Download App

Chapter 31: CHAPTER 30

ALMIRA'S POV

Nagising ako ng makaramdaman ako ng malakas na pagsipa sa loob ng tiyan ko. Dahan dahan akong bumangon at umupo sa kama. Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama.

Tumingin ako sa alarm clock sa gilid ko at nakitang alas-sais y medya palang ng umaga. Napatingin ako sa sobrang laki kong tiyan at hinimas.

"Baby, ang aga mo naman akong ginising. Hindi pa nga ako makakatulong ng maayos dahil panay ng sipa mo kagabi, ginising mo ako agad," pagkausap ko sa tiyan ko.

Siyam na buwan na ngayon ang tiyan ko at sobrang laki na. This week na ang due date ko, ilang beses na din akong nag-false alarm, katulad kagabi bigla na lang sumakit, pero hindi pa pala ako manganganak.

Sobrang laki nga ng tiyan ko. Sabi nga ni Mama, kakaiba daw yung tummy ko ngayon dahil halos mas malaki pa yung akin kaysa nung nagbuntis siya kay Hannah noon. Ganun din ang sabi nung OB ko.

Baka dahil matakaw ako kaya sobrang laki ng tiyan kaysa sa normal na tiyan ng ibang buntis.

And about sa gender, wala pa kaming alam dahil gusto naming dalawa ni Castriel na sa mismong araw na manganak ako malalaman kung lalaki ba o babae ang anak namin.

Napatingin ako kay Castriel ng bigla siyang gumalaw at yumakap sa akin. Nakita ko na dahan dahan niyang minulat ang mata niya at ngumiti. Ang gwapo talaga ng asawa ko.

"Aga mo yatang magising ngayon, my pregnant wife," sabi niya sabay himas sa malaki kong tiyan bago hinalikan.

"Ang aga kasi akong ginising ng anak mo. Ang sakit sumipa," sabi ko at napangiwi ng sumipa na naman. Alam kong naramdaman niya yun dahil nakapatong ang kamay niya sa tiyan ko.

"Malapit na kasi siyang lumabas kaya masakit na siyang sumipa," sabi ni Castriel at hinalikan ako sa ulo.

Umupo na din siya sumandal din siya sa headboard. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Love, malapit ng lumabas ang baby natin, wala pa tayong naiisip na pangalan," sabi ko sa kanya.

"Ikaw ba may naisip ka na, basta nakasunod sa pangalan natin ang pangalan niya," sabi niya. Napaisip naman ako.

"May naisip na ako," mabilis kong sabi.

"Ang bilis mo namang mag-isip. Sige, anong pangalan ang naisip mo?" tanong niya.

"I want 'Cassandra' for a baby girl, and 'Adrian' for a baby boy. Then, ang name nating dalawa ang magiging first name nila," I said. "How's that, love?" I ask.

"Hmmm, maganda ang pangalan na naisip mo, Mahal," nakangiti niyang saad.

"Talaga?"

"Yes, Mahal. Castriel Adrian and Almira Cassandra, bagay na bagay," sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Ang ganda ng naisip na pangalan ni Mommy, diba, Baby?" pgkausap niya sa tiyan ko. Nakaramdam naman ako ng dalawang sipa sa loob ko.

"Sang-ayon si Baby sa pangalan na naisip mo, Mahal," nakangiting sabi ni Castriel.

"Tara na, tulungan mo akong tumayo para makaligo na ako at makaluto na nang breakfast natin," sabi ko sa kanya. Tinulungan namin niya akong tumayo.

"Sabay na din ba tayong maligo, Mahal?" tanong niya. Agad ko naman siyang pinalo sa braso.

"Tumigil ka nga. Ang laki laki na nang tiyan ko, pinagnanasahan mo pa rin ako," sabi ko sa kanya.

