Download App

Chapter 2: CHAPTER 1

ALMIRA'S POV

Pagbaba ko ng kotse ay nagsitinginan ang lahat ng estudyante sa akin. Well I'm famous in our campus dahil sa kamalditahan at kasungitan ko.

Lahat ng estudyante ay ayaw sa akin kaya wala akong pakielam doon. I have a friend na tanggap ang ugali ko. Kahit ilang beses ko na silang pinagmalditahan at sinungitan ay nandiyan pa rin sila.

"Girl, buti nandito ka na? Kanina pa kami kinukulit ng mga suitor mo, kanina ka pa nila hinahanap," sabi ni Chelsea sa akin ng makalapit na siya kasama yung dalawa.

"Grabe ka talaga, Girl. Bakit ba wala ka pang sinasagot sa mga yun?" tanong ni Trinity.

"Oo nga kahit isa man lang kanina ay sagutin mo ang tagal tagal na nilang nanliligaw sayo," sabi ni Maleah. Inirapan ko lang sila at nauna ng maglakd papuntang building.

Napahinto lang ako sa paglalakad ng may mga lalaki kaming nasalubong.

"Girl, ayan na ang mga suitors mo," sabi ni Trinity.

"Don't mind them," sabi ko at pinagpagpatuloy na namin yung paglalakad ng pinigilan ako ng isa sa mga lalaki, si Xavier.

"What?" Inis kong sabi.

"Bakit ang hirap mong mapasagot, Almira? Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki? Ano pa bang kulang sakin para sagutin mo ko?" tanong nito. Tinitigan ko lang siya. Ang drama naman niyong lalaking to.

Biruin niyon sa isang tulad ko na masungit at maldita ay may magkakagusto sa akin. Isa itong lalaking to sa mga lalaking patay na patay sa akin. Iniisa sa kanila ay wala pa akong sinasagot.

"Tapos ka na ba para makaalis na ako?" tanong ko.

"Ano pa bang gusto mong gawin ko, Almira?" tanong na naman ni Xavier.

"Anong gusto kong gamin mo? Bakit gagawin mo kung anong gusto ko?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Oo, gagawin ko kahit ano," sabi nito.

"Ang gusto ko ay tumigil ka na sa panliligaw sa akin. Kahit anong gawin mo ay hinding hindi kita sasagutin," sabi ko at nilagpasan na siya. Tss.

"Tagal ng nanliligaw sa si Xavier pero hindi mo pa rin siya sinasagot. Almira, ano pa ba dapat gawin ni Xavier para sagutin mo siya. Mayaman siya, gwapo, matalino at mabait, may kulang pa ba sa kanya?" sabi ni Chelsea.

"Tss, I don't like him. Wala akong paki alam kung gwapo at mayaman siya. Para saan pa? Mayaman nga at gwapo sa panlabas, ang pangit naman ng ugali niya pagnagtagal at pag lalo mo siyang nakilala," sabi ko.

"Bakit ba ang maldita at ang sungit mo, Almira? Simula ng mamatay ang parents mo nagkaganyan ka na. Namiss na namin yung dating Almira na mabait at yung Almirang ngumingiti," sabi ni Maleah.

"Hindi na mababalik ang dating Almira na yun dahil hindi na maibabalik ang buhay ng mga magulang ko. Nagbago na ang lahat simula ng mamatay sila," walang emosyong sabi ko.

"Ano pa nga ba magagawa namin? Kahit naging masungit at maldita ka na, hindi ka pa rin namin nilalayuan. Kaibigan ka namin Almira, kahit sungitan at malditahan mo man kami hindi kami aalis sa tabi mo," seryosong sabi ni Trinity.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy na ang paglalakad papuntang building ng Business Administration Department.

By the way... I'm Almira Fate Ferreira. I'm 22 years and 4th year student in Business Administration Department. Isang year na lang at makakagraduate na rin ako.

Pagkarating nmain sa classroom ay umupo ako sa bakanteng upuan sa likod. Mas makakapagfocus ako kapag nasa likod ako nakaupo.

Si Trinity naman ay umupo sa harapan. Alam niyang mas gusto kong walang kausap kapag may klase.

Pagkarating ng Prof namin sa Accounting ay nagfocus na ako sa lecture dahil this is my favorite subject.

BREAKTIME...

Nililigpit ko yung mga gamit ko ng lapit an ako ni Trinity. Tumingin ako sa kanya at tumayo na.

