mukha sa ginawa niya.

Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng aming solid at nakita kong masasama na ang tingin sa akin ng ibang babae at binabae kong klasmate habang ang iba ay nakangiti sa akin.

Mas lalo akong napayuko at namula dahil doon at sa mga mapangmatang tingin nila sa akin.Tingin na nandidiri.

"A-no ka ba. B-bakit mo g-ginawa iyon?" nakayuko kong tanong kay Ken.

"At bakit naman hindi. Mahal naman kita masama ba iyon?"

"H-hindi, pero k-kahit na. N-nakakahiya parin" nanatili parin akong nakayuko dahil sa kakahiyan.

"Tumingin ka nga sa akin" mahinahong utos niya sa akin.

Nang hindi ako sumunod ay hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya.

Kitang kita ko ngayon ang guwapo niyang mukha na pati ang tigyawat ay nahihiyang tumubo dahil sa kakinisan nito.

"Ikanakahiya mo ba ako?" tanong niya sa akin.

Agad naman akong umiling sa sinabi niya.

"S-yempre hindi. Ang suwerte ko pa nga dahil ang isang tulad mo nahulog lang sa katulad ko" umiling siya dahil sa sinabi ko.

"Huwag mo ngang sabihin iyan" suway niya sa akin.

"At ilang ulit ko na bang sinasabi sa iyo na huwag mong minamaliit ang sarili mo" mahinahong niyang sabi sa akin.

Tumango ako sa sinabi niya.

"Sorry" niyakap niya lamang ako dahil sa sinabi ko.

"Nahihiya lang kasi ako kasi pinagtitinginan tayo at ang iba sa kanila ay masasama ang tingin ang sa akin." tumingin siya sa mga kaklase namin.

Tumingin ako sa kanya ng marinig ko siyang bumuntong hininga at sinabi ulit ang lagi niyang sinasabi sa akin

"Ilang ulit ko na ring sinasabi sa iyo na wala silang pakialam sa relasyon natin, wala tayong ginagawang masama kaya wala dapat tayong ikahiya"

"Tama ka diyan Ken. Inggit lang ang mga iyan kay Ali dahil ang pikaguwapong lalaki sa school natin ay nakay Ali" napangiti naman ako sa sinabi no Allyssa

"At isa pa hayaan mo lang silang mainggit hanngang sa lumuwa ang kanilang mga Mata" natawa kaming apat sa sinabi ni Mikael.

Buti nalang at mayroon sila lagi para pagaanin ang loob ko.

"Huwag ka nga ring magpa apekto sa mga tingin nila Ali,huwag kang madrama" sermon sa akin ni Mikael

"Oo na" nakangitiing wika ko

"Halika ka nga rito, paakap" nakangiti akong lumapit kay Ken at niyakap ko siya ng mahigpit.

Nagulat pa ako ng halika niya ako sa aking noo.

Kahit kailan talaga lagi na lamang akong pinapakilig ng lalaking to kaya nga mahal na mahal ko siya.

Nakokonsensiya rin ako dahil ang alam niya ay kinakahiya ko ang relasyon naming dalawa kahit na ang totoo ay hindi.

Natatakot lamang kasi akong masira ang pangalan niya dahil sa akin.

Hindi ko rin alam kung bakit sa dinami dami ng magagandang babaeng nagkakandarapa sa kanya ay sa akin pa siya nahulog. Sa isang binabae pa.

Alam ng mga magulang niya ang relasyon naming dalawa at hindi naman sila tutol dito.

Akala ko pa nga noon tutulan nila kami dahil nag-iisang anak lang nila tito Enzo at tita Kyla si Ken.

Pero gaya nga nang sinabi ni Tito sa amin bakit naman daw tutulan ang kaligayahan ng nag-iisang anak niya at sinabi pa niya bakit naman daw niya gagawin ang ginawa ng magulang nila noon sa kanila.

Masayang masaya kami ni Ken ng natanggap kami ng magulang niya at ni Mama.

Hindi ko masabi-sabi kay Lolo ang relasyon namin dalawa dahil natatakot ako.