"Hindi kita pinagnanasahan, mahal kong asawa. Para namang hindi tayo sabay maligo araw-araw simula ng lumaki na ang tiyan mo," nakalokong ngiting sabi niya.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya dahil naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

"Sige na nga, sabay na tayo," sabi ko.

Pumasok na kami sa bathroom at sabay na kaming nagshower.

****************

Pagkatapos kong magluto ng breakfast ay si Castriel na ang naghanda ng mga niluto ko sa dining table, pati na din ang mga plato at kubyertos.

"Ang aga mo namang magising, Ate," sabi ni Hannah na kakarating lang dito sa dining area at umupo sa katapat kong upuan.

"Ginising ako ng napakaaga ng pamangkin mo. Ang lakas na niyang sumipa," sagit ko at hinaplos ang tiyan ko.

"Excited na akong makita at mahawakan ang pamangkin ko," nakangiti niyang saad.

Pagkarating nila Mama at Papa dito sa dining area ay nagsimula na kaming kumain ng breakfast. Pagkatapos kumain ay umalis din nman agad sila Mama at Papa para pumuntang company. Si Hannah ay pumasok na rin sa school niya kaya kaming dalawa na lang ni Castriel ang nandito sa mansion.

"Love, gusto kong pumunta sa kahit saan, nabobored na ako dito sa mansion. Nakakasawa na ding maglakad lakad sa garden ng mansion o kaya ay sa village," sabi ko kaya Castriel na katabi kong nakaupo dito sa living room.

"Hindi pwede, baka kung anong mangyari sa'yo, lalo na't kabuwanan mo na," sabi niya.

May dumaan na maid sa gilid ko na mukhang pupuntang supermarket dahil may hawak siyang papel.

"Hey, come here," tawag ko sa maid na tumingin sa akin at parang ewan na tumingin pa sa kaliwa't kanan niya.

"Ako po ba, Lady Almira?" magaling na tanong niya habang nakaturo ng hintuturo niya sa sarili niya.

"Sino ba sa tingin mo?" mataray kong sabi.

Nakita ko siyang umuko habang nag-aalangan na lumapit sa akin.

"Where are you going?" I ask.

"Sa supermarket po, Lady Almira," magalang niyang sagot habang nakayuko.

"Give me that list. Ako na ang bibili," sabi ko.

"Po?"

"You heard what I said. So, I don't have to repeat myself," I said. I see the fear in the maid eyes.

"Lady Almira, hindi po pwede. Matatanggal po ako sa trabaho ko kung may mangyari sa'yong masama kapag pumunta kang supermarket," pagdadahilan niya.

"Mas lalo ka namang mawawalan ng trahabo kung hindi mo ako susundin," sabi ko.

"Hindi ka pwedeng pumunta sa kahit saan, Mahal," sabi ni Castriel. Hindi ko siya pinakinggan dahil nasa maid ang atensyon ko.

"Ibibigay mo sa akin ang listahan o ako ang magtatanggal sa'yo sa trabaho mo?" walang emosyong sabi ko.

Nanginginig ang kamay na binigay sa akin ng maid ang papel na hawak niya.

"You my now leave," sabi ko na agad naman niyang sinunod.

Tinignan ko ang hawak kong papel at unti lang naman ang nakalista.

"Makulit ka din, eh, 'no," sabi niya.

"Sige na, samahan mo na ako, Love. Wala namang mangyayari sa aking masama dahil kasama kita. And kung sakali mang manganak ako, eh, nasa trunk lang ng sasakyan mo ang mga gamit ni Baby," sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako ng mabuti kaya ngumiti ako sa kanya.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya, saka tumayo at tumingin sa akin. Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"Halika ka na. Hindi naman ako mananalo sa'yo dahil ipipilit mo pa rin ang gusto mo," sabi niya. Tinanggap ko ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo.

Lumabas na kami ng mansion at inalalayan niya akong makaupo sa passenger seat. Pagpasok niya ng driver seat ay pinaandar na niya ang kotse.

