Download App

Chapter 3: Kabanata 1

Except me

"Spanky!" Tawag ko sa aso saka tumakbo habang tumatawa.

Nagtago ako sa likod ng punong mangga at sinilip ang asong kumakawag ang buntot habang may hinahanap. Nakita nito kung nasaan ako ngunit tumahol lang at hindi lumapit. Akma akong lalapit sa kinaroroonan ng aso nang marinig ko ang sigaw ni Lola.

"Faerie, 'wag ka ng magpawis dahil madudungisan ang toga mo!" Sumimangot ako at nilagpasan ang aso, dumiretso sa balkonahe ng bahay. Hindi ako magpapawis kung hindi s'ya mabagal mag-ayos. Psh. Pumasok ako't naupo sa sala, pinanood na maglagay ng pulbo ang matanda.

"Dapat ay hindi ka na naglalaro dahil g-graduate ka na! Hayskul ka na kaya!" I made a face but was so shocked to see my grandmother looking at my reflection in the mirror.

Agad akong tumakbo palabas ng bahay at narinig nanaman ang nakaririnding sigaw ni Lola. Sa loob ng isang araw, hindi na ata mabilang sa daliri kung ilang beses n'yang isigaw ang pangalan ko.

"Faerie! Aba't sutil ka talaga! Hindi ka na dapat nangyuyuga-yuga dahil dalaga ka na! Wag kang isip bata ha!" Aba! Paanong 'wag akong isip bata eh bata pa naman talaga ako!? Ang tagal naman kasi naming umalis. Bored na bored na ako. Siguradong kanina pa nasa school ang mga classmates ko habang ako, nandito pa rin at nakikipaglaro sa aso.

"Bakit ka nakaupo d'yan sa hagdan?! Tumayo ka't madudumihan ang toga mo!" Umirap ako't tumayo.

Mahal na mahal ko talaga si Lola, lalo na kapag tulog s'ya. Haaay. Pinagpag ko ang duming kumapit sa suot na toga at sumunod palabas ng bakuran kay Lola. Siguradong sa may Plaza nag-aabang si Uncle Nardo, sa tricycle n'ya kami sasakay. Pagdating ng school ay dali-dali kong hinanap ang pila ng aming klase. Nang matanaw si Marvi ay pumunta na ako sa pwesto nila't iniwan si Lola na nakikipagchismisan pa sa ilang kakilala.

"Bakit ang tagal mo? Malapit ng magmartsa!" Bungad ng kaibigan. Hinawi ko ang buhok ko at nilingon si Lola na papunta na din sa pwesto namin.

"Si Lola ang matagal, hindi ako." Tinignan n'ya ako nang may nanliliit na mata. Tila hindi makapaniwala sa sagot ko.

"Tsaka bakit ba nagtatanong ka pa? Kailan ba kami dumating nang maaga?" Mahaba kong dagdag. Hindi early bird si Lola, pero hindi din naman late.

"Sila Marvi kasi isang oras atang tumunganga dito. Excited masyado." Nang-aasar na baling sa 'min ni Saldrin. Tumawa ako't nilingon si Marvi.

"Kaya pala....." Nambibitin kong sabi. Tumatango-tango pa. Pakaba lang.

"Ano?!" Mataray n'yang tanong.

Pikon.

"Kaya pala hulas na 'yang make-up mo." Seryoso kong sagot. Ninanamnam ang unti-unti n'yang pagsimangot.

Pikon talaga.

"Hahahahaha! Bawal ang pikon! Kapag nag-away tayo ngayon, magha-high school kang mag-isa. Gusto mo yon? Ha? Gusto mo yon?" Sapaw ni Saldrin. Nang-asar pa lalo.

"Tse! Nagfade na ba talaga? Pahiram salamin dali!" Nag-iinarteng ani ni Marvi. Psh. Akala mo talaga. Arte, wala pa namang dede.