Kilala ko si Lolo ayaw niyang nadudungisan ang pangalan ng aming pamilya. Gagawin niya lahat mapanatiling malinis lamang ang pangalan namin.

Suportado ako ni Mama at ni Kuya at kahit sila lang masaya na ako doon.

"I love you" niyakap niya ako ng mahigpit ng sabihin niya iyon.

"I love you too" napahiwalay kaming dalawa ng tumikhim si Allyssa at Mikaela.

"Ang lalandi" kantiyaw sa amin ni Mikaela na sinang ayunan naman ni Allyssa.

"Kitang niyong may mga single dito oh. PDA kayo masyado" natawa kami ni Ken dahil mga pinagsasabi nila.

"Ako? Single? Baka ikaw, madami kaya akong lalaki" pang-aalaska ni Mikaela sa kaibigan namin.

Isa ito sa dahilan kung bakit ayaw minsan ni Ken sa sumasama ako kay Mikaela dahil puro lalaki ang inaatupag.

"Malandi ka kasi" ani Allyssa

"Mabuti nang malandi kaysa sa walang jowa" natawa ako sa bangayan nilang dalawa.

Mas lalo naman akong niyakap ni Ken at napatingin ako rito

"Huwag kang sumasama kay Mikaela kapag puro lalaki naman ang bukambibig baka hawaan ka niyan" bulong niya na nagbigay ng kiliti sa akin.

"Opo, seloso"

"Aba dapat lapang, kasi ang akin ay akin, ayaw ko nang kahati" matapos niyang sabihin iyon ay inakbayan niya ako.

Tinignan ko naman ang dalawa na hanngan ngayon ay hindi parin tapos sa pagtatalo.

"Hoy, tumigil na nga kayo" suway ko sa kanila dahil pinagtitinginan narin sila ng mga kaklase namin dahil sa lakas ng boses nila pareho.

Tumigil naman sila.

Inaya ko sila na lumapit sa amin at lumapit naman sila.

"Halinga kayong dalawa rito, group hug tayo" Dali Dali silang lumapit at niyakap nila ako ng sobrang higpit.

"Tama na iyang baka hindi na makahinga ang Misis ko dahil sa inyo" namula ako sa sinabi ni Ken.

"Ito naman, seloso" ani Mikaela.

"Hoy baka nakalimutan mong bestfriend namin siya" nangunot ang noo ni Ken sa sinabi nila.

Tinignan naman ako ni Ken at hinampas ko siya ng mahina na ikinatawa lamang niya.

"Bakit?" natatawang tanong niya sa akin.

"K-kung ano-ano kasi ang tinatawag mo sa akin" namumula parin ako kaya nakayuko lamang ako

"Bakit ayaw mo bang maging Misis kita?" pilyong tanong niya sa akin na sinamahan pa niya niya taas baba niyang kilay.

Pinalo ko ulit siya ng mahina ngunit nahawakan niya ito at kinulong sa kanyang palad.

"Ayaw mo" tampu- tampuhang tanong niya sa akin. Nagpapaawa.

Lihim akong na patawa sa itsura niy. Oh my bakit naman kasi ako binigyan ng ganitong kaguwapong nilalang.

"S-syempre g-gusto" pag-amin ko at ngumisi pa ang loko sa naging sagot ko.

Naku sana hindi ko na pala dapat sinagot iyong tanong niya. Paniguradong lalaki na naman ang ulo nito.

"Ang cute talaga ng Misis ko kapag nahihiya" tukso niya sa akin.

Bolero ka talaga,pero totoo naman sabi nga ni mama at ng dalawa kong kaibigan maganda raw ako.

At confident akong maganda ako kasi kung hindi hindi mahuhulog sa akin si Ken.

Naku nahawakan na yata ako sa pagkamahangin nitong boyfriend ko.

"I love you ulet" sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi na ikinangiti niya.

"I love you more, Misis" sabay pisil sa pisngi ko.

Ang saya ko dahil naging akin siya.

Mahal na mahal ko siya at wala ng makakapagpabago non.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login