Pagkarating sa supermarket ay siya ang nagtulak ng cart habang ako ang kumukuha ng mga nakalista sa papel na hawak ko.

************

Pagkatapos kong kunin ang huli sa listahan at nilagay sa cart ay pupunta na dapat na kami ni Castriel sa counter para bayaran pero may mahinang bumangga sa balikat ko at muntik na akong madulas. Buti na lang ay nasa gilid ko si Castriel at nakaalalay sa likod ko kaya nasalo niya ako agad.

"Sorry, hindi ko sinasadya, Hija. Buti na lang ay kasama mo ang asawa at nasalo ka niya agad. Buntis ka pa naman," sabi ng medyo may katandaang babae na halatang mayaman dahil sa magandang pustura niya.

Nag-angat ako ng tingin sa babae. Napatulala ako sa ng tingin sa kanya at naramdaman ko ang biglang pagtulo ng mga mata ko habang nakatingin pa rin sa babae. Totoo ba ang nakikita ko? Nasa harap ko ang babaeng matagal ko ng gustong yakapin. Kamukha niya si Mommy o talagang si Mommy ang kaharap ko?

"Hija, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" alalang tanong ng matandang babae na kaharap ko.

"Mommy," sambit ko at agad siyang niyakap. "Mommy, I missed you so much," umiiyak kong sabi habang nakayakap sa kanya.

"Castriel? Bakit tinawag akong 'Mommy' ng asawa mo?"

"Pagpasensyahan mo na po ang asawa ko, Tita," sabi ni Castriel.

Kilala niya si Castriel? Pero, bakit hindi niya ako kilala? Siya ang Mommy ko?

"Mahal, hindi siya ang Mommy mo. Siya si Tita Marizel, Mommy ni Sadie," rinig kong sabi ng asawa ko kaya napahiwalay sa pagkakayakap ng babaeng kamukha ng Mommy ko.

Tinignan ko ang sinasabi ni Castriel na Mommy daw ni Sadie. Kamukhang kamukha niya talaga si Mom.

"Bakit kamukhang kamukha niya si Mommy?" tanong ko.

"Yeah, magkamukha nga ang Mommy mo at si Tita Marizel. No'ng araw na unang punta ko sa mansion niyo at nakita ko ang malaking portrait ng Mommy at Daddy mo ay napagkamalan kong si Tita Marizel yun dahil sa magkamukha sila, " paliwanag ni Castriel.

"Ano bang pangalan ng Mommy mo, Hija?" tanong ng Mommy ni Sadie sa akin.

"Marizialyn Soriano-Ferreira," agad kong sagot. Bigla namang nanlaki ang mata niya.

"Anak ka ni Ate Marizialyn?" gulat niyang tanong.

"Opo. Bakit po? At saka, bakit niyo po tinawag na Ate ang Mommy ko?" magalang kong tanong.

"I'm Marizialyn's long lost twin sister," sagot niya.

Ako naman ang nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya.

"Kapatid ka ni Mom?" gulat kong tanong.

"Yes," sagot niya.

"Paano? Ang pagkakaalam ko ay walang kapatid si Mom, lalo na wala din siyang kakambal." sabi ko.

"Tapos na ba kayong mamili? Para sa cafe doon tayo magkapaggusap at para makaupo ka na din, Hija. Mukhang nangangalay ka na sa tiyan mo, dahil sa sobrang laki."

"Yes po, tapos na kami. Pupunta na nga po sana kmi sa counter," sagot ni Castriel.

"Good. Tapos na din naman akong mamili at doon na din ang punta ko," sagot ng Mommy ni Sadie.

Pagkatapos naming bayaran ang mga pinamili namin ay pumunta kaming cafe. Si Castriel na ang umorder at kami naman ng kasama ko ay naghanap ng pwesto. Dahan dahan akong umupo sa nahanap namin vacant table na pang-apatan.

"Almira Ferreira-Guevarra, right?"

