Download App

Chapter 6: Family Problem

"SLAP!"

Sinampal agad ni Fernan ang anak niyang si Chase pagka pasok na pagka pasok nito sa museleo ng yumao nyang bunsong anak na si John Benidict.

"Sinabi ko na sayo wag na wag mong idadamay ang pamilya sa lintek na showbiz na yan!" Ang galit na galit na sambit ni Fernan.

Makikisabat na sana si Ricai pero pinigilan sya ni Chase "ako ng bahala dito" ang senyas ni Chase kay Ricai at lalo pa nyang hinigpitan ang hawak sa kamay nito.

"Honey, tama na yan death anniversary ngayon ni Ben." Ang sabi naman ng nag iinarteng si Eulla na kala mo naman talaga ay concern.

"Huh! Ben? You call my brother as Ben? What the heck?!" Ang naiinis na sambit ni Chase at tumawa sya ng tumawa.

"Chase!" Ang pagalit namang sambit ni Fernan.

"What dad? Sasampalin nyo ba ulit ako? Do it! Pero palayasin nyo yang gold digger na yan dito!"

Sasampalin na naman sana ni Fernan si Chase pero pinigilan sya ni Eulla "lalabas nalang ako magkita nalang tayo sa kotse."

"Huh! Buti naman at marunong kang lumugar!" Ang sabi ni Chase at ang sama ng tingin ni Fernan sa kanya habang papalabas naman na si Eulla.

"Lalabas na rin muna ko." Ang bulong ni Ricai.

"No! Dito ka lang."

"Pwede ba palabasin mo na muna yang girlfriend mo gusto kitang makausap."

"Why dad? Girlfriend ko sya at later on baka maging daughter in law nyo na din sya kaya no need na lumabas sya kasi part na sya ng magulong pamilyang ito!"

"Ikaw!!!"

"Simula ng inuwi nyo yung kabet nyo nakalimutan ko ng may daddy ako kaya wag kayong mag malinis!"

"Tumigil ka na! Sa susunod na buwan mag papakasal na kami ni Eulla kaya tanggapin mo ng sya ngayon ang step mom mo!"

"Huh! Step mom? Kahit kailan hinding hindi ko ituturing na nanay ang hindi ko naman nanay! Lalong lalo na ang mas bata pa sakin!"

"Sumosobra ka na!!!"

"Sige! Saktan nyo ko ng makita ni Ben kung paano nag bago ang daddy naming simula ng nahibang sya sa isang kasambahay!"

Napalingon naman si Fernan sa puntod ng anak nya at natahimik "kung gusto nyong matanggap ko yang kabet nyo hanapin nyo muna si mom at ipakita sakin!"

"Ano? Pag uusapan na naman ba natin yan? Hindi ba at sinabi ko na sayo na iniwan na nya tayo! At hindi ko na alam kung na saan na sya ngayon."

"Pwes! Hinding hindi ako papayag na mag pakasal kayong muli at kapag nag pumilit kayo hinding hindi nyo na kong makikita pang muli at tinitiyak ko sa inyong pati si Ben ay isasama ko! Pati si Lolo!"

At nag walked out na nga si Chase kasama si Ricai "Chase!!! Bumalik ka rito!!!"

Pagkaalis naman nung dalawa sumingit naman sa usapan si Owen ang kanang kamay ni Fernan "Sir, nag kamalay na po ang Pa'Pa nyo."

"Gising na si Pa'Pa?"

Samantala sa likod naman nag daan sila Chase at Ricai at nag punta sila sa isang chapel doon sa sementeryo.

"So, what's your plan?" Ang tanong ni Ricai kay Chase habang nakaupo sila sa upuan doon sa loob ng chapel at sila lang ang nandun habang sila Belj at yung ibang security guard naman ay nasa labas at naka palibot sa chapel dahil ang mga reporters ay naroon pa rin sa sementeryo.

"Alam mo bang ang chapel na ito ang tambayan ko nun kapag pinagagalitan ako ni dad?"

