Download App

Chapter 4: Chapter 3

Walang pasok ngayon araw dahil holiday. Ginawa ko ang mga plates na hindi ko pa din natapos kagabi.

Nakailang ulit ako dahil hindi ako masatisfy sa gawa ko.

"Arghhhhh nakakainis!" I massaged my head.

Tinigil ko muna ang ginagawa ko at bumaba para magluto ng almusal. Habang nagluluto ako nakita ko si kuya na pababa na ng hagdan.

"Kuys! Nag audition pala ko sa banda sa school no'ng isang araw, nakapasa ko. Tapos sabi nung head department ng music humanap daw kami ng pagpapart time-an namin kasi 'di naman kami laging tutugtog sa school occasionally lang kaya humanap kami agad, kaya mamaya may Gig na kami sa XG noble bar 9 pm. Yung perang sasahudin ko itutulong ko dito sa gastusin sa bahay."

"Hindi ba delikado 'yon Kc? Bar 'yung tutugtugan niyo?" Kuya asked worriedly.

"Hindi naman kuya isasama ko naman si Mica mamaya tsaka mababait yung mga kabanda ko, kagabi nga hinatid pa 'ko pauwi kasi gabi na." Pangungumbinsi ko kay kuya.

"Mabuti naman kung gano'n, mag iingat ka ah? Oh ano ba 'yang niluluto mo? ang bango naman niyan."

"Sopas kuya, favorite ni Jillian."

"Luto na ba 'yan? He asked with excitement in his voice.

"Malapit na 'to kuya, pa gising naman sila lola at Jillian, Si mama nga pala umuwi ba?"

"Hindi nanaman ata." He shrugged.

Wala namang bago kaya nasanay nalang kaming ganiyan si mama.

Pagkatapos kong magluto ay nag hain na 'ko ng sopas sa mangkok, pinagtimpla ko din si lola at Jillian ng gatas, kape naman para sa'kin at kay kuya.

Maya-maya ay gising na ang mga mahal ko sa buhay, ansarap gumising na makikita mo ang pamilya mong may ngiti sakanilang mga labi.

Nagdasal muna kami bago kumain. Si Jillian ang nag lead ng prayer namin.

"Bless us, Oh Lord, and these thy gifts which we are about to receive from thy bounty, through Christ, Our Lord. Amen." She prayed, enthusiastically.

Nagsimula na kaming kumain, tahimik lang kami habang kumakain ng almusal.

Pagkatapos namin kumain ay naglinis muna 'ko ng bahay, pinaliguan ko si Jillian at inasikaso ko si lola.

Matapos lahat ng dapat kong gawin ay ibinaba ko ang mga gamit ko para sa sala gumawa. Inaantok kasi ako kapag sa kwarto ako gumagawa ng mga plates, para bang hinahatak ako ng kama.

Makalipas ang ilang oras ay natapos ko din ang mga plates na kailangang ipasa.

I always do my best when it comes to architectural designs and architectural visual communications.

Sobrang nakakasatisfied pag natapos mong gawin ang napakadaming plates pero nagawa mo ito ng maayos at maganda.

Magluluto na sana 'ko ng pagkain namin para sa tanghalian kaso pagkabukas ko sa lagayan ng bigas wala ng laman, tinignan ko din ang ref ngunit wala ng ulam puro tubig na lamang ang laman.

"Sa'n ako kukuha ng pangbibili namin ng ulam? Sakto lang 'yong perang binibigay sa'kin ni kuya pang allowance." I asked myself.

Nag-isip muna 'ko ng mga ilang minuto. Naalala ko ang ipon ko pambiling ticket papuntang Barcelona.

Simula High School ako iniipon ko na 'yon dahil isa talaga sa pangarap kong puntahan ang Barcelona, dahil kilala ito bilang Architectural Capital of the world. Nais kong makita ang Sagrada Familia at Casa Batllo na dinisenyo ng sikat na Arkitektong si Antoni Gaudi.

Madami na siguro 'yong ipon ko, onti lang naman ang mababawas at ngayon ko lang naman babawasan 'yon.

Kinuha ko na ang alkansya ko sa ilalim ng higaan. Tinignan ko kung madami na ang laman, madami na nga ngunit mababawasan ko naman.

"Papalitan ko nalang 'to pag sumahod na 'ko." Sabi ko sa aking sarili, habang kumukuha ng pera sa alkansya.

"La! Punta lang akong palengke saglit. Patingin-tingin po si Jillian naglalaro sa labas ng bahay."

"Sige apo mag-iingat ka."