"Yes po," sagot ko.

"Gusto mo na bang malaman kung bakit ko sinabi na kakambal ko ang Mommy mo?" tanong niya. Tumango nman ako.

Dumating na din si Castriel dala ang mga in-order niya at umupo sa tabi ko.

"Totoong magkambal kami ng Mommy mo. Hindi lang ata niya nasabi sa'yo dahil ang akala nila ng parents namin ay patay na ako. Matagal akong nawalay sa kanila dahil nawala ako ng 7 years old kami ni Ate. Malaki ang pasasalamat ko sa mga adopted parents ko dahil tinulungan nila akong mahanap ang tunay kong pamilya. Sa kanila ko nalaman na pumuntang ibang bansa ang parents namin ni Ate kasama siya at doon na lumaki. Nakaramdam ako ng galit that time ng malaman ko yun dahil sino bang hindi, diba? Imbis na hanapin nila ako ay pumunta silang ibang bansa," kwento ni Tita Marizel. Uminom siya saglit ng kape niya.

"Nagkita na po ba ulit kayo ni Mom?" tanong ko.

"Yes, nagkita na kami nang maging investor kami ng asawa ko sa kumpanya niyo 9 years ago. Nalaman ko din sa kanya na inakalang patay na ako noon kaya pumunta silang ibang bansa. Alam mo bang sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay ng Mommy at Daddy mo dahil nang araw na yun ay magkikita kaming tatlo para ipakilala ko ang asawa ko," kwento pa ni Tita.

"Wala kang kasalanan sa pagkamatay nila Tita. Magbabayad na ngayon ang pumatay sa mga magulang ko. Hindi aksidente ang ikinamatay nila, kundi sinadya," sagot ko.

"Pagpasensya niyo sana si Sadie sa ginawa niyang pagsabi niya sa inyo na anak ni Castriel ang dinadala niya," sabi ni Tita.

"Wala na po yun, Tita. Kinalimutan na namin yun ni Almira," sagot ni Castriel kaya ngumiti ako sa kanya.

Simula kasi ng ikasal kami ni Castriel ay pinatawad ko na si Sadie sa ginawa niyang paniniwala sa amin.

"At saka nakamove-on na yun sa'yo, Castriel. Ikakasal na sila nung lalaking ama ng apo ko next month," nakangiting sabi ni Tita.

"Congrats pala sa kanila," sabi ko.

"Tita, pwede bang ihatid ka namin ni Castriel pauwi sa bahay niyo? Gusto ko kasing humingi ng sorry kay Sadie sa mga sinabi ko noon sa kanya at sa mga away namin," pag-iiba ko sa usapan.

"Pero Almira, kailangan na nating umuwi sa mansion," pagtutol ni Castriel.

"Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko sa pinsan ko, Love. Payagan mo na ako, last na 'to," sabi ko sa kanya.

"Okay fine," sabi niya at uminom siya ng kape niya. Tumingin naman ako kay Tita at ngumiti siya sa akin ng tumingin sa akin.

"Pwede naman, Almira. Alam naman ni Castriel ang bahay namin," sagot ni Tita. Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya at napansin kong bumaba ang tingin niya sa tiyan ko sabay ngiti.

"Ilang buwan na ang pinagbubuntis mo, Almira?" tanong ni Tita.

"9 months na po, Tita," sagot ko.

"Kabuwanan mo na pala. Ano ang gender niya?" tanong pa ni Tita.

"Kapag nakapanganak pa namin malalaman. Hindi namin inalam ni Castriel para surprise. Honeymoon baby pa naman nmin 'to," wika ko sabay himas sa tiyan ko.

"Hindi niyo rin alam na posibleng kambal ang anak niyo. Sa laki palang ng tiyan mo, Almira, halatang kambal ang pinagbubuntis mo," sabi ni Tita.

"Malaki lang talaga ako magbuntis, Tita," natatawang sabi ko.