"Hmm?"

"Bukod sa sementeryo ito at tahimik, dito ko rin kasi unang nakita yung babaeng kamukhang kamukha ng mommy ko."

"Eh? Yung mom mo? Paano mo naman na sabing sya nga yung mom mo?"

"Bata pa ko nun kaya hindi ko rin alam kung sya nga talaga ang mommy ko pero nakita ko sya dito naiyak at may binanggit syang Ben."

"Yung kapatid mo?"

"Yah…kaya I think sya talaga ang mommy namin."

"Teka lang nalilito kasi ako sino ba yung Ben? I know sya nga yung kapatid mo pero iisa lang ba yung nanay nyo?"

"Alam mo andun na yung moment eh pero umiral na naman yang pagka slow mo!"

"Aba't! Sa hindi ko nga alam eh tsaka ano namang pakialam ko sa probelema ng mayayamang gaya niyo!"

"Tsss! Pero nag tatanong ka kung sino ang nanay ni Ben? Huh! Silly!"

"Ewan! Wag mong sagutin kung ayaw mo."

Hinawakan ni Chase ang kamay ni Ricai "ano naman? Nanantsing ka na hawak ka nalang ng hawak sa kamay ko!"

"Wala ka naman choice buti nga kamay lang hinahawakan ko sayo gusto mo ba ibaba natin?"

Babanatan sana ni Ricai si Chase pero napigilan sya nito "maganda ka pero masungit."

"Bi—Bitawan mo nga ko!"

"Ngayon ko lang ito ikukwento dahil empleyado naman kita kaya sige sasagutin ko na yung tanong mo sakin."

"Empleyado?"

"Oo, hindi ba I hired you para maging girlfriend ko? So, you're my employee and I'm your employer."

Sa isip-isip ni Ricai "Yah…employee, yun nga naman ang role ko sa kaniya ako lang naman ang fake girlfriend nya ano ba ang inisip ko? Boss ko sya at alipin nya ko. Hanggang dun lang yon Ricai wag ka ng mag expect pa sa kanya."

"Hoy! Nakikinig ka ba?"

"Hmm?"

"Anong hmm? Sabi ko di ba kambal kami ni Ben."

"Eh? May kambal ka?"

Bigla namang sumingit si Belj sa usapan nila "Sir, si Don Arnulfo…"

"Anong nangyare?"

***

Nagising lang saglit si Don Arnulfo at biglang inatake sa puso at ngayon nga ay balik comatose na naman ito pero ngayon stable na ang kalagayan nito sa awa ng panginoon.

"How's my lolo?" Ang nag aalalang sambit ni Chase kay Doc. Montoya na doctor ni Don Arnulfo.

"Sorry pero comatose ulit ang lolo mo inatakr sya sa puso kanina matapos nyang magising ng ilang minuto."

"Nagising na si lolo?"

"Oo…sige na doc ako ng bahala dito." Ang sabi ni Fernan na kasama na naman si Eulla.

"Sige Mr. Alcantara I will go ahead."

At pagka alis ng doctor "anong ginagawa nyo dito?" Ang galit na galit na sambit ni Chase sa daddy nya.

"Ano? Bakit? Ako ang daddy mo at lolo mo ang nandirito kaya tatanungin mo kung bakit ako nandito?!"

"Honey calm down." Ang kunwaring nag aalalang sambit ni Eulla.

Bumulong si Belj kay Chase at sinabi nitong nauna na sa kanya ang daddy nya bago sya dumating dito "ano ang ginawa nyo kay lolo?!"

Sasampalin na naman ni Fernan si Chase pero pinigilan sya ni Ricai "sorry to interrupt po pero wag kayong gumawa ng eskandalo dito kung makikita nyo may mga reporters ng parating at oras na makita nilang sasaktan nyo ang anak niyo mababahiran ng kung anong malisya ang reputasyon ng anak nyo. Siguro naman tumatayo parin kayong ama kay Chase kahit papano am I right Mr. Alcantara?"

"You!!!!"