"Wala akong salamin. Wala akong kahit anong dal----" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ang tugtog para sa martsa.

"Wag ka ng maarte start na!" Bulong ni Saldrin kay Marvi at umayos ng pila.

Nilingon ko si Lola nang kalabitin n'ya ako para kabitan ng pin. Sumilip ako sa unahan at pinanood mag martsa ang mga guro. Muli lang akong umayos nang tayo noong kami na ang susunod. Nagmartsa kami kasama ang magulang at humihinto lang saglit para makuhanan ng litrato. We remained standing until the last student finished the march. No one dared to talk when we reached our designated places. Everyone's attention is in the program.

Or so I thought.

Maybe except me.

A familiar guy got my attention. Chin is up and walking with confidence.

His presence always screams so much more. Kahit saan mo s'ya makita at makasalubong. Like there is more in him that you can't touch. There is much more in him but you will never have the chance to grasp.

Aside from the barangay captain and the mayor, Raja Elixir Stefanca and his parents were the guests for this graduation. Ang pinakamayamang pamilya sa aming probinsya. Probably not just in this province, but on the entire region.

Agad kong itinuon ang paningin sa entablado nang makita s'yang lumingon sa gawi ko. Sa oras na iyon ko lang napansin na hindi lang atensyon ko ang naagaw ng pamilya nila kung hindi atensyon ng halos karamihan. May iba pang hindi nakuntento sa tingin at kating-kating nagbulungan.

"Unang Karangalang Banggit, Faerie Elysia Castilleja."

Pagkatapos ng mahabang seremonyas, tumayo ako't hinintay si Lola malapit sa stage upang masamahan akong umakyat at masabitan ng medal. And just like your typical graduation, the masters of the ceremony enumerated my awards and achievements.

Kinamayan ako ng school principal at ng mga bisita. Pagkatapos kamayan ang mag-asawang Stefanca ay hindi na ako nag-abalang balingan pa ang anak na nasa tabi nila. Masyadong mabigat ang epekto sa akin ng presensya n'ya, hindi ko kayang tagalan.

Ngumiti ako para sa picture taking at agad ding bumaba ng stage nang tinawag na ang class valedictorian.

Hindi na ako nakabalik sa pwesto dahil sa unahan na dapat maupo ang mga may karangalan. Ngumingiti lang sa tuwing may sumesenyas at bumabati. Hindi pa din humuhupa ang kabang nararamdaman kaya naman inabala ko ang sarili. Pinanood ko ang langgam na gumagapang sa upuang nasa aking harapan. Pinipilit ang anumang dahilan upang hindi na tumingin sa entabladong kinatatayuan ng inignorang panauhin.

It was a usual graduation but I wasn't in my usual. I tried so hard to socialize and act unbothered. Nagpicture taking pa kami at nagbatian. Nakakasuka lang ang iyakan dahil panigurado namang nasa iisang school pa din kami sa susunod na pasukan.

Inimbita ni Lola ang ilang kakilala dahil may handaan sa bahay. Siguradong naroon mamaya si Kapitan dahil inaanak n'ya ako't malapit s'ya sa pamilya. Hindi lang ako sigurado kung dadalo ang pamilyang Stefanca.

"Huy!" Gulat sa akin ni Marvi. Inirapan ko lang s'ya. "Bakit ang sungit mo? Hindi mo kinamayan si Rael kanina! Inabot n'ya 'yong kamay n'ya tapos tinalikuran mo! Napahiya 'yong tao...." Nakangusong kwento n'ya.

Kwinento pa talaga eh ako ang gumawa no'n kaya malamang sa malamang, alam ko 'yon.

"Hindi ko napansin." Malamig kong sagot. Kunwari ay walang pakialam at hindi apektado dahil kapag pinahaba ko pa ang sagot ko, hindi ako tatantanan nito.

Pagkatapos kong maitali ang ribbon ng suot na dress ay niyaya ko na si Marvi na lumabas upang harapin ang mga bisita. Madami ang tao at naabutan ko si Lola na aligaga sa kusina. May kausap sa telepeno habang minamanduhan si Chayen ng kung ano.

