Download App

Chapter 2: Day 1

World is very big. Pero sa lawak at laki ng mundo may taong para sa atin. Minsan hindi agad natin napapansin, minsan naman napapansin natin pero pinipiling maging manhid para hindi masaktan, minsan naman natatakot magmahal ulit kaya pinipiling iwasan. Iba-iba rin ang ginagawa ng tadhana para mapagtagpo ang dalawang tao.

Yung iba nagkakabanggaan, yung iba naman friends, or di kaya classmates o di kaya magkapitbahay. Pwede ring kakilala lang. O di kaya stranger. Hindi natin alam, tadhana lang naman kasi ang may alam nun eh. Kung sa libro sya ang writer at tayo ang main characters.

Sya ang gagawa ng lahat-lahat. Pati plot twist ng buhay natin sya rin ang gumagawa. Pero kakaiba yung ginawa nyang plot twist ng buhay ko. Dahil nahulog ako sa hindi inaasahang tao...

~~~~

"Anak! Ano ba yan?! Kumain ka nga muna!" sigaw ni Mama, nakatayo sya sa pintuan ng kwarto ko habang nakapamewang.

"Maya na po 'ma, tatapusin ko lang 'to." tumingin ako sa laptop ko at nag-edit na ulit ng video ko naipopost ko na maya-maya.

"Anak mamaya na yan! Makakapaghintay yan! Kumain ka muna!"

Halatang galit na si Mama kaya tinanggal ko na ang headphone ko at nilapag sa kama ang laptop. Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Ito na po, kakain na." sabi ko.

"Puro ka nalang laptop dyan."

Napanguso nalang ako at naglakad papunta sa kusina. Naabutan ko ang bunso kong kapatid na si Brix na naka-upo na pati na rin si Papa.

"O 'pa huli si Ate na dumating kaya sya ang maghuhugas ng plato!"

Umupo ako at tiningnan sya ng masama. "Bakit ako?!"

"Bakit hindi ikaw?!"

Binatukan ko sya. "Ate mo 'ko!"

"O e ano naman ngayon?"

"Kaya 'wag kang pilosopo!" angil ko.

"Belle." saway ni Mama.

Sinandukan nya ng kanin si Papa.

"Ito kasi.." mahinang bulong ko at sinamaan ng tingin si Brix na sinamaan din ako ng tingin.

"Sabing tama na." natigilan kami ng magsalita na si Papa. "Nasa harap kayo ng pagkain." mahinahong sabi nya.

Ngumuso ako at nagsandok na din ng kanin. "Sorry po. Si Brix pasimuno, 16 na pero isip bata pa din."

"Hoy! Anong isip bata—."

"Brix."

Tuluyan na kaming tumigil dahil seryoso na ang boses ni Papa.

"Kamusta naman ang school nyo?" tanong nya ng magsimula na kaming kumain pagkatapos magdasal. Bumaling sya kay Brix. "Ikaw Brix."

"Ahh okay naman po 'pa."

"Hindi ka ba nahihirapan sa subjects?"

Umiling si Brix. "Hindi naman po."

"Eh ikaw naman hija ko?"

Ngumuso ako. "Wala namang problema 'pa."

"O e ba't nakanguso ka?"

"Hindi pa rin kasi sya pinapansin ng inspiration nya—."

"Manahimik ka." pinandilatan ko sya ng mata.

"Aba! Baka mamaya may boyfriend ka na pala, Belle may usapan tayo dapat—."

"Graduate na ako bago mag boyfriend." putol ko. "Opo Papa, syempre. Sinusunod ko naman po yun."

"Siguraduhin mo lang."

Di nga ako crush ng crush ko eh. Pagkatapos kumain ay ako ang pinaghugas ng plato dahil napakamadrama ng kapatid ko. Nahihilo daw sya at gusto ng matulog e alam ko namang magco-computer lang yun sa taas. Utuin pa ako ng abnoy. Pero wala na akong magagawa, dahil ginamit nya na ang salitang 'ikaw ang Ate kaya dapat ikaw ang nag-iintindi ng mga ganyang bagay' si Mama naman supportive 'tama naman sya Diem Loribelle, ikaw din ang babae kailangan masanay ka sa mga gawaing bahay'. Ending ako na nga ang naghugas ng plato.

Nang sa wakas ay natapos na ay dumeretso agad ako sa kwarto ko. Pinagpatuloy ko ang pag-eedit, habang busy ay tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko yun at nakitang may nag comment sa last vlog ko which is 'advice para sa mga broken hearted'. Wala lang trip ko lang na mag vlog ng ganun, na broken hearted kasi ako. Sineen ako ng crush ko sa fb. So sad.

Binasa ko agad ang comment nya.

unknown000

What did you say? Tatlo lang ang pwedeng gawin para makapag-move on ang isang tao? And that is to accept everything, forgive and move on. No offense pero halatang wala ka pang karanasan sa love. Ni hindi mo man lang siguro naranasang masaktan dahil sa pag-ibig kaya ganyan lang kadali para sayo ang mag advice. Napakawalang-kwenta naman ng video na 'to. Napakasarap i-report. Idagdag mo pa na pangit yung babae. Boring.

Napakurap-kurap ako matapos basahin ang comment nya. What the?! Wala daw kwenta ang video ko at pangit daw ako?! Does he know kung gaano kahaba ang pila ng mga manliligaw ko?! Alam nya ba?! Hindi naman diba?! Kaasar.

Hindi ko napigilang hindi mag reply sa comment nya.

Belle Medi:

Sorry to say this but you're wrong. Yes I say na that's the only steps para maka move on but I didn't say na gawin yun ng lahat ng nakakapanood. Hindi ko rin sinabi na panoorin mo ang video ko para makapag-comment ka na akala mo 'ata kailangan ko ng opinion mo e hindi naman kita subscriber. At saka kung walang kwenta ang video dapat simula palang hindi mo na tinapos, and kung pangit ako try mo rin tingnan sa salamin ang ugali mo. Napakapangit diba? I don't wanna be mean but you are mean to me so to be fair I will be mean to you too.

Pagka reply ko ay gigil na gigil akong nakatingin sa cellphone ko. Naghihintay ng reply nya, pero hindi na sya nag reply pa. Napangisi ako. Natakot na 'ata. Akala nya 'ata magpapatalo ako sa kanya. Psh!


CREATORS' THOUGHTS
itsjustme13 itsjustme13

Thank you for reading this chapter! I hope you enjoy :) and don't forget to vote and comment :)

To be more updated follow me on Twitter: @thisheartlessgurl

God bless us all <3

Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login