"Sorry po pero gusto ko lang din po respetuhin pa kayo ng mga nasasakupan nyo alam kong sa darating na halalan ay nag babalak kayong tumakbo bilang mayor ng lugar natin kung gagawa kayo ng hindi kaaya aya sa mga mata ng tao baka maging bad publicity lang ang gagawin nyo kay Chase kaya kung gusto nyong manalo umarte kayo na good father, Mr. Alcantara." At binitawan nya ng basta ang kamay ng daddy ni Chase.

"Sino ka sa inaakala mo?!"

Bumulong naman si Eulla kay Fernan para kumalma ito "honey, tama sya magiging bad publicity ito sayo kapag nakunan nilang hindi ayos ang relasyon nyong mag ama kaya kumalma ka na ayan ang nag reporters."

Nakatulala lang naman si Chase kay Ricai "Belj, ikaw ng bahala sa kanila aalis na kami ni Chase."

"Yes Miss."

At hinila na ni Ricai si Chase papalayo sa mag reporters "Hey!!! Bumalik kayo dito!!!" Ang pahabol na sambit ni Fernan.

"Sorry Sir, pero hayaan nyo na po sila sumunod nalang po kayo samin kung ayaw nyong pag fiestahan kayo ng mga reporters dito." Ang sabi naman ni Belj.

","

Nakarating naman sila Ricai at Chase sa isang burol at doon sila namalagi…

"Huy! Bakit hindi ka ata nag sasalita? Kanina ka pa tahimik nung pag alis natin sa hospital ah. Wag kang mag alala naihatid na ni Belj ang daddy mo sa mansion nyo. Kaya okay lang na dito na muna tayo kasi mamaya mag aaway na naman kayo nag daddy mo nakakarindi na ang awayan nyo."

"Sino ka bang talaga?"

"Ha? Sino ko? Baliw ka na ba? O nag ka amnesia kang bigla? Ahhh…alam ko na ang ganda dito no? Ito naman ang paborito kong spot dito sa Barrio De Espenzo kitang kita kasi dito ang buong lugar natin maganda ditto kapag gabi madaming ilaw kasi ang mag bahayan tapos yung lighthouse ang ganda nyan nasisinagan nya yung dadagat. Nasubukan mo na bang tumaas dyan? Ay, siguro hindi pa kasi syempre mayaman ka nga pala sa taas ng bahay nyo tanaw mo rin doon ang dagat. Tsss… kainis oo na mayaman na kayo! Eh ano naman mayaman naman kami sa pagmamahal eh ikaw?"

Napahinto naman si Ricai sa pagsasalita dahil naisip nyang dapat hindi nya sinabi ang mga bagay na iyon dahil galing sa broken family si Chase.

"So---Sorry hindi ko sinsadya."

"Gusto mo bang umuwi sa pamilya mo?"

"Ha?"

"Halika na! Bago pa mag bago ang isip ko."

Iniwan na ni Chase si Ricai at sumakay na sa kotse "hoy! Ano pa ang inaatay mo diyan? Sumakay ka na!"

"O—Oo andiyan na sandali lang."

At pagkarating nga nila dun sa bahay...

"Ma, andito na po ako…" Ang sabi ni Ricai pero walang nag bubukas ng pinto hanggang sa nag tanong na si Chase dun sa kapitbahay ng mga Villamor.

"Ahhh…wala na sila diyan." Ang sabi nung babaeng di naman masyadong katandaan.

"Nasan po sila?"

"Ang sabi inilipat nung bagong asawa ni Sir Fernan hindi ba at anak ka nya?"

Sumingit naman si Ricai "Sandali lang po… san po sila inilipat? At bakit po sila inilipat?"

"Hindi nga rin naming alam pero ang sabi itong buong lugar na ito ay kay Ms. Eulla na kaya nag tumaas yung renta naming dito eh binabalak na nga rin naming lumipat ng pamilya ko pati na rin ng iba pang naninirahan dito."