Pumunta na 'kong palengke para bumili ng tatlong kilong bigas, isda at gulay na pang ulam.

Pagkauwi ko ay nagmadali akong magluto, tinawag ko na si lola at Jillian para kumain.

Nang matapos kaming kumain ay nag-aral na 'ko, dahil nalalapit na ang finals namin.

Gumawa na din ako ng reviewer at kinuha ko ang mga highlighter na makakatulong sa 'kin.

Sinimulan kong magfamiliarize ng mga terms, style quality of expression in architecture, historical style pertains to phase or periods, stractural principle at madami pang iba.

Huminto muna 'ko saglit dahil feeling ko sobrang dami na ng information ang nasa utak ko.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone sa tabi ko.

From Mica:

Kc tapos ka na sa plates mo?

To Mica:

Oo, tapos na 'ko maghugas ng plato, ikaw ba nag huhugas ka ng plato dyan sa bahay niyo? Btw nagrereview na 'ko para sa finals.

From Mica:

Napakasiraulo mo, ang sipag mo naman! 'Di na 'ko magtataka kung magiging cum laude ka.

To Mica:

Alangan naman maging tamad ako? odi bumagsak tayo pareho. Sama ka mamaya sa XG noble bar may gig kami, nuod ka.

From Mica:

"Okay, see you"

'Di na ko nagreply pa at bumalik na muli sa pag-aaral.

Nag focus ako para may pumasok pa sa utak ko. Pero maya-maya ay nakaramdam ako ng antok.

Pumunta ako sa kusina para sana mag timpla ng kape ng makita ko si lola at Jillian na mag katabi. Nakisiksik din ako sakanila at niyakap ko si lola.

"Apo tapos ka na bang magreview?" Malumanay na tanong ni lola.

"Opo la, pahiga muna ako ah? Namiss kita katabi matulog." I said while hugging her.

Namiss kong katabi si lola, simula kasi bata ako si lola na ang katabi ko sa pag tulog.

Parang si lola na ang naging magulang namin, siya ang nag pupunan ng pagkukulang ni mama kaya maswerte kami dahil may lola kaming nag-aaruga at nag mamahal sa aming magkakapatid.

Nakatulog ako na yakap-yakap si lola.

Makalipas ang tatlong oras ay nagising ako dahil sa ingay ni Jillian.

"Lola gutom na 'ko, gutom na 'ko, gutom na 'ko!" Makulit at paulit-ulit niyang sabi.

Tumayo na 'ko at nagluto ng makakain namin para sa hapunan.

"Saglit lang Jillian magluluto na si ate." I said, to stop her from making any noise.

Binigyan ko muna siya ng biscuit para 'di siya malipasan ng gutom.

"Ikaw lola? Hindi ka pa po ba nagugutom?" I asked her.

"Hindi pa apo, busog pa nga ako."

Naghanda na ko ng makakain namin, pinauna ko na sila lola at Jillian na kumain. Dahil kailangan ko ng maligo.

Pagkalabas ko ng banyo ay naghanap ako ng maisusuot na kumportableng damit, 'yong makakagalaw ako ng maayos. Mahirap kasing mag drums pag hindi ka kumportable sa suot mo.

Nagsuot lang ako ng black pants, black t-shirt at converse na white.

Matapos kong magbihis ay bumaba na 'ko para kumain.

"La may gig nga po pala ako ngayon, dyan lang po sa XG." Pagpapaalam ko.

Pinatulog ko muna si Jillian bago ako umalis.

"Alis na po ako, matulog ka na la ah? Ilalock ko po 'yong pinto, may susi naman kaming dala ni kuya. Good night la, I love you" Hinalikan ko ang kamay niya bago umalis.

Sumakay ako sa tricycle patungong XG. Ilang saglit lang ay nakarating na 'ko.

Nakita ko si Mica na nakatayo sa labas ng bar at nag-aantay.

"Tara na sa loob." Aya ko sakaniya.

"Wait Kc, can we wait for them?"

"Sino?" My brows furrowed.

"Sinontok, of course your band mates!"

"Tsss sabihin mo lang inaantay mo si Migs." I teased her.

"Duh! 'Di ko siya type." She crossed her arms then rolled her eyes.

"Eh sinong inaantay mo? " I asked her.

"Odi si Casper."

"Crush mo????" I asked, curiously.

"Oo ang ganda kasi ng boses niya, sobrang nakaka in love." Kinikilig na sabi niya.

Maya-maya ay dumating na sila.

"Aga niyo ah? Aga niyo para sa lamay." Dax chuckles.