"Hindi imposibleng magkaroon kayo ng kambal dahil nasa lahi natin ang magkaroon ng kambal na anak. And Almira, meron akong kambal na anak at ganyan kalaki ang tiyan ko ng pinagbubuntis ko sila," sabi ni Tita.

"Swerte kami kung kambal 'ang nabuo, Tita," nakalokonv ngiti na sabi ng magaling kong asawa habang hinihimas ang tiyan ko.

"Tara na nga sa bahay ni Tita, para maka-usap na kami ni Sadie."

"Okay," sagot ni Castriel at inalalayan na akong tumayo.

Lumabas na kami ng mall kung nasaan kami ngayon at pumunta sa kotse niya at agad niya akong isibakay sa passenger seat at si Tita sa back seat. Pagkapasok niya sa driver seat ay pinandar na niya ang kotse.

Mahigit kalahating oras ang binyahe namin ay nakarating din kami sa bahay ni Tita. Halos kasing laki ng mansion ko ang bahay nila.

Pagpasok sa loob ng bahay ay agad kong nilibot ang tingin ko sa living room kung saan kita ang lahat ng picture nilang pamilya.

"Tita, nasaan po si Sadie?" tanong ko.

"Baka nasa kwarto niya at binabantayan ang anak niya. Pahatid ka kay Castriel, alam niya kung saan ang kwarto ni Sadie," sabi ni Tita habang papuntang kitchen.

"Sige po, Tita," sagot ko.

Inalalayan na akong umakyat ni Castriel ng hagdan. Pagkarating sa pangalawang palapag ng bahay ay huminto kami sa isang pinto.

"Dito na ang kwarto ni Sadie," sabi ni Castriel.

"Sige na, ako ng bahala. Sa baba mo na lang ako hintayin," sabi ko sa kanya.

"Are you sure?" tanong niya.

"Yes, sige na bumaba ka na," sabi ko. Nakita kong Nagdadalawang isip pa siya pero sinunid naman niya ako.

Pagkababa ni Castriel ay kumatok ako ng dalawang beses sa pinto na nasa harap ko.

"Pasok. Bukas yan," rinig kong sabi ni Sadie sa loob. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at bago ko pihitin ay huminga muna ako ng malalim at saka pinihit ang pinto at pumasok.

Nakita ko siya nakatingin sa anak niyang babae na nakahiga sa kama at natutulog. Tumingin siya sa gawin ko at biglang nagbago ang awra niya. Ang kaninang nakangiti habang nakatingin sa anak niya ay naging galit na ngayon.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay namin?" tanong ko.

"Pwede bang pa upuin mo muna ako? Kanina pa ako nangangalay sa laki ng tiyan ko," sabi ko.

"Sige, upo ka dito," sabi niya sabay senyas sa akin maupo sa kama at tumabi sa kanya. Hindi ako nagdalawang isip na umupo sa kama at magkatabi siya.

"Sagutin mo na ang tanong ko. Bakit ka nandito sa bahay namin?" walang emosyong tanong niya. Tinignan ko siya ng maigi at kinuha ko ang kamay niya para hawakan.

"I feel sorry about what I did to you before. I'm sorry, I don't know na cousin pala kita sa mother-side. Sobrang naguguilty ako sa mga sinumbat ko sa'yo nang magkaroon ng anmesia si Castriel at lalo nang pinalayas ka noon sa mansion, pati na rin sa muntik ka nang makunan. I'm so sorry, Sadie. Please forgive me," umiiyak kong paghingi ng tawad sa kanya at nanatili ng nakatingin sa kanya.

Nabigla ako ng punasan niya ang mga luha ko at ngumiti ng matamis sa akin.