"Manang, pakisabi sa mag taong gusto umalis ditto wag silang umalis naiitindihan nyo?" Ang sabi ni Chase.

"Pe—Pero wala na kaming kakayahang bayaran pa yung dagdag na renta."

"Akong bahala at sa akin lang kayo makikinig dahil isa akong Alcantara. Did you get it?"

"Ye—Yes Sir."

"Sige na po ipagkalat nyo na yung sinabi ko."

"Opo Sir."

At pag alis nung manang hinawakan ni Chase ang kamay ni Ricai na natulala nung nalamang inalis dun ang pamilya nya "wag ka ng mag alala ako ng bahala sa pamilya mo…"

Nag pumiglas naman si Ricai "bahala? tapos ano? kami na naman ang kawawa? Hindi ba ang usapan natin ikaw ang bahala sa pamilya ko kaya sumama ako sayo tapos kung hindi pa ako pumunta dito hindi ko malalaman na inalis nap ala sila nung kabet ng daddy mo?"

"Pe—Pero wala akong alam…"

"Oo ganyan ka parati ka nalang walang alam! Bakit porket ba mayaman kayo kaya nyo ng gawin ang gusto nyo? Tao rin kami nasasaktan at oras na malaman kong may ginawang masama ang lintek na step mom mo sa pamilya ko humanda kayo dahil ibubulgar ko ang baho ng pamilya niyo!"

Nag walked out si Ricai at iniwang nag iisa si Chase "Ricai!!!!" Ang pahabol pang sambit ni Chase pero hindi na sya nilingon pa ni Ricai.

Tinawagan naman nyang agad si Belj "oo, siguraduhin mong magagawa mo ang ipinag uutos ko!"

Habang naglalakad namang papalayo si Ricai nakasalubong nya si Ysmael na naka kotse kaya huminto ito sa tapat nya "Rica! Anong ginagawa mo dito gabi na."

"Ahh…may pinuntahan lang."

"Halika sumabay ka na."

"Um."

Sumakay nga si Ricai sa kotse nia Ysmael at nakita yon ni Chase habang nakasakay naman ito sa kanyang kotse.

"How dare he kidnap my girlfriend?! At bakit naman sumakay ng walang alinlangan si Ricai sa kotse ng lintek na yon? Hayyssss!!!!! Bwiset talaga!!!!" ang galit na galit na sambit ni Chase at sinundan nya yung kotse ni Ysmael kung saan nakasakay ang "girlfriend" nya raw na si Ricai.

"Ano? Pinaalis ni Eulla yung pamilya mo dun sa apartment? Pero bakit raw?" Ang tanong naman ni Ysmael habang sya ay nag dadrive.

"Hindi ko rin alam kung bakit pero oras lang na may ginawang masama yung Eulla na yon sa pamilya ko humanda sya sakin dahil hindi ko talaga titigilan ang mga eyelashes nyang peke!"

"Pfft…hahaha…ay sorry…"

"No its okay pero can you do me a favor?"

"Um…kahit ano basta ikaw."

"Ihatid mo ako sa mansion ng mga Alcantara."

"O—Okay then?"

"Tapos ako ng bahala sumosobra na sila!!!"

"Wait lang, bakit nga pala hindi mo kasama si Chase?"

"Wala na kong pakialam sa lintek na yon!"

"Hmm? Hindi ba at boyfriend mo sya? Nakita ko sa tv yung interview ng mga reporter sa kanya tapos ikaw ang sumagot…inaamin ko nasaktan ako…"

"Wag mong pansinin ang mga sinabi ko dun hindi totoo ang mga yon."

"Ha?"

"Mahirap explain pero kaming dalawa ni Chase para lang kaming mag katrabaho. Boss ko sya at slave nya ko."

"Boss?"

"Balang araw ikukwento ko rin sayo pero ngayon unahin na muna natin ang pagkausap sa lintek na Eulla na yon. Humanda talaga sya sakin!"

"Um…I support you."


CREATORS' THOUGHTS
lyniar lyniar

Like it ? Add to library! ^^

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login