Parehas kasi kaming naka all black ni Mica, ang pinagkaiba lang namin ay masyadong girly ang suot niya.

Binatukan ko si Dax na puro kalokohan ang alam sa buhay.

"Nakablack lang may lamay na?" Mica asked, then she raised her eyebrow.

"Hindi ba nag luluksa lang dahil patay na patay ako sakaniya." She continued talking.

Agad namang sumali sa usapan si Migs.

"Ako ba tinutukoy mo Mica?" Tanong ni Migs, nagbabakasakaling siya ang tinutukoy ni Mica.

"In your dreams!" She said, then she rolled her eyes.

After that we went inside because it's already nine o'clock.

Dumiretso na kami sa backstage para maghanda, ilang saglit lang ay lumabas na kami.

"Good evening everyone, we are the Harmonious Band." Panimula ni Casper.

We started performing.

It took one look

Then forever laid out in front of me

One smile then I died

Only to be revived by you

Casper looks at my side.

There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

'Bout the way life plays out

I take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only you ooh.

Pag angat ko ng tingin ko ay nag tagpo ang mga mata namin. Agad kong iniwas ang tingin ko.

Matapos naming i-perform ang unang kanta ay agad na nag palakpakan at sumigaw ang mga tao sa loob ng bar.

"We dedicated this song for those people who are currently broken hearted."

Nagsimula ulit kaming tumugtog.

You must think that I'm stupid

You must think that I'm a fool

You must think that I'm new to this

But I have seen this all before.

Isang stanza pa lamang ang kinakanta ni Casper ay mararamdaman mo na ang lungkot sakaniyang boses.

I'm never gonna let you close to me

Even though you mean the most to me

'Cause every time I open up, it hurts

So I'm never gonna get too close to you

Even when I mean the most to you

In case you go and leave me in the dirt.

But every time you hurt me, the less that I cry

And every time you leave me, the quicker these tears dry

And every time you walk out, the less I love you

Baby, we don't stand a chance, it's sad but it's true

I'm way too good at goodbyes

(I'm way too good at goodbyes)

I'm way too good at goodbyes

(I'm way too good at goodbyes)

Nang mag chorus ay may iilan akong taong nakitang nagpupunas ng kanilang luha.

Ilang beses kong nakitang nakatingin sa'kin si Casper ngunit hindi ko nalang pinansin.

Matapos naming magperform ay muling nagpalakpakan ang mga tao.

"Uwi ko na 'yong vocalist niyo." Sabi ng isang babaeng lasing.

Nagtawanan lang kami ng mga ka banda ko.

"Thank you everyone and good night." Paalam ni Casper.

Pababa na kami ng stage ng biglang magsalita si Dax.

"I take out mo na 'yong babae pre." Dax said, teasing Casper.

"Uwi mo! Pasalubong mo sa pamilya mo." Casper fired back.

"Pinsan ko 'yon tanga! Gusto mo pakilala kita?"

Pagkababa namin ng stage ay pinuntahan namin si Mica sa table.

"Kc samahan mo 'ko sa bathroom." Aya niya sa'kin.

Nagpahatak naman ako kay Mica hanggang sa makarating kami sa CR.

"Kc pansin mo ba?" Panimula niya.

"Ang alin?" Balik na tanong ko.

"Iyong mga titig niya."

"Sino?" Maang-maangan kong tanong kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

Ayoko kasi ng issue, ayoko bigyan ng meaning ang mga ginagawa ni Casper dahil wala lang naman 'yon para sa'kin.

"Sino pa ba? Odi si Casper! habang nagpeperform kayo kanina grabe 'yong mga tingin niya, hindi lang isang beses ko siyang nakitang tumingin sa'yo, tsaka iba 'yong tingin n'ya parang in love sa'yo." Malungkot niyang sabi.

"Alam mo Mica ang issue mo!" I rolled my eyes.

"Ang swerte mo, gusto ka niya. Samantalang ako 'tong may gusto sakaniya." Mica said with sadness in her voice.

"Don't jump to conclusions Mica." I sarcastically said.

Matapos niyang mag ayos, bumalik na kami sa table namin.

"Let's go home." Pag-aaya ni Migs.

Napagpasiyahan na naming umuwi. Kay Mica ako sumabay dahil nga sa napansin ko kanina.

"Bye guys!" paalam ni Mica.

"Bye ingat kayo." Sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Nagkatinginan sila at nag tawanan. Nagsimula ng paandarin ni Mica ang kotse niya.

______________________________________________

Too good at goodbyes by Sam Smith

Your Song by Parokya ni Edgar


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login