"Matagal na kitang napatawad, Almira, nang sabihin ni Mommy na kapatid niya ang Mommy mo. Nang palayasin ako ni Tita Marish sa mansion ay galit na galit ako sa'yo dahil alam ko noon na ikaw ang dahilan kung bakit ipina-DNA Test ni Castriel ang pinagbubuntis ko noon. Kinausap ako ni Mom that time at sinabi ko na kamukha niya ang mom mo, then sinabi niya sa akin na kakambal niya yung Mommy mo. Dahil sa sinabi ni Mom ay tinuruan ko ang sarili ko na patawarin ka at magmove-on sa nararamdaman ko kay Castriel."

"Thank you, Sadie. Akala ko mahihirapan ako na makunbinsi ka patawarin ako," natatawang sabi ko. Mukha na tuloy akong tanga dahil kanina ay umiiyak ako tapos ngayon naman ay tumatawa.

"Hindi naman ako mahirap magpatawad, pero aaminin ko na nasaktan ako sa mga sinumbat mo sa akin noong may anmesia pa si Castriel pero nakamove-on na talaga ako," sabi niya.

"Congratulation, ikakasal ka na pala sa ama ng anak mo next month sabi ni Tita," pag-iiba ko sa usapan.

"Yeah, thank you. At isa din yan sa natutunan ko ng umalis ako sa mansion. Natutunan kong mahalin ang lalaking nandiyan palagi sa tabi ko at handa akong mahalin kahit ilang beses ko na siyang pinagtabuyan. Maganda na sigurong ikasal kami next month para pag laki ni Bianca ay kumpleto ang pamilya na meron siya," sabi ni Sadie sabay halos sa buhok ng batang sanggol sa gilid namin. Napangiti ako habang nakatingin sa anak ni Sadie na nagngangalang Bianca.

"Ang gandang bata, mana sa Mommy niya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya," nakangiting sabi ko.

"Si Louie ang nagbigay ng pangalan sa kanya," sagot ni Sadie.

"Ang laki ng tiyan mo. Lalaki o babae?" tanong niya habang hinihimas ang tiyan ko.

"Kapag nanganak na ako malalaman," sagot ko.

"Ah, gusto niyong surprise ang gender. Ganon din kami ni Louie, ang huli namin ay lalaki pero ng manganak ako ay babae," sabi niya.

"Kailangan na naming bumalik ni Castriel sa mansion, baka mapagalitan kaming pareho ni Mama. Napaka-overprotective pa naman nila sa akin dahil excited ng magka-apo," natatawang sabi ko habang dahan dahan tumayo. Inalalayan naman niya ako.

"Alalayan na kita sa pagbaba ng hagdan baka madulas ka. Ilipat ko lang si Bianca sa crib," sabi niya bago kinuha ang natutulog na anak sa kama at nilipat sa crib. Mahimbing pa rin ang tulog ni Bianca ng mailapag na siya ng Mommy niya sa crib.

Lumabas na kami ni Sadie sa kwarto niya at bumaba ng hagdan. Nasa gitna palang ng pagbaba ng hagdan pero may naramdam akong kirot sa tiyan ko kaya napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko na lang ininda dahil nawala din naman agad.

Nang sa huling batang ng hagdan ay nakaramdam na naman ako ng sakit sa tiyan ko na mas masakit pa kaysa kanina. Napapikit ako ng mga mata ko habang nakahawak sa tiyan ko.

"AHHHHH!" sigaw ko ng sobrang sakit na ng nararamdaman ko sa tiyan ko.

"Almira, bakit ka sumigaw?" alalang tanong ni Sadie.

Napadilat ako ng may naramdaman akong kung ano na dumaloy sa hiya ko kaya agad akong napatingin doon. My water broke.

"Almira?" alalang tawag ni Castriel ng makalapit siya.

"AHHHHH! MANGANAK NA'KO!" sigaw ko.

CASTRIEL'S POV

"AHHHHH! MANGANAK NA'KO!" sigaw niya. Nataranta naman ako kaya agad ko siyang binuhat pala as ng bahay nila Sadie.