"Almira, hindi na ako makakasabay sa inyong kumain. Pupunta lang akong library," sabi niya.

"Bakit? Anong gagawin mo dun?" tanong ko.

"Magrereview para sa quiz natin sa Accounting next week. Ikaw kasi hindi mo na kailang mag review dahil easy lang sayo lahat ng yun," sagot niya kaya tumango na lang ako at sabay na kaming lumabas ng classroom.

Naghiwalay na kami ng landas dahil magkaiba ang daan papuntang cafeteria. Tahimik lang akong naglalakad ng may humila sa akin papasok sa isang classroom na wala ng mga estudyante.

Sisigaw sana ako ng takpan na niya agad yung bibig ko. Tinignan ko kung sino yung humila sa akin.

Nanlilisik ang mga mata kong tinignan ko siya ng makilala ko kung sino siya at tanggalin niya yung kamay niya sa bibig ko. Binitawan naman yung bibig ko.

"Ano bang kailangan mo ha? Diba sinabi kong tigilan mo na ako?" sigaw ko sa kanya.

"Hindi kita titigilan, Almira. Mahal kita kaya gagawin ko ang lahat para mahalin mo din ako," seryosong sabi niya. Patagong napairap ako. Tss, ang drama talaga ng lalaking to. Tinignan ko siya sa mga mata.

"Kahit kailan hindi kita mamahalin. Wala kang mapapala sa akin kung hahabulin mo ako ng hahabulin," may diing sabi ko. Lumapit ako sa kanya. "Dahil ikaw rin ang mapapagod sa ginagawa mo," sabi ko at lumabas na ng classroom.

Pagkarating ko sa cafeteria ay bumili muna ako ng pagkain ko at nang makita ko kung saan nakaupo sila Maleah ay agad akong lumapit sa kanila. Nilapag ko yung pagkain ko at padabog na umupo.

"Bakit ganyan yang mukha mo? Bad trip?" tanong ni Maleah.

"Kabadtrip yung bwisit na Xavier na yun. Ayaw pa rin tumigil. He said he loves me," sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata nila.

"Mahal ka niya, Almira? Eh bakit kasi ayaw mo siyang bigyan ng chance na makapasok sa puso mo para sumaya ka naman kahit papaano," sabi ni Chelsea.

"Ayoko, kung may mamahalin man ako eh yun yung magpapabago ng ugali ko. Yung parang katulad ng dati, ang lalaking magpapabalik sa dating Almira. Yung magpapangiti at magpapatawa sa akin," seryosong sabi ko.

"Ano ba yung gusto mo sa isang lalaki?" tanong ni Maleah.

"Gusto yung lalaking mabait, gwapo, matalino at masipag. Kahit wala siyang yaman na maipagmamalaki kagaya ni Xavier basta mapangiti at mapatawa niya ko. Yun yung gusto ko sa lalaki," sabi ko.

"Kung sino man yun Almira, sana dumating na siya para maging masaya ka na. Susuportahan ka namin kung saan ka man masaya," nakangiting sabi ni Chelsea.

"Thanks girls," sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Nga pala, where's Trinity?" tanong ni Chelsea.

"Nasa library pianghahandaan ang exam namin next week," sagot ko.

"Bakit ikaw hindi mo pianghahandaan yung exam niya?" tanong ni Maleah.

"Accounting, ang exam namin. Easy lang sakin yun," sabi ko.

"Kaya naman pala," tanging saki ni Maleah.

"Nakalimutan niyo na ata na ako ang may ari ng isa sa sikat na hotel sa bansang to," paalala ko sa kanila.

"Oo nga pala no, kasi naman bakit pa natin yun tinanong eh," sabi ni Chelsea sabay palo sa balikat ni Maleah. Ang kulit talaga ng dalawang to kahit kailan. Si Trinity lang ata yung matino sa kanilang tatlo.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy na yung pagkain ko.

DISMISSAL...

"Class dismissed," sabi ng Prof namin at lumabas na ng classroom. Kainis talaga tong Prof namin sa Physics, kanina pa nagbell eh ngayon lang kami pinauwi.

Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas na kami ni Trinity. Paglabas namin ay nakita naming naghihintay na kami nila Chelsea at Maleah.

"Ang tagal naman magdismissed niyang Prof niyo," sabi ni Maleah.

Hindi ko na sila pinansin dahil na una na akong maglakad sa kanila.