Nagpaiwan naman sa living room si Marvi, nando'n kasi ang iba naming kakilala at kaklase.

"Ang daming bisita kaya kinulang ang pagkain! Umorder ako ng pancit at palabok sa bayan dahil madami pa atang dadating. Naku! Ikaw lang ba ang estudyanteng nagpa-palanit sa eskwelahan n'yo at nandito ang lahat ng tao?!" Natatarantang reklamo ni Lola.

Bakit parang kasalanan ko pa? Eh kung hindi n'ya chinismis kanina sa graduation na naghanda s'ya, hindi sana s'ya namromroblema.

Bumalik si Chayen na may dalang dalawang malaking lata ng fruit cocktail. Kumuha s'ya sa cabinet ng malaking bowl at inilagay ang mga iyon sa lamesa. Akma s'yang aalis nang habulin ko s'ya.

"Saan ka pupunta Chayen?" Kalmadong kong tanong dahil nagagahol ang lahat ng tao.

"Bibili ng condensed milk dahil ubos na ang stock. Gagawa pa ulit ng salad." Hindi na n'ya hinintay ang sagot ko at dali-daling lumabas ng kusina.

Bumuntong hininga ako at tinungo ang ref para kunin ang nestle cream. Binuksan ko na ang fruit cocktail at sinala. Hinalo ko na ang lahat ng sangkap na nakahanda sa counter. Tinikman ko na rin ang ginawang salad. Nakuntento lang nang masigurong tamis nalang ng condensed milk ang kulang. Nang akma ko ng huhugasan ang mga ginamit ay saktong pagdating ni Chayen.

Kunot noo n'yang tinignan ang ginawa ko. "Ginawa mo na?" Tanong n'ya kahit pa obvious na ang sagot. Hindi ako umimik at inabot nalang ang condensed milk na binili n'ya. "Sige.... ituloy mo nalang 'yan at tapusin, magtitimpla ako ng juice." Tumango ako't ginawa ang sinabi n'ya.

Dumulas ang lata ng gatas nang subukan ko itong buksan gamit ang can opener. Nilingon ko ang pumasok sa kusina at gusto ko nalang iwan ang ginagawa nang makita ko kung sino iyon. I focused on the canned milk, never minding the visitor who entered our kitchen. Muli kong sinubukang buksan ang lata. Sumuko rin at naghagilap ng kutsilyo nang matantong nasira ngang talaga ang can opener.

"Ako na." Sambit ni Raja bago ko pa itutok ang kutsilyo sa lata.

Marahan n'yang hinawakan ang palapulsuan ko't kinuha ang patalim gamit ang kabilang kamay.

"Congratulations, Fae!" Another visitor entered our kitchen, but this time, I welcomed him with a smile. Nagpunas ako ng kamay gamit ang table napkin na nasa lamesa.

"Oh. Rael?" Naabutan kami ni Chayen at sinamantala ko ang pagkakataon para makatakas sa eksenang iyon. Kinuha ko ang dala n'yang tray na may lamang pitsel ng juice at mga baso.

"Ako na nito, Yen." Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon n'ya. Bitbit ang tray, nakangiti kong nilapitan ang bagong dating na bisita.

"What's up, Diego?" I asked while smiling at him. He smiled, too. We had a chit-chat as we leave the kitchen. And I tried so hard not to look back.

Everyone calls him that.

Rael.

Everyone, except me.

Because I feel like— I don't have the right to.

Author's Note

FAQs:

Twelve years old pa lang 'yong girl?

Bakit po ang bata pa ng characters?

Because this is a TEEN FICTION. We started to question and entertain foreign feelings, and take responsibility for our actions at this age, didn't we? This is a coming-of-age story. Expect the next chapters to collerate with the age and experiences of the protagonist.

Thank you!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login