"Mom, samahan mo sila papuntang hospital. Susunod na lang ako dun kapag gising na si Bianca," rinig kong sabi ni Sadie kay Tita bago tuluyang makalabas ng bahay nila.

Agad kong isinakay sa backseat si Almira at tinabigan naman siya ni Tita. Ako naman ay sumakay sa driver seat at sinimulang magdrive.

"Dala niyo ba ang mga gamit ng bata?" tanong ni Tita.

"Yes, Tita, nasa trunk ng kotse," tarantang sabi ko habang nakatingin sa rearview mirror at binalik sa daan ang tingin.

"Sa daan lang ang tingin, Castriel. Papakalmahin ko ang asawa mo," sabi ni Tita.

"Breathe in... Breathe out," rinig kong sabi ni Tita na patuloy sa pagpapakalma kay Almira.

"Ahhh! Ang sakit talaga, Tita!" umiiyak na sabi ni Almira sa likod ng kotse.

"Relax, Almira. Lalabas na ang anak mo," sabi ni Tita.

Kinuha ko naman ang airphone airpods ko na nakakonekta sa cellphone ko. Agad kong finial ang number ni Mama.

"Mama, pwede bang pumunta kayong hospital ni Papa," hindi mapakaling sabi ko dahil naririnig ko ang sigaw at iyak ni Almira.

"Bakit hindi ka mapakali ang boses mo? May nangyari bang hindi maganda?"

"Ma, manganganak na si Almira. Kita na lang tayo sa hospital," sabi ko at binaba na ang tawag.

HOSPITAL...

"Love, ang sakit!" umiiyak niyang sigaw. Itinulak na namin ngayon ang strecther niya papunta sa delivery room.

"Shhh, Mahal. Huwag kang umiyak, lalabas na ang baby natin, konting tiis na lang," sabi ko at pinilit na ngumiti para sa kanya.

"Castriel, sumama ka sa akin sa loob," sabi niya.

"Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Kailangan kita doon, please!" pagmamakaawa niya.

"Okay, para sayo at kay Baby," sabi ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa loob ng delivery room.

"Sir, labas na po kayo," sabi nung nurse.

"No! dito lang ako sa tabi nang asawa ko. Kailangan niya ako," matigas kong sabi kaya walang nagawa yung nurse kung hindi ay pabayaan ako.

Inilipat na si Almira sa totoong bed na gagamitin sa panganganak.

"Castriel, please stay," nahihirapang sabi niya.

"Don't worry, dito lang ako," sabi ko. nagsimula ng ayusin yung mga gagamitin at binuka na rin nung OB yung hita ni Almira.

"Ok ready na, doon ka sa tabi niya, Mister. Hawakan mo ang kamay niya," sabi ng Ob Doctor sa akin na agad ko namang sinunod.

"Aaaaaarrrrrrggggghhhhhh ummmmpppppp." Nataranta ako ng mag-umpisang umire si Almira. Hawak niya ang kamay ko at sobrang higpit ng kapit niya.

"Okay hinga, push between contractions," sabi ng doctor.

Umire nang umire si Almira pero wala namang nangyari. Halos magbebente minutos na.

"Push! 1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10, very good, I can see the head," sabi ni Doc.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!" malakas na sigaw ni Almira.

*Baby Crying* Napangiti ako kay Almira ng marinig ko ang iyak ng anak namin.

"Congrats, Mr and Mrs Guevarra. He's healthy baby boy," sabi nung Doktora. Tumingin ako kay Almira at kahit hirap na hirap at pawisan na ito, ngumiti pa rin siya sa akin.

"Thank you," I mouthed. Dinampian ko siya ng halik sa noo.

"AHHHHHH! BAKIT ANG SAKIT PA RIN?" malakas na sigaw ni Almira habang umiire at hawak ng mahigpit ang kamay ko. Agad na pumwesto ulit ang doctor sa paanan ni Almira.