"Almira, hintayin mo naman kami. Hintay namin kayo tapos iiwan mo kami," sabi ni Chelsea at naramdaman kong sumunod na sila sa akin.

"May sinabi ba akong hintayin niyo kami, diba wala," malamig kong sabi kay Chelsea.

"Grabe ka naman, ang lamig mong magsalita. Hinintay na nga kami ng matagal sa inyo eh," malungkot na sabi ni Maleah.

"Parang hindi pa kayo nasanay diyan kay Almira," sabi ni Trinity.

"Tss. Ewan ko sa inyo," sabi ko at nauna na ulit maglakad sa kanila.

Pagdating sa labas ng gate ay pinagbuksan agad ako ng pinto ng bodyguard ko. Agad naman akong sumakay at pinaandar na yung sasakyan.

Pagkarating sa mansion ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Pagkarating ko sa kwarto ko ay hinagis ko sa kama ko yung bag ko at pumasok sa walk in closet at nagpalit na.

Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta ng kitchen. Naabutan ko dun si Mamita at Lorraine (My Secretary) na ako na lang hinihintay.

"Good evening, Mamita," bati ko at bumrso sa kanya bago umupo sa tabi niya na katapat ni Lorraine.

"Good evening," bati ni Mamita. Kumuha na ako ng pagkain ko at nagsimula ng sumubo.

"Why are you here, Ms Velasquez?" tanong ko kay Lorraine.

"I need your signature here for the share to be offered at the Victoria Marina Hotel," sabi niya at may binigay na brown envelope sa akin.

Kinuha ko naman at binasa. This is the first time na magbibigay ako ng shares sa mga hotel. Marami ang gustong makuha ang tiwala ko para makilala din ang hotel nila pero lahat sila ay tinanggihan ko maliban sa Victoria Marina Hotel.

I like the Victoria Marina Hotel interior design na lalong nakakuha ng atensyon ko. Lahat ng gusto ko sa isang hotel ay nasa hotel nila. Kaya ang hotel nila ang napili ko para ibigay ang ibang shares ko.

Pagkatapos kong basahin ay pinirmahan ko dahil wala namang problema. Pagkatapos kong pirmahan ay binigay ko na ulit kay Lorraine at pinagpatuloy na ang pagkain.

"You're good at business, Sweetheart. Manang mana ka talaga sa Dad mo," sabi ni Mamita.

"Thanks po, Mamita," sabi ko na lang.

"Hindi ka ba talaga sasama sa akin na pumuntang America?" tanong ni Mamita kaya napatigil ako sa pagkain.

"You know my answer Mamita. Hindi ko pwedeng iwan ang Hotel," sagot ko.

"Pwede namang si Alfred ang magpatakbo ng Ferreira Hotel dito at ikaw ang magpatakbo ng kumpanya natin sa America," sabi ni Mamita.

"Ayoko pong pumunta ng America, Mamita. Mas gusto ko dito," sabi ko.

"Ayaw mong pumunta ng America dahil ayaw mong hindi nadadalaw ang puntod ng mga magulang mo. Hanggang ngayon pa rin ba ay hindi mo pa rin tanggap ang pagkamatay ng mga magulang mo?" seryosong tanong nito.

"Oo, Mamita. Hindi ko pa rin tanggap na wala na sila, na hindi ko na sila mahahawakan at mayayakap. Bakit kasi sila pa yung nawala? Bakit hindi na lang yung ibang tao?" sabi ko at may tumulong luha sa mga mata ko. Tumayo na ako dahil nawala na ako ng ganang kumain.

"Akyat na po ako sa kwarto ko," sabi ko at lumabas na ng dining area.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad kong nilock yung pinto at humiga ako sa kama at kinuha ang family picture namin sa side table ko.

This was taken 7 years ago before they died. Ang saya namin sa pictures dahil yan yung araw na nakatanggap ako ng maraming award sa school.

Kung anong saya ang naramdaman ko nung mga araw na yun ay mapapalitan ng lungkot ng malaman kong wala na sila. Walang araw na hindi ako umiiyak, nagkulong ako sa kwarto ko hanggang sa mailibing sila. Ni hindi ko sila sinilip ng nakaburol sila, dahil hindi ko matanggap na wala na at hindi ko na makakasama ang mga mahal kong magulang.