"Mr and Mrs Guevarra, you have a twins. You need to push again, Mrs Guevarra," sabi ng doctor.

"WHAT? AHHHHHHHHHHHH!" sigaw niya pa habang umiire.

"You can do it, Love," sabi ko. Halos panawan ako ng ulirat ng sumigaw siya ulit, halos wala ng dugong dumadaloy sa kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

"AHHHHHHHH! BAKIT DINALAWA MO AGAD, CASTRIEL. T*NG*NA MO," malakas na sigaw niya habang umiire nang umiire.

"I can see the head. Push again and again," sabi ng doctor.

"OH GOD!!! ITSSS HURRRTTTSSSS!!!" sabi ni Almira. Hinalikan ko ulit siya sa noo at binulungan ng mga encouragement words. I told her how much I love her.

"Aaaarrrgggggghhhhhhh! HULING ANAK MO NA 'TO! T*NG*NA MO!" sigaw ni Almira bago mail ahas ang huling anak namin.

Kahit ako mahal ko, buo na ang desisyon kong tama na ang dalawa nating anak, hindi ko kaya na nahihirapan ka.

"A healthy baby girl," sabi ng doctor.

Ipinatong ang dalawang umiiyak na baby sa dibdib ni Almira. Nakaalalay naman ang dalawang nurse sa magkabilang gilid ni Almira para hindi mahulog. Pinahalikan sa amin habang inaayos ang umbilical cord.

"Daddy, cut mo na," sabi ni Doc at iniabot sa akin ang grunting para putulin ang umbilical cord.

Pagkaputol ko ay tumingin ako kay Almira na unti unting pinipikit ang dalawang mata niya. Kinuha na rin sa kanya ang babies sa dibdib niya.

Biglang nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ko ang pagtunog ng heart monitor at ang sinabi ng nurse na nagpaguho sa mundo ko.

"Doc, bumaba ang heartbeat ni Mrs Guevarra," sabi ng nurse. Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko na lumandas sa pisngi ko.

"Perform CPR," utos ng doctor sa nurse na agad namang ginawa ng nurse.

Hindi pwedeng mangyari 'to. Kailangan ko siya, kailangan siya ng mga anak namin.

"Mr Guevarra, sa labas muna kayo maghintay," sabi ng nurse.

"Please, gawan niyo lahat ng makakaya niyo mabuhay lang ang asawa ko. Please!" pagmamakaawa ko.

"Yes po, Mr Guevarra, pero lumabas muna kayo," sabi pa ng nurse.

Gustuhin ko man na dito na lang pero kailangan kong lumabas para magawa nila ang dapat gawin para mabuhay si Almira.

Paglabas ko ay agad na napatayo sina Mama, Papa, Tita Marizel at Hannah na nandito sa labas ng delivery room. Agad na lumapit sila sa akin.

"Anong nangyari? Kamusta si Almira? Ang apo ko?" suno sunod na tanong ni Mama. Agad ko siyang niyakap dahil tumulo na naman ang mga luha ko nang maalala ko ang nangyari kanina bago ako lumabas ng delivery room.

"Ma, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala sa akin ang asawa ko. Kailangan ko siya, kailangan siya ng anak namin," umiiyak kong sabi.

"Ano bang nangyari sa loob? Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Umupo muna kami sa kinauupuan nila kanina.

"Ma, pagkatapos niyang manganak sa anak namin ay bumaba ang heartbeat niya at sini-cpr siya ng lumabas ako ng delivery room. Ma, hindi ko kayang mawala siya," umiiyak kong sabi.

"Shhh, tahan na, Anak. Kakayanin niya, lalaban siya kasi ayaw niya kayong iwan. She's a fighter, Anak. Kakayanin niya," pagpapalakas ng loob sa akin ni Mama. Tumango naman ako.

Tama si Mama, lalaban siya. Lalaban siya para sa akin at sa mga anak namin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C31
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login