Kaya lahat ng nasa paligid ko ay sinusungitan ko at hindi ko nginingitian kahit anong gawin nila Trinity, Chelsea at Maleah para mapangiti at mapatawa ako ay hindi umubra dahil wala namang dahilan para maging masaya pa ako, wala na.

"I miss you Mom and Dad," umiiyak kong sabi at niyakap yung picture frame. Ipinikit ko na yung mga mata ko na mapagid na sa kakaiyak.

KINABUKASAN...

Hindi na ako nagbreakfast sa mansion, hindi dahil ayokong kasabay kumain si Mamita kaya ayokong magbreakfast, wala lang talaga akong ganang kumain.

Pagkarating sa University ay agad akong pinagbuksan ng pinto ng bodyguard ko. Bumaba na ako ng kotse.

Tahimik lang akong naglalakad at hindi pinapansin ang mga tingin ng ibang mga estudyante.

Dumiretso na ako ng classroom dahil ayoko ng hintayin yung tatlo.

Pagkarating ko sa classroom at umupo na ako sa upuan ko at nilabas yung pocket book ko. Nagbasa na lang ako ng nagbasa.

Napahinto ako sa pagbabasa ng magring ang phone ko. Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko at tinignan ko kung sino yung tumatawag.

Mamita calling...

Napahinga ako ng malalim bago ko sinagot. Buti na lang at wala pa kaming Prof.

"Hello, Mamita?" sabi ko.

(I'm sorry for the last night. Hindi ko sinasadyang banggitin sila,) seryosong sabi ni Mamita sa kabilang linya base sa tono ng pananalita niya.

"It's okay, Mamita. Hindi ko pa rin talaga tanggap na wala na sila. Bakit nga po pala kayo napatawag?" tanong ko.

(Remember, ngayon ang alis ko papuntang America. Gusto ko lang ipaalam sayo.)

Oo nga pala, pupunta na ulit si Mamita sa America. Nagbakasyon lang pala siya dito.

"I know, Mamita. Take care," sabi ko.

(Bye, take care too, Sweetheart,) She ended the call.

BREAKTIME...

Kumakain na kami ditong apat sa cafeteria.

"So ano na Trinity kaya pa ba ang pagrereview para malamangan si Almira sa Accounting exam niyo next week?" tanong ni Chelsea.

"Yeah, kaya pa naman pero duh. Ayokong makipagmagalingan kay Almira, matatalo ako dyan kahit walang review review yan, alam kong talo ako dyan," sabi ni Trinity.

"Don't lose hope, Trinity. Huwag mong sabihin na talo ka ka agad kung hindi mo pa naman na susubukan. Wala pa nga yung exam kung ano ano na yung naiisip mo," sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

Pagkatapos ng breaktime ay pumunta na sila sa class nila, ako naman ay nandito sa isang bench dahil mamaya pa naman ang class ko. Tumayo na ako dahil mas gusto kong tumambay sa rooftop kaysa dito.

Tahimik akong naglakad. Napatingin ako sa lalaki na nakatayo malayo layo sa akin pero kita kong nakangiti siya. Hindi ko alam pero biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Para akong nilulusaw ng mga ngiti niya kahit nasa malayo siya.

Napailing na lang ako at lumiko kung na saan ang B.A Department. Umupo ako sa isa sa mga bench dito sa rooftop.

"I really miss you Mommy and Daddy. Malapit na ang birthday ko na hindi ko na naman kayo makakasama sa espesyal na okasyon sa buhay ko. Bakit kasi kayo pa yung nawala eh?" naluluhang sabi ko. Para akong tanga na nagsasalita at umiiyak dito sa rooftop.

Napayuko ako. Ang sakit parin sa akin. Sariwang sariwa pa yung sugat na nasa puso ko na parang kahapon lang nangyari lahat. Sinubukan kong wag na alalahanin lahat ng nangyari sa past.

Napaangat ako ng tingin ng may nakatayo sa harap ko at may inaabot na handkerchief. Kinuha ko naman at agad kong pinunasan yung mga luha ko gamit yung panyo.

"Umiiyak din pala ang isang Almira Fate Ferreira," sabi niya at umupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kanya. Siya yung lalaking nakita ko na nakangiti. Ang gwapo pala niya sa malapitan.

Bigla na namang bumilis yung tibok ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin at napahawak sa tapat ng puso ko.

ANO BA TONG NARARAMDAMAN KO? BAKIT ANG BILIS NANG TIBOK NG PUSO KO?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login